You are on page 1of 3

ANG AMO AT ANG TATLONG ALIPIN

NARRATOR: Noong nabubuhay si Jesus sa lupa, marami Siyang itinuro gamit ang mga
talinghaga. Ang talinghaga ay isang maikling kwentong nagtuturo ng motal o espiritwal na
lesson. Ito ay isang talinghagang minsang itinuri ni Jesus tungkol sa kung paano tayo magiging
mabuting mga katiwala.
AMO: Halikayo. Aalis ako at maglalakbay. At habang wala ako, ipagkakatiwala ko muna sa
inyo ang mga salaping gintong ito.
ALIPIN 1: Opo, Sir.
AMO: Para sa iyo, iiwan ko naman ang dalawanlibong salaping ginto. Palaguin moa ng mga
yan
ALIPIN 2: Opo, Sir.
AMO: At iiwan ko sa iyo ang sanlibong salaping ginto. Palaguin mo ito.
ALIPIN 3: Opo, Sir.
ALIPIN 1 & 2: [Magbebenta ng gulay si Alipin 1 habang nagbebenta ng isda si Alipin 2]
ALIPIN 3: [Luluhod si Alipin 3 at ibabaon ang kanyang salaping ginto]
NARRATOR: Napakahaba ng paglalagbay ng amo. Nang bumalik ito hinananap niya ang mga
alipin at napatanong kung paano nila pinalago ang mga salaping gintong iniwan niya. Hiniling
niya na sana ay makakolekta siya sa kanila.
ALIPIN 1: Sir, nandito na po pala kayo! Narito po ang kinita ko mula sa limanlibong salaping
ginto na ibinigay nyo sa akin--kumita ako ng limanlibo pang salaping ginto!
ALIPIN 2: Narito ang sa akin, Sir. Ipinuhunan ko ang mga ito at kumita po ako ng dalawanlipo
pang salaping ginto.
AMO: Magaling! Tapat at mabubuti kong lingkod! Dahil diyan, gagawin ko kayong katiwala
ng mas malaking halaga.
ALIPIN 3: Sir, alam ko pong mahigpit kayo. Natakot ako sainyo kaya ibinaon ko sa lupa ang
inyong ginto. Heto na po ang inyong salapi.
AMO: Tamad! Alam mong mahigpit ako, ngunit wala kang ginawa. Bakit hindi mo na lamang
inilagaysa banko ang aking salapi? Sana kumita pa ito kahit maliit. Dahil sa iyong katamaran,
papalayasin kita sa aking teritoryo.
NARRATOR: At pinalayas nga ng amo ang tamad na alipin. Sa talinhagang ito, natutunan ng
mga VOYAGER na laha ng mayroon ay bibigyan pa ng marami, at magkakaroon ng sagana. At
sinuman ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.
PINAGALING NI JESUS ANG LALAKING
SINAPIAN NG MASASAMANG ESPIRITU
NARRATOR 1: Tinawid ni Jesus at ng kanyang desipulo ang lawa ng Galik patungo sa lupain
ng mga Gerasano. Pagkababa ni Jesus sa bangka, sinalubong siya ng lalaking sinapian ng
masamang Espiritu.
NARRATOR 2: Nang makita niya si Jesus patakbo siyang lumapit at lumuhod sa kanyang
harapan at sinabing…
LALAKI: Ano pakay mo saakin Jesus, Anak ng kataas-taasang Diyos? Sa ngalan ng Diyos,
huwag mo kong pahirapan.
JESUS: Masamang Espiritu lumabas ka sa taong ito. Ano ang pangalan mo?
LALAKI: Batalyon! Dahil marami kami rito!
NARRATOR 1: Maraming masasamang Espiritu ang pumasok sa kanya. Kaya…
LALAKI: Papasukin mo na lamang kami sa mga baboy.
NARRATOR 2: Pumayag si Jesus at lumipat ang masamang Espiritu sa mga baboy. Ang kawan
ng dalawang libong baboy at tumakbo at nagpatihulog sa matarik na bangin. Nalunod silang
lahat. Ibinalita ito at nagsilabasan ang mga tao.
NARRATOR 1: Nakita nila si Jesus kasama ang lalaki na bumalik sa katinuan. Ngunit natakot
ang mga tao kaya hiniling nilang umalis si Jesus sa kanilang lugar. Nang pasakay si Jesus…
LALAKI: Pwede po ba akong sumama sainyo?
JESUS: Umuwi ka sa sarili mong bayan at ikwento sa kanila ang lahat ng ginawa ng panginoon
para sa iyo.
NARRATOR 2: Sinunod ng lalaki si Jesus at nilibot niya ang Decapolis upang ipamalita ang
ginawa sa kanya ni Cristo.
NARINIG NG DIYOS AND DAING NG
KANYANG BAYAN
NARRATOR 1: Ang mga Israelita ay mga alipin noon ng Ehipto. Sinabi ng Panginoon kay
Moises na akayin sila palabras ng Ehipto. Nagpunta sila sa Dagat na Pula.
NARRATOR 2: Nang umalis ang mga Israelita, nagalit ang Faraon.
FARAON: Kailangan natin silang hanapin at ibalik!
NARRATOR 1: Nakita ng mga Israelita na paparating ang Faraon. Natakot sila.
MGA ISRAELITA: Dapat ay nanatili tayo sa Ehipto. Ngayo’y baka mamatay tayo!
MOISES: Huwag kayong matakot! Lalaban ang Panginoon para sa inyo.
NARRATOR 2: Sinabi ng Panginoon kay Moises na hawiin ang dagat. Nang itaas ni Moises
ang kanyang kamay sa ibabaw ng dagat tulad ng iniutos ng Diyos, nagpalitaw ang Diyos ng
tuyong daang malalakaran nila.
NARRATOR 1: Ngayo’y makakalakad na ang mga Israelita sa tuyong lupa! Sinundan sila ng
Faraon at ng kanyang mga tauhan. Sinabi ng Panginoon kay Moises na utusan and dagat na
tabunan sila.
NARRATOR 2: Naprotektahan ng Panginoon ang mga Israelita! Patuloy Niya silang
pinrotektahan sa kanilang paglalakbay.

You might also like