You are on page 1of 1

Noong unang panahon, may isang makisig na binata na nais mag-asawa ng

pinakamagandang dilag. Siya ay mayabang at masyaong malaki ang pagkakilala sa sarili.


Kung minsan tuloy, nagdaramdam ang ilang mga dalaga s kanya dahil sa pamimintas niya
kahit nakaharap ang dalaga.

Isang araw, papunta na siya sa bundok upang manguha ng yantok nang masalubong niya
ang isang napakagandang dalaga na nakasuot ng putting-puti.

"Napakagandang dalaga," wika niya sa sarili at tuloy-tuloy na nilapitan niya ito.

Nang malapit na siya, nagtatakbo ang dalaga at nawalang parang bula. Hinanap niya ang
dalaga sa buong kagubatan ngunit hindi niya nakita.

Sa tagal at hirap na dinanas ng binata sa paghahanap sa dalaga, nagalit siya.

"Hindi ka talaga maganda. Ang ilong mo'y pango, ang mata mo ay duling at ang mga tenga
mo ay malalapad!" sigaw ng binata.

Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya sa lilim ng punung-kahoy para magpahinga. Naidlip siya
at nang magising, nakita niya ang magandang dilag. Alam niyang maganda talaga ang
dalaga at hindi totoo ang sinabi niya.

Siya ng dalaga, "ininsulto mo ako, kaya mula ngayon, ikaw ay magiging isang kulisap.
Manunumbalik lamang ang anyo mo kapag naipakita mo sa akin ang isang dalagang mas
higit ang kagandahan sa akin. Humayo ka at hanapin mo ang dalagang sinasabi ko para
mabalik ang dati mong anyo," ang utos ng engkantadang babae.

Lumipad ang binatang naging kulisap upang hanapin ang babaeng mas maganda pa kaysa
sa engkantada. Naghanap siya gabi't araw. Upang makita niya ang babaing gaganda pa sa
sumpa sa kanya, nagdala siya ng ilaw tuwing gabi. Ang binatang yaon na naging kulisap
ang tinawag natin ngayong alitaptap.

You might also like