You are on page 1of 9

SOSYEDAD AT LITERATURA PANITIKANG PANLIPUNAN

Modyul 4

Pangalan: Jenny Rose C. Gonzales Petsa: Abril 26 , 2021


Kurso Baitang at Pangkat: Beed Gened 1A Propesor: Eva Ventanilla

Paksa/Aralin: Panitikan hinggil sa Pangmagsasaka (Sanaysaging ni Epifanio G. Matute)

Gawain 1: Suriin ang pabalat ng libro. Ano ang mga salitang naiisip ninyo sa pabalat na ito? Iugnay
sa salitang obra maestra ang mga salitang naisip. Gumawa ng isang pahayag mula rito. Ipadala ang
inyong sagot sa platform na sasabihin ng guro.

Sa aking pagkakasuri ang pabalat ng libro ay kulay itim at may


dalawang mata kung saan para bang may nais ipakahulugan na ito ay
naglalaman ng madilim o maselan na pangyayaring paksa na
tumutukoy dito. Sapagkat sa pabalat palamang ay ipinapakita na ito.
Mayroon din itong naka imprenta na sulat o pamagat na “Lalaki sa
Dilim” kung saan maaaring may kinalaman ang lalaking ito sa
nilalaman ng libro. Sa aking pagkakaunawa ay maaaring ito ay
patungkol sa karahasan o panggagahasa. Dahil ang tinutukoy sa
pamagat ay lalaki sa dilim na talaga naman lumalaganap ang
ganitong pangyayari sa kadiliman na nangangahulugang patago. Sa
pagsasama ng pagpapakahulugan ng mata at itim na kulay ng pabalat
ay nangangahulugang hindi makakita, kung saan ang lalaki ay
pinagkaitan ang isang babaeng bulag o ginamit pagiging bulag ng
isang babae, pinagkaitan ng dangal upang makuha ang sariling
kagustuhan na nagdulot ng pihati kaya ang mata na ipinapakita sa
pabalat ay mamula-mula at nagluluha.
Gawain 2: Sa gawaing ito, suriin ang dalawang akda (Sanaysaging at Mga Ibong Mandaragit) at ang
tuon lamang ay ang sumusunod: pamagat, manunulat, tauhan, banghay (bilang kabuuan), at
tunggalian. Isaalang-alang ang pagkakabuo ng manunulat sa akda. Sumangguni sa guro kung ano
ang magiging format at plataporma sa pagpasa.

PAMAGAT Sanaysaging kung saan inilalahad dito ang laganap na kahirapan at kagutuman at
pagnanais ng mga mamamayan na makaahon sa kinasasadlakan maging sa tiwaling
patakaran ng mga pamahalaan ng ekonomiya.
MANUNULAT Epifanio G. Matute

TAUHAN Mga tauhan na nabanggit sa akdang nabasa na nakalagay dito sa modyul na ito ay Mga
Pilipino, Mga Magsasaka, Tiyo Ompong, Mga Hapon, Amerikano, Macarthur, GI Joe, GI
Girls, Senator, Kongresista, Ekonomista, Editoryalista, Kolumnista, Kommentarista, Mga
Ista, Istambay, at Pangulo.
BANGHAY  Simula- Hindi po. Ito‘y hindi isang makagimbal-daigdig na pagtalakay tungkol sa
saging. Wala kaming maipagmamalaki sa naturang paksa kundi ang ganap na
kawalang-kaalaman sa bagay na ito...
 Suliranin- Pasan ang punong-saging, nag-inut-inot kami sa pag-uwing medyo
nanginginig ang tuhod – hindi dahil sa bigat ng aming pasan, kundi dahil sa
daluhong ng gutom na maagang sumalakay sa aming sikmura, palibhasa’y dahop na
dahop na marahil sa mga bitamina A at D ang aming naging agahan nang araw na
iyon. Gaano na bang katigasan ng tuhod ang maitutustos ng kalahating putol na
ginlalaking kamoteng may ulalo pa sa dulo, at isang tasang kape-mais-na-sinangag-
nang-sunog, na bahagya napatamis ng tatlong ulit na paglulubog at pagsagip sa
kapiratiting na panutsa? Ang butil ng panutsa ay kailangan mapaabot ng pitong
araw, hanggang sa dumating na muli ang rasyon para sa samahang pangmagkakapit-
gutom, este pangmagkakapitbahay.
 Kasukdulan- Ngunit katulad ng din ng kanyang bungang nalalarot kapag labis na ang
pagkahinog, ang saging na naging popular na paksa ay hindi rin naglaon at lumabas.
Sa harap ng makapangyarihang daluyong ng nagkakaisang damdaming kontra-
saging ay ipinahayag ng Pangulong hindi maaaring pagtibayain ang kondisyones na
nakaungaog na sanang kasunduan, dahil sa mahigpit na itinatadhana ng Saligang
Batas, kaya saging na ay naging bato pa. Ang pangyayaring iyon ay aming
pinanghihinayangan nang malabis... Ang ipinaghihimutok ng aming kalooba’y ang
maaarin sanang mangyari sa Perlas daw na ito ng Silanganan, kung hindi nabigo ang
balak na sagingisasyon ng bansa. Sa bagay na ito, ang pamuhatan namin ng pananaw
ay hindi na pansarili lamang, manapa’y makalilibong higit na malawak, pambuong
kabansaan, sumasaklaw sa mga sumusunod pang salinlahi sa mga darating pang
dantaon.
 Kakalasan- Tayong mga Pilipino’y maaari na sanang tumidig nang buong
pagmamalaki, at sa tila iisang tinig ay may dahilan na sana tayong magpailanlang sa
apat na sulook ng Kasilangang Asya – hindi – sa buong sandaigdigan man, ng ating
sana’y magiging bagong pambansang awit. “Bayang masaging, Perlas ka ng
Sagingan/ Puso ng saging, sa dibdib mo’y buhay. Lupang sinaging, duyan ka nga
latundan/ Sa kontra-saging, di ka padadagan.
Sa dagat at bundok/ Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang saging at/ Awit
sa lakatang minamahal....”
Wakas- Sayang! Opo, sayang na sayang. Dahil sa ilang laos nang tadhana ng Saligang
Batas na maaari namang susugan upang makalikha ng Saligang Butas, ay nawalan ang
ating bayan ng pambihirang pagkakataong maging isang tunay, taal, at dalisay na
Republikang Saging. Pagkatapos ng Sandaling Panahon, natuloy rin ang kompanyang
Amerikano sa malawakang sagingan sa Mindanaw. EGM.
TUNGGALIAN  Tao laban sa Lipunan- Ang butil ng panutsa ay kailangan mapaabot ng pitong araw,
hanggang sa dumating na muli ang rasyon para sa samahang pangmagkakapit-
gutom, este pangmagkakapitbahay. Sa madali’t salita, sumapit din kami sa aming
bahay. Matapos makahigop ng kaunting mainit na sabaw ng nilagang kangkong na
kasama pati mga ugat, ay pinagsaulian kami ng sapat na lakas at sigla upang
maihukay at maitanim saka madilig ang puno ng saging.
 Tao laban sa tao- “Tanga! Abaka ‘yan... Hindi namumunga ng saging ang abaka!” ang
tukso sa amin ng aming amaing namimilipit sa pagtawa. “Lubid ang makukuha mo
diyan. Itali mo sa leeg mo, saka ka magbigti, para mapagtakpan ang kabobohan mo!”
At sa yugtong iyon ng buhay, lubusang naghiwalay ang landas namin at ng saging.
Sapul noon ay ayaw na naming makakita, makarinig at makaamoy ng anumang
bagay na may kinalaman sa saging.

PAMAGAT Mga Ibong Mandaragit kung saan sumisimbolo ito sa mga tao na hindi pantay-pantay
ang pagtingin sa lipunan.
MANUNULAT Amado V. Hernandez
TAUHAN Mando Plaridel, Dolores Montero, Don Segundo Montero, Donya Julia Segundo, Pastor,
Pully at Dolly, Tata Matyas, Magat, at Andoy.
BANGHAY  Simula- Nagsimula ang kwento sa kalagitnaan ng taon 1944 kung kailan humihina
na ang imperyo ng mga Hapon dito sa Pilipinas. Inatake ng mga Hapon ang sampitan
sa tangkang agawin ang Infanta mula sa mga gerilyerong Pilipino, nagkaroon ng
sagupaan.
 Suliranin- Dahil sa kakulangan sa mga armas na pandigma ay halos naubosang mga
hukbo ng mga Pilipino. Isa sa mga nakaligtas ay si Mando. Habang tinatahak ni
Mando ang kagubatan upang makaligtas ay nakilala niya sina Karyo at Martin.
Sabay-sabay nilang tinahak ang daan patungo sa bahay ni Tata Matyas na isa sa
gerilyero noong kapanahunan pa niya.
 Kasukdulan- Kanya rin ipinahayag ang kagustuhang sisirin ang mga kayamanan ni
Simoun kung siya ay kasing edad pa ni Mando. Sa tulong ng mapang ibinigay ni Tata
Matyas, hinanap nina Mando kasama sina karyo at Martin ang dagat kung saan
sinasabing itinapon ang mga kayamanan ni Simoun, natagpuan nila ito sa Atimonan.
 Kakalasan- Sa kanila ng tagumpay ay namatay si Karyo dahil sa pating na sumalakay
sa kanya samatalang si Martin naman ay pinatay ni Mando dahil sa pagiging sakim
nito. Nagwakas na din ang digmaan at muling nakamit ang kapayapaan at
katahimikan, gayunpaman kaakibat nito ay ang pagbalik din ng di makatarungan at
mga makasariling gawain ng mga nakakaangat sa buhay.
 Wakas- Nagtayo si Mando ng isang pahayagan at tinawag niya itong Kampilan.
Umalis at nangibang-bayan si Mando upang magkaroon ng salapi para sa kanyang
pahayagan. Ipinagkatiwala niya ito sa mga dati ding gerilyero na sina Tata Matyas,
Magat, Andres, Rubio at Doctor Sabio. Bukod sa isang pahayagan ay nagtatag din si
Mando ng isang paaralan na tinawag niyang Pamantasan ng Kalayaan na naglalayon
na mapabuti at mapangalagaan ang mga kabataan.
TUNGGALIAN  Tao laban sa Lipunan- Pagnanais ng mga tao na makalaya sa makapangyarihang
puwersa ng lipunan.
 Tao laban sa tao- Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang
kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Gayunpaman, Nataga ni Martin sa
pisngi si Andyo kaya naman natamo nito ang pilat sa mukha at ito ang nagtago sa
tunay niyang pagkatao.

MUNGKAHING GAWAIN PARA SA PAGKATUTO

Gawain 3: Suriin ang pagkakabuo ng akda at batay sa kaukulang pananaw ng pampanitikan.


Magbigay ng tag-limang (5) at ipaliwanag ang kaugnayan ng bawat isa. Sumangguni sa guro kung
ano ang magiging format at plataporma sa pagpasa.
PAMAGAT NG AKDA: SANAYSAGING

SUSURIIN PALIWANAG
 PABULA- Maikling kasaysayan upang
mai-highlight ang mga halaga at
moralidad.
Uri ng Genre  KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN-
Ang aksyon ang pangunahing elemento.
Ang bida ay may misyon at dapat harapin
ang hamon.

Kalagayan ng ekonomiya at ang kagutuman


Paksang-diwa o Tema
sa panahon ng Hapon

 Simula- Hindi po. Ito‘y hindi isang


Banghay makagimbal-daigdig na pagtalakay
tungkol sa saging. Wala kaming
maipagmamalaki sa naturang paksa
kundi ang ganap na kawalang-kaalaman
sa bagay na ito...
 Suliranin- Pasan ang punong-saging,
nag-inut-inot kami sa pag-uwing medyo
nanginginig ang tuhod – hindi dahil sa
bigat ng aming pasan, kundi dahil sa
daluhong ng gutom na maagang
sumalakay sa aming sikmura,
palibhasa’y dahop na dahop na marahil
sa mga bitamina A at D ang aming
naging agahan nang araw na iyon. Gaano
na bang katigasan ng tuhod ang
maitutustos ng kalahating putol na
ginlalaking kamoteng may ulalo pa sa
dulo, at isang tasang kape-mais-na-
sinangag-nang-sunog, na bahagya
napatamis ng tatlong ulit na paglulubog
at pagsagip sa kapiratiting na panutsa?
Ang butil ng panutsa ay kailangan
mapaabot ng pitong araw, hanggang sa
dumating na muli ang rasyon para sa
samahang pangmagkakapit-gutom, este
pangmagkakapitbahay.
 Kasukdulan- Ngunit katulad ng din ng
kanyang bungang nalalarot kapag labis
na ang pagkahinog, ang saging na naging
popular na paksa ay hindi rin naglaon at
lumabas. Sa harap ng
makapangyarihang daluyong ng
nagkakaisang damdaming kontra-saging
ay ipinahayag ng Pangulong hindi
maaaring pagtibayain ang kondisyones
na nakaungaog na sanang kasunduan,
dahil sa mahigpit na itinatadhana ng
Saligang Batas, kaya saging na ay naging
bato pa. Ang pangyayaring iyon ay
aming pinanghihinayangan nang
malabis... Ang ipinaghihimutok ng aming
kalooba’y ang maaarin sanang mangyari
sa Perlas daw na ito ng Silanganan, kung
hindi nabigo ang balak na sagingisasyon
ng bansa. Sa bagay na ito, ang
pamuhatan namin ng pananaw ay hindi
na pansarili lamang, manapa’y
makalilibong higit na malawak,
pambuong kabansaan, sumasaklaw sa
mga sumusunod pang salinlahi sa mga
darating pang dantaon.
 Kakalasan- Tayong mga Pilipino’y
maaari na sanang tumidig nang buong
pagmamalaki, at sa tila iisang tinig ay
may dahilan na sana tayong
magpailanlang sa apat na sulook ng
Kasilangang Asya – hindi – sa buong
sandaigdigan man, ng ating sana’y
magiging bagong pambansang awit.
“Bayang masaging, Perlas ka ng
Sagingan/ Puso ng saging, sa dibdib
mo’y buhay. Lupang sinaging, duyan ka
nga latundan/ Sa kontra-saging, di ka
padadagan. Sa dagat at bundok/ Sa
simoy at sa langit mong bughaw, May
dilag ang saging at/ Awit sa lakatang
minamahal....”
Wakas- Sayang! Opo, sayang na sayang.
Dahil sa ilang laos nang tadhana ng Saligang
Batas na maaari namang susugan upang
makalikha ng Saligang Butas, ay nawalan
ang ating bayan ng pambihirang
pagkakataong maging isang tunay, taal, at
dalisay na Republikang Saging. Pagkatapos
ng Sandaling Panahon, natuloy rin ang
kompanyang Amerikano sa malawakang
sagingan sa Mindanaw. EGM.
Paglalarawang Tauhan/ Karakterisasyon
 Direktang Karakterisasyon
 Ang mga tauhan sa kwento ay mauri sa
dalawa: lapad at bilugang tauhan.
Palikuran na malapit lamang sa kanilang
Tagpuan
kinahihigaan.

Saging na bilang isang batas ng Pilipinas.


Ang kontra-saging na binanggit ng persona
ay hindi naman talaga kontrabida, bagkus
Simbolismo o Sagisag
tagapagtanggol nga ng bansa. Sapagkat ang
saging na ito ay isa sa nagpayaman ng ating
bansa.

Ang sanaysay ay ipinahayag ng pabiro,


Estilo mapang-uyam, seryoso ngunit naglalaman
ng katotohanan.

PAGSUSURI BATAY SA KAUKULANG PANANAW SA PAMPANITIKAN


Kung saan talaga naming tayong mga
Pilipino hindi maikakaila na ang ilan sa atin
1. Realismo ay nakakaranas ng kahirapan. Masasabi na
ito ay nangyayari sa totoong buhay.
Maraming mga nakakataas na minamaliit
ang mga mabababa at mahihirap.
2. Sosyolohikal Ito ay noong panahon ng Hapon kung saan
talaga naming hirap ang pamumuhay.
3. Marxismo Pagnanasang maka alpas sa anumang wala
tayo, magkaroon ng kaisipan at matawag na
malayang bansa.
4. Pormalismo Kaanyuan lamang ang tanging
pinagbabasihan dito. Sa paggamit ng
manunulat ng mga salita ay malalalim at
may nakatatagong kahulugan.
5. Romantisismo Pagpapatunay na ito ay pinagtibay ng
manunulat sa kanyang akda upang gisingin
ang natutulog na diwa ang isang tao bilang
Pilipino.

PAMAGAT NG AKDA: MGA IBONG MANDARAGIT

SUSURIIN PALIWANAG
Uri ng Genre Nobelang Panlipunan

Paksang-diwa o Tema Katayuan ng pamumuhay at kabuhayan ng


mga mamamayang Pilipino.
 Simula- Nagsimula ang kwento sa
Banghay kalagitnaan ng taon 1944 kung kailan
humihina na ang imperyo ng mga Hapon
dito sa Pilipinas. Inatake ng mga Hapon
ang sampitan sa tangkang agawin ang
Infanta mula sa mga gerilyerong
Pilipino, nagkaroon ng sagupaan.
 Suliranin- Dahil sa kakulangan sa mga
armas na pandigma ay halos naubosang
mga hukbo ng mga Pilipino. Isa sa mga
nakaligtas ay si Mando. Habang
tinatahak ni Mando ang kagubatan
upang makaligtas ay nakilala niya sina
Karyo at Martin. Sabay-sabay nilang
tinahak ang daan patungo sa bahay ni
Tata Matyas na isa sa gerilyero noong
kapanahunan pa niya.
 Kasukdulan- Kanya rin ipinahayag ang
kagustuhang sisirin ang mga kayamanan
ni Simoun kung siya ay kasing edad pa
ni Mando. Sa tulong ng mapang ibinigay
ni Tata Matyas, hinanap nina Mando
kasama sina karyo at Martin ang dagat
kung saan sinasabing itinapon ang mga
kayamanan ni Simoun, natagpuan nila
ito sa Atimonan.
 Kakalasan- Sa kanila ng tagumpay ay
namatay si Karyo dahil sa pating na
sumalakay sa kanya samatalang si
Martin naman ay pinatay ni Mando dahil
sa pagiging sakim nito. Nagwakas na din
ang digmaan at muling nakamit ang
kapayapaan at katahimikan,
gayunpaman kaakibat nito ay ang
pagbalik din ng di makatarungan at mga
makasariling gawain ng mga
nakakaangat sa buhay.
 Wakas- Nagtayo si Mando ng isang
pahayagan at tinawag niya itong
Kampilan. Umalis at nangibang-bayan si
Mando upang magkaroon ng salapi para
sa kanyang pahayagan. Ipinagkatiwala
niya ito sa mga dati ding gerilyero na
sina Tata Matyas, Magat, Andres, Rubio
at Doctor Sabio. Bukod sa isang
pahayagan ay nagtatag din si Mando ng
isang paaralan na tinawag niyang
Pamantasan ng Kalayaan na naglalayon
na mapabuti at mapangalagaan ang mga
kabataan.

 Direktang Karakterisasyon
Paglalarawang Tauhan/ Karakterisasyon  Ang mga tauhan sa kwento ay mauri sa
dalawa: lapad at bilugang tauhan.

 Sampitan
 Infanta
 Atimonan
Tagpuan  Paris
 Espanya
 Amerika
 Sierra Madre
Sumisimbolo ito sa hindi pagkakaroon ng
pantay-pantay ng pagtingin ng mga tao sa
Simbolismo o Sagisag
lipunan.

Pagsusulat ay inihalintulad ng kay Jose


Estilo Rizal upang manaig sa mga mambabasa na
ito ay kasunod na kabanata ng mga nobela
ng mga pambansang bayani.

PAGSUSURI BATAY SA KAUKULANG PANANAW SA PAMPANITIKAN


Nagaganap din ito sa totoong buhay kung
1. Realismo saan mayroong diskriminasyon sa kulay na
ginagamit na basehan kung ano ang
katayuan ng isang tao
2. Sosyolohikal Nais lamang ipabatid ng manunulat sa
sosyolohikal na pamamaraan ay may
kinalaman sa pamamalakad ng pamahalaan
o mga nakakataas na nakakaapekto sa mga
mamamayan kaya’t nagnanais makamit ang
Kalayaan.
3. Marxismo Ang pagnanais sa pagbabago ng sistemang
piyudal at ang problemang ikinaharap ng
mga Pilipinong trabahador sa pagdating ng
industriyalisasyong dala ng mga Amerikano
sa Pilipinas ay maihahanlintulad sa mga
pangyayari ngayon.
4. Pormalismo Kaanyuan lamang ang tanging
pinagbabasihan dito. Maayos at malinaw
naman nailahad at naipabatid ng manunulat
sa mga mambabasa ang pakay niya sa
nasabing iyon.
5. Romantisismo Ang kwento ito ay panitikan na kung saan
ipinapakita ang mga karanasan at
nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan
sa makatotohanang paraan.

PAGTATAYA/AWTPUT

Panuto: Gumawa ng isang replektibong sanaysay hinggil sa pinag-aaralan natin ngayon. Isaalang-
alang sa gawaing ito ang mga naging BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN.
Ipapasa ito sa pamamagitan ng Google Classroom (inihanda ng guro/propesor).

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin


at diwa ng mga tao. Ang panitikan ay maituturing na mga maikling kuwento, pabula, parabula,
sanaysay, tula at iba pa. Ngunit sa pag-aaral na ito ay nag pokus sa panitikan hinggil sa
pangmagsasaka kung saan nakikilala ang mga ambag na panitikan na tumatalakay sa mga usapin na
hinggil sa lipunan. Masasabing ito ay lipunan na ating ginagalawan sapagkat hindi lamang tayo
magkakaugnay sa isa’t-isa para matawag na lipunan bagkus nakabatay din ito sa sitwasyon o
pangyayari na sabay-sabay o pare-pareho nating kinakaharap sa buhay. Tulad na lamang nobela na
aking nabasa ay nagkakaroon ng suliranin ang sino mang taong gumaganap doon na patungkol sa
kahirapan at suliranin upang makamit ang kanilang mga nais o mithiin sa buhay sa kabila ng lahat
ay nagkakaroon ng aral sa huli. Ako bilang isang manonood at mambabasa natututo ako sa mga aral
at mga kinakaharap ng mga tauhan sa nobelang ito na nais lamang ipahayag ang katayuan at
pmumuhay ng mga Pilipino.

Sa araling ito nagkaroon ng ako ng pagkakataon sumuri mula sa isang Pabalat ng Libro,
Nilalaman ng Pelikula, at maging storya ng dalawang Nobela. Sa aking nasuri mula sa aking binasa,
ito ay na kakikitaan ng teoryang pampanitikan na realismo na ipinakitang pangyayari sa nobela ay
posible o karaniwan na talagang nangyayari sa ating lipunan. Ang mga tauhan na gumanap dito ay
ipinakitang sa kabila ng kawalang pag-asa na hatid ng kahirapan o estado ng buhay ay umahon at
nakamit nila ang kanilang mithiin o pangarap sa buhay. Sa kabila ng pagging mahirap at palaging
nakakatanggap ng kababaang tingin mula sa mga namumuno o nakatataas nagkaroon parin tayong
mga pilipino ng katapangan sa pamamagitan ng mga mabubuti at dalubhasang manunulat na sa
pamamagitan ng kanilang inilimbag ay naisalaysay ang tunay na hinaharap ng mga pilipino lalo na
noon. Ang mga tao nga naman talaga lalo na ang mahihirap ay nakakasumpong ng diskriminasyon o
minamata ng mga taong nakakataas o mayayaman na tila nanghuhusga na agad sa mga mabababa.
Gayun pa man sa kabila ng lahat ay naroroon ang katagumpayan.

Ipinapakita sa araling ito ang malalim na paghihimlay sa akdang pampanitikan sa


pamamagitan ng masusing pagsusuri upang mas higit maunawaan ang nais ipahayag ng may akda
para sa mga mambabasa. Natutunan ko ang kahalagahan ng pag-susuri kung saan may mga batayan
na akin din natuklasan base sa aking mga nababasa. Bukod sa kinapupulutan ito ng aral ay
nadagdagan ang aking kaalaman maging ang kritikal napag-iisip sa mga kaganapan na isinaad sa
babasahin. Mas lalo akong namangha sa mga taong nagsisikap mula sa mabuting paraan makamit
lamang ang kanilang minimithi.

You might also like