You are on page 1of 8

MAPEH 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

Lagda ng Magulang: _______________________

MUSIC
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ito ay simbolo sa Musika na binubuo ng limang guhit ng pahalang at


maaring hatiin sa maliliit na bahagi na tinatawag na measures?
A. G-clef B. Flat C. Staff D. Sharp

______2. Ito ang simbolong nagbabalik sa orihinal na tono ang isang nota mula sa
pagkakababa o pagkakataas nito ng kalahating hakbang.
A. B. C. D.

______3. Ang interval na tumutukoy sa patayo na relasyon ng mga nota sa isang


musika.
A. Harmonic B. Interval C. Octave D. Prime

______4. Anong so-fa syllable ang matatagpuan sa ledger line ng C Major Scale?
A. do B. re C. mi D. fa

______5. Ano ang tawag sa layo o agwat ng pinakamataas na tono at


pinakamababang tono sa isang awitin?
A. musical range B. narrow range
C. wide range D. vocal range

______6. Kung gagamitin mo ang simbolong flat ( ) sa musika, ano ang


magiging epekto nito?
A. Nagsisilbing pampaganda ng tunog.
B. Itinataas ng kalahating hakbang ang isang nota.
C. Ibinababa ng kalahating hakbang ang isang nota.
D. Ibinabalik sa orihinal na tono ang isang nota mula sa pagkakababa o
pagkakataas nito ng kalahating hakbang.

______7. Ang G Major Scale ay may isang sharp pagkatapos ng G-clef. Saan mo
dapat ilagay sa staff ang sharp nito?
A. Unang linya B. Pang-apat na puwang
C. Unang puwang D. Panglimang Linya

______8. Ano ang melodic interval ng iskalang ito?

A. Octave B. Seventh Interval C. Sixth Interval D. Fifth Interval


______9. Pag-aralan ang G Major Scale sa ibaba, bakit ito tinawag na G Major?

A. Ang pitch name ng pangalawang linya kapag hindi movable do ay G.


B. Ito ay may isang sharp (#) sa tabi ng G-clef.
C. Ito ay binubuo ng limang nota.
D. Ang pitch name ng do ay G.

______10. Magbigay ng dahilan bakit sa tingin mo ay mahalaga sa musika ang


sharp, flat, at natural signs.
A. Naibabalik ang orihinal na tono ng isang nota.
B. Ito ang mga simbolong kukumpleto sa isang kanta.
C. Ito ang nagbibigay tono at melodiya sa isang kanta.
D. Ito ang naghuhudyat na itinataas ng half step ang tono.

ARTS
_____1. Saang probinsiya ng Pilipinas matatagpuan ang Chocolate Hills?
A. Probinsiya ng Pangasinan B. Probinsiya ng Misamis
C. Probinsya ng Bohol D. Probinsiya ng Zamboanga

_____2. Ang katangiang arkitektura ng simbahang ito ay tulad ng kutang tanggulan


(fortress) na gawa sa ladrilyo (bricks) at pinagdikit na mortar o pinaghalong apog,
buhangin, at tubig. Anong simbahan ito?
A. Ang simbahan ng Santa Maria B. Ang simbahan ng Paoay
C. Ang simbahan sa Miag-ao D. Historic Town sa Vigan

_____3. Sino ang tanyag na pintor na tinaguriang “Father of Modern Philippine


Painting” dahil sa paggamit niya ng madilim at makulimlim na kulay sa kanyang
mga obra. Siya ang itinuturing na nagsimula ng estilong kubismo sa bansa?
A. Carlos Francisco B. Fernando Amorsolo
C. Manuel Baldemor D. Victorino C. Edades

_____4. Ito ay isa sa mga makasayasayang lugar na gawa ng tao na tinaniman ng


mga palay na pahagdan-hagdan ang anyong bundok.
A. Ozamiz Rice Terraces B. Banaue Rice Terraces
C. Negros Rice Terraces D. Bohol Rice Terraces

_____5. Alin sa mga sumusunod and hindi katangiang arkitektura ng simbahan ng


Paoay?
A. Ito ay isang gusaling parihaba o tila krus na hugis.
B. May makakapal na dingding ito na pinatibay ng makakapal na poste na
gawa sa bato
C. Ang simbahan ay malaki at may malawak na anyo ngunit maliliit at
mahirap pasukin.
D. Dito kadalasan sumisilong ang mga tao sa panahon ng bagyo, lindol, o
pagsasalakay ng mga pirata.
_____6. Alin sa mga sumusunod na obra ang may estilong transparent at
translucent technique?

A. B. C. D.

_____7. Paano ilarawan ang back ground?


A. Ito ay ang mga bagay na nasa iyong harapan
B. Ito ay distansiya o agwat o pagitan ng bawat bagay.
C. Ito ay ang parang malayo sa tumitingin at parang ito na ang dulo ng
natatanging obra
D. Ito ay larawan nagpapahayag ng kalagitnaan ng obra upang maipakita ang
kagandahan ng isang obra.

_____8. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng tatlong bahagi ng


pagguhit o pagpipinta ng isang landscape?

A. B. C. D.

_____9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng complementary colors?


A. blue violet at yellow orange B. red, blue, yellow
C. green, violet, orange D. blue at green

_____10. Kung ikaw ay pagguguhitin ng isang self-portrait na gumamit ng


complementary colors, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?

A. B. C. D.
PHYSICAL EDUCATION

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Sa Philippine Physical Activity Pyramid Guide, sa anong antas kabilang ang
mga gawaing nirerekomenda na madalas gawin o araw araw na gawain sapagkat
itoy makatutulong sa iyong katawan?
A. Una o pinakamababang antas B. Ikalawang antas
C. Ikatlong antas D. Pinakmataas na antas

____2. Alin sa mga sumusunod na laro ang nilalaro ng dalawang pangkat at may
layunin lusubin o pasukin ang teritoryo ng kalaban?
A. Agawang Base B. Agawang Bola C. Patintero D. Siyato
____3. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasabi ng mga panuntunan ng
larong Agawan ng Base maliban sa isa, alin dito ang hindi kasali?
A. Hindi kailangan ng bawat pangkat ang base o bahay.
B. Bumuo ng dalawang pangkat na may pantay na bilang.
C. May guhit na linya sa gitna na maghahati sa dalawang base ang bawat
pangkat.
D. Maaari lamang makalaya ang presong manlalaro kung mahahawakan,
matatapik ng kakampi

____4. Sa larong Agawan ng Base, kailan masasabing nanalo ang isang koponan?
A. Kapag mas maraming nataya sa isang koponan.
B. Kapag ang baseline ng pangkat ay nataya ng kalaban
C. Kapag iisa na lang ang natitirang miyembro ng kalaban
D. Kapag wala pang nahuhuling miyembro ng inyong koponan

____5. Sa larong Lawin at Sisiw, nakatutulong ba ito sa ating kakayahang


pangkatawan?
A. Oo, dahil napaparami ang kaibigan
B. Hindi, dahil nakakapagod sa katawan
C. Oo, dahil nalilinang ang ating bilis at liksi
D. Hindi, dahil nagsasayang lang tayo ng oras sa paglalaro

____6. Ano ang maipapayo mo sa iyong mga kaklase para mahikayat silang sumali
sa larong Agawan ng Panyo?
A. Sasabihing malaki ang premyo sa mananalo
B. Sasabihing ililibre sila ng iyong kuya kung sasali sa laro
C. Sasabihing nalilinang ng larong ito ang bilis, liksi, pagkakaisa at isport.
D. Sasabihing magkakaroon ng mataas na marka sa PE kapag sumali sa laro

____7. Sa iyong palagay, bakit dapat sumali sa larong Tumbang Preso ang isang
batang katulad mo?
A. Dahil nakatutulong ito sa ating kakayahang pangkatawan
B. Dahil makakapaglaro kasama ang mga kaklase
C. Dahil masaya ang paglalaro ng Tumbang Preso
D. Dahil gusto kung maglaro lamang
____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga panuntunan sa paglalaro
ng Lawin at Sisiw?
A. Ang guro ang magbibigay ng hudyat sa pagpapasimula ng laro
B. Pumili ng pinakamalakas sa mga manlalaro na siyang maging lider
C. Ikakabit ang dalawang kamay sa baywang ng kasunod na manlalaro
D. Mag-uunahang mataya ang mga miyembro ng magkabilang koponan.

____9. Kung ikaw ang magiging lider sa larong Lawin at Sisiw, ano ang iyong
tamang gawin sa iyong koponan?
A. Sabihing maging masaya lamang sa paglalaro at iwasang magkaroon ng
sama ng loob sa ibang koponan.
B. Sabihing kailangang manalo sa laro upang magkaroon ng mataas na
marka
C. Sabihing umayaw na kung nakauna sa iskor ang kalaban
D. Sabihing dayahin ang ibang koponan upang manalo

____10. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mas marami ka pang
mahikayat na kamag-aral na maging aktibo sa pagsali sa mga larong Pinoy?
A. Ipakita sa mga kamag-aral ang nakukuhang mataas na grado
B. Huwag silang pakialaman kung ayaw nilang makilahok sa mga laro
C. Palaging ilibre ang mga kamag-aral upang sumunod sila sa iyong gusto
D. Sabihin at ipakita sa kanila kung ano ang mga mabubuting dulot sa iyong
sarili

HEALTH
____1. Ang puberty ay tungkol sa ____________.
A. pagbabago B. optimism
C. pakikipagkaibigan D. pagkakaroon ng tiwala sa sarili

____2. Ang pagbabago sa ___________at mentalidad ng isang tao ay maaaring


makaapekto rin sa mga pagbabago sa pakikisalamuha at paraan ng pag-iisip ng
isang tao.
A. lebel ng hormones B. lebel ng pagkain
C. lebel ng pagkatao D. lebel ng pakikisalamuha sa kapwa

____3. Nagbabago ang kakayanan ng isang tao na matuto ng mga bagong kaalaman
at kakayanan, gayundin ang pagbibigay ng rason, lohika, at maging pananaw sa
buhay. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga pagbabagong sosyal at emosyonal na
nagaganap sa isang nagbibinata o nagdadalaga, maliban sa isa.
A. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili.
B. Nagkakaroon ng “crush” o paghanga.
C. Hindi naglalahad ng problema o opinion sa kaibigan.
D. Nagiging mature ang ugali at angkop ang kilos sa edad.

____4. Ang mga sumusunod ay pagbabago sa katawan ng lalaki sa panahon ng


pagbibinata MALIBAN SA ISA.
A. Paglaki ng boses. B. Paglaki ng dibdib at balikat.
C. Paglapad ng balakang. D. Pagkakaroon ng bigote at balbas.
____5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong paraan ng pag-iwas sa
maaga at di-inaasahang pagbubuntis?
A. Huwag makinig sa payo ng magulang.
B. Ipaalam sa magulang ang mga pupuntahan.
C. Makipag-inuman sa barkada at kaibigang lalaki.
D. Sumama sa mga barkada o kaibigang lalaki sa gimmick.

____6. Ano ang kahulugan ng salitang miskonsepsyon?


A. maling kaisipan B. masamang pag-iisip
C. tamang pasya D. tamang Gawain

____7. Paano maipapakita ang pagtanggap na ang mga isyu sa pagdadalaga o


pagbibinata ay sadyang normal na nangyayari sa buhay ng isang tao?
A. Si Rico na tanggap ang pagbabago sa kanyang timbang at boses.
B. Si Sandra na halos hindi na kumakain dahil ayaw niyang madagdagan
ang timbang
C. Si Lito na laging inaaya ang ma kaibigan para mag-inuman at pumunta sa
videoke bar
D. Si Ben na laging pinagagalitan ang kaniyang anak dahil nagdadamit ito ng
mga trending na damit

____8. Mahilig maglaro ng computer games si Jerry. Hindi lumilipas ang isang araw
na hindi siya nakakaharap sa kompyuter. Dahil dito lagi siyang puyat at tulog
tuwing araw ng kaniyang klase.
A. Isyu tungkol sa kakulangan o pagkakaroon ng hindi sapat na tulog
B. Isyu na may kinalaman sa pag-aalaga ng katawan
C. Isyu tungkol sa mga alalahanin sa ngipin
D. Isyung may kinalaman sa nutrisyon

____9. Ugaliin ang matulog nang maaga upang magkaroon ng walo hanggang
sampung oras na pagtulog at pahinga.
A. mali
B. tama
C. hindi ko alam
D. mali, dahil sapat na ang 4 na oras na tulog

____10. Ano sa tingin mo ang posibling mangyayari kung hindi mo kayang


magabayan ang iyong sarili sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?
A. magiging masaya ako
B. magiging maganda ang buhay ko
C. maaaring tumaas ang aking mga grado
D. maaari akong mapunta sa maling landas

Inihanda ni:
MARITES L. OLANIO
Guro
Iniwasto ni:

MARY JANE L. ALMOITE, PHDP


Punong Guro
Susi sa Pagwawasto:

Music Arts
1. C 1. C
2. D 2. A
3. A 3. D
4. A 4. B
5. A 5. D
6. C 6. B
7. D 7. C
8. A 8. A
9. A 9. A
10. C 10. D

PE Health
1. A 1.A
2. C 2.A
3. A 3.C
4. B 4.C
5. C 5.B
6. C 6.A
7. A 7.A
8. D 8.A
9. A 9.B
10. D 10.D

You might also like