You are on page 1of 6

AUGUSTINIAN ABBEY SCHOOL

BILANG SA KLASE IKATLONG TERMINONG PAGSUSULIT ISKOR


SY 2022-2023

ARALING PANLIPUNAN 9

PANGALAN: _____________________________________________ PETSA: ___________


BAITANG/SEKSYON _____________________________ Guro: Ginoong Danrex A. Barbaza

I. PAGPILI.
PANUTO: Basahin ang mga tanong. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?

A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya


B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
C. Kita at gastusin ng pamahalaan
D. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal
_____ 2. Tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at bahay-kalakal mula
sa buwis na nakolekta nito

A. Panlabas na Sektor C. Negosyo


B. Pamahalaan D. Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod
_____ 3. May ugnayang namamagitan sa bawat sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya. Paano
nagkakaugnay ang sambahayan at bahay kalakal?
A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim sa
pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makabuo ng produkto na
gagamitin ng mga bahay-kalakal.
C. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na Kapital ng bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng mga bagog planta ang sambahayan upang magkaroon ng
karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
_____ 4. Dahil ang impok o savings ay kadalasang inilalagak sa mga institusyong pampinansiyal,
itinuring itong cash outflow o kitang lumalabas sa ekonomiya. Anong gawain ang muling
magbabalik nito sa ekonomiya?
A. Paggasta C. Pagkonsumo
B. Pagtitipid D. Pamumuhunan
_____ 5. Ito ang modelo na nagpapakita ng pagkakaroon ng relasyon ng panlabas na sektor sa
paikot na daloy ng ekonomiya.
A. Unang Modelo C. Ika-apat na Modelo
B. Ikatlong Modelo D. Ikalimang Modelo
_____ 6. Ito ang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya na kung saan nahahati ang ekonomiya
sa sambahayan at bahay-kalakal.
A. Ikalawang Modelo C. Ika-apat na Modelo
B. Ikatlong Modelo D. Ikalimang Modelo
_____ 7. Ito ang nagbibigay sa sambahayan ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ito ang gumagawa ng mga produktong inaangkat at bumibili ng mga produktong iniluluwas
naman ng bansa.
A. Pag-iimpok C. Pamumuhunan
B. Pamahalaan D. Panlabas na Sektor

_____ 8. Nagaganap kapag mas malaki ang import kaysa sa export.

A. Trade Deficit C. Trade Shortage


B. Trade Spending D. Trade Surplus
_____ 9. Isa sa economic indicator na nakatuon sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa.
A. Gross National Income C. Gross Domestic Product
B. Pambansang Kita D. Per Capita Income
_____ 10. Kailan ginagamit ang Expenditure Approach bilang isa sa mga paraan ng pag-kompyut
ng GDP?
A. Kung kinukuha ang kabuuan ng mga kabayaran sa mga salik ng produksyon.
B. Kung sinusukat ang GDP ayon sa halaga ng paggasta sa tapos na mga produkto at
serbisyo.
C. Kung sinusukat ang GDP gamit ang kasalukuyang presyo.
D. Kung pinagsasama nito ang sahod ng laks-paggawa, interes sa capital, upa sa lupa,
at tubo ng entreprenyur.
Para sa bilang 11-13. Suriin ang table na makikita. Sagutin ang mga kaugnay na tanong.

TAON CURRENT/ NOMINAL GNI GROWTH RATE NG NOMINAL GNI

2016 17,430,338 N/A

2017 19,004,388

2018 20,909,891

2019 22,315,806

_____ 11. Ano ang Growth Rate ng nominal GNI sa taong 2017?
A. 9.03% C. 10.03%
B. 9.04% D. 10.04%
_____ 12. Ano ang Growth Rate ng nominal GNI sa taong 2018?
A. 9. 83% C. 10.03%
B. 9. 90% D. 10.13%
_____ 13. Ano ang Growth Rate ng nominal GNI sa taong 2019?
A. 5.52% C. 6.72%
B. 6% D. 5.35%
Para sa bilang 14-18. Suriin ang table na makikita. Sagutin ang mga kaugnay na tanong.

TAON NOMINAL GNP PRICE INDEX REAL GNP

2006 10,500 10, 500

2007 11,208 107

2008 12, 223

2009 13,505 129 9,144

2010 14,622 10, 497

_____ 14. Ano ang Price Index sa taong 2006?


A. 100 C. 110
B. 105 D. 115
_____ 15. Ano ang Real GNP sa taong 2007?
A. 5, 647 C. 9, 143
B. 11, 500 D. 10, 504
_____ 16. Ano ang Price Index sa taong 2008?
A. 121 C. 125
B. 116 D. 111
_____ 17. Ano ang Real GNP sa taong 2010?
A. 10, 450 C. 10, 487
B. 10, 468 D. 10, 497
_____ 18. Ano ang Price Index sa taong 2010?
A. 121 C. 153
B. 139 D. 161
_____19. Ito ay nagaganap kapag tumataas ang mga gastusin sa salik ng produksyon.

A. Demand-Pull Inflation C. Cost-Push Inflation


B. Import Inflation D. Structural Inflation
_____ 20. Ano ang bunga ng pagtaas ng suplay ng salapi?
A. Tataas ang suplay ng mga produkto kaya bababa ang presyo ng bilihin.
B. Bababa ang suplay ng produkto kaya tataas ang presyo.
C. Tataas ang demand o ang paggasta kung kaya tataas ang presyo ng bilihin.
D. Bababa ang demand king saan bababa din ang presyo.
_____21. Ginagamit upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer. Ito ay
binubuo ng mga produkto, bilang ng mga produkto at presyo.
A. Consumer Price Index C. Inflation Rate
B. Market Basket D. Weighted Price
_____ 22. Tumutukoy sa bahagdan ng mga manggagawa na may hanapbuhay subalit mababa
ang suweldo kung ihahambing sa kanilang kakayahan o kaya nama’y nagtatrabaho sa antas na
mas mababa kaysa kanilang kakayahan.
A. Unemployment Rate C. Employment Rate
B. Underemployment Rate D. Labor Participation Rate
_____ 23. Hindi na gusto ni Jason na magtrabaho sa kanyang kasalukuyang trabaho at
nagpasya na huminto at maghanap ng trabaho sa ibang mga kumpanya. Anong uri ng
unemployment ang inilalarawan?

A. Cyclical C. Casual
B. Frictional D. Structural

_____24. Sinabi ni Reebok na bumaba ang kanilang mga benta para sa unang quarter. Dalawang
daang empleyado ang natanggal sa trabaho. Anong uri ng unemployment ang inilalarawan?

A. Frictional C.Cyclical
B. Structural D. Seasonal

_____ 25. Ito ay uri ng uemployment na nagaganap kapag ang maggagawa ay nawalan ng trabaho
bunga ng pagliit ng industriya sanhi ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng mga
mamimili.

A. Seasonal C. Structural
B. Voluntary D. Frictional

Para sa bilang 26-30. Suriin ang table na makikita. Sagutin ang mga kaugnay na tanong.

TAON TOTAL WEIGHTED CONSUMER PRICE ANTAS NG


PRICE INDEX IMPLASYON
2018 1,202 100 N/A
2019 1,350
2020 1,475
2021 1,590
.
_____26. Ano ang Consumer Price Index sa taong 2019?

A. 105 C. 112
B. 110 D. 118

_____ 27. Ano ang Antas ng Implasyon sa taong 2019?


A. 11% C. 13%
B. 12% D. 14%
_____ 28. Ano ang Consumer Price Index sa taong 2020?
A. 123 C. 143
B. 133 D. 153
_____ 29. Ano ang Antas ng Implasyon sa taong 2020?

A. 15% C. 20%
B. 18% D. 23%

_____ 30. Ano ang Consumer Price Index sa taong 2021?


A. 112 C. 132
B. 122 D. 142

_____ 31. Kapag may resesyon, anong uri ng patakarang pananalapi ang maaaring ipatupad?

A. Expansionary Monetary Policy C. Contactionary Monetary Policy


B. Revolutionary Monetary Policy D. Constrictionary Monetary Policy

______32. Ito ay tumutukoy sa pagbili o pagbenta ng mga government bonds.

A. Discount Rate C. Open-market Operations


B. Reserve Requirement D. Financial Intermediary
_____ 33. Ito ay isang kasunduan kung saan nangangako ang nangungutang na babayaran
nang tiyak na halaga sa mga nakatakdang regular na panahon ang bumili ng instrument
hanggang sa paglipas ng kasunduan o maturity nito.

A. Term C. Maturity
B. Equity Market D. Debt Instrument

_____ 34. Saklaw ng mga regulasyon nito ang bangko at savings and loans associations na
tumatayong taga-seguro ng mga deposito ng mga miyembro nito.

A. SEC C. Insurance Commission


B. PDIC D. BSP

_____ 35. Ang institusyong ito ay namumuhunan para sa pag-unlad ng mga bansa sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng productivity sa mahihirap na bansa at pagbibigay tulong
teknikal at pinansyal sa mga programang tulad ng pagpapatayo ng mga paaralan at health center
at pagpapalawig sa access sa tubig at kuryente.

A. IMF C. BSP
B. World Bank D. SEC

_____ 36. Tumutukoy sa gawi ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang


matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya.

A. Patakaran sa Pananalapi C. Financial Intermediaries


B. Patakarang Piskal D. Pambansang Badyet

_____ 37. Ang Contractionary Fiscal Policy ay isinasagawa sa pamamagitan ng


____________________________________________________________________________.

A. Pagbebenta ng BSP ng government securities.


B. Pagtattaas ng buwis sa kitang mataas sa 5,200,000
C. Pagdaragdag ng gastos ng pamahalaan sa imprastruktura
D. Pagpapataas ng palitan ng dolyar laban sa piso.

_____ 38. Kapag bumaba ang paggasta ng pamahalaan at tumaas ang antas ng pagbubuwis,
nagdududulot ito ng__________________________________.

A. Pagtaas ng kabuuang suplay C. Pagbaba ng kabuuang demand


B. Pagbaba ng kabuuang suplay D. Pagtaas ng kabuuang demand

_____ 39. Ito ay ang pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba't-ibang
uri ng tubig pangisdaan.

A. Aquaculture C. Pangisdaang Munisipal


B. Pangisdaang Komersyal D. Agriculture

_____ 40. Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura?

A. Dahil dito dumarami ang suplay ng bigas at iba pang pagkain na kailangan ng mga tao.
B. Dahil dito lumaki ang antas ng export ng mga pagkain galling Pilipinas patungo sa ibang
bansa.
C. Dahil dito natugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na
kailangan sa produksiyon.
D. Dahil dito nakabayad ang Pilipinas sa utang sa ibang bansa dahil sa pagbebenta ng
mga pananim at mga lupain
II. PAGTUKOY.
PANUTO: Alamin ang konsepto na tinutukoy sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.

___________________________ 41. Ito ay sining at agham na may kinalaman sa pagpaparami


ng mga hayop, tanim o halaman.

____________________________42. Ito ay isa sa mga programa sa sektor ng agrikultura na


tumutukoy sa pangkalahatang balangkas ng mga estratehiyang gagabay sa iba’t ibang programa
at serbisyo ng department of agriculture mula 2011 hanggang 2016.

____________________________43. Ito ay kasunduan sa pagitan ng DENR at People’s


Organization na nagsusulong na magtanim ulit ng mga puno at linangin ang kagubatan.

____________________________44. Buwis na ipinapataw sa halaga ng mga import at export


ng produkto sa pandaigdigang pamilihan.

____________________________45. Buwis na ipinapataw sa lupang isasalin sa tagapagmana o


‘’inheritance’’ nito.

____________________________46. Buwis na ipinapataw mula sa mga propesyonal at


manggagawa.

____________________________47. Inilalahad nito ang mga taunang pagkakagastusan at


inaasahang kita ng isang bansa.

___________________________ 48. Ito ang nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo


mula sa loob ng isang bansa.

___________________________ 49. Uri ng buwis ayon sa porsyentong ipinapataw kung saan


habang tumataas ang kita ng isang manggagawa, tumataas din ang buwis na ipinapataw sa
kanya.

___________________________ 50. Ito ang tawag sa kita ng pamahalaan mula sa mga buwis
na nakolekta nito sa mga manggagawa.

------------------------------------KATAPUSAN NG PAGSUSULIT---------------------------------

You might also like