You are on page 1of 2

Pangalan:

Baitang at Seksyon:

Panuto: Suriin ang akda na pinamagatang “Elehiya Para Kay Ram” ni Pat
V. Villafuerte at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot bago ang bilang.

Elehiya Para Kay Ram


Ni Pat V. Villafuerte
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ika’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango, at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.

_____ 1. Ano ang tema ng akdang nabasa?


A. realidad ng buhay na kinagisnan
B. buhay ng isang batang lansangan
C. pagharap sa mga pagsubok sa buhay
D. lahat ng nabanggit

_____ 2. Sino ang pangunahing tauhan sa akda?


A. isang ama
B. isang bata
C. isang ina
D. wala sa nabanggit

_____ 3. Saan ang tagpuan ng akdang nabasa?


A. lansangan
B. tindahan
C. bahay
D. burol

_____4. Anong uri ng wikang ginamit ng may-akda sa tula?


A. impormal
B. pormal
C. kolokyal
D. lalawiganin

_____5. Ano - ano ang damdaming namayani sa tula?


A. pagsisisi at kabiguan
B. pag-aalala at kalungkutan
C. paninibugho at kasiyahan
D. wala sa nabanggit

You might also like