You are on page 1of 4

FILIPINO SA PILING LARANGAN

SUMMATIVE TEST 1 REVIEWER

ARALIN 1: AKADEMIKONG PAGSULAT 4. PANGANGATWIRAN (ARGUMENTATIV)


– May layuning manghikayat at
AKADEMIKONG PAGSULAT magpapaniwala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga rason at ebidensya.
 Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang
akademikong pagsulat ay isang uri ng
ARALIN 2: IBA’T IBANG AKADEMIKONG SULATIN
pagsulat na ginagawa ng mga iskolar para
sa mga iskolar. AYON SA LAYUNIN, GAMIT, KATANGIAN, AT ANYO
 Ito ay isang masinop at sistematikong
pagsulat ukol sa isang karanasang 1. MGA SULATING NANGANGATWIRAN AT
panlipunan na maaaring maging batayan ng NAGLALAHAD
marami pang pag-aaral na magagamit sa  Bionote
ikatataguyod ng lipunan.  Abstrak
 Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat,  Katitikan ng Pulong
ang akademikong pagsulat ay  Panukalang Proyekto
nangangailangan ng mas mahigpit na  Talumpati
tuntunin sa pagbuo ng sulatin.  Posisyong Papel

KATANGIAN 2. MGA SULATING NAGSASALAYSAY AT


NAGLALARAWAN
 Pormal  Pictorial Essay
 Piling-piling paggamit ng pananalita  Replektibong Sanaysay
 Pagiging obhetibo  Lakbay Sanaysay
 May paninindigan
 May pananagutan
1. MGA SULATING NANGANGATWIRAN AT
 May kalinawan NAGLALAHAD
LAYUNIN BIONOTE
 Pataasin ang antas ng kaalaman ng mga  Layunin: Magbigay ng impormasyon
target na mambabasa  Naglalahad ito ng mga kwalipikasyon ng
 Manghikayat isang indibidwal at ng kaniyang kredibilidad
 Mag-analisa bilang propesyonal.
 Magbigay ng impormasyon  Isang talata lamang
 Nasusulat ito gamit ang ikatlong panauhan.
 Nagsisilbing personal profile ng isang tao.
MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG IDEYA
SA AKADEMIKONG PAGSULAT

1. PAGLALAHAD (EKSPOSITORI) – ABSTRAK


Nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil
sa proseso, isyu, konsepto, o anumang  Buod ng papel-pananaliksik na naglalaman
paksa na nararapat na alisan ng pag- ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta
aalinlangan. at konklusyon ng pag-aaral.
2. PAGLALARAWAN (DESKRIPTIV) –  Layunin: Paikliin ang isang buong papel
Bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan pananaliksik upang mabigyan ng
ng paglalantad ng mga katangian nito. pangkalahatang ideya ang mambabasa
3. PAGSASALAYSAY (NARATIV) – patungkol sa nilalaman nito.
Nagkukwento ng mga magkakaugnay na
pangyayari.
 200-300 na salita 6. Iskedyul Ng Susunod Na Pulong -
 Simpleng pangungusap ang ginagamit sa itinatala sa bahaging ito kung kalian
pagsulat. at saan gaganapin ang susunod na
pulong.
7. Pagtatapos - inilalagay sa bahaging
ito kung anong oras nagwakas ang
KATITIKAN NG PULONG pulong.
 “Minutes of the Meeting” sa Wikang Ingles 8. Lagda - mahalagang ilagay sa
 Mahalaga ang rekord na ito bilang batayan bahaging ito ang pangalan ng taong
o referens sa susunod na pagpupulong. kumuha ng katitikan ng pulong at
 Nabubuo kapag isinusulat ng kalihim ang kung kailan ito isinumite.
mga nagaganap sa isang pulong.
 Kalimitang isinasagawa nang pormal,
obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay PANUKALANG PROYEKTO
ng lahat ng mahahalagang detalyeng
tinalakay sa pulong.  Ang panukalang proyekto ayon kay Dr. Phil
 Mga bahagi: Bartle ng The Community Empowerment
1. Heading - naglalaman ng pangalan Collective, ay isang proposal na
ng kompanya, samahan, naglalayong ilatag ang mga plano o
organisasyon, o kagawaran. adhikain para sa isang komunidad o
Makikita rin dito ang petsa, ang samahan.
lokasyon, at maging ang oras ng  Ayon kay Besim Nebiu, ang panukalang
pagsisimula ng pulong. proyekto ay isang detalyadong deskripsyon
2. Mga Kalahok o Dumalo - dito ng mga inihahaing gawaing naglalayong
nakalagay kung sino ang nanguna lumutas ng isang problema o suliranin.
sa pagpapadaloy ng pulong  Tatlong Bahagi: Panimula, Katawan at
gayundin ang pangalan ng lahat ng Konklusyon
mga dumalo kasama ang mga  Naglalaman ng mga sumusunod: pamagat,
panauhin. Maging ang pangalan ng proponent ng proyekto, kategorya ng
mga liban o hindi nakadalo ay proyekto, petsa, rasyonal, deskripsyon ng
nakatala rin. proyekto, badyet na kakailanganin, at ang
3. Pagbasa at Pagpapatibay Ng pakinabang ng proyekto.
Nagdaang Katitikan Ng Pulong -  Ang paggawa nito ay nangangailangan ng
dito makikita kung ang nakalipas na kaalaman, kasanayan at maging sapat na
katitikan ng pulong ay napagtibay o pagsasanay.
may mga pagbabagong isinagawa  Layunin: Makatulong at makalikha ng
sa mga ito. positibong pagbabago sa isang komunidad
4. Action Items o Usaping o samahan.
Napagkasunduan - Kasama sa
bahaging ito ang mga hindi pa
natapos o nagawang proyektong TALUMPATI
bahagi ng nagdaang pulong. Dito  Binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
makikita ang mahahalagang tala  Layunin: Manghikayat, tumugon,
hinggil sa mga paksang tinalakay. mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
Inilalagay rin sa bahaging ito kung kabatiran at maglahad ng isang paniniwala.
sino ang taong nanguna sa  Dalawang uri: Talumpating may
pagtalakay ng isyu at maging ang paghahanda at Talumpating walang
desisyong nabuo ukol dito. paghahanda (impromptu)
5. Pabalita o Patalastas - hindi ito
laging makikita sa katitikan ng
pulong ngunit kung mayroon mang POSISYONG PAPEL
pabalita o patalastas mula sa mga
dumalo tulad halimbawa ng mga  Layunin: Manghikayat sa pamamagitan ng
suhestiyong adyenda para sa pangangatwiran.
susunod na pulong ay maaaring  Naglalahad ng mga katwiran ukol sa panig
ilagay sa bahaging ito. sa isang isyu.
 Naglalaman ito ng malinaw na tindig sa  Personal at impormal
isyu, mga argumento at pinapatibay ito ng  Layunin: Makapagbigay ng malalim na
malalakas na ebidensiya. insight at kakaibang anggulo tungkol sa
 Kinakailangan dito ang komprehensibong isang destinasyon.
pananaliksik.
Sa aklat nina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005)
na “A Guide to Proposal Planning and Writing”,
2. MGA SULATING NAGSASALAYSAY AT sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay
NAGLALARAWAN kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang
bahagi at ito ay ang sumusunod:
PICTORIAL ESSAY
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyeto
 Ginagamitan ng may-akda ng mga litrato na - Bago simulan ang pagsulat ng isang panukalang
nagbibigay-kulay at kahulugan kaalinsabay proyekto ay kailangan munang tiyakin ang
ng teksto sa paglalahad o pagbibigay- pangangailangan o ang suliranin ng pag-uukulan
diskusyon sa isang isyu o paksa. ng proyekto. Sa pamamagitan ng pagmamasid o
 Nakasentro lamang sa iisang tema. obserbasyon maraming suliranin ang maaaring
 Layunin: Magsalaysay at maglarawan ng makita sa paaralan, pamayanan o kompanya.
pangyayari gamit ang mga litrato.
 Ang mga larawan ang nagsisilbing b. Pagsulat ng Panukalang Proyekto – Sa
pangunahing tagapagkuwento samantalang pagsulat naman ng katawang bahagi ng
ang teksto ay pansuporta lamang. panukalang proyekto ay binubuo ito ng tatlong
 Ang mga larawan ay nakaayos sa paraang bahagi:
kronolohikal.
 Ginagamit ang pictorial essay upang 1. Layunin
ipahayag ang mga pangyayari, damdamin, - Makikita ang mga bagay na gustong
at mga konsepto sa pinakapayak na makamit o ang pinakaadhikain ng
paraan. panukala.
- Ang layunin ay kailangang maging
S.I.M.P.L.E.
REPLEKTIBONG SANAYSAY  Specific - mga bagay na nais
makamit o mangyare sa
 Nagsasalaysay ito ng mga personal na
panukalang proyekto.
karanasan at sinusuri ang naging epekto ng
 Immediate - tiyak na petsa kung
mga karanasang iyon sa manunulat.
kalian ito matatapos.
 Layunin: Maibahagi sa iba ang naging
karanasan at makapagbigay ng inspirasyon  Measurable - basehan o
sa mambabasa. patunay na naisakatuparan ang
 Maaaring lamanin nito ang kalakasan ng nasabing proyekto.
manunulat at maging ang kanyang  Practical - solusyon sa binanggit
kahinaan. na suliranin.
 Taglay rin nito ang mga katangian ng lakbay  Logical - paraan kung paano
sanaysay, maliban sa pagkakaroon ng makakamit ang proyekto.
malinaw na pagsusuri sa mga karanasan sa  Evaluable - kung paano
buhay. makatutulong ang proyekto.
 Personal, mapanuri o kritikal na sanaysay.
2. Plano ng Dapat Gawin
- Mahalagang maiplano itong mabuti ayon
LAKBAY SANAYSAY sa tamang pagkakasuno-sunod ng
pagsasagawa nito kasama ang mga
 “Travel Essay” o “Travelogue” sa Wikang taong kakailanganin sa
Ingles pagsasakatuparan ng gawain
 Nagsasalaysay at naglalarawan ng mga
karanasan ng may-akda sa pinuntahang 3. Badyet - Talaan ng mga gastusin na
lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
maging ang kanyang mga naisip at layunin.
napagtantong ideya.
c. Paglalahad ng Benipisyo ng Proyekto at
Makikinabang Nito – Nakasaad dito kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito
makatutulong sa kanila.

Para mas maging payak ang balangkas ng


panukalang proyekto maaaring gamitin ang
mga sumusunod:

➢ Pamagat ng Panukalang Proyekto – hinango


mismo sa inilahad na pangangangailangan.

➢ Nagpadala – naglalaman ng tirahan ng sumulat


ng panukalang proyekto.

➢ Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang


panukalang papel. Isinasama dito ang tinatayang
panahon kung gaano katagal gagawin ang
proyekto.

➢ Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad


ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o
maibigay ang pangangailangan.

➢ Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o


kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang
panukala.

➢ Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang


talaan ng pagkakasunodsunod ng mga gawaing
isasagawa para maisakatuparan ang proyekto.

➢ Badyet – kalkulasyon ng mga guguling


gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.

➢ Paano Mapapakinabangan ng
Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto
– nagsisilbing konklusyon na kung saan nakasaad
ang mga taong makikinabang ng proyekto.

You might also like