You are on page 1of 2

Pabula: ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na

walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at
kambing, kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral.

SI LANGGAM AT TIPAKLONG
Si Langgam at Tipaklong ay magkaibigan. Si langgam ay mahilig mag
trabaho at mag-ipon samantalang si tipaklong naman ay mahilig sa
kasiyahan at hindi niya iniisip ang mangyayari sa kinabukasan.
Pinapayuhan ni langgam si tipaklong na magtrabaho at mag-ipon para
kung sumama ang panahon ay mayroon siyang nakatagong reserba ng
mga pagkain. Dumating ang tag-ulan at hindi makalaro si tipaklong at wala
na siyang makain kaya siya ay lumapit na din sa kanyang kaibigang
langgam. Dahil sa naransan ni tipaklong ay nagbago na din siya sa huli.

Mga Tanong: (PLEASE READ THE QUESTIONS AND CHOICES TWICE)

1. Sino-sinu ang dalawang pangunahing tauhan sa kwento?


a. Si Langgam at Si Kuneho b. Si Tipaklong at Si Matsing c. Si
Langgam at Tipaklong

2. Batay sa kwento, sino sa dalawang tauhan ang nahihilig sa kasiyahan?


a. Si Langgam b. Si Tipaklong c. Silang dalawa

3. Si Tipaklong at Langgam ay parehong mga insekto na gumaganap sa


kwento ngunit batay sa napangkinggang storya, ano ang pagkakaiba nila
batay sa pag-uugali?
a. Si Tipaklong ay kulay berde samantalang si Langgam ay kulay pula.
b. Si Tipaklong ay may kakayahang makatalon habang si Langgam ay hindi.
c. Si langgam ay mahilig mag trabaho at mag-ipon samantalang si tipaklong
naman ay mahilig sa kasiyahan at hindi niya iniisip ang mangyayari sa
kinabukasan.

4. Sa linyang, “Dumating ang tag-ulan at hindi makalaro si tipaklong at wala


na siyang makain.” Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang sinasalamin
nito sa totoong buhay?
a. Ang pagdating ng mga 'di inaasahang pagsubok sa buhay na lubhang
nakakaapekto sa ating kabuhayan.
b. Ang pag-ulan ng malakas ay nagbubunsod sa pagkapurnada ng ating mga
lakad.
c. Ang pagkalungkot at pagkabagot ng isang tao sa buhay na nagsasanhi sa
pagkawala ng gana sa buhay.

5. Ano ang aral na iyong makukuha sa kwento?


a. Huwag masayadong magpakakampante sa buhay.
b. Matutong magtipid at mag-ipon upang may maggamit sa panahon ng
pangangailangan.
c. Gawin kung ano ang makakapagpasaya sa iyo habang ikaw ay nabubuhay.

6. Ang kwentong napakinggan ay nagtampok ng mga insekto bilang


pangunahing tauhan at nagbigay ng mahalagang aral. At batay dito, anong
uri ng kwento ang napakinggan?
a. Parabula b. Maikling Kwento c. Pabula

You might also like