You are on page 1of 36

Mga tanong simula : 79 - 108

79. Ano ang nangingibabaw na uri ng


wikang ginamit sa teksto ayon sa
klasipikasyong mula kay M.A.K. Halliday?

A.) Instrumental
B.) Personal
C.) Hueristiko
D.) Representatibo
80. Sa paanong paraan pinapatunayan ng
44 miyembro ng SAF and kanilang
katapangan
A.) Pinapatunuyan nilang ang bawat pilipino’y worth dying for tulad ng sinabi noon ni
Ninoy.
B.) Tiningnan pa ng isa sa kanila ang kanyang cellphone para pagmasdan ang kanyang
mag-ina bago siya tamaan ng balang kumitil sa buhay nya.
C.)Hindi sila basta bumagsak, namatay talunan sa naging laban nila.
D.) Hindi nila tinakbuhan ang kamatayan masiguro lamang na natupad nila ang
binitawang pangako na maging tagapangalaga ng kapayapaan.
81. Alin ang pinakaakmang Interpretasyon
sa pahayag na:
Binuhay ng kanilang kamatayan ang dugong bayani ng ating lahi.
Muli nating naramdaman masarap maging lahing kayumanggi.

A.) Iminulat ng pangyayari and pagmamahal ng bawat isa sa mga namayapang bayani.
B.) Ipinakita ng pangyayari ang kaisipang masarap mabuhay sa sariling bayan.
C.) Hinayang ng pangyayari ang pagmamahal at pagmamalaki sa kulay na manatiling
kayumanggi.
D.) Ginising ng pangyayari ang pagmamahal at pagmamalaki ng mga Pilipino sa
bansang Pilipinas.
82. Anong suliraning panlipunan ang
ipinahihiwatig ng teksto?

A.) Karahasan
B.) Kalamidad
C.) Kahirapan
D.) Korupsion
83. Ano ang mensaheng isinasaad sa
huling talata ng teksto?

A.) Sagisag ng kabayanihan.


B.) Paggalang sa pambansang awit dail para ito sa mga bayani.
C.) Pag-ala ala sa lahat ng mga bayaning namayapa ang pagtaas ng watawat.
D.) Sumasalamin ang pambansang awit sa kabayanihang dapat taglayin ng bawat
Pilipino.
84. Alin sa gma pahayag ang
nagpapaliwanag sa dahilan ng pagtutol ng
may-akda sa taguring Fallen 44 sa mga
miyembro ng SAF?
A.) Hindi sila basta bumagsak! Hindi basta namatay!
B.) Hindi nila tinakbuhan ang kamatayan masiguro lamang na natupad nila ang
binitawang pangako na maging tagapangalaga ng kapayapaan.
C.) Binuhay ng kanilang kamatayan ang dugong bayani ng ating lahi.
D.) Ibinangon nila ang dignidad ng kanilang mga kabaro.
1. KAPANALIG, and edukasyon ang pinakatanging yaman ng maraming pamilyang Pilipino.
Karamihan sa mga pamilya ang naniniwala na ito pinakamainam na pamanang maiiwan nila sa
kanilang mga anak.
2. Kaya lamang, ang pamanang ito ay naipagkakait na ngayong karamihan dahil sa hirap ng
buhay. Sa ngayon, tinatayang isa sa apat ng pamilyang Pilipinong maralita. Isa naman sa 10
pamilya ay kabilang sa extreme poverty.
3. Dahil sa kahirapan, maraming bata, sa halip na umaasa sa kikitain ng kanyang magulang ay
maging sila ay napipilitang magbanat ng buto sa murang edad. Ang pagtulong nila sa kanilang
magulang, nawawalan na sila ng oras at gana sa pag-aaral.
4. Sa ngayon, ayon sa Philippine Education for All 2015 National Review Report Philippines,
malaking hamon pa rin sa ating bansa ang pagpapanatili ng mga estudyante sa elementarya at
high school. Ang completion rate natin mula 2005-2006 hanggang 2012-2013 ay nasa 72%
lamang sa elementarya at 73% naman sa sekondarya.
5. Sa kabilang banda, ayon naman sa Philippine Statistical Authority(PSA) Nasa 5,492 milyon ay
naitala para sa child labor. Tatlo sa 10 bata sa Northern Mindanao and nagtatrabaho na habang
isa sa mga nakikitang solusyon ay nasa conditional cash transfer (CCT).
6. Para sa ilang pamilya, ang direktang pagtulong na ito ay sapat na, ngunit sa iba, kulang pa.
Hindi sa pera, kundi sa values formation. Ito ay isa sa mga area na kailangang pagtuunan ng
pansin ng ating lipunan upang maging epektibong masiguro ang edukasyon para sa lahat ng
kabataang Pilipino
85. Kung magbabawas ng bilang ng talata
sa teksto, aling talata ang maaaring alisin
na hindi makakasira sa daloy ng
impormasyon.
A.) Talata 2
B.) Talata 4
C.) Talata 5
D.) Talata 6
85. Aling pangungusap ang angkop na
summary statement ng buong teksto?
A.) Tanging yaman ang edukasyon na maibibigay ng mga magulang sa anak nila ngunit
naipagkakait ito dahil sa labis na hirap ng buhay.
B.) Ang edukasyon bilang yaman ay naipagkakait na sa ngayon sa maraming kataang
Pilipino dahil sa kahirapan at maling values formation sa pamilya at lipunan.
C.) Ang edukasyon at child labor ay mga pangunahing suliraning dapat tugunan ng
pamahalaan.
D.) Solusyon ang conditional cash transfer (CCT) para masiguro ang edukasyon para
sa lahat ng kabataang Pilipino.
87. Kung pagbabatayan ang huiling talata
ng balita, ano ang pinakaangkop na
islogan para paksa nito

A.) Kabataan, Mag-aaral Para sa Iyong Kinabukasan


B.) Pamahalaan at Magulang, Magtulungan Para sa Kinabukasan ng Mga Kabataan
C.) Pangarap ay Mailap sa Batang Mahirap
D.) Sa Batang May Pangarap, Ang Magbanat ng Buto Nararapat
Nakasaad sa Konstitusyon na dapat pagyamanin at palaganapin ang wikang Filipino. Napaka
liwanag nito at madaling maintindihan. Pero hindi ito sinunod ng Commission on Higher
Education (CHEd) at sa halip na pagyamanin at palawakin, gusto pang alisin na sa kurikulum sa
kolehiyo. Masyado ng naging “anti-Filipino” ang CHEd sa ginawang aksiyon. Mabuti na lamang
maraming nag protesta at magpetisyon sa pag aalis ng Filipino subject sa tertiary level.

Kamakalawa, nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court na


nagpapatigil sa pag-aalis ng Filipino subject at Panitikan sa kolehiyo. Pinagpapaliwanag ng SC
si President Nonoy Aquino at si CHEd Chairwoman Patricia Licuanan at iba pang opisyal
kaugnay sa petisyon na pag-aalis sa Filipino.
88. Nakasaad sa Konstitusyon na dapat
pagyamanin at palaganapin ang wikang
Filipino. Ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit ay ___________.
A.) malayang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo at pag-aaral.
B.) pagdaragdag ng iba pang wika bukod sa wikang Filipino.
C.) mahusay na pakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino.
D.) paglalaan ng pondo para sa makilala ang wikang Filipino.
89. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapakita na naging “anti-Filipino” ang
CHEd?

A.) Hindi nila sinunod ang nakasaad sa Konstitusyon.


B.) Nais nilang alisin ang Wikang Filipino sa kolehiyo
C.) Tinutulan nila ang protesta ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika.
D.) Sumonod sila sa pinag-uutos ng korte sa paggamit ng wikang Filipino.
90. Ano ang sumunod na nangyari
pagkatapos ng protesta laban sa pag-aalis
ng Filipino sa kurikulum sa Kolehiyo?

A.) Sumunod ang CHED sa gusto ng mga nagprotesta.


B.) Pinagtibay ng CHED ang “anti-Filipino” programa.
C.) Nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court
D.) Nagpaliwanag sina dating Pang. Aquino at Chairwoman Licuanan.
Bunso: “Ate, gusto kong chocolate.”
Ate: “Sige, basta share tayo sa chocolate.”
Bunso: ”Ate, ilipat mo naman sa TV5 ang palabas.”
Ate: “Hmmm, mas maganda sana kung tayong dalawa ang
bituin sa TV”

91. Ang ibig sabihin ng bituin sa binasang


teksto ay __________.
A.) tagapagsalita
B.) manonood
C.) artista
D.) panauhin
92. Ano ang maaaring layunin ng bunso sa
pahayag ng “Ate, ilipat mo naman sa TV5
ang palabas.”?

A.) mang-iinis
B.) manglamang
C.) mang-utos
D.) makapanood
93. Piliin sa sumusunod na dayalogo ang
nagpapakita ng interaksyunal na pahayag.
A.) “Ate, gusto ko ng chocolate”
B.) “Sige, basta share tayo sa chocolate.”
C.) ”Ate, ilipat mo naman sa TV5 ang palabas.”
D.) “Hmmm, mas maganda sana kung tayong dalawa ang bituin sa TV”.
Ana: “Mabait naman ako ah?”
Carlo: “Hmmm, para ka ngang babaeng di-makabasag
pinggan.”
Ana: “Bola! Carlo, gusto ko nga softdrinks.”
Carlo: “Sige, basta hati tayo.”

94. Ang ibig sabihin ni Carlo kay Ana na


“Para ka ngang babaeng di-makabasag
pinggan” ay____________?
A.) tahimik
B.) masipag
C.) mahinhin
D.) maingat
95. Kung ang pahayag na “Mabait naman
ako” ay personal na gamit ng wika, saan
namang gamit ng wika nabibilang ang
pahayag na “paano ba ginagawa ang
cake?”
A.) interaksyunal
B.) heuristiko
C.) instrumental
D.) imahinatibo
96. Piliin sa sumusunod na pahayag ang
may instrumental na gamit ng wika?

A.) “Mabait naman ako ah?”


B.) “Hmmm, para ka ngang babaeng di-makabasag pinggan.”
C.) “Bola! Carlo, gusto ko nga softdrinks.”
D.) “Sige, basta hati tayo.”
Saan ba Nanggaling ang Ulan?
Isang klase ng presipitasyon ang ulan, na isang produkto ng kondensasyon ng tubig na
atmosperika na natitipon sa lupa. Nabubuo ito kapag ang mga patak ng tubig ay nalalaglag sa lupa
galing sa mga ulap. Hindi lahat ng ulan ay nakakaabot sa lupa; ang iba ay sumisingaw habang
dumadaan sa hangin.
Kapag walang nakakaabot sa lupa, ito ay tinatawag na virga, isang pangyayari na kadalasang
nangyayari sa mga maiinit at tuyong lupain, ang mga disyerto.
Ang siyentipikong eksplanasyon kung saan ang ulan ay namumuo at nalalaglag ay tinatawag na
prosesong Bergeron.
Ang sumingaw na pamamasa kasama ang mainit nitong paligid ay nagsisimula nang umangat. Sa
pagtaas nito, ang hangin ay lumuluwang nang mabilis dahil sa pagbaba ng presyon ng hangin.
Dahil dito, ang hangin ay nakakaranas ng pagbaba ng temperatura, ria nagreresulta sa
kondensasyon ng mga gabutil na patak ng tubig- -na bumubuo sa mga di-establisadong
kumulonimbus na mga ulap o mga ulap na nagdudulot ng pag kidlat. Kapag ang mga patak-butil
ng ulap ay naging masyadong mabigat para lumutang pa, dito na nagsisimula ang pagbagsak ng
ulan.
https://wikipedia.org/wiki/Ulen
97. Anu ang dahilan at umuulan?

A.) Nalalaglag ang ulan mula sa langit.


B.) Sumisingaw ang tubig habang dumadaan sa atmosperika.
C.) Produkto ito ng kondensasyon ng tubig sa atmosperika.
D.) Mainit at tuyo ang lupain na kailangan mabasa upang lumamig ang klima.
98. Bakit napakalaki ng kontribusyon ng
hangin sa mahina o malakas na pag-ulan?
A.) Hangin ang bumubuo sa mga ulap.
B.) Hangin ang nagpapalakas at nagpapahina ng ulan.
C.) May kakayahang magpababa ng temperature ang hangin.
D.) May kakayahan ang hangin na magpataas ng temperature.
99. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita
na nabubuhos na ang ulan?
A.) Kapag lumamig na ang hangin
B.) ka[ag nakaranas ng pagkulog at pagkidlat
C.) kapag ang ulap ay naging masyadong mabigat
D.) hangin ang nagpapalakas at nagpapahina ng ulan
Bakit si Rizal ang Pambansang Bayani ng Pilipinas
1. Hindi ko naman ayaw kay Rizal. Well, oo magaling sya. One of a kind. Sobrang matalino. Hindi
siya pangkaraniwan. Hindi Biro ang matuto ng 22 different languages.
2. Mahusay talaga siya, pero sino ba ang nagtakda kay Jose Rizal bilang ating Pambansang
Bayani? Ahh, Mga Amerikano.
3. Kung hindi ako nagkakamali, tatlo o apat ang pinagpilian noon ng mga kapitan upang maging
pambansang bayani natin. Si Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo, Jose Rizal at isa pang di
nabanggit na pangalan. Hindi nila pinili si Aguinaldo dahil tinraydir noon ni Aguinaldo si
Mabini. Hindi pinili ng mga kano si Mabini dahil una, lumpo siya at hindi nakapagtapos ng
pag-aaral, iba sa pananaw ng mga Kano na pinahahalagahan ang edukasyon.
4. Si Rizal ang nakita nilang ’swak’ sa kanilang interes. Si Rizal na pinahahalagahan ang
edukasyon tulad ng nais mangyari ng mga Kano. ‘Yun ang dahilan ng pagkapili kay Rizal
bilang pambansang bayani, mahal ni Rizal ang Pilipinas, pero sabi nila, si Mabini ang totoong
nakipaglaban para sa kalayaan ng pilipinas.
100. Ayun sa awtor, bakit si Rizal ang
naging pambansang bayani ng Pilipinas?
A.) Matalino si Rizal
B.) Si Rizal ang pinili ng mga Amerikano.
C.)Nakapagtapos ng pag-aaral at edukado si Rizal.
D.) Si Rizal ang nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas
101. Bakit ikinabit ng awtor ang salitang
asimilasyon sa pagkakapili kay rizal bilang
pambansang bayani
A.) Kaalyado ng bansang Amerika si Rizal.
B.) Mataas ang pagpapahalaga ni Rizal sa edukasyon
C.) May Pgpapahalaga sa kalayaan ng bansa si Rizal,
D.) Mas Popular kaysa kina Mabini at Aguinaldo si Rizal
102. Aling talata sa teksto ang
nagpapahiwatig na hindi kumbinsido ang
awtor sa pagiging pambansang bayani ni
Rizal?
A.) Talata 4
B.) Talata 3
C.) Talata 2
D.) Talata 1
"Bahala na!"
Ito ang karaniwang naibubulalas ng Pilipinong gipit o taong wala nang magawa o mapagpilian sa isang
pangyayari. May maganda at di magandang maidudulot ang ugaling ito. Isa sa hindi magandang
idinudulot nito ay ang pagiging palaasa ng isang tao kaya't madalas ay ipinagpapasa-Diyos na lamang
niya ang pangyayari sa kanyang buhay. Samantala, ang magandang idinudulot nito ay hindi nagiging
aburido ang isang tao na may matinding problema sa buhay. Sa isang banda, ang hindi mahusay na
pagpapasya ay nangingibabaw dahil sa masamang ugaling ito.
103. Batay sa binasa, kailan nasasabi ng
mga Pilipino ang mga salitang “Bahala
na!”?

A.) kawalan ng pag-asa


B.) oras ng kalungkutan
C.) kawalan ng katiyakan
D.) oras ng kalituhan
104. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita
ng “Bahala na!”?
A.) “Papasa ako sa eksam, kapag nag rebyu.”
B.) “Katabi ko naman si ma’a,, mag tatanong nalang ako”
C.) “Ito ang tamang paraan para maka ako tipid”
D.) “Harinawang malampasan ko itong pagsubok”
105. Bakit kailangan mawala ang ugaling
“Bahala na!” sa mga Pilipino?
A.) Nagiging palaasa
B.) Mabilis magpasya
C.) Nagiging Aburido
D.) Malakas ang loob
Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga
hirap ng tao at inaakalang walang katapusan. Sukat ang
matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang
wagas na pag-ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng
hinagpis ay matatawag na tunay na paraiso.

106. Anong klaseng mensahe ang nais


ibahagi ng talata?
A.) Walang katapusan ang hirap ng tao sa mundo.
B.) Kailangang mamuhay sa isang paraiso ang tao.
C.) Matutong magmahak at wala ng hinagpis sa buhay.
D.) ang pag-ibig sa kapwa ang likha nh buhay na paraiso.
107. Kailan masasabing namamahay ang
pag-ibig sa buhay ng isang tao?
A.) kung masagana ang buhay ng tao
B.) kung maraming kaibigan ang isang tao
C.) kapag masaya at tahimik na namumuhay ang tao
D.) kapag nasisiyahan tumulong sa anumang uri ng tao
108. Bakit kailangang manaig ang pag-ibig
sa ating puso?
A.) Dahil iyon ang utos ng Diyos.
B.) Dahil Maraming mithiin sa buhay ang tao.
C.) Upang makamtan ang kapayapaan at kaligayahan.
D.) Upang magawa ng tama ang lahat ng mga bagay-bagay.

You might also like