You are on page 1of 1

Kulturang Hapon

- Itinuturo pa rin sa mga Hapones ang pagsusuot ng tradisyunal na damit na Kimono at


Obi,ang detalyadong ritwal ng Seremonya Sa Tsaa at Pag-aayos Ng Bulaklak o
Ikebana.Dinudumog pa rin ng milyong Hapones ang mga Dambanang Shinto at Templong
Budhhist. Sana nakatulong 'to sa inyo.

Ang Hapon o Hapón; tinatawag na 日本国 Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon)
ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya. . Isa sa mga pinakamayamang bansa ang
Hapon sa mundo na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kapital
nitong Tōkyō ay ang pinakamalaking kalungsuran sa buong mundo.

- Ang mga tradisyonal na sining Hapones ay kinabibilangan ng mga kasanayang seramiko, textile,
lacquerware, mga espada at mga manika; mga pagganaap ng bunraku, kabuki, noh, pagsasayaw
at rakugo; gayundin ang seremonya ng tsaa, ikebana, martial arts,
kaligrapiya, origami, onsen, Geisha at mga laro.

- Ang pinakamaagang mga akda ng panitikang Hapones ay kinabibilangan ng mga


kronikang Kojiki at Nihon Shoiki at antolohiyang tulang Man'yōshū na mula ika-8 siglo at isinulat sa
karakter na Tsino. Sa maagang panahong Heian, ang mga sistema ng ponograma na kilala bilang
kana (Hiragana at Katakana) ay binuo. Ang Kuwento ng Tagaputol ng Kawayan ay itinuturing na
pinakamatandang salaysay na Hapones. Ang salaysay ng buhay sa korte na Heian ay ibinigay

sa Makura no Sōshi ni Sei Shōnagonsamantalang ang Ang Kuwento ni Genji ni Murasaki


Shikibu ay kadalasang inilalarawan bilang ang kauna unahang nobel sa mundo. Noong panahong
Edo, ang chōnin o mga taong bayan ang naging mga manunulat at mambabasa sa halip na ang
aristokrasyong samurai. Ang kasikatan ng mga akda ni Saikaku halimbawa ay naghahayag ng
pagbabago sa mambabasa at manunulat samantalang muling binuhay ni Bashō ang tradisyong
tula ng Kokinshū sa kanyang haikai (haiku). Ang panahong Meiji ay nakakita ng pagbagsak ng
mga anyong panitikang tradisyonal. Sina Natsume Sōseki at Mori Ōgai ang mga unang
modernong nobelista ng Hapon na sinundan nina Ryūnosuke Akutagawa, Jun'ichirō
Tanizaki, Yukio Mishima at Haruki Murakami. Ang mga manunulat na sina Yasunari

Kawabata at Kenzaburō Ōe ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1968 at


1994.

You might also like