You are on page 1of 2

PANUNUMPA NG LINGKOD BAYAN

Ako’y isang lingkod bayan.


Katungkulan ko ang maglingkod ng buong katapatan at
kahusayan at makatulong sa katatagan at kaunlaran ng aking
bayan.
Magiging bahagi ako ng kaayusan
at kapayapaan sa pamahalaan
at magiging halimbawa ako ng isang mamamayang masunurin
at nagpapatupad ng mga umiiral na batas at alituntunin
nang pantay-pantay at walang kinikilingan.

Magsisikap akong patuloy na madagdagan


ang aking kabatiran at kaalaman.
Ang bawat sandali ay ituturing kong gintong butil
na gagawing kapaki-pakinabang.
Lagi kong isasaalang-alang ang interes ng nakararami
bago ang pansarili kong kapakanan.

Isusulong ko ang mga programang mag-aangat


sa antas ng kabuhayan ng mga mahihirap
at aktibo akong makikibahagi
para sa mga dakilang layunin sa lipunan.

Hindi ako magiging bahagi


at isisiwalat ko ang anumang katiwalian
na makaaabot sa aking kaalaman.
Sa lahat ng panahon, aking pagsisikapang makatugon
sa hamon sa lingkod bayan.
Ang lahat ng ito para sa ating Dakilang Lumikha
at sa ating bayan.
Kasihan nawa ng Panginoon.
Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas

Ako ay Pilipino,
Buong katapatang nanunumpa
sa watawat ng Pilipinas,
At sa bansang kanyang sinasagisag,
Na may dangal, katarungan at kalayaan,
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos, Maka-kalikasan, Maka-tao at
Maka bansa.

You might also like