Professional Documents
Culture Documents
Fil 11 Tala 1.3
Fil 11 Tala 1.3
Halimbawa ng Talumpati
(Hango mula sa TALUMPATI NG KGG. BENIGNO S. AQUINO III - PANGULO NG PILIPINAS SA
PAGDIRIWANG NG IKA-150 ANIBERSARO NG KAPANGANAKAN NI DR. JOSE RIZAL)
(Ito ay inihayag sa Calamba Laguna noong ika-19 ng Hunyo 20110
Malinaw po: Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang prediksyon sa kaniyang kadakilaan; walang
nakapagsabing ang anak ng mag-asawang Mercado ay magiging pambansang bayani ng lahing Pilipino. Isa’t
kalahating siglo ang nakalipas, ginugunita pa rin natin ang kanyang kapanganakan, at tinitingala ang kanyang
kadakilaan. Kinikilala natin si Jose Rizal dahil sa harap ng mga sangandaan ng ating masalimuot na kasaysayan,
may isang Pilipinong muli’t muli ay piniling gawin ang tama—ang unahin ang kapakanan ng kaniyang kapwa,
ang itaguyod ang pagkakaisa para sa kalayaan ng atin pong bansa—kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili
niyang buhay. Matagal na pong nakahanay si Rizal sa iba pang mga dakila ng kasaysayan. Ngunit sinabi po niya,
sa bibig ng tauhang si Elias sa kanyang Noli Me Tangere: “Mamamatay akong di man nakita ang maningning na
pagbubukangliwayway sa aking inang bayan! Kayong makakikita, batiin ninyo siya—at huwag kakalimutan ang
mga nalugmok sa dilim ng gabi!” Wala po akong dudang binabatina natin ang bukangliwayway ngayon, nang hindi
nakakalimot sa mga nalugmok sa dilim, at sumusumpa: Sa bawat pagsubok, kapakanan ng Pilipino ang isasapuso namin;
sa bawat sangandaan, tuwid na landas ang aming tatahakin.
GAWAIN 1A (PAGLALAPAT)
Maghanap sa internet ng mga online journal. Pumili lamang ng LIMANG akademikong sulatin
batay sa iyong interest. Maliban sa Bionote at Talumpati. Punan ang gabay na talahanayan ng iyong
nasaliksik.