You are on page 1of 1

Araling Panlipunan 6 – Copy (AP Notebook)

Mga Patakarang Pasipikasyon (sa ilalim ng Pamahalaang Militar)


- Ay isang kilos o proseso ng pagpapatupad ng kapayapaan.
- Minsan ito ay pwersahang pagtigil o pagbabawas ng populasyon dahil sa paniniwalaan nilang hindi ito
makatulong sa kanilang ekonomiya.

1. Sedition Law ng 1901 o Act No. 292

- ipinalabas ang batas na ito noong Nobyembre 4, 1901, na nagpapataw ng parusang kamatayan o matagalang
pagkabilanggo sa mga Pilipinong nangampanya ng kalayaan ng Pilipinas mula sa US.

2. Brigandage Act ng 1902

- Nobyembre 12, 1902, ipinalabas ang batas na nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga Samahan at
kilusang Makabayan.

3. Reconcentration Act noong 1903

- mas kilala na paraang “zona” na pwersahang pagpapatira sa mga Pilipino sa mga kabayanan upang maputol ang tulong
na pagkain at suporta sa mga gerilya na nasa kanayunan.

4. Flag Law ng 1907

- pinagtibay noong Agosto 23, 1907, ito ay nagbabawal sa paggamit o paglalabas ng lahat ng bandila, banderitas, sagisag
o anumang ginagamit ng mga kilusan laban sa US lalo na ang sagisag ng Katipunan.

Patakarang Kooptasyon (sa ilalim ng Pamahalaang Sibil)

- Ay pagbibigay dahilan o pagpwersa upang maging parte ang kanilang mga mamamayan sa isang grupo o kilusan.
- May kakayahan itong kontrolin o gamitin ang isang bagay para sa pakinabang nito.

1. Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon

- itinatag noong 1901 ang Kagawaran ng Paturuang Pambayan (Department of Public Instruction)

2. Pagbubukas ng mga Paaralang Pampubliko

- Libre ang pagpasok sa pampublikong Paaralan kaya’t marami ang nakapag- aral.

3. Pagtatag ng mga Kolehiyo at Unibersidad

- layunin ng Paaralang Normal ng Pilipinas na mabigyan ng Edukasyon at kasanayan ang mga guro sa bansa.

*Mga Unibersidad na itinatag:

a. University of the Philippines – 1908

b. National University – 1921 (dating Colegio Filipino, itinatag noong 1900)

c. Centro Escolar University – itinatag noong 1932 (dating Centro Escolar de Señoritas, itinatag noong 1907)

d. Philippine Women’s University – 1932 (dating Philippine Woman’s College, itinatag noong 1919)

4. Kalinisan at Kalusugan

- itinatag ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan (Board of Public Health) noong 1901

- nagtayo ng mga hospital gaya ng Philippine General Hospital (PGH)

5. Pag- unlad ng Transportasyon at Komunikasyon

- nagpagawa ng daan at tulay ang pamahalaan para mapaunlad ang kabuhayan.

- nagkaroon ng automobile, truck, bus, tren at eroplano

- taong 1930 ng unang magsimula ang komersiyong paglalakbay sa himpapawid ng Pilipinas (Manila patungong Baguio at
Paracale)

- pagpapakilala ng telepono, radio, radiophone, at telegraph

- nagtatag ng tanggapang pangkoreo

You might also like