You are on page 1of 2

Alamat ng Kuwago

Noong unang panahon, sa isang kagubatan, may isang binata na nagngangalang Diyago. Araw-araw

siyang pumupunta sa kagubatan upang masilayan ang kagandahan ng isang dalaga. Ang dalaga ay

mistulang diyosa maganda, maputi ang balat, at tunay na kahuma humaling ang ganda. Tila ngang

nahulog na ang binata rito. Ngunit, nagpapakita lang ito tuwing gabi. Dahil dito si Diyago ay pumupunta

tuwing gabi sa kagubatan upang pagmasadan ang kabighabighaning ganda nito, kahit minsan siya ay

magkasakit bale wala lang sa kanya. Sa paghihintay hindi na siya nakakatulog tuwing gabi o sa

pagsapit ng araw. Isang araw naglakas loob itong planuhin na lapitan at ipagtapat ang nararamdaman

sa dalaga. Masamang-masama na ang pakiramdaman ni Diyago ngunit walang dalaga na dumating

patuloy itong naghintay sa kagubatan hanggang lumubog ang araw. Malamig na simoy ng hangin, bilog

na buwan, nagniningning na mga bituin at ang puso niyang ninanais na ibigin ang magandang dalaga

bigla siyang natulala dahil sa wakas nasilayan niya ang dalaga at unti-unti siyang lumapit ngunit sa di

inaasahang pangyayari, nahimatay ang lalaki dahil sa pagod. Nakita siya ng dalaga at agad itong

tinulungan. Ngayon, sila ay napapalibutan ng mga punong malalaki at katahimikang tila nakakabingi.

Pilit na inimumulat ng lalaki ang kanyang mga mata; dahan-dahang inimulat. Kahit hindi pa ito

nagsasalita, ang kaniyang mga mata ay siyang nangungusap. Nagsisimulang magsalita ang lalaki at

nagtapat ng kanyang damdamin para sa dalaga. Tila nalulungkot ang mga mata ng dalaga nung

sabihin ni Diyago ito, hindi niya alam na may sumpa ang dalaga na kung sino man ang umibig sa kaniya

ay babawian ng buhay. Ipinaliwanag ng dalaga sa binata kung bakit pinili niya na palaging gabi

magpapakita, upang wala nang iibig sa kaniya at hahantong sa panganib ang buhay ng taong

magmamahal sa kanya. Lumipas ang gabi at kinaumagahan nawalan ng buhay si Diyago at ang

dalaga ay nawala na parang bula sa kagubatan.

Nakita ng mga diyos ang nangyaring ito at dahil sa matinding pagmamahal ng binata, siya ay nabuhay

muli ngunit hindi sa isang huwangis ng tao ngunit bilang isang nilalang ng kalikasan. Ito ay may

mabibilog at malalaking mga mata, mabalahibong katawan at naninirahan sa kagubatan. Ang nilalang

na ito ay ipinangalang “Kuwago” na nagmula sa kanyang pangalan na “Diyago.” Ito ay gising sa gabi

katulad lang ng ginawa niya noong minahal ang isang dalaga. Magpahanggang ngayon marami tayong

nakikitang Kuwago sa kagubatan karamihan nito ay gising sa gabi.

Gawa ni Deborah Jade Rubia

You might also like