You are on page 1of 4

Pangalan:_______________________________________ Iskor: _____________

Baitang at Seksyon:__________________________

I. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang babaeng inukit ni Pygmalion at nabuhay sa tulong ng isang diwata.


a. Galtea b. galatea c. Galatea d. Athea
2. Siya ang diwatang tumulong kay Pygmalion upang buhayin ang minamahal.
a. Cupid b. Hades c. Aphrodite d. Athena
3. Ang diwatang tumulong kay Pygmalion ay may ibang pangalan sa mitolohiyang Romano.
a. Medusa b. Zeus c. Hercules d. Venus
4. Anong tanda ang ibinigay ng diwata kay Pygmalion upang matupad ang hiling nito?
a. kambing b. manok c. apoy d. kampana
5. Anong pangalan sa panganay na anak ni Pygmalion?
a. Metharme b. Paphos c. Aphos d. Methame
6. Saan hango ang “Ang Parabula ng Sampung Dalaga”?
a. Mateo 25:1-13 b. Mateo 15: 1-25 c. Mateo 28: 1-13 d. Mateo 35: 1-15
7. Saang Asya napabilang ang bansang Israel?
a. Hilagang Asya b. Timog Asya c. Kanlurang Asya d. Silangang Asya
8. Sino ang tinutukoy o sinasaad na binata sa “Ang Parabula ng Sampung Dalaga”?
a. Pablo b. Zechariah c. Jesus d. Pilato
9. Ilang dalaga ang itinakdang maghintay sa lalaking ikakasal?
a. 8 b. 9 c. 10 d. 5
10. Ito ay isang uri ng pakikipagtalastasan na kung saan ito’y isinasagawa nang harapan(face to face), sa
telepono, sa pamamagitan ng teknolohiya tulad ng Facetime, Skype, pwede rin sa radyo at telebisyon.
a. berbal b. pasulat c. di berbal d. teknolohiya
11. Ibigay ang buong pangalan sa sumulat ng sanaysay na “Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya”.
a. Rebecca De Jesus b. Rebecca De La Paz c. Rebecca De Vera d. Rebecca De Dios
12. Ito ay isang hindi pa natatapos na UNESCO World Heritage Site sa Espanya na sinimulang gawin noon
pang 1883.
a. Basilica de la Sagrada Familia b. Casa Vicens c. Guell Pavilions d. Palaceo Real
13. Ano ang tawag sa hapunan ng mga taga Espanya?
a. La Hapunan b. La comida c. La Cena d. El Desayuno
14. Anong koponan ng soccer ang pinakasikat doon sa Espanya?
a. Real Madrid b. Soccer Team c. La Espanya d. El Paseo
15. Ito’y isang ideya na napapaloob sa isang pangungusap na kung saan ito’y sumasagot sa tanongna “
Tungkol saan ang talata?”
a. paksang pangungusap b. paksang pinag-uusapan c. pantulong na ideya d. wala sa tatlo
16. Isa siyang makata na taga Slovenia na mas lalong kilala dahil sa kanyang epikong “Krst pri Savici”.
a. Francis Preseren b. Frank Preseren c. France Preseren d. Fatima Preseren
17. Anong salin sa wikang Filipino ang epikong “Krst pri Savici”?
a. Ang Ilog Savici b. Ang Epikong Savici c. Ang paring taga Savici d. Ang Pagbibinyag sa Savici
18. Sino ang pangunahing tauhan sa epikong “Krst pri Savici”?
a. Valjhun b. Crtomir c. Bogomila d. Ciba
19. Anong pangalan sa nakalaban ng pangunahing tauhan sa “Krst pri Savici”?
a. Valjhun b. Crtomir c. Bogomila d. Ciba
20. Sa huling estorya ng epikong “Krst pri Savici”, anong nangyari sa pangunahing tauhan?
a. naging inutil b. naging paring martyr c. nagpakamatay c. naging paring Kristiyano
21. Ito’y isang tulang pumapaksa sa pagpapahayag ng malungkot na damdaming kaugnay ng kamatayan
o pagyao.
a. Awit b. Oda c. Elehiya d. Pastoral
22. Ito’y tumatalakay sa paksang katawa-tawa at may mga tauhang nakalilibang.
a. komedya b. monologo c. parsa d. moro-moro
23.Isang pagtatalong patula tungkol sa isang paksa. May lakandiwang namamagitan sa pagtatalong ito.
a. fliptop b. karagatan c. balagtasan d. duplo
24. Ito ay tumutukoy sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig.
a. tono/intonasyon b. hinto/antala c. diin at haba d. maragsa
25. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagsigla, makapagpapahayag ng
ibat-ibang damdamin, makapagbibigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
a. tono/intonasyon b. hinto/antala c. diin at haba d. maragsa
26. Ito’y tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag.
a. tono/intonasyon b. hinto/antala c. diin at haba d. maragsa
27 Ito ay binibigkas ng tuloy-tuloy at ang diin ay nasa huling pantig ngunit walang impit sa dulo.
a. malumi b. malumay c. mabilis d. maragsa
28. Ito ay binibigkas ng tuloy-tuloy na ang huling pantig ng salita ay may impit sadulo.
a. malumi b. malumay c. mabilis d. maragsa
29. Saan nais magpunta ng binatang pangunahing tauhan ng kwentong “Ang Puting Tigre”nang
magpaalam siya sa kanyang ina?
a. kabundukan ng Kundang b. kabundukan ng Kumgang c. kabundukan ng Kamgang d. wala sa tatlo
30.Sino ang tagapayo ng binata na husayan pa niya ang pag-iinsayo sapagkat hindi basta-bastang
matatalo ang puting tigre?
a. matandang babae b. matandang lalaki c. ina d. ama
31.Ano ang ibig sabihin ng ABC sa kwentong “Ako si Jia Li, Isang ABC”.
a. American Born Chinese b. American Burn Chinese c. American Born in China d. wala sa tatlo
39.Ano sa salitang Filipino ang salitang“ Waipo”
a. mama b. lola c. papa d. lolo
32. Ito ay isang anyong panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa
mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.
a. sanaysay b. salaysay c. tula d. maikling kwento
33. Ito’y isang uri ng tulang liriko na ang paksa ay nauukol sa matimyas na pagmamahal,
pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig.
a. awit b. pastoral c. oda d. soneto
34. Ang tunay na layunin nito ay ang maglarawan sa tunay na buhay ng bukid.
a. awit b. pastoral c . oda d. soneto
35. Ito’y isang uri ng tulang lirikong may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal.
a. awit b. pastoral c. oda d. soneto
36. Ito’y isang maikling awit na pumupuri sa Diyos.
a. elehiya b. dalit c. soneto d. oda
37. Ito’y isang tulang nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o
sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.
a. elehiya b. dalit c. soneto d. oda
38. Isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao.
a. elehiya b. dalit c. soneto d. oda
39. Ang tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.
a. Tulang Liriko b. Tulang Pasalaysay c. Tulang patnigan d. Tulang dula
40. Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan.
a. Tulang Liriko b. Tulang Pasalaysay c. Tulang patnigan d. Tulang dula
41. Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula.
a. Tulang Liriko b. Tulang Pasalaysay c. Tulang patnigan d. Tulang dula
42. Sa uring ito ng tula ay itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagbubulay-bulay.
a. Tulang Liriko b. Tulang Pasalaysay c. Tulang patnigan d. Tulang dula
43. Tinatawag din itong tulabunyi.
a.epiko b. metrical romance c. metrical tale d. ballad
44. Tinatawag din itong tulasinta.
a.epiko b. metrical romance c. metrical tale d. ballad
45. Tinatawag din itong tulakanta.
a.epiko b. metrical romance c. metrical tale d. ballad
46. Ito’y isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao’y nakilala ito bilang isang tulang
kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang paraang payak at
tapatan.
a.epiko b. metrical romance c. metrical tale d. ballad
47. Tinatawag din itong tulang dulang mag-isang salaysay.
a. dramatic monologue b. dramatic comedy c. melodrama in poetry d. farce in poetry
48. Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawa-tawa.
a. dramatic monologue b. dramatic comedy c. melodrama in poetry d. farce in poetry
49. Ito ay isang anyo ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at
nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao.
a. dramatic monologue b. dramatic comedy c. melodrama in poetry d. farce in poetry

50. Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay lubhang katuwa-tuwa.
a. dramatic monologue b. dramatic comedy c. melodrama in poetry d. farce in poetry
51. Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas
na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana.
a. tulang dulang liriko-dramatiko b. tulang dulang kalunos-lunos
c. tulang dulang katawa-tawang-kalunoslunos d. tulang dulang madamdamin
52. Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan , kilos, at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng
mga salita ng taong kinauukulan.
a. tulang dulang liriko-dramatiko b. tulang dulang kalunos-lunos
c. tulang dulang katawa-tawang-kalunoslunos d. tulang dulang madamdamin
53. Ito ay naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos.
a. tulang dulang liriko-dramatiko b. tulang dulang kalunos-lunos
c. tulang dulang katawa-tawang-kalunoslunos d. tulang dulang madamdamin
54. Uri ng tulang patnigan na pumapatungkol sa isang alamat na nauukol sa singsing ng dalaga na di
umanoy nahulog sa gitna ng karagatan.
a. karagatan b. duplo c. balagtasan d. batutian
55. Pinasisimulan ang paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal ng isang “Ama Namin, isang “Aba
Ginoong Maria”, at isang Rekyemeternum para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.
a. karagatan b. duplo c. balagtasan d. batutian
56. Ito’y isang pormal na pakikipagtalo na may lakandiwang namagitan.
a. karagatan b. duplo c. balagtasan d. batutian
57. Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan
ng katawa-tawa ngunit malatoong mga kayabangan, panunudyo o palaisipan.
a. karagatan b. duplo c. balagtasan d. batutian
58. Ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula
a. sukat b. saknong c. tugma d.larawang-diwa
59. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
a. sukat b. saknong c. tugma d.larawang-diwa
60. Ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula.
a. sukat b. saknong c. tugma d.larawang-diwa
61. Isang pakikipagtalong may estraktura.
a. batutian b. balagtasan c. fliptop d. debate
62. Ito ang tawag sa isang panig ng debate na sumasang-ayon sa napapanahong paksa.
a. proposisyon b. oposisyon c. moderator d. timekeeper
63. Ito ang tawag sa isang panig ng debate na sumasalungat sa napapanahong paksa.
a. proposisyon b. oposisyon c. moderator d. timekeeper
64. Ito ang nagsisilbing tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate.
a. proposisyon b. oposisyon c. moderator d. timekeeper
65. Ito’y isang uri ng debate na kung saan ibinibigay ang paksa sa loob lamang ng 15 minuto bago
magsimula ang debate.
a. turncoat debate b. impromptu debate c. Oxford d. Cambridge

II. Pagtapat-tapatin. (20 puntos lahat)

Panuto: Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng mga taong nakatala sa Kolum
A. Isulat ang titik ng angkop na sagot sa patlang sa tapat ng Kolum A.

Kolum A Kolum B
______1. Pele A. Ang diyosa ng makalumang kalupaan.
______2. Namaka B. Ang diyos ng kalangitan.
______3.Hi’iaka C. Ang kasintahan ni Pele na tinulungan ni Hi’iaka.
______4. Lohi’au D. Ang mapanibughong diyosa ng apoy at bulkan.
______5. Ohi’a E. Ang babaeng pinakamamahal at di kayang palitan sa puso ni
Ohi’a
______6. Lehua F. Ang diyosa ng hula at ng mga mananayaw.
______7. Hopoe G. Ang diyosa ng tubig.
______8. Haumea H. Ang lalaking tumanggi kay Pele dahil sa mahal nito ang
asawa.
______9.Kane Milohai I. Ang panganay na kapatid nina Pele at Namaka.
______10. Kane-milo J. Ang matalik na kaibigan ni Hi’iaka.
______11. Macbeth K. Isa ring heneral at matalik na kaibigan ni Macbeth; sa bandang huli
ipinapatay rin ni Macbeth.
______12. Lady Macbeth L. Isang kabalyerong pinagkakatiwalaan ng hari na nakadiskubre sa
bangkay at nagsuspetsa sa totoong pagkamatay nito.
______13. Banquo M. Siya ang Thane ng Glamis, Thane ng Cawdor, at ang naging bagong
hari sa kaharian ng Scotland.
______14.Macduff N. Isang babaeng nagtukso kay Macbeth na patayin si Haring Duncan
para mailuklok ang mga sarili sa kaharian ng Scotland.
______15. Malcolm O. Ang mga diyosa na nanibugho nina Pele at Hi’iaka.
______16.Nathaniel Hawthorne P. Mga taong lumalaban sa digmaan para ipagtanggol ang bayan.
______17. Apat na diyosa ng Q. Anak ni Haring Duncan at ang tagapagmana ng kaharian.
Niyebe
______18. Kate Chopin R. Isang Amerikanong nobelista na sumulat tulang “ Ang Aking Aba at
Hamak na Tahanan”.
______19. Ginang Millard S. Isang manunulat na sumulat sa kwentong “ Ang Kwento ng Isang
Oras”.
______20. Sundalo T. Asawa ni Brently na maysakit sa puso.

III. Pag-unawa. (2puntos bawat numero)

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang isinasaad ng bawat pahayag ay tama at lagyan ng
ekis ( X ) kung mali.

___ 1. Nagdudulot ng kawalang-kapayapaan sa pamilya ang pag-aaway o hindi pagkakasundo ng


magkakapatid.
___ 2. Ang labis na pagseselos kahit walang sapat na dahilan ay maaaring magdala ng maling desisyon.
___ 3. Mas maiging dominahan o ituring na pag-aari ang isang nilalang batay sa isinasaad sa kwentong
“Ang Kwento ng Isang Oras”.
___ 4. Ang babae ay mahina kaysa sa lalaki, kaya’t ang mga kababaihan ang siyang madalas na
nabibiktima ng diskriminasyon at pang-aabuso .
___ 5. Digmaan ang nagging sanhi ng kamatayan ng tauhan sa tulang “Ang Aking Aba at HAmak na
Tahanan”.

IV. Panuto: Tukuyin ang uri, aspekto, at pokus ng pandiwa. (10 puntos)

1. Hinukay nila ang lupa.

Pandiwa Uri Aspekto Pokus

2. Ipinangguhit ni Kim ang lapis sa kanyang graphic paper.


Pandiwa Uri Aspekto Pokus

3. Ipinagmaneho ni Solomon ng sasakyan ang kanyang asawa patungo sa paaralan.


Pandiwa Uri Aspekto Pokus

4. Ikinagalak ng mga SSJBian ang pagkapanalo nila sa patimpalak.


Pandiwa Uri Aspekto Pokus

5. Ang mga estudyante ay nag-aaral para sa kanilang eksam.


Pandiwa Uri Aspekto Pokus

You might also like