You are on page 1of 228

El

Filibusterismo
KABANATA 1 : Bapor Tabo
Mga Tauhan :
Padre
Kapitan Salvi
Heneral

Don Padre
Custodio Irene

Donya Victorina – sumakay sa bapor upang


hanapin ang naglayas na asawa
Ben Zayb – isang manunulat
na sakay ng bapor

Simoun – isang mag-aalahas


na pasahero din ng bapor
Buod
Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig,
isang umaga ng Disyembre at patungong
Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga
makakapangyarihan na tao tulad ni Don
Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral,
Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, at Simoun.
Napapasama si Simoun sa mga mayayaman
dahil kilala nila ito bilang maimpluwensiyang
alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil
naiimpluwensyahan ito ng Kapitan Heneral.
Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at
mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang
pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don
Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni
Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na
mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila.
Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang
prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing
ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na
makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami
raw ang balut na pinandidirihan niya.
Aral
Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo.
Nasa itaas ang may kapangyarihan. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin
dahil sila mismong nasa taas ay ang gumagawa ng
kanilang mga intindihin.
Kaisipan
- Ang pagkakahati at diskriminasyon sa lipunan
ay pangkaraniwan noong panahon ng mga kastila.
Katunayan, ang mga mayayaman at mga may
dugong kastila ay itinuturing na siyang may
pinakamahalagang bahagi sa lipunan samantalang
ang mga mahihirap at mga Pilipino ay itinuturing
naman na mga utusan at mga walang pinag –
aralan.
Sa Ilalim Ng
KABANATA 2 : Kubyerta
Mga Tauhan :
Isagani – katatapos pa lamang sa
Ateneo at isang makata.

Basilio – nag-aaral ng medisina at


mahusay na manggagamot.

Simoun

Kapitan Basilio – ang matandang kausap


ng binatang Basilio at Isagani.
Padre Florentino – anak ng mayaman at
naging pari dahil sa panata ng ina,
tiyuhin siya ni Isagani.

Paulita Gomez – magandang babaing


kasintahan ni Isagani.

Padre Camorra – nagsabi raw na kaya


tamad ang mga Pilipino dahil
pinainom ng tubig at hindi serbesa

Kapitan Tiyago – ang maysakit na


napag-usapan nila.
Buod
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta.
Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero
at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.
Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at
si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap
nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak
ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang
Kastila na hindi naging matagumpay. Napag-
usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si
Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de
Espadaña.
Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina
Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun
kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya
nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani
dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa
inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa.
Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay
Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga
tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at
di alak.
Aral
Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang
diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap
ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay
walang pinipiling katayuan sa buhay ang
pagiging mahusay at kapakipakinabang.
Kaisipan
-Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang
mga balak. Humahanap sila ng mga paraan
upang maisakatuparan ang kanilang mga
adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.

- Ang pagpapari ni Padre Florentino dahil sa


kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng
kapangyarihan ng mga magulang sa anak
noong unang panahon. Anumang bagay na
naisin ng magulang maging laban man sa
kalooban ng anak ay nasusunod.
KABANATA 3 : Ang Mga Alamat
Mga Tauhan :

Padre Camorra
Padre Irene

Padre Sibyla

Padre Florentino – ang nagkwento ukol sa


“Alamat ng Yungib” ni Donya Geronima
Simuon – nagsabi na walang kwenta ang
alinmang pook kung walang alamat

Donya Geronima

Kapitan ng Barko – nagsalaysay


sa “Alamat ng Malapad na Bato”

Padre Salvi – nagsalaysay ukol sa


“Alamat ng Buwayang Bato”
Ben Zayb – nagtanong sa Kapitan kung
saan sa lawa napatay ang isang
Guevarra, Navarra, o Ibarra

Donya Victorina – nainggit kay Donya


Geronima at gusto rin niyang
manirahan sa yungib.

San Nicolas – ang nagligtas daw sa isang


Tsino na kakainin na sana ng buwaya
Buod
Ang grupo na nasa ibabaw ng kubyerta ay
nagbibiruan at nakikipagyayaan. Ang kanilang
pinag-usapan ay ang kalagayan ng kalakalan ng
mga Indio at Intsik tungkol sa kahirapan nito.
Nagsimula silang magkwento tungkol sa iba’t
ibang mga alamat. Ito ay ang “Malapad na Bato”
na tinutuluyan ng espiritu bago pa dumating
ang mga kastila .
Pangalawa, tungkol kay Donya Geronima na
ang kasintahan niyang papakasalan ay nag-
arsobispo. Nakipagtalo si Simoun sa dahilan sa
ginawa kay Donya Geronima na ikinulong sa
isang kweba, ang pagligtas ng isang Intsik sa
Panginoong hindi n’ya pinaniniwalaan dahil sa
isang buwaya. At ang huli ay tungkol sa isang
Ibarra na tumalon sa may lawa, siya ay binaril
at puno ng dugo ang lawa at hindi na siya
nakitang muli.
Aral
Ang alamat ay alamat, totoo man ito o hindi
nasa tao na ang pasya kung siya ay maniniwala o
hindi. Kadalasan din ang pagiging mapaniwalain ay
nagdudulot din ito ng kapahamakan sa atin.
Maniwala ka man o hindi, wala naman sigurong
mawawala sa iyo.
Kaisipan
-Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda
dahil sa kahihintay sa kaniyang kasintahan. Ito’y
nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing
Pilipina.

-Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang


mayroon. Halos lahat ng bayan pati na ang
pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.
KABANATA 4 : Kabesang Tales
Mga Tauhan :

Tandang Selo – ang nag-aruga kay Basilio


noong bata pa

Kabesang Tales o Telesporo - anak ni


tandang Selo
Huli – anak ni Kabesang Tales na nais
sanang mag-aral

Mga Tulisan – ang dumukot kay


Kabesang Tales

Tano – anak ni Tales na naging sundalo

Lucia – panganay na anak ni Kabesang


Tales na namatay sa sakit na malaria
Asawa ni Tales – namatay sa sakit na
pulmonya.

Hermana Penchang – ang naging amo


ni Huli na nagbigay ng ₱200 pantubos
sa ama.
Mga Paring Dominiko – ang mga sakim
na pari na naniningil ng mataas na
buwis at mataas na renta sa lupa kay
Kabesang Tales

Kapitan Heneral – ang nagpalabas ng


kautusan na bawal magdala ng baril.
Buod
Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May
tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia,
Tano, at Huli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni
Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang
tubuhan. Ninais niyang pag-aralin si Huli ng
kolehiyo upang makapantay sa kasintahang si
Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa
tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle.
Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito
ng patalim at may nakitang pera sa kaniya.
Pinatutubos naman siya sa halagang 500.
Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang
laket na bigay ng kasintahan na noon ay
pagmamay-ari ni Maria Clara. Ngunit di ito
sapat kaya namasukan siyang katulong kay
Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko.
Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang
pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Huli na
pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.
Aral
May mga buhay na nasisira ang pagiging
ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng
kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap
ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng
mga prayle.
Kaisipan
-Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales
ay nagpapahiwatig ng mga kasamaang umiiral
noong panahon ng Kastila.

-Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o


palakol ay nagpapakitang handang ipakipaglaban ng
mga Pilipino ang kanilang karapatan.

-May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa


Pilipino. Nariyan ang mga tulisang dumakip kay
Kabesang Tales upang ito’y ipatubos.
Ang Noche Buena
KABANATA 5 : ng Isang Kutsero
Mga Tauhan :

Simoun – ang nakita ni Basilio sa bahay ni


Kapitan Basilio kasama ng alperes.

Sinong – ang kutserong


naghatid kay Basilio

Kapitan Basilio – ang dinalaw ng Alperes


at ng mag-aalahas na si Simoun.
Alperes – ang kasamang panauhin ni
Simoun sa tahanan ni Kapitan Basilio.

Mga Guwardiya Sibil – ang mga


bumugbog at nagparusa kay Sinong.

Kapitan Tiyago – ang pinuntahan


ni Basilio

Basilio – dumating sa San Diego


sakay sa karwahe
Buod
Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang
bayan. Nasabay pa siya sa prusisyong pang-
Noche Buena. Naabala pa sila dahil binubugbog
ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang
kaniyang sedula. Matapos ay napag-usapan nila
ang rebulto ni Metusalem, ang
pinakamatandang taong namalagi sa daigdig.
Idinaan naman ang rebulto ng tatlong Haring
Mago na nakapagpaalala kay Sinong kay Haring
Melchor.
Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung
nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si
Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok sa
San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga
Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila.
Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng
kaniyang kalesa. Dinala na siya sa presinto at si
Basilio ay naglakad na lamang. Sa paglalakad niya
ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik
ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa
bahay ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang
pangyayari kay Kabesang Tales at Huli.
Aral
Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila
puro pasakit na ang kanilang nararanasan. Likas
sa mga Pilipino na maniwalang darating din ang
liwanag sa kabila ng tinatahak nilang malubak at
madilim na landas.
Kaisipan
Ipinakita ang pagmamalupit ng nasa
kapangyarihan sa mga taong walang kaya.

-Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni


Tales ay nagpapahiwatig ng mga kasamaang
umiiral noong panahon ng Kastila.

-Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok


o palakol ay nagpapakitang handang ipakipaglaban
ng mga Pilipino ang kanilang karapatan.
KABANATA 6 : Si Basilio
Mga Tauhan :

Basilio - nagtungo sa kagubatan


ng mga Ibarra

Maria Clara – ang inihatid nina Tiyago


at Tiya Isabel sa kumbento.

Kapitan Tiyago - ang naging amo ni


Basilio sa Maynila.
Huli – balak ni Basilio na pakasalan
pagkatapos niya sa pag-aaral
Buod
Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago,
madaling araw pa lamang. Nagtungo siya sa
libingan ng mga Ibarra sapagkat anibersaryo ng
pagyao ng kaniyang ina. Nag-alay siya ng isang
panalangin para sa ina. Matapos iyon ay
lumisan na rin si Basilio at bumalik na sa
Maynila. Muntik nang magpatiwakal si Basilio
noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita
lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at
kinupkop at pinag-aral ito sa Letran.
Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at
tanging “adsum” o “narito” ang kaniyang
nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang
lumang kasuotan. Gayunman, walang nakapigil kay
Basilio na mag-aral. Nagkaroon ng guro si Basilio
na tinangka siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit
nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng
guro. Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at
nagkaroon pa ng laban sa sable at baston. Naging
sobresaliente din siya o may pinakamataas na
marka. Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral
sa Ateneo Municipal kung saan siya kumuha ng
medisina.
Aral
Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang
pagiging mahusay. Sabi nga, huwag husgahan
ang aklat ayon lamang sa pabalat. Minsan ang
kagalingan ay ikinukubli lamang at inilalabas sa
tamang pagkakataon.
Kaisipan
-Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral
ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
Karunungan. Maging anumang uri ng gawain
basta’t marangal ay kailangang pasukan upang
makatapos ng pag-aaral. Kailangan ang pagtitiis,
pagtitiyaga at pagsusumigasig upang matuto.

-Sa kabanatang ito’y napabulaanan ang


kasabihang kung ano ang puno’y s’yang bunga. Si
Basilio ay may mga mabubuting katangiang
kabaligtaran ng sa ama.
KABANATA 7 : Si Simoun
Mga Tauhan :

Basilio - babalik na sana sa bayan


nang makita niya si Simoun

Simoun – namangha nang makita si


Basilio habang siya’y naghuhukay ,
nais sana niyang barilin si Basilio.
Buod
Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling
nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na
tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa.
Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si
Simoun. Si Basilio ang unang nakatuklas ng
lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na
katauhan ay batid din ng binata ang binabalak
ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-
aping kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang
layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang
pangarap ni Basilio ay makatapos ng medisina at
matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan
na si Huli. Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan
at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na
walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa
dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging
malaya muna sila sa mga mang-aalipin para
makamit nila ang mapayapang buhay. Hindi naging
sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan
niyang makumbinsi ang binatang si Basilio.
Aral
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-
kanyang pamamaraan kung paano nila makamtam
ang mga layunin at adhikain nila sa buhay.
Kaisipan
-Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito’y
mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa,
kaisipan, damdamin at mga mithiin ng may akda
para sa kaniyang bayan.

-Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga


Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang isa’y
humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng
Espanya at ang isa nama’y nagnanais humiwalay
upang maging ganap na malaya.
Maligayang
KABANATA 8 : Pasko
Mga Tauhan :
Tandang Selo – kasama ni Huli sa bahay
at nagbasbas sa bayan.

Huli – umasa ng himala ng


Mahal na Birhen.

Tales – ama ni Huli na


kanyang tutubusin.
Buod
Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit
nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga
panalangin ay masasagot ng isang himala. Kagaya
ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at
buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat
ang araw. Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng
Birhen sa pagbabasakaling nagkaroon na ng himala.
Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at
namulat na lamang bigla na mali pala ang mga
sapantaha niya tungkol sa milagro.
Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang
sarili habang siya ay abalang nag-gagayak.
Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa
bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana
Penchang. Bago siya umalis kinausap at binilin
niya ang kanyang lelong. Nang mapansin niya ang
nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali siyang
umalis. Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang
kanyang mga kamag-anak upang mamasko.
Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya
dahil anumang gawin niyang magsalita o sumigaw
ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Aral
Ang buhay ay parang isang gulong. Ang mga
pangarap sa buhay ang gawing inspirasyon
upang mabilis ang pag-ikot ng mga gulong
tungo sa tagumpay.
Kaisipan
-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga
himala. Ang paghahanap ni Huli ng salaping
inaasahang ibibigay ng Birhen ay kaigsian ng
pag-iisip. Ibig ipaunawa dito na nasa tao ang
gawa at nasa Diyos ang awa.

-Ang pagkapipi ni Tandang Selo ay


nagpapahiwatig ng pagkaka-alis sa mga
Pilipino ng kalayaang magpahayag ng kanilang
nais sabihin.
KABANATA 9 : Si Pilato
Mga Tauhan :
Tandang Selo – napabalitang
biglang napipi.

Mga Pari – nagsasaya sa pagkapanalo nila sa usapin.

Hermana Penchang – nagsabing


parusa daw ito ng langit sa mga
kasalanan nila.
Buod
Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang
Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa
sa matanda, samantala ang mga guwardiya
sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng
balikat. Si Padre Clemente na siyang
tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na
naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa
niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng
huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang
matanda na nagtatago ng mga armas.
Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang
alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila.
Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at
naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila
marunong manalangin sa langit. Buong galak na
nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila
sa usapin tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila
ang pagkakataon upang ipamigay ang mga
lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda
ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin
ang kanyang sariling tahanan.
Aral
Ang mga kasawian at pagsubok sa buhay ay
hindi dapat inilalagay sa puso at isipan. Labanan
ito at huwag hayaang maging lason na sisira sa
iyong pagkatao.
Kaisipan
-Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon.
Walang Pilipinong maaaring lumaban dito noong
panahong iyon.

-Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus


ay ipako sa krus. Siya’y naghugas ng kamay at
sinabing siya’y walang kasalanan.
Kayamanan at
KABANATA 10 : Karalitaan
Mga Tauhan :

Hermana Penchang – bumili


ng singsing na brilyante.

Kapt. Basilio – pumunta sa bahay ni Tales


upang bumili ng alahas kasama ang
asawa at anak na si Sinang

Simoun – tumuloy sa bahay ni Tales


upang doon magtinda ng alahas.
Huli – pinuntahan ni Tales sa
bayan ukol sa agnos.

Sinang – anak ni Kapt. Basilio at kaibigan


ni Ma. Clara na siyang nagpapatunay
ukol sa agnos.

Tandang Selo – hinuli ng mga


sibil kapalit ni Tales.
Buod
Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang
Tales. Siya ay may dalang pagkain at ang
kanyang ibang kailangan, at dalawang kaban ng
mga alahas. Nagsidatingan na ang mga
mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan
Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at
kanyang asawa, at si Hermana Penchang na
kung saan may balak bumili ng isang singsing
na may brilyante para sa birhen ng Antipolo.
Lahat sila ay galak na galak sa dala-dalang
alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales
naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni
Simoun. Inilabas ni Simoun ang kanyang mga
bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba
pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at
pinabibili ito sa kanyang ama. Ang kuwintas na
pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kanyang naging
kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay
may halagang limang daang piso.
Aral
Maging makatao sa iyong mga kakilala at
kababayan. Nasa taong namamahala ang
isinasama ng mga mamayanan. Ugali din ng
Pilipino ang magbuwis buhay alang-alang sa
kanilang karapatan.
Kaisipan
-Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga
taong namamahala.

-Ang mga Pilipino’y handang magbuwis ng buhay


alang-alang sa kanilang karapatan.
KABANATA 11 : Sa Los Baños
Mga Tauhan :
Nangaso sa Busubuso ngunit walang nahuli kahit daga:

Gobernador Kapitan
ng Pilipinas Heneral

Naglaro ng baraha kasama sa Kapitan Heneral:


Pari
Pari Sibyla Pari
Irene Camorra
Padre Camorra – nagpuputok ang butse
dahil di alam na kusang nagpapatalo
sina Irene at Sibyla.

Mataas na Kawani – ang nais tumulong


kay Tandang Selo na mapalaya ito.

Kapitan Heneral – pinermahan ang


pagpapalaya kay Tandang Selo upang
sabihin di siya malupit kundi
maawaing tao.
Buod
Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan
Heneral kasama si Padre Sibyla at Padre Irene ay
naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los
Baños. Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang
nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon
ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng
Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming
iniisip ang Kapitan, kagaya ng papeles ng
pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon,
at iba pa. Ang paaralan ay hindi ganoon ka-
importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre
Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre
Irene, at hinayaang manalo si Kapitan. Pinalitan
naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro
naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang
kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito
sapagkat wala namang maipupusta ang kura.
Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang
nanalo, bibigyan nila siya ng pangako. Sa
kakaibang kondisyon ng binata ay lumapit si Don
Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani.
Tinanong nila ang binata kung para saan ang
kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay
para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan.
Aral

Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang


Pilipino na nasusunod ang lahat ng utos at
gusto ng isang makapangyarihang tao at dapat
natin respetuhin at suyuin ang taong iyon.
Kaisipan
-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at
ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang
pasiya ng mga prayle.

-Magkaiba ang pamamalakad ng mga


Dominiko at mga Heswita.

-Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay


kaugalian nating mga Pilipino.
KABANATA 12 : Placido Penitente
Mga Tauhan :

Placido Penitente – mag-aaral sa


Unibersidad ng Sto. Tomas.

Juanito Pelaez – nakita ni Placido,


nanghingi ito ng pondo para sa
pagpapatayo ng bantayog.
Buod
Si Placido Penitente ay nag-aaral sa
Unibersidad ng Santo Tomas at nasa ikaapat na
taon na siya ng kolehiyo. Ngunit, malungkot ang
binata at nais na niyang tumigil sa pag-aaral.
Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin
nalang ang natitira niyang taon sa eskwelahan.
Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni
Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa
Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante
at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon.
Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik
siya ni Juanito Pelaez, isang anak ng mayamang
mestizong Kastila. Kinamusta siya ni Pelaez sa
bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka
kinuwento naman ito ng binata. Tinanong din ni
Pelaez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon
dahil noong araw lamang na iyon ang unang
pagpasok ni Pelaez. Niyaya naman ni Pelaez si
Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol
naman ito.
Aral
Ang pamahaalan ay minsang abusado at
sakim sa kapangyarihan dahil sa pagtutol nila
ang pagtututo ng mga tao.
Kaisipan
-Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa
mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat ito’y
nagiging dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng
mga mag-aaral at ng di-paggalang ng mga ito sa
guro.
Ang Klase sa
KABANATA 13 : Pisika
Mga Tauhan :
Placido – tinapakan sa paa ni Juanito
upang hilingan ng sagot kaya
napasigaw ito.

Pari Millon – nagtuturo ng pisika, bata


pang profesor galing sa San Juan de
Letran.

Juanito Pelaez – tinanong ng guro,


ngunit di ito nakasagot
Buod
Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba
ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na
mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig
ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot
sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang
mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng
kanilang apelyido. Kahit malaki ang silid,
makikita namang wala itong anumang palamuti.
May mga kagamitan at instrumento para sa pag-
aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa
isang aparador na nakakandado.
Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na
tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa
niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang
tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at
Placido ay nagsesenyasan na magturuan.
Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang
hudyat ngunit napasigaw si Placido. Siya tuloy ang
napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-
utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan
siya ng mababang marka habang nakatanggap pa
ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at
biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.
Aral
Kung minsan ay lumalabis na sa
pagdidisiplina ang iba. Kahit maganda ang
intension, kung hindi maganda ang
pamamaraan ay wala rin itong bisa.
Kaisipan
-Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay
hindi nasisiyahan sa pamamalakad at
pamamaraan ng pagtuturo sa pamantasan.
Sila’y naghain ng kahilingan upang magkaroon
ng pagbabago.

-Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging


inihahanda sa mga panauhing darating at hindi
sa pag-aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan-
ang pakitang tao.
Sa Bahay ng
KABANATA 14 : Mag-aaral
Mga Tauhan :
Macaraeg – may-ari ng dalawang
palapag na bahay.

Don Custodio – naatasang


magsuri sa Akademya.

Pepay – isang mananayaw


na hihilingan nila ng tulong
Mateo – ang borbadora o
mananahi ni Don Custodio
G. Pasta – kaibigan ni Don Custodio
at isang abogado.

Florentino – kaibigang matalik ni


Padre Florentino.

Isagani – ang napiling kakausap kay


G. Pasta
Buod
Pag-aari ni Macaraig ang bahay na
tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang
pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya
rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan
para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez,
at Isagani sa isang pagpupulong. Positibo ang
pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan
ang kanilang panukala. Habang si Pecson naman
ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.
Ibinunyag ni Macaraig na ipinagtatanggol daw
sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan
na lamang daw nilang mapapayag si Don
Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan,
sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang
manananggol at si Pepay na isa namang taga-
aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay
Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil
marangal itong tao at tiyak na magiging maayos
ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.
Aral
Isang magandang gawi ang pagpaplano, ang
pag-uusap tungkol sa mga adhikain. Kung
kikilos nang sabay-sabay at iisa ang pangkat,
tiyak na makakamit ang mithiin.
Kaisipan
-Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may
malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa
mga Pilipino.

-Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi


ay nawawala sa mga paaralan, na wari’y
nalulusaw sa init ng kabataan at karunungan.
Magandang halimbawa si Sandoval, isang
Kastilang naging kasama’t kamag-aral nina
Isagani at Macaraig.
KABANATA 15 : Si Ginoong Pasta
Mga Tauhan :

G. Pasta – sikat na abogado at


sanggunian ni Don Custodio.

Isagani - ang nagtungo sa


tanggapan ni Ginoong Pasta
Buod
Bilang pagtupad sa kanilang misyon,
tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong
Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng
kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya
lumalapit ang mga pari upang manghingi ng
payo kung nasa isang gipit na sitwasyon.
Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa
kanilang balak. Nais niyang kausapin ni
Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-
ayon ito.
Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang
misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang
Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang
pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral.
Nakiramdam naman si Isagani kung naging
mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo.
Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang
kaniyang pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano
ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin
at mas makabubuti raw na ang pamahalaan na
lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot
naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo.
Aral
Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa
kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na
lamang ding manahimik upang hindi
masangkot sa mga gulo.
Kaisipan
-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa
isang taong makapangyarihan, kailangang
hanapin muna ang kaibigan o kinaaalang-
alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon
ay palasak.

-Maraming taong tumitingin sa pansariling


kapakanan at winawalang bahala ang
ikabubuti ng bayan.
KABANATA 16 :
Ang Mga Kapighatian
ng Isang Intsek

Mga Tauhan :

G. Gonzales – nagsasabing kailangan


ng mga intsik ang konsolado sa
bansa.

Quiroga – ang naghandog ng


isang hapunan.
Simoun – ang huling dumating sa
piging at siningil si Quiroga sa
utang nito.

Juanito Pelaez – nakapanood


sa espinghe sa palabas ni Mr.
Leeds sa Quiapo.
Buod
Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila
ng hinaharap na pagkalugi ng kaniyang negosyo ay
nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan.
Pakay niya na magkaroon ng konsulado ang Tsina
sa bansa. Inimbitahan niya ang mga military,
kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa
negosyante. Naroon din si Simoun. Hindi lamang
pagsama sa hapunan ang pakay ng alahero kung
hindi maging ang paniningil sa utang ni Quiroga.
Gayunman, dahil nga sa pagkalugi ng
kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay
Simoun ng limang libong piso. Inalok naman siya
ni Simoun na maaari niyang bawasan ng
dalawang libong piso ang pagkakautang ng Intsik
kung papayag itong maitago ang mga armas sa
kaniyang bodega. Ipinaliwanag ni Simoun na wala
raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat unti-
unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang
lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi
pumayag sa alok ni Simoun. Nag-uusap naman
sina Don Custodio tungkol sa ipapadala sa
bansang India upang matutong gumawa ng
sapatos para sa sandatahan.
Aral
Matuto tayong makontento sa anong
mayroon tayo sapagkat sa paghangad natin ng
mataas gamit ang makasariling intensyon ay lalo
tayong mapahamak.
Kaisipan
-Ang pagtanggap ng suhol ng mga
nanunungkulan sa pamahalaan at ang
pagsasamantala sa mga lumalapit sa kanila ay
nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito
ang pinakamalubhang sakit ng lipunan sa
ngayon.
Ang Perya sa
KABANATA 17 : Quiapo
Mga Tauhan :
Padre Camorra – gustong makakita ng
magagandang dalaga.

Mr. Leeds

kasama ng dalagang namasyal :

Donya
Victorina Isagani
Ben Zayb – naniwalang may pandarayang
nagawa sa palabas

Paulita Gomez – magandang


dalagang nakita ni Camorra.

Simoun – biglang nawala at


humiwalay sa grupo
Buod
Umalis na sa bahay ni Quiroga ang
labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay
pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at sa
bahay ni Mr. Leeds. Aliw na aliw ang pari na si
Padre Camorra sa mga babaeng nakikita niya sa
peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang
prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang
tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez.
Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya
Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na
katipan ni Paulita.
Nakarating sila sa isang tindahan ng mga
rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga
kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr.
Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni
Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig
ni Camorra dahil maraming likha ang mga
kahawig ng pari. Mayroon silang nakitang larawan
na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang
alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika
naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si
Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr.
Leeds.
Aral
Ang pagnanasa at makamundong gawain ay
walang pinipiling anyo o antas sa buhay. Basta
hindi bukas sa pagbabago, iikot sa mga
masasamang pagnanasa ang isang tao.
Kaisipan
-Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang
sining ay kinakikitaan ng damdamin at ng iniisip
ng gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan
sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga
pangyayari noong panahong yaon.
KABANATA 18 : Mga Kadayaan
Mga Tauhan :
Ben Zayb – nagsiyasat bago
nagsimula ang palabas

Mr. Leeds – namuno ng


palabas sa Quiapo.

Imuthis – ang pangalan ng espinghe

Padre Salvi – namutla at nawalan ng


malay dahil sa sinabi ng ulo.
Buod
Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr.
Leeds ay siniyasat muna ni Ben Zayb ang buong
bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay
hindi rin niya pinalampas. Pilit siyang naghahanap
ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit
sa pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang
natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas.
Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds.
Sinabi niya na natagpuan niya ito sa isang lumang
libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga
salitang banyaga ay kusang nabuksan ang kaha.
Dito ay tumambad ang isang ulong anyong
bangkay na mayroong mahaba at makapal na
buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita
na parang tumatangis at humihingi ng tulong.
Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol
sa mga mapang-aping prayle at saserdote noong
panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto).
Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at hinimatay
si Padre Salvi.
Aral
Ang mga taong mababaw ang pag-iisip at
pang-unawa ang siyang kadalasang nagiging
biktima ng mga mapaglinlang. Maging
mapagmatiyag at mapanuri sa lahat ng oras.
Kaisipan
-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay
tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong
panahon ng Kastila.

-Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni


Pari Salvi ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga
prayle sa kanilang kasamaa’t pagkakasala.
KABANATA 19 : Ang Mitsa
Mga Tauhan :
Placido Penitente – umalis sa silid-
aralan na may luha sa mga mata.

Kabesang Andang – nadatnan ni


Placido sa bahay na inuupahan.

Simoun – ang nakilala ni Placido kaya


naisip niyang patulong dito upang
maipakausap sa dayuhang isama sa
HongKong.
Buod
Si Placido ay larawan ng isang karaniwang
kabataan. Siya ay mapusok, nagkamali ngunit sa
bandang huli ay nahanap din ang tamang daan
tungo sa magandang kinabukasan. Labis ang
hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni
Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. Kinausap niya
ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-
aaral hanggang sa makatapos ng abogasya. Dahil
dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at
iniwan ang kanyang ina. Sa kanyang paglalakad sa
bayan ay nakita niya si Simoun.
Lumapit siya dito at isinalaysay ang nangyari sa
kanya. Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa
pagawaan ng pulbura. Nasaksihan ng binata ang
hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun.
Sunod nilang pinuntahan ang bahay ng mag-
aalahas. Dito niya nakita ang isang bata na kasing
edad niya ngunit malayong matanda ang itsura
kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito
ay sanhi ng mabibigat na gawain na naiatang sa
kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang
isip at kalooban ni Placido.
Aral
Hanggang mayroong pagkakataon
samantalahin ito upang makapagtapos sa pag-
aaral. Ang oras kapag lumipas ay hindi na
maibabalik pa.
Kaisipan
-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga
Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang
maghimagsik.

-Ang layunin ng maraming magulang sa


pagpapaaral sa kanilang anak upang
maipagmalaki at masabing sila’y magulang ng
isang nakapag-aral at nagkatitulo.
Ang
KABANATA 20 : Nagpapalagay
Mga Tauhan :

Ben Zayb – ang tinaguriang


Buena Tinta

Don Custodio de Salazar y Sanchez


de Monteredondo

- siya ang naatasang magsuri


sa akademya
nais pagbigyan ni Don Custodio :

Mga Prayle
Kondesa

Mataas na G. Pasta
Kawani

Padre Pepay
Irene
Buod
Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong
mapaglinlang. Hindi siya naniniwala sa
pangungumpisal, sa milagro ng mga santo at ang
pagiging banal ng papa. Bata pa si Don Custodio
nang dumating siya sa Maynila. Dahil sa kanyang
mataas na katungkulan ay nakapangasawa siya ng
isang mayamang taga-lunsod. Ginamit niya ang
pera ng kanyang asawa sa pangangalakal. Siya ay
naging tanyag at napabilang sa mga kinikilalang tao
sa lipunan. Mahigit na dalawang linggo na sa
poder ni Don Custodio ang usapin tungkol sa
paggamit ng wikang Kastila sa loob ng akademya.
Siya ang naatasan na gumawa ng pag-aaral
at magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng
mga estudyante ay naayon o hindi. Ang pag-iisip
ni Don Custudio ay mahirap mawari. Minsan ay
kakampi at pinagtatanggol niya ang mga Indiyo.
Samantalang kung minsan ay hinahamak niya
ang pagkatao ng mga ito. Sa kanyang pagbibigay
ng pasya tungkol sa usapin, isa lang ang gusto
niyang mangyari, ang mapasaya ang mga prayle
lalo na si Padre Irene.
Aral
Inyong pakatatandaan na walang saysay ang
mataas na katungkulan kung hindi ito nagagamit
sa isang magandang layunin. Gamitin niyo ang
inyong kapangyarihan upang makatulong sa
kapwa.
Kaisipan
-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga
banyaga. Agad-agad tayong humahanga. Hindi na
natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao
at kakayahan.

-May paniniwala si Rizal na ang tao’y pantay-pantay.


Walang pagkakaiba ang puti at kayumanggi.
KABANATA 21 : Ayos ng Maynila
Mga Tauhan :

Tadeo – may kasamang promdi,


nagsabing kilala niya lahat.

Tiyo Kiko – inupahan ng mga


Pranses upang magdikit din
ng mga paskil.
Camaroncocido – galing sa isang
kilalang angkan ng Kastila ngunit
nabubuhay na tila hampas-lupa
dahil sa kanyang pananamit.

Padre Salvi –ang tutol sa


pagtatanghal ng dulaan
Buod
Ang pagtatanghal sa Dulaang Variadades ay
nagdulot ng salungat na opinyon. Ang grupo nina
Padre Salvi ay tutol sa pagtatanghal ng dulaan,
habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong
lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na
pagtatanghal ng nasabing palabas. Maaga pa ang
gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring
dumating ang mga panauhin at mga manonood,
isa na rito si Camaroncocido. Siya ay buhat sa isang
kilalang angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na tila
hampas-lupa dahil sa kanyang pananamit.
Dumating din si Tiyo Kiko, ang kayumangging
matanda na hinahangaan sa kanyang maayos na
bihis mula ulo hanggang paa. Sila ni
Camaroncocido ay parehong nabubuhay sa
pagbabalita at pagdirikit ng mga kartel ng mga
dulaan. Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng
mga prayle ang pagtatanghal dahil sa isyu ng
moralidad at kalaswaan na paksa ng dula. Ngunit
sa huli ay pumayag din sila dahil sa
panghihinayang sa perang malilikom mula sa
bentahan ng bilyete.
Aral
Hindi balakid ang kahirapan sa buhay upang
maging maayos, malinis at katangi-tangi ang
kaanyuan. Hindi masama ang magbihis at
gumalaw na mistulang mayaman basta kaya
itong dalhin at panindigan.
Kaisipan
-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang
bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan.
Walang inaalagata ang marami kundi ang
kagalingang pansarili.
KABANATA 22 : Ang Palabas
Mga Tauhan :
Kapitan Heneral – ang panauhing
hinihintay ng lahat upang
magsimula ang palabas.

Mga Artilyero – pinakamaingay


dahil di nasiyahan sa tugtugin

Don Primitivo – may-ari ng batalang


inupuan ng isang lalaki
Pepay – ang mananayam na malapit
na kaibigan ni Don Custodio.

Don Custodio – ang pinadalhan ng


sulat ni Pepay

Sandoval – ang kawaning kastila na


sang-ayon sa ipinaglalaban ng mga
mag-aaral.

Isagani – ang tanging malamig ang


pagtanggap sa balita.
Sabik na makita ang can-can na
sayawin ng mga Pransesa :

Pecson Macaraeg

Paulita – ang kasintahan ni Isagani na


sumama sa karibal niyang si Pelaez.

Juanito Pelaez – ang kasama ni Paulita sa


palabas na karibal ni Isagani.
Donya Victorina – naakit kay Juanito at
naisipang magpakasal sa binata.

Serpolette – isang babaeng nasa pagitan


ng marina at manananggol.

Gertrude – isang pranses na magandang babae na


sumulyap ng makahulugan sa Heneral

Padre Irene – ang paring nagbalat-kayo


na pasilip-silip kay Serpolette na matalik
niyang kaibigan.
Ben Zayb – ang tagasuri ng El Grito
de la Integredad.

Tadeo – ang nagkamit ng unang


gantimpala sa wikang Pranses.
Buod
Marami sa mga nanood ng palabas ay hindi
nasiyahan dahil sa hindi mawaring kahulugan ng
wikang Pranses. Matagal na naantala ang
pagsisimula ng dula dahil sa matagal na pagdating
ng Heneral. Napuno ang lahat ng palko na
nakalaan sa mga panauhin maliban sa isa na
nakalaan sa mag-aalahas na si Simoun. Nabigla
ang mga kabataan sa pagdating ng isa sa mga tutol
sa pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang
naman nitong depensa ay inutusan siya ng mga
kinauukulan upang magsilbing ispiya.
Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang
palabas. Ngunit habang ito ay tumatagal ay unti-
unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga
panauhin ay hindi nakakaintindi ng wikang
Pranses. Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng
ilan na isalin ang dula sa wikang Kastila. Marami
kasi sa mga taga-salin ay pawang mga
nagmamagaling lamang ngunit ang katotohanan
ay hindi rin nila lubos naiintindihan ang salitang
Pranses. Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at
paglabas ng grupo ng mga mag-aaral sa
kalagitnaan ng dula.
Aral
Ang pagkakaroon ng sariling wika ay tanda ng
isang ganap na kalayaan. Hindi lamang ito
karapatan bilang isang tao bagkus ay para rin sa
kalayaan ng pang-unawa at kaisipan.
Kaisipan
-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang
oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang natin
ito sa mga Kastila.

-Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na


buhat sa ibang lupain. Maging anumang bagay
na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at
hinahangaan natin.
KABANATA 23 : Isang Bangkay
Mga Tauhan :

Simoun – ang tanging dumadalaw


kay Kapitan Tiyago.

Kapitan Tiyago – ang maysakit


na binabantayan ni Basilio.

Basilio – ang binatang hindi dumalo


sa pagtatanghal dahil abala sa pag-
aaral at pagbabantay kay Kapitan
Tiyago.
Macaraeg – ang nakakita kay Simoun
na naglalakad sa may daang ospital
malapit sa kumbentong Santa Clara.

Camaroncocido – nakakita kay Simoun sa may


dulaan na kausap ang isang tila mag-aaral.

Padre Irene – ang dumadalaw


kay Kapitan Tiyago.
Buod
Naging palaisipan kay Basilio ang dahan-dahan na
pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapitan
Tiyago. Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang
dumating ang mag-aalahas sa tahanan ni Tiyago.
Kinumusta muna ni Simoun ang kalagayan ng
maysakit pagkatapos ay sinabi niya agad ang kanyang
pakay sa binata. Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng
binata ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya
ng pabor na kung puwede ay pamunuan ni Basilio
ang isang pulutong upang maghasik ng kaguluhan sa
kalathang Maynila.
Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang
maitakas niya sa kumbento si Maria Clara.
Nagulat si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi
niya sa mag-aalahas na si Maria Clara ay
pumanaw na. Nagulat at nayanig ang mundo ni
Simoun sa narinig na balita. Ayaw niyang
maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng
binata ang sulat ni Padre Salvi na labis na
tinangisan ng amang si Tiyago. Hindi maiwasan ni
Basilio ang maawa sa noo’y nanlulumo na si
Simoun.
Aral
Ang pagtalikod sa pakikipaglaban na walang
katiyakan ay hindi isang kaduwagan o kahinaan.
Matalino at matapang ang mga tao na mayroong
ganitong pananaw sa buhay.
Kaisipan
-Ang pagbabalik at balak ni Simoun na agawin si
Maria Clara sa kumbento ay nagpapatunay ng
kawagasan ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay
ng dalaga ay nagpapahiwatig ng pananatili ng
kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa.
KABANATA 24 : Mga Pangarap
Mga Tauhan :
Donya Victorina – may gusto kay Juanito.

Don Tiburcio – asawa ni Donya Victorina na


nagtago sa tiyahin ni Isagani.

Isagani – nais makipagkita kay Paulita upang


linawin ang masaming bagay
Buod
Lingid sa kaalaman ni Donya Victorina ang
kanyang nawawalang asawa na si Don Tiburcio ay
nasa pangangalaga ng tiyuhin ni Isagani. Kumalat
sa bayan ang usapin ng biglaang pagkakasakit ng
alaherong si Simoun. Naging mailap siya sa tao at
hindi halos tumatanggap ng sinumang panauhin
sa loob ng kanyang tahanan. Sa kabilang dako
naman ay matiyagang hinihintay ni Isagani ang
kaniyang kasintahan na si Paulita. Habang
naghihintay ay sumagi sa kanyang isipan ang mga
pangarap niya para sa Inang Bayan.
Dahil sa matagal na paghihintay ay naisipan na
niyang umuwi nang biglang dumating ang isang
karwahe lulan sina Juanito, Paulita at si Donya
Victorina. Magiliw siyang tinanong ng matanda
kung mayroon na ba siyang balita kay Don
Tiburcio. Sinagot naman ito ni Isagani na kunwari
ay walang alam. Ipinagtapat ni Paulita sa
kasintahan na ang nililigawan ni Juanito ay ang
kanyang Ale. Dahil dito ay naging lubos ang
kagalakan ng binata kaya sinabi rin niya sa dalaga
ang totoong kalagayan ni Don Tiburcio.
Aral
Ang lihim ay lihim. Kapag masyadong masaya,
huwag magpapadala sa emosyon upang isiwalat
ang mga nakatagong lihim.
Kaisipan
-Ang pag-unlad na nakikinikinita ni Isagani ay
siyang pangarap ng may-akda para sa kaniyang
bayan.

-Ito’y hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay


nagkaroon ng katuparan.
Tawanan at
KABANATA 25 : Iyakan
Mga Tauhan :
Basilio – isang matalinong mag – aaral ng
Medisina, siya ang nais ng mga mag –
aaral na makasama sa pagpupulong.

Padre Sibyla - ang paring mahilig magsugal.


Sa kabanatang ito sinabi na siya ang
biserektor ng unibersidad.

Don Custodio – nag-aproba sa akademya


subalit ito’y sumasailalim sa korporasyon
ng mga prayle.
Makaraig - ang pinuno ng kilusan ng mga
mag – aaral na nais magkaroon ng
akademiya ng wikang kastila.

Padre Irene - naging padrino ng mga


kabataang mag – aaral sa kanilang
hangarin.

Isagani - ang namuno sa paglalabas ng sama


ng loob ukol sa naging pasya ni Don Custodio
ukol sa usapin.
Quiroga – ang inihalintulad sa pansit na
pwedeng ihain sa lahat ng okasyon sapagkat
kung saan may okasyon ay laging naroon .

Pecson - ang nagbigay ng talumpati ukol


sa pabor na ginagawa ng mga prayle para
sa mga mayayaman.

Pelaez - ang mag – aaral na mahilig


maglakwatsa. Ang tanging kontribusyon
niya sa kilusan ng mga mag – aaral ay ang
donasyong kanyang ibinibigay.
Sandoval – ang nagsisilbing kakampi ng mga
mag – aaral sa kabila ng pagiging isa niyang
kastila na dapat ay hindi pumayag na matuto
ang mga Pilipino na matuto ng wikang kastila.

Tadeo - ang bukod – tanging hindi


nakapagbigay ng maayos na talumpati.

Simoun - isa sa mga bida sa talumpati ng mga


mag – aaral sapagkat siya ang magmamay –
ari ng akademiyang ipatatayo.
Buod
Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang
magiging mitsa upang sila ay usigin ng
pamahalaan. Hindi pa man lumalabas ang pasya ni
Don Custodio tungkol sa usapin ng pagtuturo ng
wikang Kastila ay batid na ng grupo nina Sandoval
ang kahihinatnan nito. Ayaw ng mga prayle at ng
pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga
Indiyo. Wala daw karapatan ang mga ito na
gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na
ang magiging kapasyahan ni Don Custudio.
Papanig siya sa kagustuhan ng mga kinauukulan.
Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang
labing-apat ay nagtipon sa isang pansiterya upang
ipagdiwang ang kahihinatnan ng pasya. Tanging si
Basilio at si Juanito ang hindi nakarating sa
nasabing pagtitipon. Masayang nagbibiruan ang
mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga
prayle. Iniugnay pa ang mga ito sa bawat pagkain
na kanilang pinili. Bago sila natapos ay napansin
ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila
sinubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang
makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng
sasakyan ni Simoun.
Aral
Ang pagiging mapusok ay walang mabuting
maidudulot lalo na sa mga kabataan. Lagi nating
tandaan na ang pagsisisi ay laging nasa huli.
Kaisipan
-Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol
sa akademya ay isang katunayang ang kabataan ay
hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay
na ikauunlad ng sarili at ng bayan.

-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating


bansa. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng
pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at
masakop tayo ng lubusan.
KABANATA 26 : Mga Paskin
Mga Tauhan :

Tadeo – natutuwa dahil tila mangyayari


ang walang katapusang Cuancha

Juanito – takot na takot, at namumutla.


Noong wala pang kaguluhan, siya ang
pangunahing tagpagtaguyod ng
kapisanan. Kinuha si Basilio bilang saksi
na wala syang kinalaman sa paskin.
Sandoval – iniwasan si Basilio
noong tinawag sya nito

Isagani – nakikipag-usap sa ilang mag-


aaral tungkol sa paskin.
Buod
Nang nalaman ni Basilio ang tungkol sa
pagkakadiskubre ng mga paskil sa Unibersidad at
sinabing ang Asosasyon ang may kagagawan
nito. Natakot si Basilio dahil akala niyang si
Simoun ay kasangkot rin. Nang makita niya si
Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang
walang narinig, si Tadeo naman ay masayang
masaya nang kanyang makausap dahil walang
klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam
at walang pakialam, parang naghuhugas kamay.
Sa paghahanap niya kay Macaraig ay
nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil.
Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas
ng bahay ng kanyang kaibigan. Paglipas ng ilang
sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay
inimbistigahan. Hinuli siya ng mga ito kasama na
si Macaraig na tila hindi nag-aalala sa
pagkakadakip sa kanya.
Aral
Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan
ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala
ang maghahatid sa iyo ng tiyak na
kapahamakan.
Kaisipan
-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng
mga paraan upang masugpo ang anumang
kilusang labag sa kanilang kapakanan.

-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila


sapagkat malaki ang kanilang pagnanasang
manatili sa Pilipinas.
Ang Prayle at
KABANATA 27 : Ang Pilipino
Mga Tauhan :

Padre Fernandez- ang nagpatawag kay


Isagani upang kausapin ang binata

Isagani - hinahangaan siya ni Padre


Fernandez dahil sa kanyang mga
paninindigan
Buod
Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre
Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani.
Inusig ng pari si Isagani sa pagtatalumpati nito sa
harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba ito
sa hapunan. Tinatapat siya ng binata na
hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw
sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si
Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay
dahil iyon sa mga pari. Nagpalitan ng papuri ang
dalawa sa kabila ng palitan ng argumento.
Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit
ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng
pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani.
Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at
karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga
nilalang. Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain
ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga
Pilipino upang maging maginhawa lamang. Hindi
nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya
naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang
estudyanteng Filipino.
Aral
Wala sa edad o katayuan sa buhay ang
pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi naibibigay
ng edad ang pagkamulat bagkus ang mga
karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng
pagiging matuwid.
Kaisipan
-May mga paring marunong umunawa. Hindi
lahat ay may masamang ugali at di-mabuting
pagkilala sa mga Pilipino.
KABANATA 28 : Mga Katatakutan
Mga Tauhan :

Ben Zayb – parang manghuhula dahil nasulat


niya sa pahayagan na nakakasama sa bansa
ang pagpapaaral.

Quiroga – nabahala dahil di na pumunta


sa tindahan niya ang mga suki.
Don Custodio - sunod na pinuntahan
ni Quiroga subalit tumanggi itong
makipagkita.

Simoun – pinuntahan ni Quiroga upang


maghingi ng pahintulot na oras nang
gamitin ang mga armas subalit umayaw
si Simoun.

Padre Irene – nagbalita ng mga


katakot-takot kay Kapitan Tiyago sanhi
ng kamatayan nito.
Buod
Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na
wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa
Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan. Nagdulot
ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga
pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa
pagtitinda ni Quiroga ang mga pari. Nais namang
konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun
tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng
bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si
Simoun na wag galawin ang mga ito. Nagpunta siya
kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita
dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya nagtungo.
Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw
ng mga dokumento ng manunulat kaya umalis na
ito agad. Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay
ni Tiago upang ibalita ang kahindik-hindik na
pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di
kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay.
Kumaripas naman ng takbo ang pari. May
napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa
isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao
roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa
noon. Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May
nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga
armas na hinabol din ng mga sibil habang isang
beterano naman ang napatay.
Aral
Kahit ang mga nilalang na ipinakikitang mas
matapang sila sa kapuwa ay mayroon ding
kinatatakutan. Lahat ng katapangan ay may
hangganan, at lahat ng matatapang ay may
katapat.
Kaisipan
-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-
balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan, pag-
nagpasalin-salin, ito’y marami nang dagdag.

-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang


aring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.
KABANATA 29 : Mga Huling Salita Tungkol
kay Kapitan Tiyago

Mga Tauhan :

Padre Irene – hinirang na tagapagpamahala


ng huling habilin ni Kapitan Tiyago.

Kura – nagpuna na hindi ito nangungumpisal


ngunit ipinagtanggol siya ni P.Irene at
sinabing sundin lamang ang panghihigpit
kung wala itong ibabayad.

Kapitan Tiyago - nagkaroon ng


marangal na libing.
Mga nakapagmana sa kayamanan:
Sta. Clara – ang tinirhan ni Maria Clara Arsobispo
Papa sa Roma Dalawang piso sa matrikula ng
dukhang mag-aaral.

Korporasyon ng mga Prayle

Tatlong pari – ang dumalo sa libing ng don.


Donya Patrocinio – gusto nang mamatay
kinabukasan upang higitan niya ng libing
ang yumao.
Buod
Abala ang marami sa gaganaping marangyang
libing ni Kapitan Tiago. Napunta ang naiwan
niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa
mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay
ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral.
Hindi malaman noong una kung ano ang damit na
isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May
nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at
mayroong nagsabing isang prak na paborito ng
Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang
lumang damit na lang ang isusuot.
May mga usapan ding nagpapakita ang
kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong
na manok habang puno ang bibig ng nganga.
Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng
sabong si San Pedro sa langit. Marangya ang
libing na maraming padasal at paawit. Marami
ding kamanyan at agua bendita na inialay sa
kabaong. Ang katunggali naman ni Tiago na si
Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni
Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin
nang marangya.
Aral
Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya ring
aanihin. Dahil naging mabuting tao si Tiago,
naging maganda rin ang pag-alala ng mga tao sa
kaniya hanggang sa huling sandali.
Kaisipan
-Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni
Padre Irene.

-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga


himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng
mga mananampalataya.
KABANATA 30 : Si Huli
Mga Tauhan :
Hermana Penchang – nagsabing parusa daw
iyon kay Basilio dahil sa di pag-agua-bendita
niya sa simbahan.

Basilio – ang hatol sa kanya’y


ipatapon at ipapatay.

Huli – natubos ni Basilio sa pagka-alila.


Hermana Bali – nagbalita kay Huli ukol kay
Basilio at nag-isip siya ng paraan upang
makatulong sa dalaga.

Tagasulat ng bayan – walang magawa kundi


itinuro sila sa Hukom Pamayapa.

Hukom Pamayapa – nagpayo na lapitan


nila si Pari Camorra.

Pari Camorra – nilapitan ni Huli


kahit na kinilabutan siya.
Buod
Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw
ni Kapitan Tiago at pagkakahuli kay Basilio. Labis
namang nalulungkot si Huli dahil sa nangyari sa
kasintahan. Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay
naisip niyang lumapit kay Padre Camorra. Ngunit
nag-aalangan ito dahil sa maaaring gawin sa
kaniya. Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si
Huli sa kaniyang panaginip. Nabalitaan pa nitong
nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa
tulong ng mga kaanak. Naisip niyang wala nang
tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago.
Ayaw man niya ay nagtungo si Huli kay Padre
Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa para sa
nobyo. Nagtungo si Huli sa kombento. At tulad ng
naiisip ni Huli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi
kinaya ang kahihiyang ginawa, tumalon si Huli sa
bintana ng kombento. Hindi kinaya ng lolo ni Huli
na si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala
siyang makuhang hustisya para sa apo kaya
sumama na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.
Aral
Kapag mahal ang isang tao, gagawin nito ang
lahat kahit kapalit nito ay ang kaniyang
kaligtasan. May mga tao namang nananamantala
ng kagipitan ng iba para maisakatuparan ang mga
binabalak.
Kaisipan
-Walang sukat napuntahan ang mga taong
naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging
ang mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa
ilalim ng kapangyarihan ng simbahan.

-Walang natitira sa mga kawawa kundi ang


mamundok at manulisan.

-Makapangyarihan ang pag-ibig.


Ang Mataas na
KABANATA 31 : Kawani
Mga Tauhan :

Macaraig – unang nakalaya


sa bilangguan.

Ben Zayb – naawa daw siya


kay Pari Camorra.

Pari Camorra – doon na nanirahan sa


kumbento ng Maynila.
Mataas na kawani – ang tanging
nagtatanggol kay Basilio subalit
walang nagawa.

Kapitan Heneral – nagpasyang maiwan


si Basilio dahil wala naman itong
kamag-anak

Isagani – huling nakalaya dahil natagalan


sa pagdating ni Pari Florentino.
Buod
Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb,
hindi lumabas sa mga pahayagan ang pagkamatay
ni Huli. Tanging lumabas sa mga sirkulasyon ay
ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang
nila. Nakalaya na sa piitan sina Isagani at
Macaraig. Si Basilio na lamang ang nasa loob ng
bilangguan. May dumating na mataas na kawani
at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan.
Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay
malapit nang matapos sa kurso sa medisina.
Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio
sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng
Heneral sa mga sinasabi nito. Sinabihan ng kawani
ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa
bayan. Sabi naman ng heneral, sa Espanya siya
may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng
kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino. Bigong
lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw
umano sa puwesto at babalik na lamang Espanya.
Aral
May mga taong kahit na alam na mali sila ay
paninindigan na lamang ito upang hindi maibaba
ang sarili at mapahiya. Ipipilit nila ang gusto kahit
mayroong masamang epekto sa kanilang
kapuwa.
Kaisipan
-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay
Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding
Kastilang may ugaling marangal.

-Palaging api ang mga walang lakas at mga


dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng
katarungan sa ating bansa.
Mga Ibinunga ng
KABANATA 32 : Paskin
Mga Tauhan :
Pecson – tumigil na sa pag-
aaral tulad ng iba.

Tadeo – sinisigan ang mga aklat niya.

Macaraeg – pumunta sa Europa.

J. Pelaez – tumulong sa
tindahan ng ama.
Basilio – nananatili sa kulungan.

Sandoval – siya ay nakapasa dahil


sa husay nito sa pananalita.

Simoun – gumaling na ayon ni


Ben Zayb at magdaos daw ng
pista bilang pasasalamat.

Isagani – sa asignatura lang ni


P. Fernandez nakasulit.
Buod
Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San
Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na
halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga
anak. Habang bihira naman ang nakakapasa sa
mga pagsusulit. Kabilang sa mga hindi nakapasa
sina Macaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo.
Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa
ang mga libro nito. Nagmamadali namang
nagpunta ng Europa si Macaraig habang si Juanito
naman ay kasama ng ama nito sa negosyo.
Pinalad namang makapasa sina Isagani at
Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio
dahil nasa piitan pa ito. Nabalitaan na rin ni Basilio
ang nangyari kay Huli at ang nawawalang si
Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong na
tanging dumadalaw kay Basilio. Napabalita ring
ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay
magkakaroon umano ng isang piging na
inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang
malaking pagtitipon matapos lumaganap ang
takot sa kanilang bayan.
Aral
Dahil sa paninira ng mga nasa kapangyarihan
sa isang institusyon o gawain, nawawala ang
kredibilidad nito kahit ang katotohanan ay nais
lamang ng mga ito ang mapabuti ang mga
kapuwa.
Kaisipan
-Si Paulita’y larawan ng isang dalagang
makabago, magkalayo ang daigdig nila ni Isagani.
Hindi siya makapaghintay sa katuparan ng mga
“pangarap” ng binata.

-Ang dalaga’y makasarili, ang binata’y


makabayan.
Ang Huling
KABANATA 33 : Matuwid
Mga Tauhan :
Simoun – ang maghihiganti ; nag-
utos sa alila na si Basilio lamang
ang papasukin

Basilio – ang binatang sumali


sa paghihiganti

Kapitan Heneral – napabalitang


aalis na kasama si Simoun.
Buod
Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa
kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala. Tanging si
Basilio lamang daw ang papapasukin kapag
dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin
ang binata. Laking gulat ni Simoun sa hitsura ni
Basilio. Payat na payat ito, magulo ang
pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang
muli ng buhay. Agad na ipinarating ni Basilio ang
kagustuhan nitong umanib kay Simoun at
sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan
niya.
Naisip daw kasi niya na hindi pa niya
naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na
yumao. Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila
sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang
pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito
sa Kapistahan. Tila isang ilawan o lampara ang
anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin
si Simoun na magkita sila ni Basilio sa tapat ng
parokya ng San Sebastian para sa huling
pagpaplano.
Aral
Kahit na nag-iisip ng matuwid ang isang tao,
may mga pagkakataong kakapit din siya sa
patalim dahil nabubulagan ng mga suliranin at
pinagdaraanan sa buhay.
Kaisipan
-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihiganti.
Nais nilang maipaghiganti ang sariling kaapihan.

-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik.


Bihira ang nanggagaling sa mga marurunong at
mayayaman. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan.

-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang


nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi baling
masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin.
Nalimutan niyang ito’y labag sa alituntunin ng
kagandahang-asal.
KABANATA 34 : Ang Kasal
Mga Tauhan :

Basilio – nasa daang Anloague,


mag-ikapito pa ng gabi.

Don Timoteo – narating na ang


tugatog ng tagumpay.
Buod
Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa
kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala
ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di
umuwi. Iniisip ni Basilio ang magaganap na
pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali
na lamang ay sasabog na ang lampara. Nakita
niyang bumaba sina Paulita at Juanito sa sasakyan
bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang
si Isagani. Inisip niyang ayain ito sa himagsikan
ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa
namang pasakit na naranasan sa buhay.
Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya
hindi na rin siya makapaghintay sa mangyayaring
pagsabog. Dumating na rin si Simoun sa bahay ni
Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging.
Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga
panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya
kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa
tahanan ni Kapitan Tiago.
Aral
Mayroon tayong mga ginagawa at ninanais na
hindi para sa ating mga sarili. Maaaring ito ay sa
mga kaanak o minamahal sa buhay na gusto
nating pasayahin.
Kaisipan
Ang kabanatang ito’y naglalarawan ng sakit ng
ating lipunan:

-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang


nagpapaanak sa mataas na tao kahit ito’y di
lubhang kakilala. Ikinararangal nila iyon at
ipinagmamalaki. Sa katotohanan ang mga ito ay
hindi nakagaganap sa kanilang tungkulin bilang
ninong pagkat ni hindi natatandaan ang inaanak.
KABANATA 35 : Ang Pista
Mga Tauhan :
Don Timoteo – binabati lahat ng mga kawani,
mangangalakal at mga taong may higit na
katayuan, kabuhayan, at katungkulan.

Bagong Kasal – dumating na kasama


ni Donya Victorina.

Kapitan Heneral – huling dumating


kasama ang maybahay
Isagani – nakita ni Basilio kaya niyakag niya
itong lumayo ngunit di siya pinakinggan
kaya ipinagtapat ni Basilio ang dahilan.

Padre Salvi – namumutla at nagsabing


kay Ibarra ang lagda.

Padre Irene – inutusan ang heneral na


itaas ang mitsa ng lampara.

Basilio – nasa harap ng bahay at


nanood sa mga bisita
Buod
Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa
piging. Naroon na ang bagong kasal kasama si
Donya Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si
Padre Salvi pero ang heneral ay hindi pa
dumarating. Nakita na rin ni Basilio si Simoun
dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras
na iyon, nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais
nang maligtas ang mga tao sa loob sa
nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit
hindi siya pinapasok dahil sa madungis niyang
anyo.
Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si
Isagani. Dali-daling umalis ang binata mula sa
usapan dahil naisip si Paulita. Habang nasa itaas
naman, nakita nila ang isang papel na may
nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN
CRISOSTOMO IBARRA”. Sabi ng ilan ay biro lamang
iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti si
Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila
ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan
sa pagkain. Nawalan naman ng ilaw ang lampara.
Itataas sana ang mitsa ng ilawan nang pumasok
naman ang isang anino at kinuha ang ilawan at
itinapon sa ilog mula sa asotea.
Aral
Namamayani pa rin sa ilan ang kabutihang
loob kahit na mayroong pagnanasang gumanti sa
kapuwa. Bandang huli, ang paghihiganti ay hindi
lunas sa sugat ng kahapon.
Kaisipan
-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa
papel na nagpalipat-lipat sa mga piling panauhin.
Sinasabing “Bilang na, natimbang na, hati ang
inyong kapangyarihan.” Nangangahulugang
nabibilang na ang araw ng mga
maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang
wakas, sapagkat natagpuang nagkulang at
nakakasala.
Kagipitan ni Ben
KABANATA 36 : Zayb
Mga Tauhan :
Ben Zayb – nagnanais na purihin ang Kapitan
Heneral bago umalis pero tinanggihan ito ng
pasulatan dahil mahigpit itong ipinagbawal ng
Kapitan Heneral.

Tulisan – sakop daw siya ni Matanglawin, nagsabing


tinipon sila upang manloob sa mga kumbento

Don Custodio – naghanda ng isang


panukala laban sa mag-aalahas.
Buod
Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni
Kapitan Tiago at hindi makatulog. Dito ay nakaisip
na naman niyang gumawa ng balita na bayani raw
ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene,
at si Don Custodio. Gayunman, ibinalik ng
patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben
dahil ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa
anumang nangyari noong gabing iyon. Nabalitaan
naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais
na naman niyang gumawa ng balita ukol doon.
Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre
Camorra na pinagnakawan daw ng mga
naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang
ng mga lumusob. `May nahuli sa mga tulisang
naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa
pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat daw
ng paglusob nila ang pagputok na nangyari. Di
naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang
pinuno nila. Ngunit nawawala na si Simoun at
wala na rin ang mga armas doon.
Aral
May mga kuwento at bali-balitang ginagawa
at pinalala lamang ng mga mananahi ng istorya.
May mga taong napapahamak at naniniwala
kaya kailangan ay maging mapagmatiyag.
Kaisipan
-Muling ipinakita ng may-akda ang walang
katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.
KABANATA 37 : Ang Hiwaga
Mga Tauhan :
Chichoy – nakita nila ang mga bayong
ng pulbura sa lahat ng dako sa bahay.

Momoy – nanghilakbot sa narinig dahil


isa siya sa mga dumalo sa kasal.

G. Pasta – nagsabi na kagalit daw ng don


ang may kagagawan o kaya’y kaagaw ni
Juanito ni Paulita.
Simoun – ang naglagay ng
pulbura sa bahay.

Sensia – nagtanong ukol kay


Simoun, sabi ni Chichoy
umalis daw ito kaagad.

Isagani – isa sa mga nanirahan doon


ay nakinig at siya naman ang
pinagtitingnan.
Buod
Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan
ay lumaganap pa rin ang balita sa mga
mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat ng
balita ay si Chichoy na nagdala ng alahas kay
Paulita. Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa
kung sino ang maysala. May nagsasabi na si Don
Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay
Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng
tinutuluyan ngunit di ito nakinig. Nagpatuloy ang
mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang
hinala ng mga naroon nang maisip nila si Simoun.
Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya
bago ang hapunan. Sila rin umano ni Don
Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang
lahat. May mga nagsabi naman na baka mga
prayle ang nagpasabog. Mayroon ding naniniwala
na si Quiroga o si Macaraig. Ngunit buo na sa isip
nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring
nawawala ito at pinaghahanap na ng mga
sundalo.
Aral
Bahagi na ng kulturang Pilipino ang tsismis o
pagpapalitan nang hindi kumpirmadong balita.
Nag-uugat ito madalas sa kalituhan at
nakadaragdag pa sa suliranin.
Kaisipan
-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at
may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi
nahahayag.
KABANATA 38 : Ang Kasawian
Mga Tauhan :
Matanglawin – naghasik ng
lagim sa buong Luzon.
Mga magsasaka – mga taong walang
sala na dinakip ng mga sibil.
Mautang - isang Pilipinong
guwardiya sibil

Carolino – sundalong kapatid ni Huli.


Buod
Pinagdadakip ng pamahalaan ang
pinaghihinalaang tulisan upang mawala ang
kanilang mga kinatatakutan. Ang mga dinadakip
ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino.
Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng tanghali.
Ginagawa nila nang walang anumang
pananggalang sa init sa tanghali ng Mayo.
Nagwika si Mautang na isang Pilipinong
guwardiya sibil na may karapatan silang
pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas
naman silang mga Pilipino.
Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod
at pinaulanan sila ng bala. Nasawi si Mautang at
ang ilan pang mga sibil. May nakita naman si
Carolino na isang lalaki sa may talampas na
itinataas ang kaniyang baril ngunit di niya ito
makita nang maayos dahil tirik ang araw. Nakita ni
Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang
iyon ang kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa
talampas na ilang sandali lang ay nawalan na ng
buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na
mapapatay niya ang kaniyang lolo.
Aral
Sa paggawa ng karahasan o masasamang
bagay, kung minsan ay nadadamay ang ating
mga mahal sa buhay. Direkta man o hindi ang
epekto nito sa kanila, hindi naman alintana ang
kapighatiang naidudulot nito sa kanila.
Kaisipan
-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa
sa mga Kastila. Walang pakundangan sa kanilang
mga kababayan.
KABANATA 39 : Wakas
Mga Tauhan :

Simoun – uminom siya ng lason


upang di mahuli nang buhay.

Don Tiburcio – nag-isip na siya ang huhulihin kaya


lumayas ito at nakitira sa kubo ng isang mangangahoy.

Pari Florentino – nasa probinsya


kasama ni Don Tiburcio.
Buod
Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil
akala ay siya ang pinadadakip na Kastila. Ngunit
ang tinutukoy ay si Simoun na nasa poder ni Don
Florentino. Natagpuan niya si Simoun na sugatan
at sinabi naman ng alahero na nakuha niya ang
sugat sa isang aksidente. Naghihinala naman ang
pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang
tulisan si Simoun nang mabasa ang telegrama.
Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni
Simoun na mag-alaga sa kaniya.
Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya
ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pagngiti
ni Simoun. Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni
Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani
sa piitan at ang paggawa nito ng paraan upang
makasal sina Paulita at Juanito. Agad na
pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita
niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may
malubhang sakit. Nalaman ng pari na
nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan
ng pari ang binata hanggang nalagutan ng
hininga.
Aral
Kamatayan ang naiisip na sagot ng ilan sa
mga paghihirap na sila din naman ang naging
sanhi. Ngunit ang totoo, mas marami pang ibang
solusyon sa mga kapighatiang hinaharap.
Kaisipan
-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang
maging mabuti ang wakas. Binibigyang diin ang
katotohanang kung walang kalayaan ay walang
katarungan.

-Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng


pagpapataas ng uri ng katuwiran at ng karangalan
ng tao.

You might also like