You are on page 1of 3

Aktibismo: Anong Pakikibaka?

March 16, 2012


philpen Social Transformation Aktibismo Leave a comment
Itinuturing ko ang aking sarili bilang isang aktibista, noon at hanggang ngayon. Galit ako sa mga tao o
organisasyong gumagawa ng katiwalian, lalo nat kung nasasagasaan ang karapatan ng iba at ng mga
mahihirap. Ngunit napapansin ko na maraming aktibista ang tila hindi yata nila nauunawaan ang kanilang mga
sinasabi, at sumusunod na lamang sa nais ng kanilang mga lider o mga organisasyon.

Kung minsan may mga pagkakataong nagiging katawa-tawa ang pagkilos ng mga aktibista. Halimbawa,
noong bata-bata pa akot napapasama sa mga rally, isa sa mga madalas na isinisigaw namin noon ay Ibagsak
ang kapitalistang dayuhan! Imperyalismo, ibagsak! Pero noong nagkakalugihan na ang mga kumpanyat
maraming manggagawa ang na-re-retrench at nawawalan ng trabaho, balik sa kalsada ang mga aktibista at
sinisisi ang gobyerno kung bakit hinahayaan daw na umalis ng bansa ang mga dayuhang kapitalista (o foreign
investors).

Madalas din kami noong nagra-rally para sa pagsasabatas ng CARP o ang tinatawag na Comprehensive
Agrarian Reform Program, upang bigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupang sinasaka.
Maaaring ituring na tagumpay ang adbokasiya para sa CARP bagamat may mga butas ang batas na ito,
subalit pagkapamahagi ng lupa sa mga magsasaka, marami rin ang nagbenta ng lupang natanggap nila kahit
itoy ipanagbabawal ng CARP.

Minsan noong naisipan kong tumakbo sa lokal na eleksiyon sa aming probinsiya, kinausap ako ng ilang
kasapi ng NPA o New Peoples Army sa aming lugar. Ang isa raw sa kanilang hihilingin kung sakaling ako raw
ay palarin sa halalan ay alisin ang illegal logging. Sagot koy talagang ayaw ko ng illegal logging, ngunit, sabi
ko sa kanila, sa aking pagkakaalam kakoy sila mismoy nagpapahintulot din sa mga taga barangay ng mag-
illegal logging. Kaya hindi lang mga pulitiko o mayayamang negosyante ang nag-i-illegal logging kungdi
maging ang mga mahihirap din sa barangay, at pinahihintulutan naman ito ng ilang kasapi ng NPA. Sagot
nilay kailangan din daw kasi ng mga tao lalot kung talagang gipit.

May mga pari, madre at mga obispo pa na kapag narinig ang salitang logging ay talagang ayaw nila, legal
man o illegal. Total log ban ang kanilang sigaw. Ngunit kapag nagpapagawa ng simbahan, o ng mga
mahahabang upuan sa simbahan, o kaya ng kumbento, marahil ay naghahanap pa kung saan ang
pinakamurang mga kahoy!

Kamakailan lang ang aming simbahay nagpa-renovate at pinalawak ito, maganda ang naging hitsura. At
kamiy madalas ngang magbigay sa second collection na nakalaan sa pagpapalawak ng simbahang gusali.
Ngunit hindi maganda ang pakiramdam ko noon dahil alam kong maraming puno na naman ang mapuputol
dahil sa pagpapagawa ng mga pew o mahahabang upuan na gagamitin sa simbahan, at ganoon nga ang
nangyari. Bakit di na lang kaya natin gayahin ang mga mosque na walang ginagamit na mga upuan sa
kanilang pagsamba?

May mga aktibista para sa kalikasan na matindi kung maka-batikos sa pamahalaan dahil sa di-umanoy
kaluwagan ng pagpapatupad ng mga batas upang maproteksiyunan ang kalikasan. Kesyo lumalala ang
polusyon sa ilog, dagat at hangin at kapaligiran. Ngunit may mga gawa rin ang ibang aktibista na hindi angkop,
tulad halimbawa ng di matigil na paninigarilyo na sinisira ang sarili at pati na rin ang hanging hinihinga ng mga
katabi nila. Sinisisi rin ng mga tao ang gobyerno dahil sa madalas na pagbaha tuwing tag-ulan, ngunit panay
naman ang tapon ng basura sa mga estero at daluyan ng tubig.

Maraming nagagalit sa corruption sa pamahalaan, ngunit ang sarili nilang corruption ay pilit itinatago:
halimbaway ang hindi pagiging matapat sa oras ng pagpasok, pangungupit sa mga kagamitang pang-opisina
at dinadala sa bahay, pagsisinungaling sa bilang ng mga dumadalo sa mga training (halimbawa 30 lang ang
dumadalo ngunit nagiging 50), atbp. Sa mga negosyante, pandaraya naman sa kanilang mga mamimili, o
kaya hindi padedeklara ng kanilang tunay na kinikita.

Marami ang tumututol sa kahirapan sa bansa at dumadaing sa masamang epekto nito katulad halimbawa ng
pagkakalugmok ng maraming kababaihan sa prostitusyon, ngunit kung magkakayayaan silay nauuwi sa
beerhouse kung minsan. Ang ibay pinupulaan ang polisiya ng gobyerno patungkol sa OFW na humihikayat pa
raw lalo sa mga mga kababayan natin na mangibang bansa sa halip na pagbutihin ang ating lokal na
ekonomiya, ngunit maraming OFW naman ang humihiling sa gobyerno na alisin ang mga ban sa ibang lugar
upang silay makapunta doon.

Marami ang ayaw sa salitang mining o pagmimina, ngunit ang kanilang mga gadyet na cellphone ay mga
pinakabago, o kayay naghahangad din ng magarang sasakyan o ng magandang bahay na, pawang
ginagamitan ng metal. Patuloy pa rin naman ang paggamit nila ng kuryente at computer na pawang galing sa
pagmimina. Ang ibay mahilig pa sa mga gintong alahas!

Ang mga aktibista sa Simbahan ay unang-unang ayaw ng pagmimina, ngunit sila man ay gumagamit ng
kuryente (maraming bagay sa kuryente ang galing sa mina, tulad ng mga kawad na tanso), sasakyan, mga
singsing ng Obispo, mga kuwintas ng madre, o mga computer din, overhead projector na ginagamit sa misa, at
marami pang galing sa metal. Siguro magiging tunay lang ang aktibismo laban sa pagmimina kung ang mga
tutol ditoy maghuhubad dahil tiyak na walang suot na bagay na galing sa mina, sapagkat araw-araw naman ay
maraming bagay tayong ginagamit na nanggaling sa mina mula sa pagluluto ng pagkain.

Ayaw natin sa patuloy na pagkasira ng ating kalikasan ngunit nagrereklamo tayo sa ating pamahalaan kung
bakit tayoy napagiiwanan na ng ating mga kapitbahay katulad ng Malaysia, Indonesia, Vietnam, Thailand, at
ngayon ng China. Di kaya itoy isang malaking inconsistency o di pagkakatugma ng isip at puso? Ang isip
natiy ayaw masira ang kalikasan, ngunit gusto naman natiy tumaas ang ating kita katulad ng mga bansang
nasa paligid natin, pero ano ang katumbas nito? Halimbawa ang bansang Tsina, oo ngat lumaki ang kita ng
mga mamamayan nito ng mahigit 1000%, ngunit sila naman ngayon ang nangunguna sa polusyon at
nangungunang contributor sa global warming.

Ngunit sino ba ang nais maging mahirap? Kaya nga marami ang nag-iisip ng kung anu-anong raket upang
makaahon sa kahirapan. Maging ang Simbahan, kahit nangangaral patungkol sa mga kabutihan o virtues ng
karukhaan, ay namumurublema kapag maliit ang kita nito sa parokya.

Marami sa atin ang napakahusay magsalita, lalo nat kung itoy laban kuno sa masasama. Ngunit marami rin
sa atin ay hindi nakikita ang sariling pagkukulang, maging sa maliliit na bagay. Halimbaway ang pagiging
pabaya sa mga anak, o asawa, hanggang ang sarili mismoy hindi buo ang pamilya. O kaya ang hindi maayos
na pagtrato sa mga kasambahay, at kung makapanglait sa kapway akala mo sila lang ang palaging tama.
Sabi ng ilang mga sikolohista (psychologist), may mga aktibista raw na idinadaan ang mga personal na isyu sa
buhay sa pamamagitan ng aktibismo. Indirect aggression daw ang tawag dito, yun bang hindi nila tahasang
matumbok ang sarili nilang mga isyu sa buhay kayat idinadaan sa pagpupuna sa mga kasalanan ng iba
(hehehe). Ang mahirap nito, kung mayaman at makapangyarihan ang isang aktibista ay kaya nitong mag-
mobilisa at magmanipula ng ibang tao.

Hindi masamang mag-rally sa kalsada, at dapat gawin ito kung kailangan. Ngunit marahil kailangang suriin
kung ano nga ba ang ipinakikipaglaban natin. O kaya, sino ba ang mga nasa likod o nagtutustos ng mga
ipinapakipaglaban natin? Ano ang kanilang mga interes? O ano ang kanilang mga problema? Kung kulang
ang pagsusuri, maaaring tayoy nagagamit lamang ng iba sa pamamagitan ng ating idealismo.

Ayaw natin ng kahirapan, pero bakit nga ba tayo mahirap? Dahil lang ba sa inaapi ng mga makapangyarihan
ang mahihirap? O dahil din sa maraming mahirap ang ayaw magsikap at umaasa na lang sa iba? Ayaw natin
ng mga taong nanloloko sa kapwa, ngunit baka tayoy nanlalamang din ng ating kapwa sa ibat ibang paraan,
halimbaway di pagpapasahod nang maayos. Ayaw natin ng corruption, ngunit bakit kapag nahuhuli ng pulis
dahil sa paglabag sa trapiko ay nakikiusap kung magkano raw ang areglo? Ayaw natin ng logging o mining
ngunit maraming bagay na ginagamit natin sa araw-araw ay nanggaling naman sa pinutol na kahoy o sa
pagmimina. Siguro tanungin natin ang sarili natin kung ano ang ayaw natin sa logging o sa pagmimina, hindi
yung basta ayaw lang. Ayaw natin ng mapanlinlang na pinuno, o kayay diktador na pinuno, ngunit paano natin
tinatrato ang mga kasamahan natin sa trabaho? O kaya baka naman diktador din tayo sa bahay?

Ayaw natin ng mga dayuhang kapitalista, ngunit nagrereklamo tayo dahil maraming kabataan natin ang
nagtatapos ng kolehiyo taun-taon ang walang mapasukang trabaho. At kung may makakapasok na mga
investor ay pinahihirapan pa ng ating mga pinuno sa pamahalaan, sa pambansang mga ahensiya man o sa
lokal, kayat nawawalan ng gana ang mga namumuhunan na mangalakal sa atin. At kung mangingibang bayan
naman ang ating mga manggagawa nagrereklamo pa rin tayo. E papaano nga ba? Ayaw natin ng dayuhang
kapitalista, pero ayaw din naman nating mag-export na lang tayo ng ating mga OFW, ngunit wala naman
tayong maibigay na maayos na trabaho sa kanila. Sa dada lang naman tayo magaling, katulad ng mga ayaw
ng reproductive bill, pero wala naman silang maipakain sa napakaraming mahihirap na kababayan natin.

Ayaw natin ng militarisasyon, at marami nga ang ayaw na sa militar kaya sinasabi nila na alisin na lang daw
ang militar at kapulisan. Ngunit sa tuwing nakakalalaki ang bansang Tsina sa ating teritoryo sa Spratlys ay
hinahanapan natin ang gobyerno natin kung bakit hanggang ngayon ay wala pang maayos na mga kagamitang
pandigma ang ating sandatahang lakas. Nagtatanong pa kung ano raw ba ang nangyari sa AFP modernization
program?

Ano ba talaga ang gusto natin?

Palagi tayong dumaraing sa mga kalokohan ng ating mga pinuno sa pamahalaan, ngunit patuloy naman natin
silang ibinoboto tuwing eleksiyon. Sus Ginoo!

Totoo na maraming mali at dapat baguhin sa lipunan natin, ngunit baka naman may mga kailangang baguhin
din sa sarili natin mismo.

You might also like