You are on page 1of 2

 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

PAYO SA PAGLISAN NG RAMADAN


Sa Ramadan, ay pumatak ang iyong mga luha. Sa Ramadan, ay
pinagbuti mo ang iyong mga pagsamba. Sa Ramadan, ay nagasgas ang iyong
noo sa kakapatirapa para kay Allah (Subhanahu wa Taala). Sa Ramadan, ay
nagkanda tiklop-tiklop ang mga pahina ng Mus-haf sa kakabasa mo nito. Sa
Ramadan, ay walang tulugan, pinuyat mo ang iyong sarili upang magsagawa
ng Qiyam, at itaas ang mga kamay sa pananalangin kay Allah (Subhanahu wa
Taala). Sa Ramadan, ay iniwasan mo lahat ng masasamang gawain,
iningatan ang paningin, ang pandinig, at ang pananalita. Sa Ramadan, ay
marahil kung darating sa iyo ang Anghel ng kamatayan (Malakol Mawt) ay
handa kana dahil sa taglay mong takot at pananampalataya kay Allah
(Subhanahu wa Taala).
At ngayo’y tuluyan nang lumisan ang Ramadan, ang lahat ba ng
pagod mo’y iyong sasayangin, at babalikan ang nakaraan? Huwag
magpapatalo sa mga tukso at bulong ng Shaytan.
Ika’y dinalisay ni Allah (Subhanahu wa Taala) sa pamamagitan ng
Ramadan. Sa paglisan nito’y, huwag hahayaang muling madungisan.
Kapatid, kung kabilang ka sa mga taong naging matuwid sa buwan
ng Ramadan, ay iisa lamang ang ibig-sabihin niyan, ikaw ay pinili ni Allah
(Subhanahu wa Taala) na mapabilang sa mga taong Kanyang ginabayan.
Ilan ba sa mga tao ang binawian ng buhay na hindi man lamang
nakapag balik-loob kay Allah (Subhanahu wa Taala).
Kaya kapatid, pahalagaan mo ang pagpili sa iyo ni Allah, sa
pamamagitan ng pagtuloy mo sa iyong mga magagandang gawain na
naumpisahan sa Ramadan, at huwag babalik sa dating di kanais-nais na mga
gawain.
Sinabi ng mga Ulama, na isa mga tanda ng pagtanggap ni Allah
(Subhanahu wa Taala) sa ating mga pagsamba, ay kung ito ay nagpatuloy.
At hindi kundisyon na kung ano ang sikap mo sa buwan ng
Ramadan, ay magiging ganun din ang sikap mo sa ibang buwan. Natural

197
 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

lamang na iba ang sikap sa Ramadan, dahil narin sa epekto ng kapaligiran sa


panahon ng Ramadan. Subalit ang siyang mahalaga ay patuloy parin ang
mga pagsambang iyong isinasagawa maging ito man ay hindi makapantay sa
sikap mo sa Ramadan. Sinabi ng Rasullullah (SallAllahu alayhi wa sallam):
َ َ]783َ:‫َمسلم‬،6464َ:‫»ََ[البخاري‬.‫َوإ منَق ََّل‬،‫َاْل مَعمالََإَلََهللاَت عاَلَأ مدوُمها‬
َ‫ب م‬ ُّ ‫«أح‬
“Ang kaibig-ibig sa mga gawain para kay Allah (Taala) ay ang tuloy-tuloy sa
mga ito, maging (ito ay) kaunti.”
Sinabi naman ni Shaykh Ibn Baz: “Tunay na ilan sa mga muslim ay
nagsusumikap sa Ramadan, at nagbabalik-loob kay Allah (Subhanahu wa
Taala) mula sa mga nakalipas na kasalanan niya. At pagkatapos ng paglisan
ng Ramadan ay bumabalik siya sa mga gawain niya na masasama, at iyan
ay napakadilikado. At ang obligado sa isang muslim ay ang iwasan iyan, at
maging determinadong tunay sa pagpapatuloy sa pagsunod kay Allah, at sa
pag-iwan sa mga kasalanan. Tulad ng sinabi ni Allah sa kanyang Sugo
(SallAllahu alayhi wa sallam): ‘At sambahin Mo ang Panginoon Mo,
hanggang sa dumating sa Iyo ang kamatayan.’ At sinabi (pa) Niya: ‘O
kayong mga naniwala! Katakutan niyo si Allah nang tunay na pagkatakot sa
Kanya, at huwag kayong mamamatay maliban na lamang na kayo ay mga
muslim(1).’”

***

(1) Majmu Fatawa Ibn Baz: 15/428

198

You might also like