You are on page 1of 7

ELEMENTO NG

TEKSTONG
NARATIBO
FILIPINO(GROUP-6)
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
NARATIBO
Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento
kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong magbibigay
daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay.
Sa mga elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o
pumapasok ang mga tekstong deskriptibo.
PANGUNAHING KASAMANG
TAUHAN TAUHAN

TAUHAN
KATUNGGALING MAY-AKDA
TAUHAN
TAUHAN
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang
ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan.
Mahirap itakda ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong
naratibo ang pangangailangan lknang ang maaaring magtakda nito.

May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan—ang expository at ang


dramatiko.

Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa


pagkatao ng tauhan.
Dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang
pagkilos o pagpapahayag.

Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo.


A. PANGUNAHING TAUHAN
Sa bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan.
Karaniwang
iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o
papel na kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda

B. KATUNGGALING TAUHAN
Ang kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel
ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga
pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan
C. KASAMANG TAUHAN
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasftna
kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta,
magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.

D. MAY-AKDA
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan
ng akda.
Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging
nakasubaybay
ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
THANK YOU
VERY MUCH!

You might also like