You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of education
Region 02
Division of Cagayan
PIAT NATIONAL HIGH SCHOOL
Piat, Cagayan
Ikatlong pampanahunang pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong
sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?


a) Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya c) Kalakalan sa loob at labas ng bansa
b) Kita at gastusin ng pamahalaan d)Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal
2. Nakikipag-ugnayan sa bahay- kalakal at sambahayan sa pamamagitan ng pagluluwas (export) at pag-aangkat
( import ) ng produkto?
a) pamahalaan b) Panlabas na sector c) pamilihan ng kalakal at paglilingkod d. pamilihang panlabas
3. Tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkod?
a) Pamahalaan b) Sambahayan c)Bahay-kalakal d)Panlabas na sector
4. Nagmamay-ari at tagatustos ng mga salik ng produksiyon?
a) pamahalaan b)sambahayan c)bahay-kalakal d)panlabas na sector
5. Tumutukoy sa halagang natanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
a) tubo b) upa c) interes d) sahod

6. Ano ang maaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang makatulong sa pamahalaan sa wastong
pangongolekta ng buwis?
a) Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang nagbabayad ng buwis
b) Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store
c) Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis
d) Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader

7. Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa
a) Sambahayan dahil sa kanya nagmumula ang mga salik ng produksiyon
b) Sa bahay-kalakal dahil siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat
c) Sa pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang-ekonomiya
d) Sa lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin sa isa’t-isa

8. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?


a) Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproses ng bahay- kalakal
b) Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal
c) Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga
bahay-kalakal
d) Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa bahay-
kalakal

9. Ano ang tawag sa pang-ekonomikong sitwasyon kung saan tumaas ang pangkalahatang presyo ng pangunahing
bilihin?
a) Hyperinflation b) Deplasyon c) Komisyon d) Implasyon

10. Ang sumusunod ay mga dahilan ng implasyon maliban sa isa:


a) pagdedepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap
b) Pagtaas ng suplay ng salapi
c) Pagtaas ng suplay ng salapi
d) Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso

Address: Poblacion 2, Piat, Cagayan 3527


Telephone Nos.: 0955-208-7818/0955-0862-811
Email Address: 300481@deped.gov.ph
11. Ano ang tawag sa sitwasyon kung saan bumababa ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin?
a) Hyperinflation b) Implasyon c) Deplasyon d) Komisyon
12. Ang pagtaas ng suplay ng salapi ay isa sa mga dahilan ng implasyon. Paano ito nagpapataas sa presyo ng mga
bilihin?
a) Ito ay magpataas ng suplay kaya tataas ang presyo.
b) Ito ay maaring magpababa ng suplay kaya tataas ang presyo.
c) Ito ay magpapataas ng demand sa pamilihan at kapag hindi nagbago ang suplay magkaroon ng shortage kaya
tataas ang presyo ng bilihin.
d) Ang pagdami ng pera ay magpapataas ng suplay at presyo
13. Monopoly/Kartel
a) Epekto b) Dahilan c) Solusyon d) Tama
14. Labis na salapi sa sirkulasyon
a) Epekto b) Dahilan c) Solusyon d) Tama
15. Pagtaas ng presyo ng bilihan
a) Epekto b) Dahilan c) Solusyon d) Tama
16. Middleman
a) Epekto b) Dahilan c) Solusyon d) Tama
17. Ito ay dating tinatawag na Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
a) Gross b) Gross National c) Gross Income d) Gross National
Domestic Product Product Income
Product
18. Ito ay gawa ng pinoy at mga dayuhan sa loob ng iisang bansa.
a) Gross National b) Gross c) Gross National Income
Product Domestic Income Product
Product D. Gross
19. Kung ang mga susunod ay kokompyutin, (C= 2,338,623)+ (G= 5,248,861)+( I= 1,343,971)( X= 2,604,899- M=
1,803,999) +( NFIFA= 2,861,81), magkano ang nakompyut na GNI?
a) 11,836, 165 b) 12,594,166 c) 12,836,165 d) 11,594,166
20. Kung ang mga susunod ay kokompyutin, (C= 3,899,567)+ (G= 8,897,675)+( I= 2,365,789) +( X= 2,789,889- M=
3,673,989)+(NFIFA= 1,861,811), magkano ang nakompyut na GNI?
a) 14,278,931 b) 14,328,942 c) 15,278,931 d) 15,329,942
21. Kung ang mga susunod ay kokompyutin, (A= 2,891,342),(I= 899,510),( S= 1,256,788) magkano ang nakompyut
na GNI?
a) 4,047,640 b) 4,048,639 c)5,047,640 d)6,048,640
22. Kung ang mga susunod ay kokompyutin, (A= 562,734),( I= 199,510), (S= 346,368) magkano ang nakompyut na
GNI?
a) 796,879 b) 786,879 c) 738,345 d) 728,234

23. Kung ang mga susunod ay kokompyutin, (C E= 699,321), (NOS= 891,604), ( IT= 584,939 S= 284,131) (D=
384,13) magkano ang nakompyut na GNI?
a) 2,175,864 b)3,175,864 c)2,075,864 d) 3,075,864
24. Kung ang mga susunod ay kokompyutin,(C E= 32,456) (NOS= 81,604) ( IT= 64,939 S= 84,151) (D= 44,131)
magkano ang nakompyut na GNI?
a) 219,019 b) 119,019 c) 220,019 d) 219,018
25. Alin sa sumusunod ang pormula na ginagamit sa pagkompyut ng Value Added Approach?
a) GNI = C + I + G + (X -M) + SD + NFIFA c) GNI=CE+NOS+D+(IT-S)
b) GNI= A + I + S + NPI d) Wala sa nabanggit
26. Ang _______________________ ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan tungkol sa paggasta at pagbubuwis ng
pamahalaan.
a) Patakaran sa Pagbabangko c) Patakarang Pang Pamahalaan
b) Patakaran sa Pananalapi d) Patakarang Piskal
27. Alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa pinagkakakitaan ng Pamahalaan
a) Buwis c) Pagpapautang
b) Pangungutang d) Pagbebenta ng ari-arian

Address: Poblacion 2, Piat, Cagayan 3527


Telephone Nos.: 0955-208-7818/0955-0862-811
Email Address: 300481@deped.gov.ph
28. Anumang kalagayan sa buhay pantay lamang ang bahagdan ng buwis na ipinapataw
a) Regresibo c) Proposyonal
b) Progresibo d) Tuwiran
29. Alin ang halimbawa ng Tuwirang pagbubuwis
a) Income Tax c) Regresibo
b) Value Added Tax d) Progresibo
30. Ang Value Added Tax ay halimbawa ng __________
a) Tuwirang Pagbubuwis c) Regresibo
b) Di - tuwirang Pagbubuwis d) Progresibo
31. Isinasagawa upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
a) Patakarang Piskal c) Expansionary fiscal policy
b) Patakarang Pananalapi d) Contractionary fiscal policy
32. Tumutukoy ito sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang mabago ang
galaw ng ekonomiya.
a. Patakarang Piskal c. Expansionary fiscal policy
b. Patakarang Pananalapi d. Contractionary Fiscal policy
33. Ayon kina Case, Fair at Oster ang Patakarang Piskal ay:
a. tumutukoy sa behavior ng Pamahalaan patungkol sa Paggasta at Pagbubuwis ng Pamahalaan.
b. malaki ang papel na ginagampanan ng upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya mula sa
pangongolekta ng buwis sa mga mamamayan, negosyante, at kompanya hanggang sa paggasta ng mga salaping
nalikom nito.
c. tungkol sa pangungulekta ng salapi sa pamamagitan ng buwis.
d. tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya
34. Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi upang patatagin ang halaga ng salapi sa
loob at labas ng bansa at tiyakkin na magiging matatag ang buong ekonomiya.
a) Patakarang Pansambahayan c) Patakarang Piskal
b) Patakarang Pananalapi d) Patakarang Panlipunan
35. Ito ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon.
a) Patakarang Pansambahayan c) Patakarang Piskal
b) Patakarang Pananalapi d) Patakarang Panlipunan
36. isang uri ng institusyong pananalapi na tumnatanggap at lumilikom ng labis na salapiu na iniimpok ng tao at
pamahalaan.
a. Bangko b. Pawnshop c. Kooperatiba d. Pension Funds
37. Ano ang hindi halimbawa ng pension funds?
a) Thrift Bank b) PagIBIG Fund c)SSS d) GSIS

38. Pangunahing bangko ng pamahalaan na ang layunin nito ay magbigay at magpahiram ng pondo sa mga
programang pansakahan.
a) Metro Bank c) BDO
b) Development Bank of the Philippines d) Land Bank of the Philippines
39. Pangunahing layunin ang tulungan ang mga Muslim upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
a) DBP b) Landbank c) BPO d) AL-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines

40. Tumutulong sa pamahalaan na mapaunlad ang proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng Agrikultura at
sektor ng Industriya at prayoridad din ng pamahalaan ang mga small and medium scale industry.
a) DBP b) Landbank c) BPO d) AL-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
41.
42. Ang katuwang ng pamahalaan na nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya.
a) Commercial bank c) Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
b) Bangko Rural d) Land bank of the Philippines
43. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang pag-iimpok sa araw-araw na pamumuhay upang mayroong __________.

a) panglibre sa mga barkada c) magamit sa oras ng sakuna o emergency


b) pambili ng mga makabagong gadget d) pangload at pang-internet para mag ML

Address: Poblacion 2, Piat, Cagayan 3527


Telephone Nos.: 0955-208-7818/0955-0862-811
Email Address: 300481@deped.gov.ph
44. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat tandaan ng isang tao na nais mag impok sa bangko MALIBAN sa
isa.
a) Ingatan ang iyong bank records c) Makipagtransaksiyon sa loob at labas ng
b) Ibahagi sa iba ang impormasiyon tungkol bangko
sa iyong mga transaksiyon d) Kilalanin ang iyong bangko
45. Mahalaga ang pag-iimpok ng pera para ___________________________________.
a) sa hinaharap tulad ng emergencies at c) makabili ng kotse at bahay
retirement d) sa bakasyon at luho
b) may maipagmalaki sa iba
46. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit may taong hindi nagagawang mag-impok MALIBAN sa isa.
a) Inuuna ang bisyo tulad ng alak, sigarilyo at sugal
b) Kawalan ng isang tao ng disiplina sa kanyang sarili
c) Pagiging mahilig magluto sa bahay kaysa kumain sa restaurant
d) Pagiging maluho sa mga bagay kahit hindi pa kailangan
47. Ito ay pagtatabi o pag-iipon ng ilang bahagi ng kita para sa hinaharap.
a) pamumuhunan c) pag-iinvest
b) pagnenegosyo d) pag-iimpok
48. Bago magpasada si Steven ay sinisiguro niya na mayroon siyang tig ₱ 1.oo, ₱5.oo, at ₱10.00 na barya. Anong
katangian ng salapi ang inilalarawan sa sitwasyon?

a) Matatag c) Madaling Dalhin


b) Matibay d) Nahahati
49. Natapunan ng kape ang ₱500 ni Clyde ngunit hindi ito nasira o napunit. Anong katangian ng salapi ang inilalarawan sa
sitwasyon?

c) Matatag c) Madaling Dalhin


d) Matibay d) Nahahati

50. Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso, paano mo ito pamamahalaan?
a) Bibili ako ng bago at magarang kotse
b) Ibibili ko ng mga alahas, bag, damit at pagkain
c) Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
d) Magtatayo ako ng negosyo, mamumuhunan at mag-iimpok ng pera sa bangko

“I NEVER SAID IT WOULD BE EASY, I ONLY SAID IT WOULD BE WORTH IT.’’


-Mae West

Inihanda nina:

LORENA MAY JULIAN ROVELYN B. BOSI


Pre -service Teacher Guro sa Aralin Panlipunan

Iwinasto ni:

ROSALI R. PASCUA
Master Teacher I-AP

Itinala ni:

ALELI M. BAYADOG, PH.D.


Punongguro sa Sekondarya

Address: Poblacion 2, Piat, Cagayan 3527


Telephone Nos.: 0955-208-7818/0955-0862-811
Email Address: 300481@deped.gov.ph
Address: Poblacion 2, Piat, Cagayan 3527
Telephone Nos.: 0955-208-7818/0955-0862-811
Email Address: 300481@deped.gov.ph

You might also like