You are on page 1of 3

Pagmamahal,

Isang napakagandang salita


Salitang may malalim at komplikadong kahulugan.
Pagmamahal,
Salitang hindi mo malaman na kung sa papaanong paraan mo ito maipapakita,

Ang pagmamahal ay parang isang bulaklak.


Bulaklak na makulay,
Bulaklak na mabango,
Bulaklak na ibinibigay mo sa taong mahal mo.
Na nagpapahiwatig ng pagmamahal,
Ng paghanga,
Pero tulad din ng isang bulaklak,
Ito’y unti-unting nalalanta.

Ang pagmamahal ay parang isang tula.


Tula na puro salita,
Tula na puro bilang at sukat,
Tulang malalim ang ibig sabihin,
Tulang may pinanghuhugutan,
Tulang hindi mo malaman kung anong dahilan,
Dahilan kung bakit nasulat ito.
Hindi ko malaman kung ano ang dahilan kung bakit isinulat ang tulang ito para lamang sa iyo.

Bilang pagtatapat ba?


Bilang pagbabalik?
Bilang pagbuhay muli sa isang pagmamahalang natigil.
O bilang pamamaalam?
Pagbitaw sa nakaraan na patuloy ko pa ring sinisilip.

Ikaw.
Ikaw ang naging dahilan ko.
Ikaw ang inspirasyon ko.
Na sa bawat titik na aking isinulat,
Sa bawat salitang aking ibinibigkas,
Ikaw,
Ikaw ang naaalala ko

Ngunit bakit ganito?


Bakit hanggang ngayon,
Hanggang sa oras na ito,
Patuloy pa ring umaasa,
Nakakapit,
Nag-aabang,
Naghihintay.

Itong tulang ito ay isang pamamaalam.


Pamamaalam sa mga alaalang ninais kong muling balikan.
Mga ninais kong muling subukan.
Sa mga alaalang nabuo natin nang magkasama.

Paalam.
Sa paraang ito handa na akong bumitaw.
Handa na akong kalimutan lahat ng sakit na aking nararamdaman.
Handa na akong makita ang aking sarili na muling masaya

Ang pagmamahal ay maaaring ipinagsamang bulaklak at tula.


Parehong naglalaman ng malalim na kahulugan.
Parehong inilalaan para sa isang tao.
Pero sa kabila nito mayroon ding katapusan.
Na tulad ng isang bulaklak at tulang isinulat,
Hindi ito nagtatagal.

You might also like