You are on page 1of 1

GEN.

EMILIO AGUINALDO'S CONFESSION


"This document is an affirmation of what the General told the writer in an interview on January 26, 1946, at his
office on San Nicholas Street, Manila."
-TEODORO AGONCILLO
Sa Mga Kinauukulan.
Mahabang panahon na din naming napupuhunan at pinakikinabangan ng sari-saring pagtatalo ang
[mahiwagang] pagkamatay ng Ama ng Katipunan [ang mahiwagang pagkamatay niya] bayaning Andres
Bonifacio; at sapagkat nabago at muling natamo na natin, ang Kalayaan at Kasarinlan ng ating naglahong
Republika Pilipina, ay magpapagunita na ako, kahit alam kong hindi kaila sa madla, na walang hiwagang
maituturing sa pagkamatay ng bayaning Andres Bonifacio. Maaari itong maging mahiwaga nga, kung siyang
isinusulat at inilalarawan lamang ng maniniping mananalaysay.
Ang mga kasulatang inilathala at iniingatan ni G. Jose P. Santos, ay siyang nagbibigay ng tiyak na matuwid sa
naging pasiya ng Hukumang Digmang lumitis at humatol na barilin ang magkapatid na Bonifacio.
Ang hatol, ay matigas na pinagtibay ng mga Punong kinauukulan, at silang lahat ay nagkakaisa sa katumpakan
ng gayong hatol. Subalit ng ilipat sa akin ang mga kasulatan, at sa nais kong huwag madungisan ang
pagkakaisa ng ating Lahi sa Paghihimagsik, at sapagkat makapangyarihan ako noon, ay ipinasiya kong
baguhin ang gayong hatol, at halinhan ko na lamang ng ipatapon sa malayong pook ang magkapatid na Andres
at Procopio Bonifacio sa halip na barilin.
Ngayon, noong matanto at maparoonan ako agad ng dalawang Miembro ng Consejo de Guerra, General
Mariano Noriel at General Pio del Pilar, at matawagan ang pansin ko, na, kung ibig po ninyong magpatuloy
ang kapanatagan ng ating Pamahalaan sa Paghihimagsik, at kung ibig ninyong mabuhay pa tayo, ay bawiin po
ninyo ang inyong indulto sa magkapatid na iyan. At kaya nga ipinabawi ko at iniatas ko tuloy kay General
Noriel, ipatupad ang inihatol ng Consejo de Guerra, sa ulit-ulit na magkapatid.
Lagda: Emilio Aguinaldo
Kawit, Kabite, 22, Marso, 1948
SOURCE: Copy of the original facsimile of Gen. Emilio Aguinaldo's confession from p. 126 of "The Revolt of
the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan" by Teodoro Agoncillo, University of the Philippines
Press, Manila. 1956

You might also like