You are on page 1of 3

THE NATIONAL TEACHERS COLLEGE

629 J. Nepomuceno St.,Quiapo, Manila


School of Advanced Studies
2nd Semester, S.Y. 2018 – 2019
Tagapag-ulat: Realine B. Mañago
Asignatura: Filipino 604 Kritisismong Pampanitikan
Paksa: Teoryang Marxismo
Propesor: Dr. Victor Javeña
Sino-sino ang lumikha ng Teoryang Marxismo?

 Si Karl Heinrich Marx (Mayo 5, 1818, Trier, Alemanya - Marso 14,


1883, London, Inglatera) ay isang Aleman na sosyologo, historyan,
dyornalist, at rebolusyonaryong sosyalista. Ang kanyang mga ideya ay
gumampan ng isang malaking papel sa pagkatatatag ng mga agham
panlipunan at pagkakabuo ng kilusang sosyalista. Itinuturing rin siyang
isa sa pinakadakilang mga ekonomista sa kasaysayan. Malapit siyang
nakipagtrabaho sa kanyang kaibigan at kapwa rebolusyonaryong
sosyalistang si Friedrich Engels. Nabuhay siya sa panahong lubusang
nahinog na ang kapitalismo at litaw na litaw na ang mga panlipunang
kontradiksyon sa pagitan ng burgesya at proletaryado. Nagtatayo ang
uring manggagawa ng iba’t ibang organisasyon at sinusubukan ang iba’t
ibang taktika sa pakikipaglaban sa burgesya. Nagtatayo ang uring
manggagawa ng iba’t ibang organisasyon at sinusubukan ang iba’t ibang
taktika sa pakikipaglaban sa burgesya.
 Si Friedrich Engels (1825-1895) ay isang Alemang sosyalistang
manunulat at matalik na kaibigan at kasama ng rebolusyonaryong si Karl
Marx (1818-1883). Isa sa kanyang mga sinulat ang Condition of the Class
in England. Ang kanyang Ant-DuhWorkingring ang nagsistematisa ng
diyalektikong materyalismo. Nang mamatay si Marx, siya ang nag-edit ng
Volume II at III ng Das Kapital.

Kailan naitatag ang teoryang marxismo?


 Ang Marxismo ay isang lipon ng mga doktrinang pinaunlad nina Karl Marx
at Friedrich Engels noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo.
 Tinatawag ding teorya ng pakikibaka at paglaban (conflict theory)
 Mula sa unang mga deklarasyon sa Manipesto ng Komunista sa 1848,
teoritikal na ekspresyon ng totoo at buhay na kilusan ng
proletaryado.
 Isang teoryang patutunayan ang kanyang pagtindig sa adhikain ng
pinagsamantalahang uri sa pamamagitan ng matatag na pagtatanggol sa
kagyat at makasaysayang mga interes ng manggagawa.
Ano ang dahilan ng pagsilang ng teoryang marxismo?
 Ang dahilan ay ang kapitalismo At ang tunggalian sa pagitan ng
mga kapitalista (brugesya) at manggagawa (proletaryado) ay
umiiral sapagkat ang mga kapitalista ay naghahangad ng mas maliking
tubo habang ang mga manggagawa naman ay naghahangad ng mas
malaking pakinabang mula sa kanyang lakas-paggawa.

Ano ang marxismo bilang teoryang pampanitikan?


• Isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng tunggalian ng mayaman
at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at api.
• Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao
ay may sariling kakayahan na umangat, buhat sa pagdurusang dulot ng
pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang
mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing
modelo para sa mga mambabasa.
• Maituturing na may Marxismo ang isang kuwento, tula, awit, nobela,
pelikula o dula kung:
1. ang akda ay nagtutulak ng rebolusyon
bilang tanging solusyon sa pagbabago ng lipunan;
2. binibigyang halaga ng akda ang kabayanihan ng magsasaka at
manggagawa bilang tagalikha ng yaman ng mundo;
3. ang akda ay nagpapakita ng labanan ng kapitalista at manggagawa o
kaya naman ay tunggalian ng panginoong may lupa at magsasaka;
4. inilalarawan ng akda ang kabayanihan ng mga NPA o itinutulak ang
mambabasa na makiisa sa hangarin ng mga aktibista; at
5. kung ang akda ay hindi nanalig sa Diyos para sa pagtatayo ng isang
lipunang pantay-pantay at makatarungan. (posible ring ang akda ay
naniniwala sa Diyos lalo pa kung nagtataglay ito ng elemento ng
Liberation Theology.)

Mga Halimbawa ng Teoryang Marxismo


• Maikling Kwento
“Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng
lupa at sinasabing kanila. Palibhasa’y wala silang maibayad sa
mananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang
karalitan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa
wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nilang makuhang umalis
roon.” Mula sa Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario
• Tula
“Bumara sa lalamunan ng radyo,
Ang mga salitang bayad na ni Marcos.”

Mula sa Sagot sa Sulat ni Eman ni Bienvenido Lumbera


• Sanaysay
“Matagal nang panahon ang mga palsipikado ay siyang nasa
tanghalan, sa dambana at pedestal. Sila ang gumagawa ng mga batas
sa kanilang kabutihan at hindi sa lahat. Sila ang nag-uutos at
nagpapatupad ng mga batas para sa maliit. Lambat ng panghuli ng
mga sapsap. Samakatuwid, sapul sa panahon ng Kastila hanggang sa
panahon ng Kano, nabago lamang ang panahon at panginoon , ngunit
hindi ang kalagayan, ang sistema, ang sustansiya ng mga bagay-
bagay.” Mula sa Magkabilang Mukha ng Isang Bagol ni Amado V.
Hernadez
• Awit
“Habang may tatsulok,
At sila ang nasa tuktok,
Di matatapos itong gulo.”
Mula sa awiting Tatsulok ni Bamboo
• Pelikula
“Alam mo, lahat tayo, pinapagalaw ng nandoon sa taas. Kung di
kami sumunod, guguluhin kami. Anti-drugs, Clean-up Operation... ng
mga puta*ng in*! At kayo namang mga bobo kayo, susunod lang kayo
sa utos. Meron pa kayong pa-ince-incentives, put*ng in* n’yo! Eh may
nalalaman pa kayong ganon... Benteng bulig sa isang patay na pusher,
singkwentang bulig sa middle man at otsentang manok naman para sa
boss.” –Biggie Chen, Buy Bust
• Nobela
“Ah! sapagkat sa tibay ay lakas lamang ang makapagguguho; sa
kapangyarihan ay kamatayan lamang ang makasusupil. Kaya ang mga
hari, ang mga pangulo, ang mga puno ay sinusunod ng buu-buong
bayan, ay sapagkat may hawak silang lakas ng kapangyarihan:
makapagpaparusa sa sumusuway. Kaya makunat baguhin ang
masamang samahan ngayon ng Samba-sambayanan, ay dahil sa
pagmmatigas ng mga pamunuan….” Felipe, Banaag at Sikat

You might also like