You are on page 1of 1

A.P.

(3rd Monthly)

Mga Pangkat-etniko at Kanilang kontribusyon sa kultura.

Pangkat-Etniko – grupo ng tao na may pagkakahawig o pagkakatulad sa kultura, tradisyon,


paniniwala at wika.

182 – bilang ng pangkat-etniko sa bansa.

1. Tagalog – pinakamalaking bilang ng pangkat-etniko sa bansa.


- May 28% na populasyon sa bansa.
- Pinakamalaking ambag nila ay ang pagiging halaw ng wikang Filipino sa wikang Tagalog.
2. Cebuano – kilala sa pagiging malikhain, mahinahon at malumanay
- Bumubuo ng 13% ng populasyon sa Pilipinas.
- Kilala sila sa pagluluto ng lechon at mga pista tulad ng Sinulog Festival.
3. Bicolano – matatagouan sa rehiyon V.
- Kilala sila na mahilig sa mga ginataang pagkain na may halong sili.
- Relihiyoso
4. Ilokano – marami sa kanila ay matatagpuan sa Ilocos at Cagayan.
- Kilala sila sa pagiging madiskarte at matipid.
- Ilan sa kanilang natatanging kultura ang pagtatahi ng putting tela sa noo bilang
pagrespeto sa namatay at ang pagdadala ng asin ng buntis tuwing lumalabas upang
maitaboy ang masasamang Espiritu.
- Kilala sila sa produktong empanada at ang makasysayang lungsod ng Vigan.
5. Waray – matatagpuan sa Samar Leyte.
- Kilala sa sayaw na “Curacha” at awitin na “Dandansoy”. Sinasayaw n=ang Curacha tuwing
kasalan at bago mag-asawa ay sinasabitan ng pera habang sumasayaw.
6. Pangasinense – naninirahan sa probinsiya ng Pangasinan.
- Kilala sa produktong bangus at bagoong.
- Kilala sa habing mga kagamitan tulad ng basket, upuan, salakab at iba pa.
- Kilala rin sila sa kakana na “tupig” at “puto calasiao”
- Ginagamit nila ang anting- anting o mga bagay na nagbibigay ng proteksyon laban sa
kapahamakan at sakit.
7. Hiligayno o Ilonggo – matatagpuan sa Iloilo
- Bumubuo ng 8% na porsiyento ng populasyon.
- Kilala sa pagiging malambing.
- Kilala sa kanila ang kwentong bayan ng Maragtas, tungkol sa sampung datu ng Borneo
napadpad sa Panay.
- Kilala rin ang Sarsuela, isang dulaan na may awitin tungkol sa araw-araw na buhay ng
mga Ilonggo.
- Kilala rin bilang “Textile Capital of the Philippines” dahil sa kanilang habing produkto na
yar isa abaka, pinya, cotton ta silk.

You might also like