You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
BURGOS DISTRICT
103132-MALASIN ELEMENTARY SCHOOL

Ikatlong Markahan ng Araling Panlipunan 5


Pangalan___________________________________________________________ Petsa: _________________________
Panuto: Basahin at unawaing maigi ang mga katanungan at isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang Igorot ay mga katutubong pangkat-etniko na naninirahan sa bulubundukin ng ___________________.
a) Mountain Province b) Cordillera c). Mindanao d) Luzon
2. Ang mga katutubo ay may paniniwalang panrelihiyon kung saan tinitingnan nila ang kalikasan bilang tahanan ng mga
espiritu.
a) Diyos b) Anito c) Animismo d) Muslim
3. Subalit nilabanan ng mga Muslim ang puwersa ng mga Espanyol. Ang labanang ito ay tinatawag na
________________________.
a) Moro-Moro b) Balsamoro c) Digmaang Moro d) Pag-aalsa
4. Ang banal na digmaang Muslim at Espanyol ay tinawag na?
a) Higad b) Jihad c) Gijad d) Digmaang moro
5. Sa mga Espanyol lamang maaaaring ipagbili ng mga katutubo ang kanilang pananim na tabako sa takdang halaga na mga
Espanyol ang nagdidikta.
a) Panahong Metal b) Monopolyo ng Espanyol c. Monopolyo ng tabaco d) Patakarang Espanyol
6. Ito ay pamamaraan ng mga Igorot upang labanan at makaganti sa mga Espanyol at upang hindi sila tuluyang magapi ng
mga Espanyol.
a) Pangungutya b) Pangangayaw c. Pang aaway d) Pagligaw sa mga Espanyol
7. Sino ang nanguna sa banal na digmaang moro ng mga Muslim laban sa mga Espanyol?
a) Sulayman b) Lakandula c) Lapu-lapu d) Sultan Kudarat
8. Ang ______________ at _________________ ay simbolo ng kristyanismo at kolonyalismo ng mga Espanyol sa
PIlipinas.
a) binyag at krus b) krus at espada c) rosary at krus d) Espada at Santo Nino

9. Lumalaban ang mga katutubo kahit mahina ang kanilang armas.


a) Katalinuhan b) kasipagan c) Katapangan d) Lakas ng loob
10. Sumapi ang mga tao mula sa iba’t ibang lalawigan sa lihim na samahang itinayo ni Magat Salamat.
a) Katalinuhan b) Pagmamahal sa Kalayaan c) Katapatan d) Pagkakaisa
11. Hinarang ng mga kasamahan ni Maniago ang daanan ng mga pagkain para sa mga Espanyol upang sila ay magutom at
mapilitang ibigay ang kanilang mga hinihiling.
a) Katalinuhan b) Kasipagan c) Pagmamahal sa Kalayaan d) Pagkamalikhain
12. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga Espanyol.
a) Katalinuhan b) Kasipagan c) Pagmamahal sa Kalayaan d) Pagkamalikhain
13. Hindi iniwan ng mga katutubo ang ibang kasamahan sa pag-aalsa laban sa mapang-abusong Espanyol hanggang sa
makamit ang kalayaang inaasam-asam.
a) Katalinuhan b) Pagmamahal sa Kalayaan c) Katapatan d) Pagkakaisa
14. Ano ang tawag sa pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Cordillera?
a) Comandancia b) Digmaang Moro c) Reduccion d) Kristyanisasyon
15. Ano ang tawag sa serye ng digmaan sa pagitan ng Espanyol at Muslim noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas?
a) Moors b) comandancia c) Digmaang Moro d) Moro-moro
16. Ano ang tawag sa katutubong pamayanang naninirahan sa Mindanao na hindi nasakop ng mga Espanyol?
a) Igorot b) Muslim c) Datu d) Ita
17. Tradisyon ng mga Pilipino kung saan ay nagtutulungan ang bawat miyembro ng komunidad upang tulungan ang kasaping
nangangailangan.
a) bayanihan b) brigada c) pagsasalamat d) kawang gawa
18. Ito ay tradisyonal awit ng pagsinta ng isang binata sa tapat ng bahay ng kaniyang napupusuan.
a) harana b) pandango sa ilaw c) tinikling d) itik-itik
19. Ano ang tawag sa kaugalian o tradisyon ng isang bayan?
a) Kultura b) musika c) relihiyon d) kinagawian
20. Ano ang tawag sa pagsasadula ng buhay ni Hesukristo na tinatanghal tuwing Mahal na Araw?
a) Flores de Mayo b) senakulo c) Semana Santa d) Pasko
21. Ang tulang inaawit patungkol sa buhay at pagpapasakit ni Kristo.
a) Pasyon b) Christmas Song c) Harana d) Daniw
22. Ang tawag sa pagparada ng mga Poon sa panahon ng pista.
a) Senakulo b) prusisyon c) Pista d) mahal na araw
23. Pagpapatayo ng mga paaralang pamparokya na pinamahalaan ng mga prayle o kura paroko, kung saan ang pagtuturo ng
relihiyon ang sentro ng pag-aaral.
a) Edukasyon b) Relihiyon c) Arkitektura d) Kasuotan
24. Pagpapahalaga sa mga sakramento ng pananampalatayang Katoliko tulad ng binyag, kumpisal, komunyon, kasal, at
bendisyon sa may sakit at pumanaw.
a) Relihiyon b) Kristyanismo c) Muslim d) Sakramento
25. Ano ang inisyal na katawagan sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 17, 1872?
a) A. BurZaGom b) Burgos-Gomez-Zamora c) GomBurZa d) Gomez-Burgos-Zamora-Abunda
26. Anong samahan ang itinatag ng mga Pilipinong kabataan na naliwanagan o tinatawag na ilustrados?
a) Kilusang Propaganda b) Katipunan c) Sekularisasyon d) Panggitnang uri
27. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng pandaigdigang kalakalan?
a) Maraming mga Pilipino ang umunlad ang pamumuhay.
b) Nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan.
c) Maraming Pilipino ang naghirap.
d) Naging malupit ang mga Español
28. Ano ang tawag sa mga anak ng mayayamang Pilipino na nakapag aral at naging propesyonal?
a) Middle Class b) Mestiso c) Tsino d) Illustrado
29. Ang sumulat ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at siya nating pambansang bayani:
a) Marcelo H. del Pilar b) Jose Rizal c) Graciano Lopez- Jaena d) Antonio Luna
30. Ano ang pinakamahalagang salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo?
a) Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaidigang kalakalan.
b) Pagsibol ng kaisipang liberal ng Pilipinas.
c) Pagpatay sa tatlong paring martir o GOMBURZA.
d) Pangingibang-bansa ng mga mahistrado.
31. Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang kilusang propaganda?
a) Kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa Pagsusulong ng reporma.
b) Kakulangan ng mga lider.
c) Kakapusan sa katalinuhan at kahusayan sa pagsulat.
d) Katamaran ng mga Pilipino.
32. Siya ang itinuring na Ama ng Katipunan.
a) Emilio Aguinaldo b) Emilio Jacinto c) Jose Rizal d) Andres Bonifacio
33. Isang lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol sa bahaging Luzon kung saan naninirahan ang mga
katutubong pangkat. Anong lugar to?
a) Isabela b) Cordillera c) Batanes d) Cagayan Valley
34. Ano-ano ang katangian ng isang Igorot?
a) Mayabang b) mapaghiganti c) mapang-api d) matapang
35. Dahil sa sobrang pangungulekta ng buwis at pang-aabuso ng mga Espanyol, napilitan ang ibang katutubong Pilipino na
iwan ang kanilang nakalakihang tahanan at magpakalayo tungo sa lugar na hindi abot sa kapangyarihan ng mga Espanyol.
a) Pagtakas o Escape c) Paglaban o Resistance
b) Pagtanggap o Acceptance d) Pag aalsa
36. Tinanggap nila ang puwersahang pagseserbisyo na kilala sa tawag na “polo y servicio”, kahit na nangangahulugan itong
mawawalay sila sa kanilang mga pamilya.
a) Pagtakas o Escape c) Paglaban o Resistance
b) Pagtanggap o Acceptance d) Pag aalsa
37. Tinanggap rin nila ang kulturang dala ng mga Espanyol: ang pagkakaroon ng fiesta at iba pang magastos na selebrasyon,
ang pagbabago sa klase ng pananamit, at pagpapalit ng mga katutubong pangalan sa mga pangalang hango sa mga
salitang Espanyol.
a) Pagtakas o Escape c) Paglaban o Resistance
b) Pagtanggap o Acceptance d) Pag aalsa
38. Nang mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang sistema ng pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas,
nagkaroon sila ng lakas ng loob na kalabanin ang mga ito.
a) Pagtakas o Escape c) Paglaban o Resistance
b) Pagtanggap o Acceptance d) Pag aalsa
39. Nagsagawa sila ng mga rebolusyon, walang takot nilang hinarap ang mga Espanyol kahit alam nilang wala silang laban
dito dahil sa makabagong kagamitang pandigma na gamit nila.
a) Pagtakas o Escape c) Paglaban o Resistance
b) Pagtanggap o Acceptance d) Pag aalsa
40. Ano ang head hunting na ginagawa ng mga Igorot?
a) Pangangayaw b) Pagsasayaw c) pangungutya d) Paghahanap ng hayop
BURGOS DISTRICT
MALASIN ELEMENTARY SCHOOL-103132

Table of Specification in ARALING PANLIPUNAN 5


(Third Periodical Examination)

No. of No. of
Item Item
Competency Code Teaching Test
Percentage Placement
Days Items

*Naipaliliwanag ang mga paraan ng 4 5 1-5


pagtugon ng mga Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol (Hal. Pagaalsa,
pagtanggap sa
kapangyarihang kolonyal/
kooperasyon)
*Napahahalagahan ang 4 5 6-10
pagtatanggol ng mga Pilipino laban
sa kolonyalismong Espanyol
*Natatalakay ang impluwensya ng 8 10 11-20
mga Espanyol sa kultura ng mga
Pilipino
*Nasusuri ang kaugnayan ng 8 10 21-30
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa
pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino
*Napahahalagahan ang mga 8 10 30-40
katutubong Pilipinong lumaban
upang mapanatili ang kanilang
kasarinlan

Prepared by:

FEBY C. BUGAOISAN
Volunteer Teacher

Noted by:

MARLON S. NOLASCO
School Head
Answer key
1.B 11.A 21.A 31.A
2.C 12.D 22.B 32.D
3.C 13.C 23.A 33.B
4.B 14.A 24.D 34.D
5.C 15.C 25.C 35.A
6.B 16.B 26.A 36.B
7.D 17.A 27.A 37.B
8.B 18.A 28.D 38.C
9.D 19.A 29.B 39.D
10.D 20.B 30.C 40.A

You might also like