You are on page 1of 4

Division of City Schools- Manila

EMILIO JACINTO ELEMENTARY SCHOOL


Velasquez St. Tondo, Manila

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

Pangalan: _____________________________________________________ Baitang :___________________


Guro: ________________________________________ Petsa: _______________________ Iskor:_____________

I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

____ 1. Sino sa mga bata ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa karapatang makapag-aral?


a. Si Shane na nanonood ng TV pagkagaling sa paaralan.
b. Si Deniel na gumagawa nang asignatura paggaling sa paaralan.
c. Si Ara na naglalaro muna ng computer bago pumasok sa paaralan.

____ 2. Sino sa kanila ang nagpapakita ng pasasalamat sa karapatang magtipid?


a. Hinahayaan ni Joan na tumulo ang tubig sa gripo.
b. Tinatapon ni Ana ang tiring ulam sa tanghalian.
c. Pinapatay ni Kenzie ang ilaw matapos niyang gamitin ito.

____ 3. Paano ipinakita ni Vince ang kanyang pagtitipid?


a.Sinusulatan pa niya ang likod ng kanyang papel.
b.Tinatapon niya ang kanyang lapis na naputol.
c.Pinipilas niya ang pahina ng kanyang kwaderno.

____ 4. Siya ay nag-aaral sa ikalawang baitang.


A. Karapatang mag-aral B. Karapatang mabuhay

____ 5. Nagsisimba din siya tuwing Linggo.


A. Karapatan sa sariling relihiyon B. Karapatang mag-aral

____ 6. Sumasali siya sa paligsahan ng pag-awit.


A. Karapatang maging masaya B. Karapatang paunlarin ang kakayahan

_____7. Kami ay lubos na nagpapasalamat dahil kami ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral at makapaglibang.
Kaya karapat dapat lang na _________ang aming mga magulang.
A.Irespeto B.Ipagyabang C. Ipagbawalang bahala

_____8. Ako si Paula na lubos na nagpapasalamat sa tinatamasang karapatan na maisilang at mabigyan ng pangalan ng
aking mga magulang. Karapat-dapat lang na _______ sila.
A.Ikahiya B. Ipagwalang-bahala C. Mahalin

_____9. Lubos kaming nagpapasalamat sa mga magulang at mga taong nakapaligid sa amin dahil sa pagbibigay ng
pagkakataong makapaglaro at makapaglibang. Dapat nating ________ ang karapatang ating tinatamasa.
A.Ipagyabang B.Ipagmalaki C. Pasalamatan

II.Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Isulat ang T kung tama at M kung mali ang isinasaad sa bawat
sitwasyon.

_____10.Nagpapasalamat kay Tatay dahil sa ibinigay na baon.


_____11.Naglaan ng oras para sa pagdarasal bago matulog.
_____12.Pagdabog dahil hindi nabili ang gustong laruan.
_____13.Sinimangutan si Ate dahil hindi ibinigay o sinunod ang kaniyang gusto.
____ 14. Si Ana ay inutusan ng kanyang ina maghugas ng pinggan. Mabilis na ginawa ni Ana ang paghuhugas at kanyang
inipon ang tubig upang ipandilig.
____ 15. Masyadong mainit ang pakiramdam ni Bella kaya binuksan niya ang bentilador. Matapos gamitin ay
iniwan niya itong nakasaksak at naglaro.
____ 16. Maliwanag ang buwan sa labas ng bahay, kaya naman pinatay ni inay ang ilaw sa may veranda upang
makatipid siya ng kuryente
____ 17. Maraming ulam ang naiwan sa katatapos lang na kaarawan ni nanay. Kaya ibinalot niya ito at ipinamigay
sa kanyang mga bisita.
____ 18. Nakakatulong sa pamayanan ang wastong pagtatapon ng basura.
____ 19. Itinatapon ko ang basura kung saan ko magustuhang ilagay.
____ 20. Tumutulong ako sa pagwawalis sa aming paligid.
____ 21. Inaalagaan ko ang aming halaman sa aming bakuran.
____22. Magtanim ng mga halaman sa kapaligiran.
____23. Sundin palagi ang mga babalang pantrapiko.
____24. Sasabihin ko sa tatay ko na iparada ang aming sasakyan kahit saan naming gusto.
____25. Sasabihin ko sa kuya ko na tumawid kami sa tamang tawiran.

III.Panuto : Pag–aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letra ng larawang nagpapakita ng pagpapanatili
ng kalinisan at kayusan sa pamayanan. Isulat ang ang letra ng tamang sagot.

26. Kumain ka ng saging. Ano ang dapat mong gawin sa balat nito?

A B
27. Nakita mong tumatawid ang kaibigan mo sa hindi tamang tawiran. Ano ang dapat mong gawin?

A B
28. Nagtatanim ng mga halaman ang nanay mo sa inyong bakuran. Ano ang dapat mong gawin?

A B
29. Nakita mong nagsusulat sa pader ang iyong kapatid. Ano ang gagawin mo?

A B
30. May nakita kang kalat sa labas ng inyong bahay. Ano ang gagawin mo?

A B
Division of City Schools- Manila
EMILIO JACINTO ELEMENTARY SCHOOL
Velasquez St. Tondo, Manila

TABLE OF SPECIFICATION
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

Bilang
PAKSA ng Kinalalagyan %
Aytem
Nakapagpapakita ng paraan ng pagpapasalamat sa anumang
karapatang tinatamasa ng mga bata HAL. Pag-aaral ng Mabuti at 3 1,2,3, 10%
pagtitipid sa anumang kagamitan
Nakatutukoy ng mga karapatang maaring ibigay ng pamilya o mga 4,5,6
kaanak. 3 10%
Nakakapagpapahayag ng kabutihang dulot ng karapatang tinatamasa.
3 7,8,9 10%
Nakapagbabahagi ng pasasalamat sa tinatamasang Karapatan sa
pamamagitan ng kuwento. 4 10,11,12,13, 13.33%
Nagagamit ng masinop ang anumang bagay tulad ng tubig,
pagkain,enerhiya at iba pa. 4 4, 15, 16, 17 13.33%
Nakikibahagi sa anumang programa ng paaralan at pamayanan na
makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa 4 18, 19, 20, 21 13.33%
pamayanan at bansa.
Nakatutukoy ng iba’t-ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan sa pamayanan: 4 22, 23, 24,25 13.33%
Hal: pagsunod sa mga babalang pantrapiko, wastong pagtatapon ng
basura at pagtatanim ng mga halaman.

Nakapagpapakita ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan.


5 26, 27, 28,29,30 16.66%

Kabuuan 30 30 100%

Inihanda ni: Sinuri ni:


NATALIE R. VILLANUEVA RACEL T. TAN
Guro sa Ikalawang Baitang Dalubguro I

Binigyang-pansin:
MINERVA M. ROSCO
Punongguro

Division of City Schools- Manila


EMILIO JACINTO ELEMENTARY SCHOOL
Velasquez St. Tondo, Manila

Susi sa Pagwawasto
SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

1. B 11. T 21. T
2. C 12. M 22. T
3. A 13. M 23. T
4. A 14. T 24. M
5. A 15. M 25. T
6. B 16. T 26. A
7. A 17. T 27. B
8. C 18. T 28. A
9. C 19. M 29. B
10.T 20. T 30. B

You might also like