You are on page 1of 5

SCENE 1

Narrator : Isa sa pinakamahigpit na kalaban ni marcos ay si senador ninoy Aquino jr. si ninoy ay lumipad
patungong america upang magpagaling ng sakit sa puso. Matapos ang tatlong taong paninirahansa
boston kasama ang kanyang pamilya muli siyang nagbalik sa pilipinas kahit na hindi siya pinayagan ng
pamahalaan ng pilipinas sa kadahilanang baka may mangyaring masama sa kanya. Sa kanyang
pagbabalik, sa pilipinas noong agosto 21,1983 binaril siya na ng siya’y bumababa sa eroplanong china
airlines sa manila international airport (NAIA) sa kasalukuyan. Pinaghihinalaang si ROLANDO GALMAN
ang bumaril kay ninoy. Ang pagkamatay ni ninoy ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng SNAP
ELECTIONS! Kung saan tumakbo si marcos bilang pangulo at si Cory Aquino naman ang kanyang naging
kalaban. Ideneklara ng COMELEC na nagwagi si Marcos ideneklara naman ng NAMFREL na ang nagwagi
ay si AQUINO. Ayon sa bilang ng batasan lamang ng 1.5 million si MARCOS kung kaya’t siya ang
ideneklarang bagong pangulo. Noong Pebrero 25, nanumpa si marcos sa malacanang kahit na wala si
tolentino. Kung kaya’t dito nagsimula ang PEOPLE POWER MOVEMENT SA EDSA. Sama-samang pagkilos
ang ginanap hindi lamang sa maynila kundi sa mga lungsod at bayan ng iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Nagkaroon ng mga demonstrasyon ng suporta sa cebu, davao, at baguio.

Narrator : Magandang halimbawa nito ang naganap sa kabisera ng sorsogon na nagpamalas ng sarili
nilang people power . minatyagan nila ang estasyon ng radio na nasa simbahan at pinatatakbo ng
Obispo ng bicol na si MONSENYOR JESUS VARELA.

Narrator : Habang ang mga estasyon ng mga ka-alyado ni marcos ay nagpapatugtug ng musika na tila ba
walang anumang nangyayari sa labas.

Tao ni marcos 1 : palitan mo yan, ang pangitpangit ng musikang iyan!

Tao ni marcos 2 : babati muna ako sa mga nakikinig sa ating estasyon.

Tao ni marcos 1 : bilisan mo!

Tao ni marcos : alright, magandang araw sa inyong lahat diyan! Binabati ko lang ang mga nakikinig diyan
sa aming estasyon ng magandang magandang araw sa inyo! Paulit-ulit ko po itong sinasabi upang di kayo
lilipat sa ibang estasyon! Okay, makinig lang po kayo diyan at uulitin ko po, magandang araw tatak
MARCOS !

Tao ni marcos 1 : tabi nga diyan! Paulit-ulit naman yang sinasabi mo eh ! para kang sirang plaka! Ito
nalang pakinggan mo !

Narrator : Hindi nila alin-tana ang mga nangyayri sa paligid para silang bata na tila ba’y walang
nalalaman. Habang abala ang estasyon ni marcos na magpatugtog ng musika abalang-abala naman ang
estasyon ng simbahan na magdala ng balita sa taong bayan .

Monsenyor : sa mga kababayan ko diyang nakikinig sa estasyong ito, nakikiusap po ako sa inyona sana
po magkakaisa tayo upang mapabagsak ang ating pangulong si ferdinand marcos! Hindipo siya karapat-
dapat na maging pangulo sa kadahilanang marami siyang katiwaliang nagawa, pinatupad niya ang
curfew na sanhi ng pagkawala ng ating panahon upang magpakasaya pinatupad niya din ang martial law
na sanhi ng pagkamatay ng marami nating kababayan ! kaya’t wag na tayong magbulag"bulagan!
kumilos na po tayo. Uulitin ko po! (2×)

SCENE 2

Narrator : Nagtagumapay ang taong bayan sa pag-papatalsik kay marcos sa loob ng pitupo’t pitong oras.
Nagsimula ang mapayapang rebolusyon noong pebrero 22 nang sina mister Juan Ponce Enrile ng
tanggulang pambansa at heneral ramos ay nanatili sa kampo Aguinaldo at nagpatawag ng press
conference.

Heneral Ramos : anong balak mo?

Juan ponce : manantili tayo dito at magpapatawag ng press upang isiwalat ang mgakatiwalian ni marcos
noong election!

Heneral ramos : mapanganib yang binabalak mo! Baka tayo’y ipapatay ni marcos!
Juan ponce enrile : hinding-hindi niya magagawa yun kung tutulong ang mamayan!

Narrator : Nang dumating ang press agad naming naghanda sina juan ponce enrile at si heneral ramos.
Di kalaunan ay sinimulan na ang press conference sa kampo Aguinaldo.

Juan ponce : magandang araw po sa inyo nagtataka siguro kayo kung bakit kami nagpatawag ng madali-
ang press conference malalaman niyo rin mamaya. Magtanong naang gustong magtanong

Reporter 1 : ano po ba ang nagging dahilan kung bakit kayo nagpatawag ng madaliangpress conference?

Heneral ramos : nagpatawag kami ng presscon upang ipaalam sa bayan na magbibitiw nakami ng
puwesto at may ipapahayag lang kami sa ating kababayan upang sila ay makakaalam sa mga katiwaliang
nagawa ng ating kinikilalang pangulong si Ferdinand marcos.

Reporter 2 : ano po ang ibig sabihin ng inyong pahayag?

Juan ponce : kung naalala niyo pa ang Snap Election na naganap nung namatay ang ating magino-ong
pangulo na si ninoy Aquino, hindi totoo na si marcos ang nanalo napalitan o nagbago ang mga datos na
ipinadala ng COMELEC kung kaya’t natigil ang bilangan ng boto . hindi talaga nanalo si marcos kundi si
Corazon Aquino.

Narrator : Nang ginaganap ang press con ay na-na-nawagan naman si CARDINAL SIN gamit ang
radio'veritas sa mga tao upang magkaisa ang mga Pilipino laban sa reheming'marcos ipakitaang kanilang
pagmamahal sa demokrasya.

Cardinal Sin : nanawagan po ako sa sambayanan na magkaisa po tayo laban sa reheming'marcos ipakita
po natin ang pagmamahal natin sa demokrasya. Bukas po sa kampo Aguinaldo at crame sama-sama po
tayong mag-kapit bisig para sa ating bayan! Uulitin kopo.
Narrator : Kinabukasan, pebrero 23, libu-libong tao ang nagkakapit-bisig sa palibot ng kampoAguinaldo
at crame upang ipadama ang kanilang pagkakaisa sa panawagan ni cardinal sin.

SCENE 3

Narrator : Ang mga madre, pari, mga kalalakihang wlang armas at ang mga kababihang kasama ang
kanilang mga anak, ay nagsama-sama sa EDSA, hinarang nila ang mga tangkeng ipinadalani marcos,
umupo sa harap ng mga tangke, at nagbigay ng mga pagkain at bulaklak samga sundalo na di alin'tana
ang panganib na mangyayari.

Narrator : Kinaumagahan pebrero 24, naramdaman na ang katapusan ng reheming marcos sapagkat
marami sa mga tropang sundalo ang hindi sumunod sa kanya nang utusan niyang paalisinang mga taong
nakapalibot sa kampo.

Marcos : paalisin niyo ang mga taong yan!

Tao 1 : hindddddddddddddddddddiiiiiiiiii! Hindi kami aalis dito hanggat hindi ka namin napapabagsak!

Marcos : mga sundalo! Ano pa ang hinhintay niyo diyan? Inuutusan ko kayong paalisinniyo ang mga
taong yan na nakapalibot sa kampo.

sundalo 3 : hindi mo kami alipin!

Ibang sundalo : oo, hindi ikaw ang nagluwal sa amin, wala kang kwentang pangulo!

Tao : ibaba si marcos!

Mga tao : ibaba!!


Narrator : Ang mapayapang rebolusyon ay nagwakas noong pebrero 25. Ito rin ang proklamasyonkay
Gng. Cory Aquino bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng pilipinas.

Cory Aquino : ako po si Corazon Cojuanco Aquino nanunumpa na ibibigay ko po ang lahat ngaking
makakaya upang pagling'kuran ang ating bayan!! Magiging matapat po ako sa aking paglilingkod!
Tulungan niyo po ako panginoon!

Taumbayan : mabuhay si CORY! MABUHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!

Narrator : Nagging matagumpay ang sambayanang Pilipino na ibagsak si marcos! Ang pamilyangmarcos
ay tumakas sa malacanang tinatayang 9:30 ng gabi, lulan ng tatlong helicopter patungong Clark Air Base
kung sinalubong sila ng mga mamamayang sumisigaw ng CORY,CORY,CORY !! mula sa clark Air Base
inilipad sila ng isang eroplano patungong HAWAII.

Narrator : Kinabukasan, lahat ng pasilidad ng komunikasyon ay nagpahayag ng tagumpay bagong pag-


asa para sa mga Pilipino at sa bansang pilipinas. Ang mapayapang rebolusyong ito ay nagbabalita
hinangaan sa buong mundo Isa itong halimbawa na tinularan ng di iilang bansa sa layuning maipahayag
din ang kanilang protesta o paghihimagsik laban sakanilang pamahalaan. Ang simbahan ng EDSA shrine
at ang people power monument ay naitayo bilang parangal simbolo ng mapayapang himagsikan.

You might also like