You are on page 1of 21

UNANG BAHAGI

………………………………………………………………………………………………………
Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa
Pangangailangan ng Sambayanan
Mga Layunin

1. Natatalakay ang pinag-ugatan at pakikipagsapalaran ng Filipino bilang wikang pambansa.


2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang wikang global at intelektwalisado.
3. Nahihimay-himay ang mga usaping may kaugnayan sa paggamit ng wikang Filipino bilang wika
ng pananaliksik.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Saligang-batas ang pinakapananaligang batas ng bawat bansa. Makapangyarihan ito sapagkat


ito ang nagdidikta ng mga prinsipyo at polisiyang kailangan para sa isang lipunang kaiga-igayang
panahanan ninuman. Kinapapalooban ito ng mahahalagang probisyong sanligan ng mga bagay at kilos
na dapat na igawi para sa isang mapayapang pamayanan.

Wikang Filipino ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isla sa
Pilipinas. Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at patuloy nating
isasalin sa ating mga anak at sa mga susunod pang salinlahi. Ito wikang magiging kakampi natin ang
sa ating mga pakikibaka sa usapin ng istandardisasyon at internalisasyon. Kung lilingunin ang
kasaysayan, masasabi na hindi naging madali ang mga pinagdaanan ng wikang Filipino upang
makamtan ang rekognisyon ng pang-internasyunal na komunidad at maging ng ating mga kapwa
Pilipino.

Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. (Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas
1987) Kinikilala rin itong wikang opisyal ng bansa kasama ng Ingles. Ito ay nakabatay sa Tagalog, isang
Austronesian, rehiyunal na wika na sinasalita sa malaking bahagi ng kapuluan. Kasama ang Tagalog
sa isandaan at walumpo't limang wikain sa Pilipinas na tinutukoy sa Etnologo. Ayon sa Komisyon sa
Wikang Filipino o KWF, ang Tagalog ay isang katutubo dayalekto na ginagamit sa Metro Manila, ang
National Capital Region, at iba pang sentro ng urbanidad sa arkipelago.

Itinuturing na isang pluricentric na wika (magkakamag-anak na wika) ang Filipino sapagkat higit
itong pinagyayaman at pinauunlad ng iba pang umiiral na mga wika sa Pilipinas batay na rin sa
mandato ng Saligang Batas nang 1987 (ang monocentric ay wika na may iisang istandardisadong
bersyon katulad ng sa mg Ruso at Hapon). Kaya, may mga obserbasyon ng n ng pagkakaroon ng iba-
ibang Filipino na lumalayo sa gramatikal na kakanyahan ng Tagalog sa Cebu, Davao City, at Iloilo na
kasama ng Metro Manila (bumubuo sa apat na malalaking bahagi ng Metropolitan sa Pilipinas).

Kilala ang Pilipinas bilang isang multilingual na estado na may isandaan at dalawampu (120)
hanggang isandaan at walumpo't pito (187) na mga wika na sinasalita ng iba't ibang etnolingwistikong
mga pangkat. Walang komon 0 karaniwang wika sa lahat ng ethnolinguistic na pangkat sa Pilipinas
nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas labing-anim (16) na daantaon na ang nakaraan. Ang apat
na pangunahing mga wika ng kalakal ay Bisaya, Kapampangan, Pangasinan, at Ilokano. Sapagkat ang
mga wika sa Pilipinas ay magkakalapit o magkakamag- anak at madaling matutunan ng mga Pilipino,
ang karamihan ng mga nagsasalita ay gumagamit ng dalawa o higit pang rehiyunal na mga wika.
Ang sentro o capital ng Pilipinas ay itinatag ng mga Espanyol sa Maynila na kilala bilang rehiyon
ng mga nagsasalita ng Tagalog. Ang unang diksyunaryong Tag log na inilathala ay ang Vocabulario de
la Lengua Tagala na isinulat ng isang Franciscano na si Pedro de San Buenaventura at inilathala noong
1613 ng kinikilalang "Ama ng Palimbagang Pilipino" na si Tomas Pinpin ng Pila, Laguna. Itinatag ng
mga Espanyol ang Maynila bilang sentro o capital ng Pilipinas.

Wikang Espanyol ang naging opisyal na wika ng pamahalaan noong panahon ng Espanya sa
Pilipinas.

Ang pangangailangan na magkaroon ng wikang magbubuklod sa ating lahi ay unang nagkaroon


ng liwanag nang nagkaisa ang mga katipunero na may pagsasaalang-alang sa Saligang-batas ng Biak
na Bato nang 1897 na gawing opisyal na wika ng rebolusyon ang Tagalog. Ayon sa Artikulo VIII ng
Saligang- batas ng Biak na Bato "Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Republiku." Sina Isabelo
Artacho at Felix Ferrer ang siyang bumalanglas ng saligang-batas na ito.

Inatasan naman ng Saligang-batas 1935 ang Kongreso na gumawa ng mga hakbang upang
paunlarin at papagtibayin ang isang wikang pambansa na nakabatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Ayon pa rin sa Saligang- batas na ito, ang Ingles at Kastila ang mananatiling opisyal
na wika hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas.

Maliwanag na wala pang kinikilalalang pambansang wika sa ilalim ng Saligang-batas ng 1935


kung hihimayin ang espisipikong probisyon hinggil dito. Tanging ang pagbibigay ng kapangyarihan sa
Kongreso na gumawa ng mga hakbangin upang mapaunlad at mapagtibay ang pangkalahatang
pambansang wika na may pagsasaalang-alang sa isa sa mga katutubong wika ang makikita sa
pagbusisi ng probisyong ito. Mariing isinasaad na habang isinasagawa ang proseso ng pagpili ay
mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika. Wala pa ring tiyak na ahensya ang tinukoy
upang siyang mangasiwa sa proseso ng pagpili ng pambansang wika.

Dama ng Pangulo ng Komonwelt na si Manuel 1. Quezon ang pangangai langan ng isang wika
na sinasalita at nauunawaan ng lahat sa isang pamayanang may iisang nasyunalidad at estado. Ito ay
kanyang binigyang diin sa kanyang ibinigay sa Unang Pambansang Asambleya noong 1936.
mensaheng.

Si Norberto Romualdez ng Leyte, batikang mahistrado, ang nagsatitik ng Batas Komonwelt Blg.
184. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na may tungkulin na upang
mapaunlad pag-aralan ang mga diyalekto sa pangkalahatan at mapagtibay ang pambansang wikang
ayon sa isa sa mga umiiral na wika. Naging sanligan sa batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas ang
pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikar ikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng
malaking bilang ng mga Pilipino. Tagalog ang pinili batay sa mga pamantayang ito.

Naging patas ang pagpili sa Tagalog batay na rin sa komposisyon na pinamunuan ni Jaime C.
de Veyra (Samar-Leyte) at kinabibilangan ng mga sumusunod na kasapi:

 Santiago A. Fonacier (Ilokano),


 Filemon Sotto (Sebwano),
 Casimiro F. Perfecto (Bikol),
 Felix S. Salas Rodriguez (Panay),
 Hadji Butu (Moro), at
 Cecilio Lopez (Tagalog).
Naglabas ng resolusyon ang Institute of National Language (Surian ng Wikang Pambansa)
noong ika-09 ng Nobyembre na iminumungkahi ang Tagalog na maging batayan ng pambansang wika.
Noong ika-30 ng Disyembre, naglabas ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134, s. 1937 (Executive
Order No.134, s.137) si dating Pangulong Manuel L. Quezon na pinahihintulutan ang adapsyon ng
Tagalog bilang wika ng Pilipinas at pagdeklara na ito ang magiging batayan ng pambansang wika ng
Pilipinas at magkakabisa makalipas ang dalawang taon pagkatapos ng promulgasyon nito. Noong ika-
31 ng Disyembre ng parehong taon, idineklara ni Quezon ang Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa batay sa mga sumusunod na salik:

1) Marami ang nagsasalita ng Tagalog at ito ang pinakanauunawaan sa lahat ng Rehiyon


sa Pilipinas;
2) Hindi ito nahahati sa maliliit na mga wikain na di tulad ng Bisaya at Bikol;
3) Sa tradisyon ng literatura, ito ang pinakamayamang katutubong wika sa Pilipinas,
pinakamaunlad at ekstensibo. Maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog na tradisyon.
4) Tagalog ang karaniwang wika na ginagamit sa Maynila, ang sentro ng kalakalan sa
Pilipinas noong panahon ng Kastila at Amerikano;
5) Espanyol ang wika nang 1896 na Rebolusyon at ng Katipunan, subalit ang rebolusyon
ay pinamunuan ng mga tao na Tagalog ang ginagamit na wika.

Binigyang-diin sa ulat ng komite na ang Tagalog ay pinili sapagkat gina gamit ito ng
nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na
pahayagan, publikasyon, at manunulat Samantala, sina Filemon Sotto (Sebuwano) at Hadji Butu
(Moro) ay hindi nakaganap ng tungkulin sapagkat ang una ay nagkaroon ng karamdaman samantalang
ang huli naman ay namatay sa hindi inaasahang kadahilanan.

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay pinagtibay ng Pambansang Asamblea


ang Batas Komonwelt Blg. 570 (ika-07 ng Hunyo 1940) na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino
bilang isa sa mga opisyal na wika ipinas sa pagsapit ng ika-41 ng Pilipinas noong 4 ng Hulyo 1946.
Kaalinsabay nito a ay ipinahayag 1942 ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas (Philippine Taft
Commission) ang Ordinansa Militar Bilang 13 na siyang nagtatakda sa Nihonggo at Tagalog bilang
mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Kasabay ng pag-alis ng mga Hapon sa Pilipinas ay ang
pagsasawalang- bisa ng ordinansang nabanggit.

Muling nabuhay ang Ingles sa iba't ibang transaksyong pampamahalaan, negosyo, at akademya
nang ganap nang hawala ang mga Hapon sa Pilipinas.

Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagapagsulong ng Wikang Pambansang Filipino.

1) Si Lope K. Santos, isang abogado, kritiko, lider obrero ay nanguna sa maraming palihang
pangwika. Siya ay naging pungong-tagapangasiwa ng Surian ng Wikang Pambansa
noong 1941 hanggang 1946. Si Lope K. Santos na kilala sa palayaw na Mang Openg ay
pinarangalan bilang Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, at Haligi ng l'anitikang
Pilipino.
2) Paglalaan ng ilang seksyon ng mga pahayagang pampaaralan para wikang pambansa.
Inasahan na ng inisyatibong ito ang magiging daan upang higit na magkaroon ng
kasanayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino;
3) Ang disksyunaryong tagalog ay pinasimulan sa panahon ng panunungkulan ni Julian
Cruz Balmaceda.
4) Si Cirio H. Panganiban ang nanguna sa paglikha ng mga talasalitaan sa mga (
espesyalisadong larangan katulad ng batas at aritmetika.
5) Ang Lupang Hinirang na orihinal na nakasulat sa Espanol, Patria Adorada, ay makailang
ulit na isinalin sa Filipino bago naging opisyal noong 1956.
6) Ang pagbigkas ng Panatang Makabayan ay ipinag-utos sa lahat ng pribado at
pampublikong institusyong pang-akademiko sa bisa ng RA 1265 at ng Kautusang
Tagapagpaganap Bilang 08. Nagkaroon ng rebisyon ang Panata (1956) sa inisyatibo ng
dating Kalihim ng Edukasyon na si Raul Roco.
7) Malaki ang papel na ginampanan ng Linggo ng Wika upang maipakita ng bawat
mamamayan ang kanilang pagtataguyod sa wikang Filipino bilang Wikang Pambansa.
Sa buong linggo ng selebrasyon ay naglulunsad ng iba't ibang gawain na katulad ng
sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay
pagbigkas ng mga tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga
katutubong awit. Ang Linggo ng Wika ay unang idineklara ni dating Pangulong Sergio
Osmeña. Alinsunod sa Proklamasyon Bilang 35, ang Linggo ng Wika ay dapat gunitain
tuwing ika- 27 ng Marso hanggang ika-02 ng Abril bilang pagpapahalaga sa kaarawan ng
kinikilalang tanyag na Pilipinong makata na si Francisco Balagtas.

 Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 186 noong 1954 ay iniusog ni Pangulong Ramon


Magsaysay ang selebrasyon ng Linggo ng Wika sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto upang
maisama ito sa mga gawain sa paaralan. Kaugnay nito, ang huling araw naman ng selebrasyon ay
siya ring araw ng paggunita sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Pangulong Manuel L.
Quezon.
 Pinagtibay ng Proklamasyon Bilang 19 ni Pangulong Corazon Aquino ang selebrasyon ng Linggo ng
Wika sa Agosto 13-19.
 Higit pang pinalawig ang selebrasyon noong 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyon 1041 na
idineklara ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagsasabing ang selebrasyon ng wikang Filipino ay
magaganap sa buong buwan ng Agosto.

8) Si Cecilio Lopez, ang pinakaunang linggwistang Pilipino ay nagtampok ng linggwistikang


pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Pilipinas.
9) Sa termino ni Jose Villa Panganiban ay nagsagawa naman ng iba't ibang palihan sa
korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nakapaglathala ng disyunaryo na Ingles-
Tagalog log at pagkatapos nito ay ang diksyunaryong tesawro.
10) Noong ika-13 ng Agosto, 1959 ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7
ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na si Jose E. Romero Tanggapan ng
Edukasyon na tatawaging "Pilipino" ang wikang pambansa upang maihiwalay ang
kaugnayan nito sa mga Tagalog.
Hakbang sa pag-alis ng rehiyonalismo ang paggamit ng "Pilipino" bilang wikang
pambansa.

Ang inisyatibong ito ng kalihim ay hindi rin gaanong naging matagumpay sapagkat hindi
pa rin matanggap ng ibang sektor ang Pilipino bilang pambansang wika. Nangibabaw pa rin sa
puso ng mga di-Tagalog ang rehiyonalismo. Sa kanilang pakiramdam, sila ay nanatiling kolonya
ng Tagalog sapagkat ang "Pilipino ay binagong anyo lamang ng wikang "Tagalog".
Ang pagkakaroon ng Konstitusyunal na Konbensyon noong 1971 ay nagbigay-daan upang
mapakinggan ang mga argumento ng mga di-Tagalog hinggil sa kanilang usapin sa "Pilipino" bilang
pambansang wika. Binuo ang Komite sa Wikang Pambansa upang mamahala sa pagbuo ng mga
polisiya at rekomendasyon upang masolusyunan ang mga pakikibaka hinggil sa wika. Ang Komite ay
nagmungkahi na gamitin ang Filipino batay sa mga katutubong wika at maging ang asimilasyon ng
mga salita mula sa dayuhang wika. Kasama rin sa rekomendasyon ng Komite ang pananatili ng Ingles
at Kastila bilang mga opisyal na wika.

Ang bilinggwalismo ay tumutukoy sa ipinakikitang kakayahan sa pakikipag-usap sa pamamagitan


ng dalawang wika.

Lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng Presidential Commission to Survey Philippine Education


(PCSPE)-ahensyang binuo sa pamamagitan ng EO. 202 ni Pangulong Ferdinand E Marcos upang
magsagawa ng pag-aaral sa mabuting sistema ng edukasyon, na wika ng pagtuturo ang siyang
nangangailangan ng agarang atensyon sa larangan ng edukasyon

Pinagtibay na: (1) ang Pilipino ang pangunahing midyum sa elementarya, at ang bermakular ay
pantulong na wika sa unang dalawang taon sa mga lugar na di-Tagalog (2) ang Pilipino at Ingles ang
mga midyum sa sekondarya at ters yarya

Noong 1973 ay pinagtibay ang polisiya ng edukasyon sa pamamagitan ng Bagong Saligang-


Batas. Isinasaad dito sa ilalim ng Sek. 3, Artikulo XIV, na: (1) Gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino
ang Pambansang Asamblea; (2) Ingles at Pilipino ang dapat na maging wikang opisyal hangga't walang
ibang itinadhana ang batas

Noong ika 27 ng Pebrero, 1973 ay sinunod ng Lupon ng Pambansang Edukasyon ang Bilinggwal
na Patakaran sa Edukasyon batay sa probisyon ng Saligang-Batas. Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7
ng Lupon pinagtibay noong Agosto 7, 1973 na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing midyum ng
pagtuturo sa mga asignatura sa kurikulum mula Baitang-I hanggang sa Unibersidad sa lahat ng mga
paaralang publiko at pribado.

Nilagdaan ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong ika- 19 ng Hunyo, 1974 sa


pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ang mga panuntunan sa pagpapatupad
ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal, Sinabi rito na ang edukasyong bilinggwal ay tumutukoy sa
"magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa
pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito'y kinakailangan."

Nakasaad sa ilalim ng Saligang-batas 1973 na ang Filipino ay lilinangin, pauunlarin, at


pagtitibayin alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap
ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.

11) Isinulong ni Ponciano B. Pineda ang pagtatag ng Komisyon sa Wikang Filipino batay sa
Seksyon 9 ng Saligang-Batas. Si Pineda na isa ring manunulat, guro, linggwista at
abogado ay siyang itinuturing na "Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino". Sa termino ni
Pineda bilang komisyuner ng Surian ng Wikang Pambansa ay nagkaroon ng maraming
pananaliksik sa sosyo-lingguwistika. Pinalakas din ang patakarang bilingguwal sa
edukasyon sa kanyang termino.
Malaki ang papel na ginampanan ng Surian ng Wikang Pambansa sa paghahanda
ng salin ng Saligang-Batas 1986 na kung saan ay kinilala ang Filipino bilang pambansang
wika ng Pilipinas. Nakasaad dito na "habang nililinang ang Filipino ay dapat itong
payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang
Filipino at iba pang wika."
12) Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang
117 na lumikha sa Linangan ng Wika sa Pilipinas bilang kapalit ng Surian ng Wikang
Pambansa. Nakatakda itong malusaw matapos mapagtibay ang Saligang Batas 1987 na
nag-aatas na magtatag ng isang komisyon ng pambansang wika. Sa pamamagitan ng
Batas Republika 7104 noong 1991 ay naitatag ang Komisyon sa Wikang Filipino. Ang
KWF ay ang ahensya ng gobyerno na binigyan ng kapangyarihan na makapagmungkahi
ing mga hakbang, plano, patakaran, at gawain hinggilsa wika, lalo na sa paggamit ng
Pambansang Wika, ang wikang Filipino.

Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA


SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas. Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum
ng pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba't-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika. sipi sa www.kwf.gov.ph

Ipinaliliwanag ng kasaysayan na ang pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa rehiyon


ng Katagalugan bagamat Tagalog ang nagiging pamantayan sa pagbuo nito. Patuloy na umuunlad ang
wikang Filipino sa aspeto ng gramatika, palaugnayan, mga pahiwatig, at pakahulugan bunga na rin
paggamit dito sa panrehiyon at pandaigdigang ugnayan. Lumawak ang gamit ng Filipino sa mga
asignaturang Panitikan, Araling Panlipunan, Teknolohiya, Inhenyeriya, Medisina, Batas, Matematika, at
iba pang larangan.

Pagtutol sa Tagalog

Noong 1959 ay nakilala sa Pilipino bilang tangka ng paglayo sa pangkat na etniko ng mga
Tagalog, bagamat ang pagsusulong na ito ay hindi naging katanggap-tanggap sa lahat ng mga hindi
Tagalog, lalong h lalong higit ang mga Sebuwano. Nang panahon na ito pinipinili ang Tagalog bilang
batayan ng wikang pambansa.

Taong 1960 nang unti-unting umuusbong ang mga kilusang purismo (purist movement) kung
saan ay lumilikha ng bagong salita upang palitan ang mga hiram na salita. Ang panahon na ito ng
pagiging purista ay umani ng maraming kristismo sa mga mamamayan. Dalawang pangkat ang
nangibabaw sa panahong ito ng purismo: ang pangkat tna nagsusulong laban sa Tagalog at ang
pangkat na nagsusulong sa higit na pagiging inklusibo ng pambansang wika. Ang kaso na ito ay dinala
ng mambabatas na si Innocencio V. Ferrer ng Negros Occidental sa Kataas-taasang Hukuman o Korte
Suprema na hinahamon ang konstitusyonalidad sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa. Ang desisyon ng Korte Suprema na inilabaas noong 1970 ay umayon sa pambansang wika.
Ipinakita ng mambabatas na si Gerumcio Lacuesta ang kanyang pagtutol sa pagiging purista ng wika
kaya kanyang pinangunahan ang pagtatag ng Modernizing the Language Approach Movement o
MOLAM, paglulunsad ng mga konperensya, at promosyon ng "Manila Lingua Franca" na higit na
maraming inklusibong hiram na salita buhat sa lokal at banyagang wika. Kanya ring ipinanukala ang
abolisyon ng Surian ng Wikang Pambansa kapalit ng Akademya ng Wikang Filipino, pagpapalit ng
balarila sa gramatica ng wikang Filipino, pagpapalit dalawampung titik ng Abakada sa tatlumpo't
dalawang titik ng alpabeto, subalit hindi ito naging matagumpay dahil sa kanyang kamatayan.

Muling nabuhay ang usapin sa pambansang wika noong 1971 na Konbensyon


Pangkonstitusyon. Maraming di-Tagalog na delegado ang nagsulong na tanggalin ang pambansang
wika subalit napagkasunduan na baguhin ito sa 1973 na Saligang Batas. Sa ilalim ng Saligang Batas
ng 1973, Ingles at Pilipino ang kinilalang mga opisyal na wika, at isinaad ang pagpapaunlad at pormal
na adapsyon sa pambansang wika na tinatawag na Filipino, kapalit ng Pilipino.

Sa ilalim ng Saligang Batas 1987 ay itinalaga ang Filipino bilang pambansang wika samantalang
ang Ingles naman ay opisyal na wika.

Kung ihahalitulad ito sa Saligang 1973, mapapansin na tinanggal sa Bagong Saligang-batas


ang Tagalog bilang batayan ng Filipino at sinabi na habang ang Filipino ay yumayabong, kailangan
itong paunlarin at pagyamanin pa batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.
Nangangahulugan ito na ang tungkulin sa pagpapayaman sa ating pambansang wika ay isang
obligasyon na kailangang tuparin ng ating pamahalaan para sa mga mamamayang Pilipino. Anumang
pagsubok na ito ay pahinain o kitlin ay maituturing na pagtataksil sa tao at sa ating saligang batas.

Pinalitan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang dating Institute of Philippine Languages sa bisa
ng Batas Pambansa (Republic Act) 7104 na inaprubahan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino
noong ika-14 ng Agosto. Tungkulin ng KWF na direktang magbigay ng ulat sa Pangulo, at magsagawa,
maging tagapag-ugnay, at suportahan ang lahat ng pananaliksik na may kinalaman sa pagpapaunlad,
propagasyon at preserbasyon ng Filipino at iba pang umiiral na wika sa Pilipinas.

Sa bisa ng Resolusyon Bilang 92-1 na inilabas ng KWF noong ika-13 ng Mayo, 1992, tinukoy
ang Filipino bilang katutubong wika na isinusulat at sinasalita sa Metro Manila at iba pang sentro ng
urbanidad sa Pilipinas na ginagamit ng iba't ibang etnikong pangkat.

Ang Filipino ay naisama sa ISO registry of languages noong ika-21 ng Setyembre, 2004 (ISO
639-2 code fil) sa inisyatibo ng mag-aaral na si Martin Gomez ng Ateneo de Manila University
("Documentation for ISO 639 identifier: fil", retrieved 2007).

Ang Korte Suprema man ay nagkaroon din mga inisyatibo upang gamitin at paunlarin ang
wikang Filipino. Inuulat noong ika-22 ng Agosto, 2007 na ang Malolos City Regional Trial Court ay
nagpasya na gamitin ang Filipino sa halip na Ingles upang susugan ang paggamit ng pambansang
wika. Ang kanilang mga stenographer ay sumailalim sa pagsasanay o training sa Marcelo H. Del Pilar
College of Law sa Bulacan State University matapos na magbigay ng direktiba ang Colle Korte
Suprema ng Pilipinas ("3 Bulacan courts to use Filipino in judicial proceedings", 2007).

Sistemang K to 12

Ang pagsusulong sa repormang pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of


Education-DepEd) kaugnay ng tinatawag na Programang K to 12 ay nagkaroon nang ganap na katuparan
noong 2011. Isinaalang-alang sa pagsusulong nito ang modelo na ginagamit sa edukasyon ng mga
kanluraning bansa.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga nagsusulong nito bago ito pormal na naipatupad dahil
na rin sa pagtutol ng maraming kasapi ng akademiya, mga mag- aaral, at mga magulang. Itinuturing nila
itong dagdag pasakit sa balikat ni Juan dela Cruz dahil sa dagdag na gastos na gugulin ng mga mag-aaral
para sa higit na matagal nilang pamamalagi sa eskwelahan. Mula sa sampung taon na basikong edukasyon
ay dinagdagan pa ito ng dalawang taon na hindi naman alam ang patutunguhan. Naging malaking hamon
ito para sa mga namumuno ng isang eskwelahan bunga ng mataas nitong kahingian upang matugunan ang
repormang kaakibat ng programang K to 12. Sa kabila ng kaliwa't kanang demostrasyon at mga pagtutol
ay nanaig pa rin ang inisyatibong ito ng Pamahalaang Aquino na baguhin ang sistema ng edukasyon sa
Pilipinas.

Pormal na itinalaga ang Kagawaran ng Edukasyon (Deparment of Education- DepEd) bilang


tagapagpatupad at tagapamahala ng Edukasyong K to 12 noong taong 2013. Binigyan sila ng eksklusibong
kapangyarihan na mamahala sa mga pampublikong paaralan, at magbigay ng regulasyon sa mga
pribadong paaralan. Ang implementasyon ng programang K-12 at ang ratipikasyon ng Kindergarten
Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013 ay nagbukas sa tatlong taong dagdag sa
basikong edukasyon ng mga mag-aaral. Mula 1945 hanggang 2011 ay anim (6) na taon ang ginugugol ng
mag- aaral sa kanyang elementarya at apat (4) na taon para sa kanyang sekondarya. Dahil sa mga batas
na nabanggit ay nabago ang panahon na dapat na gugulin ng isang indibidwal bago makatungtong ng
kolehiyo- Isang taon ang kailangang gugulin sa kindergarten, 6 na taon para sa elementarya, 4 na taon para
sa junior high school at 2 taon para sa senior high school.

Ang Kahalagahan ng K-12 Kurikulum ng DepEd

Hindi naging madali para DepEd na mapagtagumpayan ang hamon ng sistemang K-12 dahil sa laki
ng pagbabagong dulot nito sa sistema ng edukasyon na matagal din nating inakap sa mahabang panahon.
Naging malaking hamon dito ang pag-akap at pagtanggap sa bagong sistema ng higit na nakararami na kahit
sa kasalukuyan ay nagbibigay pa rin ng kalituhan sa marami. Bukod pa ito sa hamon ng kahandaan sa
bahagi ng kanilang ahensya na magpapatupad dito.

Sa kabila ng mga isyung ito ay dumaan naman sa masusing pag-aaral ang bagong sistemang ito ng
edukasyon sa Pilipinas. Naging pursigido ang DepEd na maipatupad ito sa lafong madaling panahon dahil
na rin sa kabutihang maidudulot nito katulad ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na
mapagtuunan ng pansin ang iba't ibang larangan ng espesyalisasyon katulad ng pagluluto, tour guiding,
animation, at marami pang iba. Ang labindalawang basikong edukasyon ay magbubukas ng sapat na
pagkakataon sa mga mag- aaral na higit na matutunan at mapaghusay ang mga kinakailangang kasanayan
sa kolehiyo at unibersidad, at maging sa mundo ng kalakalan at hanapbuhay.

Binigyang katwiran ng DepEd ang integrasyon ng edukasyon sa mga bansa na nasa Asya gayung
ang Pilipinas ay napag-iwanan na dahil sa pagtangkilik nito sa sampung taon na basikong edukasyon.
Sinasabi na ang labintatlong taon na programa ay lalong makatutulong sa pagpapatibay sa pundasyon ng
mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, bukod sa ito rin ang sistema na tinatangkilik ng mga mauunlad
na bansa sa mundo.

Larangan ng Pagpapakadalubhasa

Inaasahan na ang mga mag-aaral na makapagtatapos sa bagong sistema ng edukasyon ay


makapagtataglay ng kahusayan na kailangan upang sila ay agad na makapaghanapbuhay. Maaari itong
magkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng mga electives na kanilang kukuhanin sa kanilang ika-11 at 12
taong baiting ng pag-aaral. Ang mga electives na ito o pagkakadalubhasaan ay kinabibilangan ng mga
sumusunod:

1) Academics para sa mga nais magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo:


2) Technical-vocational para sa mga mag-aaral na nais na makapaghanapbuhay matapos ang kanilang
high school
3) Sports and Arts para sa mga mag-aaral na mahilig sa dalawang larangan

Usapin ng Filipino sa CMO 20 Serye ng 2013

Isa sa mga pinaniniwalaan ng dating komisyuner ng CHED na si Dr. Patricia Licuanan na ang
K-12 ang sagot sa usapin ng trabaho matapos ang labindalawang basikong edukasyon. Opsyon ang
hindi ipagpatuloy ang pag- aaral sa kolehiyo sapagkat taglay na niya ang kinakailangang lakas at talirio
na hinahanap ng mga kumpanya para sa kanyang serbisyo (https://www.youtube.
com/watch?v=k3000u7lxdNM). Ang mga inasahang kasanayan na ito ng mga mag-aaral ay maaaring
makuha sa mga asignaturang kasama sa dalawang taong dagdag na pag-aaral (ika-11 at 12 baitang)
mula sa dating sampu (6 na taon sa elementarya at apat na taon sa sekondarya). Bukod pa dito ang
tinatawag na ASEAN integration o ang pagsabay ng Pilipinas sa sistema ng edukasyon na ginagamit
sa halos lahat ng bansa sa Asya.

Kaugnay nito ay ang paghahanda ng mga asignatura na kailangan ng mga mag-aaral kung
sakali na sila ay magpapasya na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Naglabas ng Memo 20, Series
2013 ang Commission on Higher Education para sa katumbas na mga asignatura ng tatlumput anim
(36) na yunit ng Pangkalahatang Edukasyon (General Education) na kinabibilangan ng mga
sumusunod: Understanding the Self (Pag-unawa sa sarili); Readings in the Philippine History (Mga
Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas); The Contemporary World (Ang Kasalukuyang Daigdig);
Mathematics the Modern World (Matematika sa Makabagong Daigdig); Purposive Communication
(Malayuning Komunikasyon); Art Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining); Science, Technology, and
Society (Agham, Teknolohiya, at Lipunan); Ethics (Etika). Nabalot ng kontrobersiya ang kautusang ito
ng CHED sapagkat lantaran na tinanggal ang asignaturang Filipino na sana ay makaagapay natin sa
pagsusulong ng intelektwalisasyon at marketisasyon ng kultura at wika wikang Filipino. in

Ipinaliwanag ni Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang pagkawala ng Filipino sa
kurikulum dahil may inilaan para rito sa ika-11 at 12 baitang ng pag-aaral sa Senior High School. Kanya
ring ipinaliwanag na ang bawat kolehiyo, pamantasan o unibersidad ay may opsyon na gamitin ang
Filipino sa tatlumpu't anim na yunit ng General Education.

Kung susuriing mabuti ang mga naging pahayag ni Licuanan, makikita na para bang kanyang
inihalintulad ang mga tagapagtanggol ng wika sa isang batang inagawan lamang ng laruan at kayang
patahanin kung bibigyan ng bago at higit na kaakit-akit na laruan. Nakalulungkot sapagkat naging
mababaw ang kanyang pagtingin sa pakikibaka ng mga tagapagtanggol na wika sa kahalagahan ng
Filipino sa mas mataas na antas ng pagkatuto. Ang programang K-12 lalong higit ang mga probisyong
may kaugnayan sa ating kultura at wika ay hindi dapat maging isang laro o eksperimento lamang.
Kailangang ng masidhing pag-aaral bago ipatupad dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng san ng
indibidwal na ang nais lamang naman ay mag-aral upang magkaroon ng sapat na kasanayan para sa
higit na magandang estado ng pamumuhay. Maging ang kanyang pahayag na ang bawat akademikong
institusyon sa kolehiyo ay may opsyon na gamitin ang Filipino sa tatlumpu't anim na Pangkalahatang
Edukasyon (General Education) ay hindi rin katanggap-tanggap sapagkat ang salitang opsyon ay
nangangahulugan ng isang di paborableng desisyon mula sa mga pribado at pampublikong
akademikong institusyon na ang karamihan ay nagsusulong ng Ingles bilang wikang panturo.

Naniniwala si Ramon Guillermo ng Philippine Studies sa UP Departamento ng Filipino at


Panitikan sa Pilipinas na ang pagtanggal ng CHED sa asignaturang Filipino sa kolehiyo batay sa CMO
20, Serye ng 2013 ay magbubunga ng kawalang malay ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Wala na
ring magpapatuloy ng mas mataas na pananaliksik sa Filipino kung mananaig ang memorandum na
ito ng CHED. Kanyang tahasang sinabi na ang memorandum na ito ng CHED ay nangangahulugan ng
panganganib sa wikang Filipino at pagpatay sa intelektwalisasyon nito. Ang mga epektong ito ay bukod
pa sa pagsasara ng maraming departamento sa pribadong kolehiyo na maaaring magbunga ng
kontraktwalisasyon at kagyat na kawalan ng trabaho para sa karamihan (https://
www.youtube.com/watch?v=k3000u7lxdNM).

Idinagdag pa rin ni Guillermo sa https://www.youtube.com/ watch?v=k3000u7lxdNM na ang


pagkawala ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo ay nangangahulugan ng hindi pagbibigay-galang
o respeto sa maaabot ng wikang Filipino bilang larangan ng isang siyentipiko at akademikong pag-
aaral. Binigyang diin ni Guillermo na ang Filipino ay hindi lamang dapat na manatili bilang isang simbolo
ng pagkabansa. Dapat itong maging isang wika na ginagamit natin sa mga larangan ng ating kaalaman.

Maganda rin ang mga naging argumento ni Antonio Tinio, ating kinatawan sa Kongreso
(https://www.youtube.com/watch?v=k3000u7lxdNM). Ayon sa kanya, ang K-12 ay isang pagsusulong
sa labor-export policy na ang layunin ay manghikayat ng foreign investors para sa mga serbisyong
katulad ng business courses, outsourcing, call center, at iba pa. Hindi sinusuportahan ng K-12 ang
industriyalisasyon at pagpapaunlad ng agrikultura.

Idinagdag pa ni Tinio na ang programang K-12 ay mas nakatuon sa pangangailangan ng ibang


bansa (higit na mayayamang bansa) kaysa pangangailangan ng higit na nakararaming mga Pilipino.
Iginiit ni Tinio na ito ang dahilan kung bakit Ingles ang wikang na isinusulong sa ilalim ng kurikulum
habang ang Filipino naman ay patuloy na pinahihina.

Sinabi pa ni Tinio na obligasyon ng administrasyong Aquino na paunlarin ang Filipino bilang


wikang panturo at wikang pambansa ayon na rin sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987.

Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CM0 20, Serye ng 2013

Ang petisyon ng Tanggol Wika at iba pa sa agarang paglalabas ng Korte Suprema ng Temporary
Restraining Order o Permanent Restraining Order ay inihain sa kanilang kapasidad bilang
namumuwisan at mga mamamayang Pilipino. Kanilang iginiit na ang pagpapatupad ng CMO 20, Series
2013 at iba pang hakbang na kaugnay nito ay tahasang paglabag sa polisiya Konstitusyon ng Pilipinas,
lalong higit at mandatong inilalatag ng sa pagsasalansang nito sa mga probisyong may kaugnayan sa
wika, edukasyon, at pampaggawa ng Konstitusyon. Kanila pang idinagdag na ang CMO 20, Series
2013 ay lumalabag din sa Batas Republika 7104 (Ang Batas na Lumilikha sa Komisyon ng Wikang
Filipino, at ang Pagbibigay Dito ng Kapangyarihan, Tungkulin, at para sa Iba pang Layunin), Batas
Pambansa 232 (Ang Batas na Nilikha para sa Pagtatag at Pagpapanatili ng Sistemang Integratibo ng
Edukasyon), at Batas Republika 7356 (Ang Batas na Lumilikha sa Pambansang Komisyon ng Kultura
at Sining- National Commission for Culture and the Arts...). Kanilang ding sinabi na ang paglabag sa
kanilang karapatan na makilahok sa mga dayalogo na may kaugnayan dito ay di mababayaran o
matutumbasan ng anumang danyos na maaaring ibigay ng mga respondente. Ang mga sumusunod ay
ilan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner laban sa CMO 20, Series 2013:

1) Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura,


kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.
2) Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at kamatayan ng mga Pilipino
bilang nagkakaisang mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang
maunlad na bansa mga bagay na nilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon
at ng sambayanang nagratipika nito.
3) Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang
implementasyon ng CMO No. 20 sa pamamagitan ng temporary restraining order at/o
writ of preliminary injunction, tuluy-tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum
na anti-Filipino, anti-nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstitusyon.
4) Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa,
pagkakaisa, at demokrasya.

Sagot ng Kataas-taasang Hukuman, Korte Suprema sa Petisyon laban sa CMO 20, Serye ng
2013

Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema (Supreme Court) ang Komisyon sa


Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Higher Education- CHED) na bigyan ng ganap na
implementasyon ang kautusan nito na ibalik ang Filipino at Panitikan sa Antas Tersyarya sa
pamamagitan ng pagpapatupad sa bagong Pangkalahatang Kurikulum Pang-edukasyon (General
Education Curriculum) sa Taong Aralan 2018-2019.

Ang kautusang ito ng Korte Suprema ay bunga ng pagsusulong ng Alyansa ng mga


Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Alliance of Defenders of the National Language) o Tanggol Wika,
mga alyansa ng iba't ibang paaralan, kolehiyo, unibersidad, samahang pang-linggwistika at pang-
kultura, at ilang may pagpapahalagang mamayan, na na makakuha ng paborableng desisyon para sa
Filipino at Panitikan. Napagtagumpayan ng Tanggol Wika at iba pang samahan ang kanilang
ipinaglalaban nang maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema laban sa
pagtatanggal gal ng Filipino at Panitikan (Literature) bilang mga mandatoryong asignatura sa bagong
Pangkalahatang Kurikulum na Pang-edukasyon (General Education Curriculum) alinsunod sa CHED
Memo 20 Serye ng 2013.

(Ang Temporary Restraining Order ay isang kautusan ng korte para sa limitadong panahon
bilang (1) bilang solusyon sa mga biglaang pangyayari- emergency remedy, (2) pagbabawal sa isang
indibidwal na gumawa ng aksyon na makapamiminsala ng iba, o (3) panatilihin ang dating estado-
status quo. Ipinagkakaloob lamang ang TRO sa mga pambihirang pagkakataon at mananatili hanggang
sa maisagawa ang pagdinig sa preliminary o permanent injunction o sa pagtukoy ng tamang remedy o
solusyon.)

Filipino o Tagalog

Ang Filipino at Tagalog ay dalawang magkaibang mga wika ayon sa pananaw ng Komisyon ng
Wikang Filipino at ng maraming edukador sa Pilipinas. Ang Tagalog ay may rehiyunal na pinag-ugatan
samantalang ang Filipino ay pambansa ang sanligan.

Sa kabilang dako, ang Filipino at Tagalog ay magkapareho sa aspetong panglinggwistika at


istrukturang panggramatika: magkahalintulad sa paggamit ng pantukoy sa pangngalan katulad ng ang,
ng, at sa; paggamit ng mga pang- ugnay katulad Ing na, at, ay; mga panlapi katulad ng um, an, in; mga
panghalip na katulad ng siya, ako, niya, kanila, at iba pa.

Wikang Filipino bilang Wikang Austronesyano

Wikang Filipino ang kinikilalang pambansang lingua franca ng mga Pilipino sa pagkat ito ang
wikang karaniwang ginagamit sa ating mga pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na pamumuhay,
sa daigdig ng edukasyon, kalakalan, at mga akdang sumasalamin sa ating kultura at pamumuhay.
Sinasabi na ang Filipino ay kabilang sa pangkat ng wikang Austronesyano o pamilyang wika na
malayang nakakalat sa mga kapuluan na nasa Pasipiko at Timog-Silangang Asya, na may ibang
kasaping ginagamit sa parehong kontinenteng Asya. Kung susuriin, makikita na ang bawat wika sa
mahigit pitong libong isla sa Pilipinas ay magkakamag-anak dahil sa pagkakalapit ng anyo at kahulugan
ng mga ito katulad ng: (isa-Tagalog, usa- Sebuwano, asa-Ivatan); (tao-Tagalog, tawo-Sebuwano; tau-
Tausug); (daan- Tagalog, dalan-Sebuwano; dayan-Aklanon).

Ang pag-uulit ng lahat o bahagi ng mga salita o tinatawag na reduplikasyon ay ginagamit sa


mga wikang kamag-anak ng wikang Austronesyano katulad ng wiki-wiki or agar-agar, o dahan-dahan.

Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (The Laguna Copperplate Inscription)


Itinuturing ang inskripsyon na ito bilang pinakamatandang nakasulat na dokumento na
natagpuan sa Pilipinas. Inilimbag ang dokumento sa binatbat na tanso noong 900 AD.

Isang manggagawa na malapit sa bunganga ng ilog Lumbang sa Barangay Wawa,


Munisipalidad ng Lumban, sa Probinsya ng Laguna ang sinasabing nakatuklas ng inskripsyon noong
1989. Ang inskripsyon ay nakasulat sa magkahalong wika ng lumang Malay na ginamitan ng lumang
Kawi script (ito ay sistema ng pagsulat na dinivelop sa Java, gamit ang magkakahalong wika ng
Sanskrit, Lumang Javanese, at Lumang Malay). Nakasaad sa dokumento na pinatatawad ng pinuno
ng Tundun (Tondo) ang mga utang ni Namawaran na hindi na kailangang bayaran pa ng kanyang mga
naiwang anak. Pinag-aralan ito ng Dutch na antropolohiya na si Hanuno'o at experto sa sa script na si
Antoon Postma noong 1992 (Postma, 1992 at Tionson, 2010).

Ang pagtuklas sa inskripsyon na ito ay pagpapakita ng lumang kabihasnan sa kalakalan, kultura,


o posibleng ugnayang pampulitika ng dalawang pangkat na ang isa ay nanggaling sa panahon ng
sibilisasyon sa Asya- ang Kaharian ng Medam sa isla ng Java.

Isang lalaki na nagsasala ng buhangin upang gawing bato ang nakatuklas ng binatbat na tanso
sa Laguna. Dinala niya ito sa mga namimili ng antigong gamit sa pag-aakala na ito ay mayroong halaga,
subalit walang nagpakita ng interes dito. Hindi kalaunan ay ipinagbenta niya ito sa Pambansang Museo
ng Pilipinas, na kung saan ito ay itinakda kay Alfredo E. Evangelista, ang siyang namumuno sa
Departamento ng Antropolohiya (Morrow, 2006 at Philippine Daily Inquirer, 2008)

Makalipas ang isang taon, natuklasan ni Antoon l'ostman a ang inskripsyon ay kahalintulad sa
ancient Indonesian script na Kawi. Isinalin niya ang script at natuklasan niya na ang dokumento ay
isinulat noong panahon ng 822 ng Saka, isang lumang kalendaryo ng Hindu na tumutugma sa 900 AD.
Ibig sabihin nito na ang dokumento ay isinulat bago pa man dumating sa Pilipinas si Magellan noong
1521, halos kapanahunan na ang Pilipinas ay nabanggit sa opisyal na awit ng Tsino na Dynasty History
of Song para sa taong 972 (Scott, n.d.),

Baybayin

Bago pa man dumating ang mga Kastila ay masasabing buo na ang kabihasnan sa Pilipinas na
mapatutunayan ng kanilang kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat. Maraming mga dokumento at
pagpapatunay na ang mga Pilipino ay gumagamit na ng higit na mahusay na paraan ng pagsulat simula
pa lamang noong 900 AD. Ang pagkakatuklas sa Laguna ng inskripsyon sa binatbat na tanso ay isa pa
ring matibay na patunay sa matandang kabihasnan bukod sa paggamit ng baybayin.

Kilala ang baybayin bilang lumang pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino bago sakupin ng
mga Kastila ang bansang Pilipinas. Sinasabi na ito ay nag-ugat sa Kawi, isang paraan ng pagsulat ng
mga taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Maihahalintulad ito sa pamamaraan ng
pagsulat ng mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ng
nasabing mga pangkat. Ang baybayin ay tumutukoy sa pagsasatitik ng isang salita na sa Ingles ay may
katumbas na "to spell".

Nakabatay sa sistemang abugida ang pagsulat ng baybayin na kung saan ito ay gumagamit ng
mga pagtatambal ng katinig at patinig. Ang pagsulat sa simpleng anyo ng bawat titik ay isang katinig
na nagtatapos sa patinig na "A", samantalang nilalagyan naman ng kudlit sa ibabaw (kung isasama
ang patinig na "E" o "I) at sa ibabaw naman (kung patinig na "O" o "U") kung ang isang katinig ay
nagtatapos sa ibang patinig. Ang paglalagay ng kudlit sa ibabaw o ilalim ay angkop lamang gamitin
para sa mga katinig at hindi nararapat para sa mga patinig.
Sa orihinal na anyo ng baybayin, ang isang katinig na walang kasamang patinig ay hindi
maaaring maging makabuluhan dahilan kung bakit pinasimulan ng isang paring Kastila na si Francisco
Lopez ang paggamit ng kudlit sa kanyang mga pagsasalin ng aklat sa katutubong wika. Nasa anyong
"+" ang kanyang ginamit na kudlit na katulad ng virama sa eskriptong Devanagari ng India.

Nasa anyong Unicode (Tagalog ng Sign Virama) ang baybayin

Pinaniniwalaan na patuloy na naging maunlad ang pagsulat na ito noong unang siglo nang
sinakop ng Espanya ang Pilipinas. Ang paglilimbag ng mga Espanyol sa mga aklat na nakatitik sa sulat
ng mga sinaunang Tagalog ay pagpapakita ng mataas na antas ng kakayahan ng mga katutubo sa
pagbabasa, bagamat may mga pag-aaral din na lumabas na may mga datu na walang kakayahang
lumagda sa mga sinumpaang pahayag at sa mga titulo ng lupa.

Ang mga sinaunang Tagalog ay gumamit ng mga dahon, palapa, saha, banakal, kawayan, at
balat ng iba't ibang prutas upang isatitik ang kanilang baybayain na ginagamitan ng mga matutulis na
bagay na katulad ng patalim o sundang, o mga maliliit na piraso ng bakal.

Sa artikulo ni Morrow (2002, 2010) kanyang tinalakay ang mga posibleng dahilan ng pagkawala
ng baybayin sa kabila ng pagsusumikap ng mga prayle na gamitin ito sa pagtuturo ng kanilang
pananampalataya. Kanyang sinabi na ang sariling kapakanan ay isa pang dahilan kung bakit
pinabayaan ng mga Pilipino ang baybayin at ipinagpalit nila ito sa alpabeto. Madali nilang natutuhan
ang alpabeto at ang kakayahan sa pagsulat nito ay nakatulong sa kanilang pag-asenso sa ilalim ng
pangangasiwa ng Espanyol. Nakapagtrabaho sila bilang mga kawani, tagasulat at kalihim - mga
gawain na may kaunting kahalagahan. Makikita kung gaano kadaling tinanggap ng mga Pilipino ang
bagong alpabeto sa mga punang isinulat ni Pedro Chirino, (nang may kaunting pagmamalabis) noong
taong 1604. Ipinahayag ni Morrow ang kanyang pagkalungkot sapagkat halos lahat ng uri ng mga
katutubong sining ng Pilipinas na naabot ng impluwensiya ng Espanya ay napabayaan, at nanatili
lamang sa mga lugar na hindi sinakop ng mga Espanyol. Sa palagay ni Hector Santos, isang
mananaliksik sa California, ang mga pananagutan ng mga Pilipino sa mga mananakop na Espanyol
ay nakasagabal sa pagpapanatili ng kanilang dating mga ugali.

Pagkakaiba ng Alibata sa Baybayin

Ang alibata at baybayin ay dalawang magkaibang konsepto ng pagsulat bagamat madalas na


pinagkakamalan hanggang sa kasalukuyan na ang dalawang konsepto ay iisa lamang ang
pinatutungkulan. Ang alibata at baybayin ay binigyan ng pagpapakahulugan o depinisyon ng
diksyunaryo ng Unibersidad ng Pilipinas

a-li-ba-ta png: (Mal Ara alif +bata) 1: alpabetong Arabiko tulad Ing pagkilala sa Silangan
2: unang dalawang titik sa alpabetong Arabiko; alif (a) at bata (b).
bay-ba-yin png: (baybay+in) 1: kabuuan ng lahat ng titik ng isang wika 2: baybay 3
pampang 4: tawag sa sinaunang alpabeto ng mga Filipino.

Ang alibata ay tuwirang nanggaling sa Alifbata ng wikang Arabic na kasama sa pamilya ng abjad
samantalang ang baybayin na sariling sistema natin sa pagsulat ay pinaniniwalaang kapamilya ng
Brahmic na script na kaanak ng Devanagari.

Sulyapan ang pagkakaiba ng pagsasatitik ng dalawa sa ibaba:

Ang Salalayan ng Wika sa Panahon ng mga Kastila

Sinasabi na naging matalino ang mga Kastila sa kanilang pananakop sa Pilipinas sapagkat
kanilang naging konsentrasyon ang kaluluwa ng mga katutubong Pilipino. Napansin ng mga Kastila
ang pagkakawatak-watak ng ating mga ninuno dahil sa wika. Pinalaganap ng mga Kastila ang
Kristyanismo sa loob ng napakahabang panahon ng kanilang pananahan sa Pilipinas na may
pagpapahalaga sa pananampalataya, ginto, at pagiging supremo.

Pinaghahati-hati nila sa apat na orden ang misyonaryong Espanyol subalit di kalaunan, ito ay
naging lima: Agustino, Pransiskano, Dominikano, Rekoleto, at Heswita. Ang estratehiyang ito ng mga
Espanyol ay nagbunga ng malaking epekto sa larangan ng komunikasyon ng mga katutubo at maging
sa paghahati-hati ng kanilang pamayanan.

Batay sa maraming pagtataya, ang mga katutubo ay may sarili ng wika na kanilang ginagamit
sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at sa mga kalakalan 0 trade, subalit ito ay pinigilan ng mga
Espanyol. Nagkaroon ng mga pagsikil pagpigil sa kalayaan ng mga katutubo na makipagkalakalan sa
iba't ibang lugar na ang bunga ay ang hindi nito sa paggamit sa kanilang katutubong wika.

Ang hari ing Espanya ay nagtatag ng mga eskwelahan sa Pilipinas na siyang magiging
pandayan ng karunungan ng mga Pilipino sa paggamit ng wikang Kastila subalit ang proyektong ito ay
hindi naging matagumpay sapagkat ito ay mariing tinutulan ng mga prayle. Bunga ng kasakiman ng
mga prayle sa kapangyarihan, hindi nila tinuro ang wikang Espanyol sa mga katutubo upang kanilang
mapanatili ang kapangyarihan sa kanila at upang di magkaisa ang mga katutubo at mag aklas laban
sa kanila. Sa halip, ang mga misyonerong Espanyol ay nagkaroon ng maraming inisyatibo na pag-
aralan ang wikang katutubo dahil prinsipyo na higit na madaling maunawaan o matutunan ang wika ng
rehiyon kumpara sa pagtuturo ng wikang Espanyol. Dagdag pa dito ang kanilang paniniwala na higit
na magiging makatotohanan ang pagpapalaganap ng Kristyanismo kung wikang katutubo ang
gagamitin ng mga banyagang magsasagawa nito.

Bilang kagamitang pampagtuturo, ang mga prayle ay lumikha o ragsulat ng mga aklat na pang-
katekismo, gramatika, at kumpesyunal.

Ang sistema ng edukasyon ng mga mamamayan sa panahon ng mga Kastila ay inilagay sa


ilalim ng pamamahala ng simbahan. Sa ilalim ng sistemang ito ay lumabas ang mga usapin sa wikang
angkop gamitin sa mga pagtuturo sa mga Pilipino. Narito ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari
na may kaugnayan sa pagmumuhon ng ating wika:

1. Ang hari ng Espanya ay naglabas ng kautusan na wikang katutubo ang nararapat na


gamitin subalit ang kautusang ito ay hindi sinunod ng mga prayle;
2. Si Gobernador Tello ay nagbigay ng mungkahi na turuan ang mga katutubo ng wikang
Espanyol;
3. Iba naman ang pananaw nina Carlos I at Felipe II na naniniwala na higit na maganda
kung gagamitin ang bilinggwalismo;
4. Dagdag dito ay ang mungkahi ni Carlos I na wikang Espanyol ang gamitin sa pagtuturo
ng Doctrina Cristiana
5. Si Haring Felipe II ay naglabas ng kautusan hinggil sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa
lahat ng mga katutubo noong 1634;
6. Isang dekrito ang nilagdaan ni Carlos II na inuulit ang mga probisyon ng nabanggit na
kautusan subalit ito ay may pwersa sa pagtatakda ng kaparusahan sa mga lalabag o
hindi susunod dito;
7. Si Carlos IV ay lumagda ng isang dekrito noong ika-29 ng Disyembre 1972 na
nagtatadhana sa paggamit ng wikang Espanyol sa lahat ng mga paaralang itatag sa
pamayayanan ng mga katutubo.
8. Ang baybayin ng mga katutubo ay pinalitan ng alpabetong romano na may kabuuang
dalawampung titik, lima rito ang patinig (a, e, i, o, u) at labinlima ang katinig (b, k, d, g, h,
l, m, n, nga, p, r, s, t, w, y).

Ang Vocabulario Dela Lengua Tagala

Ito ang kauna-unahang diksyunaryong wikang Tagalog sa Pilipinas na isinulat ng isang prayleng
Pransiskano na si Pedro de Buenaventura. Ipinagpapalagay na kanyang ginamit ang bokabularyong
tagalog na iniwan ng prayleng si Juan de Plasencia.

Sucessus delas Islas Pilipinas

Ang Sucessos delas Islas Pilipinas ni Antonio de Morga, ay ang unang aklat tungkol sa
kasaysayan ng Pilipinas. Mahalaga ang aklat na ito sapagkat inilalarawan nito ang mahahalagang
pangyayari sa bansa sakop ang aspetong pulitikal, sosyal, at ekonomikal Ing mananakop at kop at ng
bansang sinasakop, praktikal na pang-araw-araw na gawain sa isla, mga polisiya ng pamahalaan, ang
mga kalakasan at kahinaan nito.

Si Dr. Jose Rizal ay nagsagawa ng anotasyon sa aklat na ito sa pagnanais na mailantad ang
pinag-ugatan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Espanya at mailantad ang kalagayan ng ating
bayan bago pa man isagawa ng Kastila ang kanilang pananakop dito. Siya ay nagpasya na gamitin
ang Sucessos delas Islas Pilipinas sapagkat dama niya ang pangangailangan na makita ng taong
bayan ang testimonya ng isang Espanyol hinggil sa kanilang pagsakop sa ating kinabukasan bukod pa
sa dahilang si Antonio de Morga ang saksi sa huling hininga ng sibilisasyon ng ating pagkabansa.
Ibinunyag ni Rizal sa kanyang anotasyon ang detalye ng aklat, mga pagsang-ayon, at mga
kompirmasyon sa bahagi ng kasaysayan buhat sa mga kaugnay na babasahin.

Binigyan ni Rizal ng higit na pagpapahalaga ang pambansang wika sa kadahilanang ito ang
magsisilbing paraan ng bayan upang maunawaan at makilala ang nakaraan at makita ang hinaharap.

Kalakalang Galyon Bilang Unang Anyo ng Globalisasyon

Ang kalakalan ay may malaking papel sa pag-unlad ng wika. Kaugnay nito ay ang Kalakalang
Galyon sa panahon ng Kastila. Ito ay isang uri ng kalakalan sa pagitan ng Mehiko at Pilipinas na
tumagal ng dalawa at kalahating daantaon. Ang kalakal sa Pilipinas ay ipinapalit sa kalakal sa Mehiko
gamit ang galyon ng Maynila o kaya ay Acapulco bilang moda ng transportasyon.
Ang kalakalang Galyon sa Maynila ay sinimulan noong 1565 nang matuklasan ng prayleng
Agustino na si Andres de Urdaneta ang daang pabalik mula sa Pilipinas patungong Mehiko o tornaviaje.
Nanatili ang daang ito hanggang 1815 nang nagsimula ang Pangkalayaang Digmaan ng Mehiko. Ang
Kalakalang Galyon sa Maynila ang siyang nagbukas sa sa pagbabago pag at pagbabahagi ing kultura
na sumasalamin sa pagkakakilanlan ng dalawang bansa.

Bumagsak ang Kalakalang Galyon noong huling bahagi ng ikalabinwalong siglo kasabay ng
pagbagsak ng Espanya bunga ng mga kaguluhan at banta na nararanasan sa pag-unlad ng
teknolohiya sa iba pang mga bansa sa Europa. Natalo ng kapitalistang Inglatera ang
makapangyarihang Espanya at ang mga galyon ay paulit-ulit na nilapastangan ng mga pirata.

Pagbubukas ng Kapuluan sa Pandaigdigang Kalakalan (1834)

Ang pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan ay indikasyon ng pag-unlad ng


ekonomiya nito. Binuksan ng mga Ingles ang Kapuluan noog 1834 sa Pandaigdigang Kalakalan na
kung saan ay ipinakilala sa Pandaigdigang Pamilih ang mga produktong lokal na katulad ng asukal,
indigo, abaka, sinamay at iba pang produkto. Dumagsa sa Pilipinas ang mga Kanluraning
mangangalakal tulad ng Ingles at Amerikano at dala ang kaisipang liberal buhat sa Europa. Maraming
Europeo ang naakit sa komersyo at negosyo na noo'y nagdulot ng modernong pamumuhay sa kolonya.
Indikasyon ito ng ugnayan ng Pilipinas sa global na merkado at kultura.

Globalisasyon at Internasyunalisasyon ng Wikang Filipino

Ang globalisasyon at internasyunalisasyon ay dalawang magkaibang konsepto subalit parehong


inuugnay bilang hamon sa wikang Filipino.

Tumutukoy ang globalisasyon sa mga kaparaanan kung paano nagiging global o pandaigdigan
ang mga lokal o mga pambansang gawi o pamamaraan. Iniuugnay dito ang ekonomiya, kalakalan,
teknolohiya, politika, kalinangan o kultura.

Kung susuriing mabuti ang depinisyong ibinigay, makikita na hindi madali ang landas na
tatahakin ng wikang Filipino sa kadahilanang Ingles ang pandaigdigang lingua franca. Idagdag pa ang
nosyon ng nakararaming akademikong institusyon na ang wikang Filipino ay bakya at tanging wikang
Ingles ang makaaagapay ng mga mag-aaral kung haharapin na nila ang mundo ng hanapbuhay at
pandaigdigang kalakalan. Ang isa pang hamon sa Filipino bilang global na wika ay ang tinatawag na
cultural homogenization. Binabawasan ng cultural homogenization ang dibersidad ng kultura sa
pamamagitan ng popularisasyon at pagsabog ng malawak na hibla ng simbolong pangkultura- hindi
lamang ang pisikal na bagay kundi maging ang kinagawian, ideya, at kaugalian. Binigyan ng depinisyon
ni O'Conner (Jennings, retrieved 2013) ang cultural homogenization bilang proseso kung saan ang
isang lokal na kultura ay kinakain ng dominanteng panlabas na kultura. Maaari itong magbunga sa
pagguho ng namamagitang kultura (cultural barrier) at pagsilang ng pandaigdigang asimilasyon sa
iisang kultura. Ang terminong ito ay maaaring tingnan gnan sa konteksto ng Kanluraning kultura
(Western culture) na nanakop at naninira ng ibang kultura (Berger, retrieved, 2013).

Naniniwala si Ricardo Ma. Nolasco ng UP na kailangan natin ng kilusang pangmasa tulad noong
1970 na nagsusulong sa wika. Ayon sa kanya, ito ay hindi lamang suliraning pangwika kundi suliranin
din kung paano tayo nag-iisip. Palatanungan para sa kanya ang pamamaraan ng ating pag-iisip kung
ito ba ay alinsunod sa kultura ng etniko dito sa Pilipinas o paninindigan pa rin sa balangkas kolonyal.
Si Ramon Guillermo naman ay naniniwala na ang pagsasakalakal ng edukasyon ay naglalayo sa
Unibersidad sa dapat nitong tungkulin sa kabataan dahil sa pagkakamali na itaas ang competitiveness
sa pandaigdigang pangangalakal.

Si Lumbera (2003) ay nagbigay ng kanyang kongklusyon kung ano ang globalisasyon. Ayon sa
kanya, ito hapukoy katalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na naghahanap ng kanilang
kalabisang produkto sa Kunwari'y binubuksan ng mga ito ang kanilang mga pamilihan mga produkto
ng mahihinang ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi kayang makipagkompetisyon ng mahihinang
ekonomiya sa kanila, kaya't kalaunan ay nilalamon nila ang lokal na kompetisyon.

Sa pagtalakay ni Lumbera, kanyang sinabi na ang sistema ng edukasyon ay hinuhubog upang


tugunan ang pangangailangan ng mga multinasyonal.

Bilang panlahat, sinabi ni Lumbera na hindi niya tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung
iyon ay magdadala sa atin sa tunay na pag-unlad. Subalit ang identidad ng isang sambayanan ay hindi
naisusuko nang gayon-gayon lamang. Nakatatak ito sa kamalayan hindi ng iisang tao lamang kundi sa
kamalayan ng buong sambayanan. Kung hinihimok tayo ng globalisasyon na magbagong bihis,
itinuturo naman ng ating kasaysayan na ang pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging
nagpapagunita na may sariling bayan tayo, may minanang kultura at may banal na kapakanang dapat
pangalagaan at ipagtanggol kung kinakailangan. Sandatahin natin ang ganyang kamalayan tungo sa
ikaluluwalhati ng Filipino bilang nagsasariling bayan.

Dagdag pa sa sinabi ni Lumbera ay ang pahayag ni Miclat (2006) sa pagtalakay ni Flores (2015)
na nagawan ng paraan ng mga Tsino, Hapon, Taiwanese, Espanyol, German na makagawa ng
computer at makagawa ng programa gamit ang kanilang sariling wika. Ginamit nila ang kanilang talino
upang kumite. Ang kanilang karunungan sa produksyon at pagpapamana ng karunungan ay ginawa
sa pamamagitan ng sariling pambansang wika. Ang pagpapalaganap ng Siyensya, pambansa, at
pluralistikong kultura gamit ang kanilang popular na wika ay nakatulong upang ang kanilang bansa ay
higit na maging produktibo.

Sa kabilang dako, ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino ay isang usaping matagal na at


patuloy na hinaharap ng mga tagapagsulong ng wikang Filipino bilang isang intelektwalisadong wika.
Pamantayan ng intelektwalisasyon ang paggamit ng wika sa larangan ng akademya lalong higit sa
antas ng paaralang gradwado. Ang intelektwalisasyon ng wika ay tumutukoy din sa estado o ang
pagkilala sa akademikong institusyon batay sa mga banyaga o internasyunal na mga mag-aaral
kaalisabay ng mga programang pang-internasyunal at mga dayuhang nagtuturo sa ating bansa (foreign
visiting professors). Dagdag pa dito, ang intelektwalisasyon ng wika ay makikita sa kilos o galaw ng
mga mag-aaral at dalubguro, pandaigdigang kolaborasyon sa pananaliksik, pang-akademikong
istandard at pagtiyak sa sa kalidad (academic standards and quality assurance).

Sa totoo lamang, ang mga sarili at ang paniniwala ng higit na nakararami na ang kanilang pag-
unlad ay nakasalalay lamang sa Ingles ang totoong kalaban at hindi ang wikang Ingles. Pinatutunayan
ito ng mga bansang mauunlad sa Asya na bagamat hindi nagsasalita ng Ingles ay naging maunlad
naman sa larangan rig ekonomiva, katulad ng Tsina, Hapon, at Thailand.

Sa diskurso ni Constantino (2015), kanyang tinukoy na ang pagtanggap at pagkaalipin sa


wikang banyaga ay siyang patuloy na nagpaparupok at nagpapahina sa intelektwalisasyon ng wikang
Filipino. Ayon sa kanya, lagi nating isinasaalang-alang sa ating mga pagpapasya sa mga dayuhang
institusyong namamayani sa pambansang kabuhayan ng mga Pilipino. Lumalabas na ang pagbibigay
ng prayoridad sa Ingles bilang wika ng edukasyon ay isinasaalang- alang upang maging matagumpay
sa daigdig ng produksyon at kalakalan. Ayon pa rin kay Constantino, ito ay hindi sinang-ayunan ng
karanasan ng mga Hapon at ng ibang mga kapitbansa na katulad ng Taiwan at South Korea na naging
maunlad gamit ang sarili nilang wika.

Kung lilingunin natin ang nakaraan, masasabi na hindi naging ganap na matagumpay ang Ingles
bilang pamamaraan upang mapaglabanan ang kahirapan ng ating bansa maliban sa ilang nabigyang
ng pagkakataon na manilbihan sa mga dayuhang korporasyon at ang makapaghanapbuhay sa ibang
bansa. Iginapos sa dayuhang wika ang ating karunungan sana ay magiging sandata natin sa ating pag-
unlad.
Karagdagang kaalaman:
1978- naglabas Ng kautusang pangkagawaran blg 22 isinasad Dito Ng kailangang kumuha anim na
unit Ng pilipino (pilipino na Ang tawag sa pambansang wika, ipinatupad noong 1959)
1900 – wikang Ingles Ang ginagamit bilang midyum sa pagtuturo
1953 -ipinagamit ang unang wika o mother tongue bilang wikang panturo
1968- ginagamit Ang pilipino bilang wikang panturo
1969 – ginagamit ang pilipino bilang wika panturo sa mga baitang 1-4
1970 -ginagamit Ang pilipino bilang pangunahing wikang panturo pilipino Ingles mataas na paaralan
kolehiyo
1971- Nagkaroong Ng pagkakapantay Ang wikang panturo
1974- Nagkaroog ng patakarang billingguwal hinati Ang mga asignatura sa Dalwang pangkat Ang
Ingles at pilipino
1983- wikang pilipino Ang ginagamit na panturo
Univocal- sapagkat may mga salitang posibleng Isa lamang Ang kahulugan
Equivocal-sapagkat may mga salitang iba’t iba Ang pag papakuhulugan o interpretasyon
Walter Capps- Ang may akda Ng aklat relihiyon: the making of a discipline
Supernatural- Naniniwala Ang tao sa mga bagay na Hindi kayang ipaliwanag Ng agham
Kaugnay sa lipunan- Nagmula Ang relihiyon sa pamamagitan Ng kultura
Abecedaryo- Alphabeto Ng Espanol
29- letra sa abisidaryo
Ilustrado -Ang mga Ilustrados (Espanyol: [ilusˈtɾaðos], “erudite”, “natutunan” o “mga naliwanagan”) ay
bumubuo ng mga Pilipinong intelihente (edukadong uri) noong panahon ng kolonyal na Espanyol
noong huling bahagi ng ika-19 na siglo.h
Civis- Isang tao naninirahan sa Isang bayan.
Indio- Ang tawag Ng mga Espanyol sa mga katutubong naninirahan sa pilipinas katumbas ito Ng
salitang “Mangmang” “walang alam”
Wikang opisyal- Ang Isang wikang _______ na na kinikilala Ng Isang bansa ay tinuturo sa mga
paaralan at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon.
Wikang pambansa- Ang wikang _______ Ay Isang wika na natatanging kinakatawan Ang
pambansang pagkilanlan Ng ating lahi at bansa
Wikang panturo- Ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
DepEd Order No. 31, s. 2012- Inatasan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na humanap
ng malikhain at makabagong paraan upang maipatupad ang K to 12 Basic Education Program.
Memorandum order No. 20 s.2013- Ang CHED (CMO) No. 20, series of 2013 o mas kilala bilang ang
“General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies” ay ang
saklaw ng patakaran para sa binagong General Education Curriculum (GEC), na nag-aalok ng higit
na kakayahang umangkop kaysa sa kasalukuyang kurikulum.
DepEd Order No. 31, s. 2013- Mga Paglilinaw sa Mga Alituntunin sa Patakaran sa Pagpapatupad ng
Mga Lugar sa Pag-aaral ng Unang Wika at Kanilang Paglalaan ng Oras sa Baitang 1 at 2 ng K to 12
Basic Education Program.
Unang Wika (Mother Tongue)- ang unang wika ay tinatawag ring mother tongue, katutubong wika o
sinusong wika. Ang wika kung saan nakilala at pamilya ang isang indibidwal kaya nagkaroon ng
kakayahang maangkin ito sa tulong ng kinalakhang komunidad.
Alliance of Concorned Teachers- Hindi binibigyan halaga Ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo
Berbal na komunikasyon- Tumutukoy sa pagpaparating ng ideya mensahe gamit ang salitang
naaririprinsinta mga kaisipan.
Di berbal na komikasyon- Ito ay pagpapalitan Ng mensahe o pakikipagtalatasan ng mga daluyan o
channel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang. Tunog Kundi Kasa ang kilos ng katawan ang tinig.
Roman Jackobson- Si ____ at Isang ru amerikanong dalubhasa sa wika at panitikan natapos Niya
Ang kaniyang paging doktor sa pilosipiya sa Charles university sa Prague Czechoslovakia
Benjamin whorf at Leonard Bloomfield- Naging tuon Ng kaniyang pag aaral Ang estruktura na gamit
Ng wika.
Taong 1960- Taong ____ na unang ipinalimbag ni Jackobson Ang kaniyang pag-aaral tungkol sa
anim nag gamit (o tungkulin) Ng wika sa komikasyon. Ito Ang kaniyang pinakamakabuluhang ambag
sa larangan Ng lingguwistika.
Context- Ang impormasyon, maaring nababasa sa dyaryo o telegrama, babala at iba pa
Sender- Tagapagdala Ng mensahe
Receiver- Ang tagatangap Ng mensahe
Channel- Ang tagapagdaloy o paraan Ng pag uusap Ng sender at receiver.
Message- Nag hahatid Ng kasiyahan tumutukoy ito sa kasiyahan Ng salita o mismong wika
Referential- Ang _____ na gamit Ng wika ay nagsaad Ang wika ay ginagamit upang maglarawan sa
context o konteksto.
Emotive- Ang _____ na gamit Ng wika ay nakatuon sa damdamin o sa emosyon ipinahahayag Ng
sender o tagpagsalita.

You might also like