You are on page 1of 92

‫دروس رمضانية للجالية الفلبينية‬

_______________________

RAMADHAN
Para sa Kabayan
_________________________

Muhammad Macaraya Bani


May-akda

1
e

2
Panimula

‫ّلِل َحَن َم ُدهُ َونَ حستَعِينُهُ َونَ حستَغِ ِفُرهُ َونَعُوذُ ِِبهللِ ِم حن ُشُروِر أَنح ُف ِسنَا َوِم حن‬َِِّ ‫إِ َّن ا حْلم َد‬
‫َح‬
‫ َوأَ حش َه ُد‬.ُ‫ي لَه‬ ِ ِ ِ
ِ ‫ من ي هدهِ هللا فَالَ م‬.‫ات أ حَعمالنَا‬ ِ ِ َ‫سيِئ‬
َ ‫ضل حل فَالَ َهاد‬ ‫ض َّل لَهُ َوَمن يُ ح‬ ُ ُ ‫َ َ َح‬ َ
ُ‫صلَّى هللا‬ َ ُ‫رسولُه‬ َّ ‫يك لَهُ َوأ حش َه ُد أ‬
ُ ‫َن ُُمَ َّم ًدا َعحب ُدهُ َو‬ َ ‫أَن الَ إِلَهَ إِالَّ هللاُ َو حح َدهُ الَ َش ِر‬
ِ ‫ان إِ ََل ي وِم‬
‫ اللَّ ُه َّم الَ عِ حل َم لَنَا‬.‫الدي ِن‬ ٍ ‫َعلَي ِه و َعلَى آلِِه وأَصحابِ ِه ومن تَبِعهم ِبِِحس‬
‫َح‬ َ ‫َ ح َ ََ ح َُ ح‬ َ ‫ح‬
:‫ أ ََّما بَ حع ُد‬.‫ اللَّ ُه َّم َعلِ حمنَا َما يَحن َفعُنَا‬.‫إِالَّ َما َعلَّ حمتَ نَا‬

Ang lahat ng pagpupuri ay kay Allah lamang na Siyang


nagpapanatili at nagbibiyaya sa lahat.

Ang aklat na ito, sa awa ni Allah at Kanyang habag, ay


makatutulong sa mga nagsasaliksik ng kaalaman sa pag-aayuno
at Ramadhan. Isinama na rin natin ang ilang mga dapat malaman
sa Sha’ban at Shawwal sapagkat malaki rin ang papel ng
dalawang kadikit na ito ng Ramadhan.

Ang aklat na ito, insha Allah, ay makapag-aambag ng


kaalaman upang mas lalo nating maunawaan natin ang katayuan
ng pag-aayuno sa ating buhay at upang ito ay maisakatuparan
natin nang mabuti at maayos.

Layunin din ng may-akda na magtulak ito upang lalo tayong


maganyak sa pagsasaliksik ng karunungan kaya naman nagsama
siya ng mga makabagong paksa na karaniwang sa mga Arabic na
aklat lamang mahahanap.

Kung may napansin po kayong mali na kailangang itama sa


aklat na ito ay mangyaring ipagbigay-alam kaagad sa may-akda.
Jazakumullahu khayran fid dunya wal akhirah.

Nawa’y tanggapin ni Allah ang pagsusumikap na ito. Ameen.

Muhammad Macaraya Bani


May-akda

3
Talaan ng Nilalaman

3 Panimula
Mga Paksa:
5 1. Paghahanda sa Pagdating ng Ramadhan
9 2. Mga Kahigitan ng Buwan ng Sha’ban
11 3. Ang Pag-aabang sa Hilal
12 4. Mga Sunnah na Dua at Dhikr na Dapat Maisaulo sa Ramadhan
15 5. Ang Sugo ‫ ﷺ‬at ang mga Salaf Kapag Ramadhan
16 6. Mga Kahigitan ng Buwan ng Ramadhan
20 7. Mga Gantimpala ng Pag-aayuno
25 8. Ang Kahulugan ng Pag-aayuno at Kanino Ito Obligado
26 9. Mga Klase ng Tao sa Pag-aayuno
28 10. Mga Nakakasira sa Pag-aayuno
30 11. Mga Karunungang Hatid ng Pag-aayuno
31 12. Mga Dapat Malaman ng Bawat Muslim sa Ramadhan
32 13. Ang Kahihinatnan ng Nagpabaya sa Ramadhan
35 14. Mga Bid’ah at Maling Nagagawa sa Ramadhan
37 15. Mga Hadith na Mawdu’ at Da’if Patungkol sa Pag-aayuno
38 16. Iba't Ibang Uri ng Pag-aayuno
41 17. Ang Best, Better, Good, Bad, at Worse sa Ramadhan
43 18. Third Party ang Siyang Sisira sa Ramadhan Partners
46 19. 27 Katotohanan Tungkol sa Laylatul Qadr
49 20. Ang I'tikaf at Huling Sampung Gabi ng Ramadhan
50 21. Ang Zakatul Fitr
52 22. Mga Alituntunin sa Eidul Fitr
54 23. Mga Maling Nagagawa sa Eidul Fitr
55 24. Khutbah Para sa Eidul Fitr
61 25. Ang Pagkakaiba ng Eidul Fitr at Eidul Adha
63 26. Mga Kahigitan ng Buwan ng Shawwal
65 27. Ang Fidyah sa Pag-aayuno
70 28. Mga Mahahalagang Nangyari sa Kasaysayan sa Ramadhan
72 29. Mga Bagay na Maaaring Hindi Mo Pa Alam Tungkol sa
Ramadhan
74 30. Ramadhan Quiz Bee (100 Q&A)
91 Pasasalamat
92 Paunawa

4
Paghahanda sa Pagdating ng Ramadhan

Naiulat na ang mga nauna sa atin, ang mga Salaf na unang


tatlong henerasyon ng mga Muslim pagkatapos ng Rasulullah -
sallallahu álayhi wa sallam-, ang Sahabah -radiyallahu ánhum-,
Tabi’un at Tabi’ut Tabi’in -rahimahumullah-, ay nasasabik at
naghahanda sa pagdating ng Ramadhan, anim na buwan bago pa
lang ito dumating. Kaya’t paano pa kaya kung isang buwan na
lamang ang natitira?
May paparating kang bisita. Kailangan mong maglinis ng
bahay at maghanda ng pagkaing ihahain sa kanila. Kung ang
bisitang yaon ay makikitulog, ay ihahanda mo ang kanyang
matutulugan at sisikapin mong hindi siya maistorbo. Gayundin,
ang ipapagamit mo sa kanya ay yaong pinakamaganda ninyong
kumot, unan, at kwartong pinabanguhan. Ganyan tayong mga
Pinoy. Maalaga sa atin ang ating mga bisita. Alhamdulillah.
Paano kung ang bisitang ito ay higit pa roon? Dahil may hatid
itong higit pa sa pinakamainam na mga regalong maiisip mo. Dala
nito’y tagumpay at katiwasayan na siyang inaasam ng lahat ng tao.
Nag-aalis ng mga masasama, mga problema at mga pagsubok.
Hindi lang isang araw itong mamamalagi sa iyo kundi isang buwan.
Hindi ba’t mas karapat-dapat na ito ay ating paghandaan?
Ang ating tinutukoy ay ang Ramadhan na pinuno ni Allah ng
napakaraming mga biyaya, pagpapala’t gantimpala.
May paparating kang pagsusulit sa paaralan. Natural, ikaw ay
magbabalik-aral at magpupuyat para pumasa sa hangaring ito ang
magiging daan mo sa tinatawag na tagumpay. Para sa mga walang
pangarap sa buhay, natural din ay hindi nila ito paghahandaan.
Paano pa kung ang pagsusulit na ito ay board exam? Hindi lang
isang buwan na paghahanda kundi ang karamiha’y anim na buwan
pa. At naroong umupa ka pa ng sariling kwarto at gumugol ng
maraming pera para lamang pumasa. Hindi pa kasama rito ang
ilang taong iyong ginuguol sa pag-aaral.
Paano kung ang pagsusulit na darating ang siyang
magtutukoy ng iyong tagumpay hindi lamang dito sa mundo kundi
pati sa kabilang buhay? Hindi ba’t mas karapat-dapat natin itong
paghandaan? Dahil ito ang tunay na pagsusulit ng buhay.
Kaya naman mga kapatid sa Islam, paghandaan natin ang
pagdating ng Ramadhan. At kung paano natin ito gagawin, ay
basahin at unawain nating mabuti ang mga sumusunod na ilan
lamang sa mga payong maibibigay natin upang lubos nating
5
maramdaman ang pagdating ng ating pinakahihintay, ang
Ramadhan.

Una. Pagbabalik-loob kay Allah. Linisin ang puso mula sa


anumang nakapipinsala at nakarurumi nito katulad ng inggit,
pagmamalaki, kawalang-kuntento, at poot. Ang makapaglilinis
nito ay ang pagbabalik-loob kay Allah at paghingi ng kapatawaran.
Ito ay isa sa mga pinakamabisang gawain upang lubos na maging
kapaki-pakinabang sa atin ang buong buwan ng Ramadhan.

Pangalawa. Pagbabalik-aral sa mga aralin tungkol sa pag-


aayuno at Ramadhan. Isa ito sa karaniwang gawain ng ating mga
ulama kapag paparating ang buwan ng Ramadhan. Maliban pa sa
paghahanda nila para sa kanilang mga sarili ay para na rin sa
inaasahang mga katanungan na manggagaling sa mga tao at
gayundin ay ang pagkakaroon ng mga pagtitipon kung saan
tinatalakay ang mga batas at mga hatol na may kinalaman sa pag-
aayuno.

Pangatlo. Pagbabayad sa mga hindi pa nababayarang utang


sa Ramadhan. Para sa mga may utang o mga panata na hindi pa
nababayaran sa Ramadhan ay napakainam na bayaran na ito
habang hindi pa dumarating ang buwan ng Ramadhan.

Pang-apat. Paglilinis at pag-aayos sa mga masjid. Ito ay ating


isinasagawa upang mas maging komportable tayo sa ating
pananatili sa masjid at makapag-akit sa mga tao na manatili sa
masjid para sa kanilang mga pagsamba. Nararapat sa pamunuan
ng masjid, Ramadhan man o hindi, na mapanatili nilang malinis,
maayos, mabango, at komportable sa mga Muslim ang kanilang
pananatili rito. Nariyan din na nagkakaroon ng iskedyul para sa
pagpapa-iftar sa masjid sa buong buwan ng Ramadhan.

Panglima. Itama sa buwan ng Ramadhan ang taunang


bakasyon sa trabaho upang makapag-pokus. Para sa mga
empleyado o nagtitinda ay napakainam na magbakasyon sa buong
buwan ng Ramadhan. Kung hindi naman kakayanin ay kahit sa
huling sampung araw nito. Ito ay upang magkaroon ng sapat na
panahon at lakas na makapagparami ng mga pagsamba katulad
ng pagbabasa ng Quran at pagtatahajjud.

6
Para naman sa mga may karinderya ay magbukas lamang sa
gabi o kapag malapit na ang iftar.
Napakainam din na mag-ipon ng sapat na pera na gagastusin
sa buong buwan ng Ramadhan nang sa gayon ay maaaring
makapagpahinga mula sa pagtitinda o paghahanap-buhay at
mailaan ang buong oras sa Ramadhan sa mga pagsamba nang
walang inaalala para sa sarili at pamilya.

Pang-anim. Manalangin kay Allah na abutan pa ang


mabiyayang buwan na ito. Walang nabanggit mula sa Quran at
Hadith na partikular at espesyal na dua para rito subalit
napakainam na hilingin kay Allah na abutan natin ang mabiyaya at
pinagpalang buwan na ito ng Ramadhan. Ya Allah, ipahintulot Mo
pong maabutan naming muli ang Ramadhan ngayong taon at sa
mga susunod pa. Ameen.

Pangpito. Isaulo ang mga dua para sa Ramadhan. May


naisulat po tayong lipon ng mga dua sa Ramadhan. Matatagpuan
ang mga ito sa ikaapat na kabanata ng aklat na ito. Naroon ang
dua na binabasa kapag nakita ang hilal, pagkain sa iftar o may
nagpakain sa iyo, kapag Laylatul Qadr, sa Eid at iba pa.

Pangwalo. Maging masaya at malugod sa pagdating nito.


Higit pa sa kasiyahang nadarama kapag ikaw ay nakatanggap ng
biyayang katulad ng pagkatanggap sa trabaho o nakapasa sa isang
pagsusulit. Higit pa sa kasiyahang nadarama kapag nakita ang
taong malapit sa iyo na matagal nang hindi nakita.
Siguro naman ay napansin natin sa ibang mga relihiyon, na
kapag mayroon silang paparating na okasyon o piyesta ay talaga
namang makikita sa kanila ang pagkasabik at paghahanda. Ilang
buwan pa ang natitira bago ito dumating ay makikita na natin sa
kanilang paligid, sa kanilang mga bahay, sa telebisyon, at kanila
itong madalas na pinag-uusapan.
Bilang mga Muslim ay dapat na mas higit ang maipakita natin
kay Allah na paghahanda, pagdakila, at pananabik sa pagdating ng
Ramadhan dahil ito ay isa sa Kanyang mga tanda. At ito ay
palatandaan ng tibay ng pananampalataya natin sa Kanya.
﴾        ﴿ :‫ال هللا ﷻ‬
َ َ‫ق‬
32 ‫سورة اْلج آية‬

7
“Gayun nga, at sinumang kanyang dakilain ang mga tanda ni
Allah, katiyakang iyon ay bahagi ng takot (at pananampalataya) ng
mga puso.” [Suratul Hajj Ayah 32]

Pangsiyam at siya ring panghuli. Ipadama at ipaalam sa iba


lalo na sa ating mga kapamilya’t mga kapitbahay ang pagdating ng
Ramadhan.
Ipakita natin kay Allah ang pagmamahal natin sa Kanya.
Ipakita natin kay Allah ang ating pagpupursige. Nang sa gayon ay
makamtan natin ang Kanyang habag, awa, at solusyunan Niya ang
anumang ating suliranin lalo na sa pagsubok na nararanasan natin
ngayon.

8
Mga Kahigitan ng Buwan ng Sha’ban

Ang buwan ng Sha’ban ay ang ikawalong buwan sa


kalendaryong Hijrah kung saan kasunod nito ay ang Ramadhan.
Kaya naman, may napakahalaga itong papel sa pagpasok ng
buwan ng Ramadhan.

Narito ang ilan sa mga ito.

1. Isa sa mga buwan na naiibigan ng Rasulullah -sallallahu


álayhi wa sallam-. Ito ay ayon na rin sa winika ni Ummul Mu’minin
Aishah -radiyallahu ánha-,
ِ ‫ول‬
ِ ‫هللا ﷺ أَ حن يصومه َشعبا َن ُُثَّ ي‬ ِ ‫ب الشُّهوِر إِ ََل رس‬
َ ‫صلُهُ بَِرَم‬
.‫ضا َن‬ َ َ‫َ ُ َ ُ ح‬ َُ ُ َّ ‫َح‬ َ ‫َكا َن أ‬
.‫ صححه األلباين‬.2431 ‫سنن أيب داود‬
“Pinakakaibig-ibig na buwan sa Rasulullah -sallallahu álayhi
wa sallam- ang Sha’ban na kanyang pinag-aayunuhan at
idinudugtong dito ang Ramadhan.” [Abu Dawud]

2. Ito ang buwan na pinakamaraming araw na nag-aayuno


ang Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam- maliban pa sa buwan
ng Ramadhan. Sinabi ni Ummul Mu’minin Aishah -radiyallahu
ánha-,
.1156 ‫ صحيح مسلم‬.ً‫وم َش حهَر َش حعبَا َن إِالَّ قَلِيال‬
ُ‫ص‬
ِ
ُ َ‫كاَ َن َر ُس حو ُل هللا ﷺ ي‬
“Pinag-aayunuhan ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-
ang buong buwan ng Sha’ban maliban lamang sa iilang araw nito.”
[Muslim]

3. Ang isang araw na pag-aayuno rito ay may katumbas na


gantimpala ng dalawang araw. Sinabi ng Rasulullah -sallallahu
álayhi wa sallam- kay Imran ibn Al-Husayn -radiyallahu ánhu-,
ِ ‫ص حم يَ حوَم ح‬
‫ صحيح‬.‫ْي‬ ‫ف‬
َ ‫ت‬ ‫ر‬َ‫ط‬‫ف‬
‫ح‬ َ
‫أ‬ ‫ا‬ ‫ذ‬
َ ِ
‫إ‬َ‫ف‬ : ‫ال‬
َ َ‫ق‬ َ
. ‫ال‬
َ : ‫ال‬
َ َ‫ق‬ ‫؟‬‫ن‬َ ‫ا‬ ‫ب‬ ‫ع‬ ‫ش‬
َ ِ
‫ر‬ ‫ر‬‫س‬ ‫ن‬‫م‬ِ ‫أَصمت‬
ُ َ ‫ح‬ َ ُُ ‫ُ ح َ ح‬
‫ح‬
.1161 ‫مسلم‬
“Nakapag-ayuno ka ba (sa mga huling araw) ng Sha’ban?”
“Hindi.” “Kung gayon, kapag natapos ang Ramadhan ay mag-
ayuno ka ng dalawang araw.”

4. Ito ang buwan na itinataas kay Allah ang ating mga gawa.
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-,
9
ُ ‫ َوُه َو َش حهر تُحرفَ ُع فِ ِيه احألَ حع َم‬،‫ضا َن‬
‫ال‬ َ ‫ْي َر َجب َوَرَم‬َ ‫اس َعحنهُ بَح‬
ُ ُ َّ
‫ن‬ ‫ال‬ ‫ل‬ ‫ف‬
َ ‫غ‬
‫ح‬ َ‫ي‬ ‫ر‬ ‫ه‬‫ح‬ ‫ش‬
َ ‫ك‬
َ
ِ‫َذل‬
‫ حسنه األلباين يف صحيح‬.‫صائِم‬ ِ ُّ ‫ فَأُ ِح‬،‫ْي‬ ِ ِ ‫إِ ََل ر‬
َ ‫ب أَ حن يَُرفَ َع َع َملي َوأَ َن‬ َ ‫ب الح َعالَم ح‬ َ
.2356 ‫سنن النسائي‬
“Yaon ang buwan na nababalewala ng mga tao, na nasa
pagitan ng Rajab at Ramadhan. Na siyang buwan na itinataas ang
mga gawain sa Panginoon ng sanlibutan. Kaya’t naiibigan kong
itinataas ang aking gawain na ako ay nag-aayuno.” [An-Nasai]

5. Kapatawaran sa pagdating ng kalahati ng Sha’ban.


Nabanggit sa hadith:
ِ ‫ف ِم حن َش حعبَا َن يَ حغ ِفُر هللاُ َعَّز َو َج َّل ِألَ حه ِل احألَحر‬
‫ض إِالَّ ُم حش ِر ٍك أَحو‬ ِ‫ص‬ ِ ِ
‫ِيف لَحي لَة الن ح‬
.‫ صحيح الرتغيب والرتهيب‬.‫اح ٍن‬ ِ ‫م َش‬
ُ
“Sa gabi ng kalahati ng Sha’ban ay pinapatawad ni Allah ang
mga tao sa lupa maliban lamang sa mga nagtatambal sa Kanya at
sa mga suwail.” [Sahihut Targhib wat Tarhib]
Pakatatandaan na walang espesyal o eksklusibong ibadah
ang dapat gawin sa gabing ito ng Nisfu Sha’ban na tumatama sa
ikalabinlimang gabi nito. Ito ay hindi rin ipinagdiriwang. Ang
pagdiriwang nito ay pumapasok sa bid’ah.

6. Ang buwan na ito ng Sha’ban ang siyang nagsisilbing


pintuan at pagsasanay bilang paghahanda at pagsalubong sa
Ramadhan.
Ang anumang paparating na matinding gawain ay
nangangailangan ng paghahanda at pagsasanay. At napakalaking
pasasalalamat natin sa ating mahal na Propeta Muhammad -
sallallahu álayhi wa sallam- dahil hindi niya tayo hinayaang hindi
maging handa sa pagpasok ng mabiyayang buwan ng Ramadhan.
Ginabayan niya tayo at siya’y nagsilbing mabuting halimbawa sa
atin upang maging madali sa atin at malinaw ang mga
pagsambang ating isasagawa.
Isa ito sa mga kainaman ng Islam na hindi kailanman
mahahanap sa ibang relihiyon. Purihin natin si Allah na Siyang
nagpadala sa atin ng gabay at huwaran tungo sa tuwid Niyang
landas. Alhamdulillah.

10
Ang Pag-aabang sa Hilal

Ang hilal o bagong buwan ay lumilitaw tuwing papasok ang


susunod na buwan sa kalendaryong lunaryo na siyang gamit natin
sa Islam, ang Hijrah calendar.
Ang hilal ay may hugis na katulad ng letrang C. Ito ay manipis
at mahirap makita, lalo na kung may ulap o makulimlim ang langit.
Kapag ika-29 na araw na ng buwan ay inaabangan ang paglitaw
nito. Ito ay karaniwang nakikita sa bandang kanluran ng langit sa
bandang hapon na palubog na ang araw.
Buwan-buwan ay lumilitaw ang hilal na ito. Ito ang
palatandaan na nagtapos na ang nakaraang buwan at pumasok
naman ang bagong buwan sa kalendaryong Hijrah.
Sa pagpasok ng Ramadhan ay may napakahalagang papel
ang hilal dahil ito ang isa sa mga palatandaan na pumasok na ang
buwan ng Ramadhan at obligado na tayong mag-ayuno.
Kaya’t pagsapit ng ika-29 ng Sha’ban ay aabangan ang
paglitaw nito. Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-,
.‫ مسلم‬.‫ْي‬ ِ‫صوموا لِرحؤيتِ ِه وأَفح ِطروا لِرحؤيتِ ِه فَإِ حن غُ َّم علَي ُكم فَأَِتُّوا الحعِ َّدةَ ثَالَث‬
َ‫ح‬ ‫َح ح ح‬ َ ُ ‫ُ ح ُ ح ُ َ َ ُح‬
“Mag-ayuno kayo kapag nakita ninyo ito (hilal), at tumigil
kayong mag-ayuno kapag inyo itong nakita. At kung matakpan sa
inyo ay kumpletuhin ninyo ang buwan ng tatlumpu.”
Napakalinaw sa hadith na kung hindi ito makita ng mga mata
ay kukumpletuhin ang Sha’ban ng 30 araw. Gayundin ang
pamantayan na gagamitin sa pagpasok ng unang araw ng Shawwal
na siyang Eidul Fitr at tanda ng pagtatapos ng buwan ng pag-
aayuno sa Ramadhan.
Ang paggamit ng makabagong teleskopyo ay napakainam
upang mas madaling makita ang hilal. Walang sinuman sa mga
pantas ang sumasalungat nito. Subalit sa usaping astronomiya ang
gagamit, kung saan kinakalkyula ang takbo ng buwan, ay mariin
itong tinututulan at ipinagbabawal ng higit na nakararami sa mga
pantas.
Tungkol naman sa usaping kung susunod ba tayo sa bansang
kinalalagyan natin o kung susunod sa alinmang bahagi ng mundo
makita ang buwan, ay nasa nagbabasa na po ang desisyon, subalit
napakahalagang mayroon tayong mapagkakatiwalaang pantas na
sinusunod at hindi dahil lamang sa pansariling interes.
Magkagayunpaman, ay iminumungkahi ng may-akda ang
pagkakaisa at ang pagiging mahinahon sa ganitong mga usapin.

11
Mga Sunnah na Dua at Dhikr na Dapat Maisaulo sa Ramadhan

1. Kapag nakita ang hilal (bagong buwan):


‫اّلِل‬
َُّ ‫ك‬ َ ُّ‫السالَ َم ِة َواح ِإل حسالَِم َرِيب ِوَرب‬ ِ َ‫اللَّه َّم أ َِهلَّه َعلَي نَا ِِبلحيم ِن واح ِإلحي‬
َّ ‫ان َو‬ َ ‫ُ ُ ح ُح‬
ALLAHUMMA AHILLAHU 'ALAYNA BIL YUMNI WAL IMANI
WAS SALAMATI WAL ISLAMI RABBI WA RABBUKALLAH.
"Oh Allah, biyayaan Ninyo po kami sa buwan na ito ng
maraming biyaya, pananampalataya, kaligtasan, at pagsuko sa Iyo
(paniniwala sa Islam). Panginoon ko at ang Panginoon mong
[tinutukoy ang buwan] si Allah.”

2. Habang nag-iiftar o pagkatapos mag-iftar:


‫هللا‬ ‫اء‬ ‫ش‬
َ ‫ن‬
‫ح‬ ِ‫َجر إ‬‫أل‬‫ا‬
‫ح‬ ‫ت‬‫ب‬َ‫ث‬‫و‬ ‫ق‬
ُ ‫و‬‫ر‬‫ع‬‫ح‬‫ل‬ ‫ا‬ ِ َّ‫َذهب الظَّمأُ واب تَل‬
‫ت‬
ُ َ ُ ‫ُُ ح َ َ َ ح‬ ‫َ َ ح َح‬
DHAHABAZH ZHAM U WABTALLATIL 'URUQU WA THABATAL
AJRU INSHA ALLAH.
"Napawi ang uhaw, nabasa ang mga ugat, at nasigurado ang
gantimpala sa kapahintulutan ni Allah.”

3. Sa nagpa-iftar sa iyo:
ُ‫ت َعلَحي ُك ُم الح َمالَئِ َكة‬
‫صلَّ ح‬ ‫و‬ ، ‫ار‬
‫ر‬ ‫َب‬
‫أل‬‫ا‬
‫ح‬ ‫م‬ ‫ك‬
ُ ‫ام‬ ‫ع‬
َ َ ُ َ‫ُ ح َ َ َ َ ُ ح‬‫ط‬
َ ‫ل‬‫ك‬َ َ
‫أ‬‫و‬ ،‫ن‬َ ‫و‬‫م‬ِ‫الصائ‬
َّ ‫م‬
ُ ‫ك‬
ُ ‫د‬
َ ‫ن‬
‫ح‬ ِ‫أَفحطَر ع‬
َ
AFTARA 'INDAKUMUS SA IMUN WA AKALA TA 'AMAKUMUL
ABRAR WA SALLAT 'ALAYKUMUL MALA IKAH.
"Nag-iftar sa inyo ang mga nag-ayuno, at kumain sa pagkain
ninyo ang mga masunurin, at ipinanalangin kayo ng mga anghel.”

4. Kapag may nang-iinis sa iyo:


‫صائِم‬
َ ‫إِِين‬
INNI SA IM.
"Katotohanang ako ay nag-aayuno."

5. Pagkatapos mag-witr:
ِ ِ‫سبحا َن الحمل‬
ِ ‫ك الح ُق ُّد‬
)x3( ‫وس‬ َ َ ‫ُح‬
SUBHANAL MALIKIL QUDDUS (3x). [Habang pinapahaba at
pinalalakas ang pangatlo.]
"Kaluwalhatian sa Hari at Banal."

12
6. Sa Laylatul Qadr:
ُِ ‫ك ع ُف ٌّو‬
‫ف َع ِن‬
ُ ‫اع‬
‫ح‬ َ‫ف‬ ‫و‬‫ف‬
ََ‫ح‬ ‫ع‬‫ح‬‫ل‬ ‫ا‬ ‫ب‬
ُّ ‫ُت‬ َ َ َّ‫اللَّ ُه َّم إِن‬
ALLAHUMMA INNAKA 'AFUWUN TUHIBBUL 'AFWA FA'FU
'ANNI.
"Oh Allah, katotohanang Ikaw ay mapagpatawad at naiibigan
Mo ang pagpapatawad, kaya’t ako’y Iyong patawarin."

7. Bago kumain (sa lahat ng okasyon, hindi lamang sa


Ramadhan):
ِ‫بِس ِم هللا‬
‫ح‬
BISMILLAH.
"Sa ngalan ni Allah."
Paalala: Ang dua na “Allahumma bariklana fi ma razaqtana…”
ay hindi matibay na hadith.

8. Pagkatapos kumain (sa lahat ng okasyon, hindi lamang sa


Ramadhan):
‫ا حْلَ حم ُدِ هلل الَّ ِذي أَطح َع َم ِن َه َذا َوَرَزقَنِحي ِه ِم حن َغ حِْي َح حوٍل ِم ِن ِوالَ قُ َّوٍة‬
ALHAMDULILLAHIL LADHI AT 'AMANI HADHA WA
RAZAQANIHI MIN GHAYRI HAWLIM MINNI WA LA QUWAH.
"Ang pagpupuri ay kay Allah lamang na Siyang nagpakain sa
akin at nagbiyaya sa akin nito na walang kakayahan at lakas na
galing sa akin (maliban lamang sa Kanya)."
Paalala: Ang dua na “Alhamdulillahil ladhi at’amana wa
saqana…” ay hindi matibay na hadith.

9. Pagkatapos magbasa ng Quran (sa Ramadhan man o


hindi).
ِ ‫ أَ حشه ُد أَن الَ إِلَه إِالَّ أَنحت أَست حغ‬,‫سبحانَك اللَّه َّم وِِبم ِد َك‬
َ ‫ب إٍلَحي‬
‫ك‬ ‫و‬ُ‫َت‬
‫أ‬‫و‬ ‫ك‬
َ ‫ر‬‫ف‬
ُ ‫َ حَ ُ َ ح‬ َ َ ‫ُح َ َ ُ َ َ ح‬
SUBHANAKALLAHUMMA WA BIHAMDIKA, ASH HADU ANLA
ILAHA ILLA ANATA ASTAGHFIRUKA WA ATUBU ILAYK.
“Kaluwalhatian sa Iyo o Allah at ang pagpupuri ay Iyo lamang.
Ako ay sumasaksi na walang sinumang diyos na dapat sambahin
maliban sa Iyo. Ako ay humihingi sa iyo ng kapatawaran at
nagbabalik-loob.
Paalala: Ang “Sadaqallahul azim” ay walang dalil sa Quran
man o Hadith. Ito ay maituturing na bid’ah.

13
10. Takbir Mursal sa Eid:
‫ هللاُ أَ حك ََُب َوهللِ ا حْلَ حم ُد‬,ُ‫هللاُ أَ حك ََبُ هللاُ أَ حك ََُب هللاُ أَ حك ََبُ الَ إِلهَ إِالَّ هللاُ َوهللاُ أَ حك ََب‬
ALLAHU AKBAR ALLAHU AKBAR ALLAHU AKBAR LA ILAHA
ILLALLAHU WALLAHU AKBAR, ALLAHU AKBARU WA LILLAHIL
HAMD.
"Si Allah ay pinakadakila. Si Allah ay pinakadakila. Si Allah ay
pinakadakila. Walang sinumang diyos na dapat sambahin maliban
kay Allah. Si Allah ay pinakadakila. Si Allah ay pinakadakila. At kay
Allah ang lahat ng pagpupuri."

11. Pagbati sa Eid (ginawa ng mga Sahabah):


‫صالِ َح احأل حَع َم ِال‬ ِ ِ ِ
َ ‫ تَ َقبَّ َل هللاُ منَّا َو محن ُك حم‬.‫عحيد ُمبَ َارك‬
‘ID MUBARAK. TAQABBALALLAHU MINNA WA MINKUM
SALIHAL A’MAL.
"Pinagpalang kapistahan (sa iyo). Nawa’y tanggapin ni Allah mula
sa amin at mula sa inyo ang mabubuting mga gawa.”

14
Ang Sugo ‫ ﷺ‬at ang mga Salaf Kapag Ramadhan

1. Sila ay mas lalong nagiging mapagbigay.


Naiulat ni Ibnu Abbas -radiyallahu ánhuma- na ang Sugo ‫ﷺ‬
ang siyang pinakamapagbigay sa mga tao at mas lalo siyang
nagiging magpagbigay sa buwan ng Ramadhan.
Si Abdullah Ibnu Umar -radiyallahu ánhuma-, tuwing mag-
iiftar ay kasama ng mga mahihirap. At kung may humihingi sa
kanya ay binibigyan niya ito.
Isa ito sa napakagandang katangian ng mga Arabo kapag
Ramadhan at umaabot pati sa atin sa Pilipinas ang kanilang mga
tulong lalo na ang tamr (datiles) dahil sa kanila ito nagmumula.

2. Palagi silang nagbabasa ng Quran.


Sa buwan na ito ng Ramadhan ay nakikipagkita si Anghel
Jibril -álayhis salam- kay Propeta Muhammad -sallallahu álayhi wa
sallam- upang balik-aralan sa kanya ang buong Quran.
Si Aishah -radiyallahu ánha- ay nagsisimulang magbasa ng
Quran sa madaling araw hanggang sa tumaas ang araw at
pagkatapos ay siya ay nagpapahinga.
Si Qatadah -radiyallahu ánhu- ay kanyang natatapos basahin
ang buong Quran kapag Ramadhan sa loob ng tatlong araw
lamang. At kapag huling sampung araw ng Ramadhan ay gabi-gabi
niyang tinatapos basahin ang buong Quran.
Si Uthman ibnu Affan -radiyallahu ánhu- ay natatapos niya
ang buong Quran sa loob ng salah sa isang gabi lamang.
Napakaraming halimbawa nito hindi lamang sa mga Sahabah
-radiyallahu ánhum- kundi pati sa mga Tabi’un, Tabi’ut Tabi’in,
Ulama, at mga taong biniyayaan ni Allah ng galing sa pagbabasa
ng Quran -rahimahumullah-.

3. Mas nadaragdagan ang kanilang sakripisyo sa pagsasalah.


Mas lalo pa kaya sa pagsasalah? Kung saan ito ang
pinakakaibig-ibig sa Rasulullahu -sallallahu álayhi wa sallam- at sa
sinumang nagmamahal at sumusunod sa kanya.

Mga kapatid sa Islam. Sila po ang gawin nating huwaran sa


ating buhay. Sila na ginabayan ni Allah at nakamit ang katiwasayan
ng pamumuhay, kapantagan, kapayapaan, at tagumpay hindi
lamang dito sa mundo kundi higit lahat ay sa kabilang-buhay. Ya
Allah, ibilang Mo po kami sa kanila sa Huling Araw. Ameen.
15
Mga Kahigitan ng Buwan ng Ramadhan

Walang duda na ang ang buwan ng Ramadhan ang siyang


pinakamainam sa lahat ng mga buwan sa loob ng isang taon. Ito
ay punung-puno ng mga pagpapala’t mga biyaya mula kay Allah
para sa mga taong nagsusumikap sa buwan na ito. Alam nating ito
ang buwan kung saan tayo ay inobligahan ni Allah na mag-ayuno.
Ito ang buwan na pinaka-inaabangan at pinaghahandaan ng
mga mananampalataya. Hindi nila pinapalipas ang buwan na ito
maliban na lamang at sila ay kinalugdan ni Allah sapagkat kanilang
nalalaman na sinuman ang magpabaya sa buwan na ito ay sadya
namang labis na nalugi nang pagkalaki-laki at nakapagsayang ng
napakagandang pagkakataon sa kanyang buhay na siya ay
makapag-impok para sa kanyang kinabukasan sa Araw ng
Paghuhukom.
Ang ating babanggitin rito ay ilan lamang sa mga kainaman,
kahigitan, at kahalagahan ng mabiyayang buwan na ito. Ang lahat
ng mababanggit dito ay mula sa mapagkakatiwalaang mga
sanggunian, higit sa lahat ang Quran at mula sa mga matitibay
lamang na mga Hadith ng Propeta Muhammad -sallallahu alayhi
wa sallam-.

1. Sa buwan na ito nagsimulang ibaba ni Allah ang Quran dito


sa mundo. Sa buwan na ito ipinahayag ang kauna-unahang
rebelasyon kay Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam)
na dinala ng anghel na si Jibril (alayhis salam) ang ayah na “Iqra
bismi Rabbikal ladhi khalaq”. Sinabi ni Allah:
185 ‫﴾ سورة البقرة آية‬       ﴿
“Ang buwan ng Ramadhan kung saan ibinaba ang Quran
bilang gabay sa sangkatauhan.”

2. Sa buwan ding ito ng Ramadhan ibinaba ang iba pang mga


banal na aklat ni Allah.
ُ‫ت التَّ حوَراة‬ِ َ‫ضا َن وأُنح ِزل‬ ‫م‬‫ر‬ ‫ن‬ ‫م‬ِ ‫ أُنح ِزلَت صحف إِب ر ِاهيم أََّو َل لَي لَ ٍة‬:‫ال رسو ُل هللاِ ﷺ‬
َ َ ََ ‫ح ح‬ َ ‫ح ُ ُ ُ حَ ح‬ ‫قَ َ َ ُ ح‬
ِ ‫ضا َن وأُنح ِزَل اح ِإل حِنيل لِثَ َال‬ ِ ِ‫ل‬
َ ‫ت ِم حن َرَم‬
‫ضا َن‬ ‫ل‬
َ ‫خ‬ ٍ َ‫ث عشرةِ لَي ل‬
‫ة‬ ‫م‬ ‫ر‬ ‫ن‬ ِ ‫ضْي‬
‫م‬ ‫م‬ ‫ت‬ٍ ‫س‬
‫َ َ ح َ ح‬ ُ‫ح‬ َ َ ََ ‫َ ح َ ح‬ َ
ِ ِ ِ‫الزبور ل‬
‫ت‬‫ضا َن َوأُنح ِزَل الح ُقحرآ ُن ألَحربَ ٍع َوع حش ِريح َن َخلَ ح‬ َ ‫ت ِم حن َرَم‬ ‫شرةٍ َخلَ ح‬ ِ
َ َ َ ُ َُّ ‫َوأُنحزَل‬
‫ع‬ ‫ان‬ ‫م‬َ‫ث‬ ِ
‫ حديث حسن‬.‫ رواه أمحد‬.‫ضا َن‬ َ ‫ِم حن َرَم‬
16
Sinabi ng Rasulullah (sallallahu alayhi wa sallam), “Ipinahayag
(ibinaba) ang Suhuf ni Ibrahim sa unang gabi ng Ramadhan, at
ipinahayag ang Torah pagkatapos ng ikaanim na gabi ng
Ramadhan, at ang Injil ay ipinahayag na labing tatlong gabi ang
nakalipas sa Ramadhan, at ang Zabur ay ipinahayag na labing
walong gabi na ang nakalipas sa Ramadhan, at ang Quran ay
ipinahayag na ikadalawampu’t apat na gabi ang nakalipas sa
Ramadhan.” [Ahmad]

3. Binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso.

4. Isinasara ang mga pintuan ng Impiyerno.

5. Ikinakadena ang mga shaytan.

6. Araw-araw sa buwan ng Ramadhan ay nagpapalaya si Allah


ng mga tao sa Impiyerno.
ِ
َ ‫ت أََّو ُل لَحي لَ ٍة ِم حن َرَم‬
‫ضا َن‬ ‫ إِ َذا َكانَ ح‬:‫ال َر ُس حو ُل هللا ﷺ‬ َ َ‫ ق‬:‫ال‬َ َ‫َع حن أَِيب ُهَريح َرةَ ق‬
‫اب النَّا ِر فَلَ حم يُ حفتَ حح ِمحن َها َِبب‬ ‫و‬ ‫ب‬َ‫أ‬ ‫ت‬ ‫ق‬
َ ِ‫اطْي ومردةُ اح حلِ ِن وغُل‬ ِ ‫ت الشَّي‬ ِ ‫ص ِف َد‬
ُ َ‫ح‬ ‫ح‬ َ َ ََ َ ُ ‫ح‬ َ ُ
‫اب ا حلَن َِّة فَلَ حم يُ حغلَ حق ِمحن َها َِبب َو َن َدى ُمنَ ٍاد َي َِبغِ َي ح‬
‫الَحِْي أَقحبِ حل َوَي‬ ‫و‬ ‫ب‬َ
ُ َ‫َ َ ح‬‫أ‬ ‫ت‬
‫ح‬ ‫ح‬ ِ‫وفُت‬
ِ
‫ رواه ابن ماجه‬.‫ك ِيف ُك ِل لَحي لَ ٍة‬ َ ‫صحر َوَِّّلِلِ عُتَ َقاءُ ِم َن النَّا ِر َو َذل‬ ِ ‫َِبغِي الش‬
ِ ‫َّر أَقح‬
َ
.‫وصححه األلباين‬

7. Sa buwan na ito matatagpuan ang Laylatul Qadr. Ito ang


gabi na ang iyong pagsamba ay may katumbas na higit pa sa isang
libong buwan. Sinabi ni Allah,
             ﴿

             

5-1 ‫﴾ سورة القدر آية‬      
“Katotohanang ibinaba namin ito (ang Quran) sa Gabi ng
Qadr. [1] At ano ang nagpaalam sa iyo kung ano ang Gabi ng Qadr?
[2] Ang Gabi ng Qadr na higit pa sa isang libong buwan. [3] Dito’y
pumapanaog ang mga anghel at ang Ruh (Jibril) sa kapahintulutan
ng kanilang Panginoon na may dalang kapasiyahan sa lahat. [4]

17
Kapayapaan hanggang sa pagsapit ng bukang liwayway. [5]
[Suratul Qadr]
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sinuman
ang magsumikap (sa pagsamba) sa gabi ng Qadr nang may
pananampalataya at hangaring makakuha ng gantimpala ay
ipapatawad sa kanya ang kanyang mga nakaraang kasalanan.”

8. Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Ang


pagsasagawa ng umrah sa Ramadhan ay katulad ng pagsasagawa
ng Hajj na ako’y kanyang kasama.” [Al-Bukhari]
.‫ رواه البخاري‬.‫ضا َن َك َح َّج ٍة َمعِي‬ ِ ِ
َ ‫ عُ حمَرة ِيف َرَم‬:‫ل َق حول ِه ﷺ‬
Kaya’t sinuman ang may kakayahan na magsagawa ng umrah
sa buwan na ito ay gawin niya dahil na rin sa napakalaking
kahigitan nito.

9. Sa buwan na ito ay may Salatut Tarawih na hindi


matatagpuan sa ibang mga buwan. Ang pagdarasal ng salatut
tarawih ay may napakalaking gantimpala. Kabilang na rito ang
sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-,
.‫ متفق عليه‬.‫احتِ َس ًاِب غُ ِفَر لَهُ َما تَ َق َّد َم ِم حن َذنحبِ ِه‬
‫ضا َن إِحيَا ًن َو ح‬
َ ‫َم حن قَ َام َرَم‬
“Sinuman ang magsagawa ng mga salah sa (mga gabi ng)
Ramadhan nang may pananampalataya at hangaring makakuha
ng gantimpala ay ipapatawad sa kanya ang kanyang mga
nakaraang kasalanan.” [Al-Bukhari at Muslim.]

10. Ito rin ay buwan ng pagbibigayan.


‫اس‬ ِ َّ‫ َكا َن َر ُس حو ُل هللاِ ﷺ أَ حج َوَد الن‬:‫ال‬
ِ َّ‫اس أَي أَ حكَرم الن‬ َ َ‫اس ق‬ ٍ َّ‫َع ِن ابح ِن َعب‬
.‫ متفق عليه‬.‫ضا َن‬ َ ‫َوَكا َن أَ حج َوَد َما يَ ُك حو ُن ِيف َرَم‬
Iniulat ni Ibnu Abbas -radiyallahu ánhuma-, “Ang Rasulullah -
sallallahu álayhi wa sallam- ang siyang pinakamapagbigay, at higit
siyang mapagbigay sa buwan ng Ramadhan.” [Iniulat ni Al-Bukhari
at ni Muslim.]
Ang pagbibigay ng sadaqah lalo na kapag buwan ng
Ramadhan ay may napakaraming gantimpala. Marami rin sa mga
Muslim na kanilang ibinibigay ang kanilang zakah sa buwan na ito.
At yaon ay higit na mainam. Kasama pa roon ay huwag nating
kalilimutan ang pagbibigay ng zakatul fitr bago dumating ang
Salatul Eid. Pati yaong pagpapa-iftar sa mga nag-aayuno, kung
saan, sa bawat Muslim na iyong mapa-iftar ay makakakuha ka ng
18
gantimpalang katulad ng kanyang pag-aayuno. Samakatuwid,
kung may sampung tao kang napa-iftar ay para ka na ring
nakapag-ayuno ng sampung beses.

11. Masasabi rin nating ito ay buwan ng maraming


gantimpala’t mga biyaya’t mga kabutihan at mga aral. Ito ay dahil
na rin sa napakaraming mga kabutihan na maidudulot nito at mga
aral na matututunan natin mula rito, at mga gantimpala’t biyaya
na makukuha natin mula kay Allah. Alam nating ito ay nabanggit
sa napakaraming mga dalil mula sa Quran at Hadith. Alam rin
natin na walang buwan sa loob ng isang taon ang pinuno ni Allah
subhanahu wa ta’ala ng mga gantimpala na makahihigit pa sa
buwan ng Ramadhan.

12. Buwan ng i’tikaf.


Ang Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam- ay nagsasagawa
ng i’tikaf sa huling sampung araw ng buwan na ito ng Ramadhan.
Katunayan, ay nagsagawa rin siya ng dalawampung araw na i’tikaf
sa huling Ramadhan ng kanyang buhay. Ang i’tikaf ay ang
pananatili sa loob ng masjid upang magsagawa ng mga pagsamba
mula sa pagsasagawa ng mga salah, pagbabasa ng Quran, mga
dhikr, pag-aaral sa Islam at iba pang mga pinahintulutang mga
gawaing pagsamba.

13. Ito lamang ang natatanging buwan na nabanggit mismo


sa Quran.
14. Ito ang pinakamainam na buwan sa buong taon.

15. Ang pagbibigay ng Zakatul Fitr sa mga mahihirap kapag


patapos na ang Ramadhan.

16. Ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Eidul Fitr kapag


tapos na ang Ramadhan sa unang araw ng buwan ng Shawwal.

17. Higit sa lahat, ito ay buwan ng pag-aayuno kung saan ang


pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan ang siyang ikaapat sa limang
haligi ng Islam. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan ay may
mga natatanging mga gantimpala’t mga biyaya na iba pa sa mga
nabanggit rito.
Ya Allah! Gabayan Mo po kami at ibilang sa mga masisipag at
magsisipagwagi sa buwan ng Ramadhan. Ameen.
19
Mga Gantimpala ng Pag-aayuno

Ang mga susunod ay ilan lamang sa mga gantimpala at


kapakinabangan ng pag-aayuno na nabanggit mula sa Quran at
mapagkakatiwalaang mga Hadith. Ito ay makakamit lamang natin
kung tunay ang ating pag-aayuno, tapat na para lamang kay Allah,
at naiayon natin sa tamang pamamaraan ng ating mahal na
Propeta Muhammad -sallallahu álayhi wa sallam-. Narito.

1. Dalawang kasiyahan.
‫ِح بِ ِفطح ِرهِ َوإِ َذا لَ ِق َي‬
‫ر‬ ‫ف‬
َ ‫ر‬‫ط‬
َ ‫ف‬
‫ح‬ َ
‫أ‬ ‫ا‬ ‫ذ‬
َ ِ َ‫لصائِِم فَرحت‬
ِ‫ إ‬:‫ان يَ حفر ُح ُهما‬ َّ ِ‫ ول‬:‫ول هللاِ ﷺ‬ ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
َ َ َ َ َ ‫ح‬ َ
.‫ رواه النسائي وصححه األلباين‬.‫ص حوِم ِه‬ َ ِ‫ِح ب‬
َ ‫َربَّهُ فَر‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Dalawang
kasiyahan ang makakamit ng nag-aayuno na magpapasaya sa
kanya: (1) kasiyahan sa kanyang pagkain ng iftar at (2) kapag
makita niya ang kanyang Panginoon ay masisiyahan siya dahil sa
kanyang pag-aayuno.” [An-Nasai]

2. Ang hininga ng nag-aayuno ay higit na mainam kay Allah


kaysa sa napakabangong misk.
ِ‫الصائِِم أَطحيب عِحن َد هللا‬
َّ ِ
‫م‬ ‫ف‬
َ ‫ف‬
ُ ‫و‬ ‫ل‬
ُ ‫ل‬
َ ِ‫ والَّ ِذي نَ حفس ُُم َّم ٍد بِي ِده‬:‫ول هللاِ ﷺ‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
ُ َ ‫ح‬ َ َ َ ُ َ
.‫ صحيح الامع‬.‫ك‬ ِ ‫ِمن ِري ِح الح ِمس‬
‫ح‬ ‫ح ح‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sumpa
man sa Kanyang (nasa kanyang kamay) may hawak ng buhay ni
Muhammad, ang pagbabago ng amoy ng hininga ng nag-aayuno
ay mas mabango kay Allah kaysa sa amoy ng misk.” [Sahihul Jami’]

3. Naglilinis ng ating mga puso.


ِ ِ ِ ُ ‫ال رس‬
‫ صحيح‬.‫الص حد ِر‬ َ ‫ َوثَالثَة أ ََّيٍم م حن ُك ِل َش حه ٍر يَ حذ َه ح‬:‫ول هللا ﷺ‬
َّ ‫ْب َو َحَر‬ ُ َ َ َ‫ق‬
.‫الامع‬
Sinabi ng Rasulullah sallallahu álayhi wa sallam, “At ang pag-
aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan ay nag-aalis ng
masasama (inggit, pagmamalaki, galit atbp.) sa dibdib.” [Sahihul
Jami’]

20
4. Katanggap-tanggap na panalangin.
َّ ُ‫ َوَد حع َوة‬،ِ‫ات الَ تَُرُّد َد حع َوةُ الََوالِ ِد لَِولَ ِده‬
،‫الصائِِم‬ ٍ ‫ث د حعو‬
َ َ ُ ‫ال‬
َ َ‫ث‬ :‫ﷺ‬ ِ‫ول هللا‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
.‫ أخرجه أمحد وصححه ابن حبان‬.‫َوَد حع َوةُ الح ُم َسافِ ِر‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Tatlong
panalangin na hindi tatanggihan: ang panalangin ng magulang
para sa kanyang anak, panalangin ng nag-aayuno, at panalangin
ng manlalakbay.” [Ahmad]

5. Magandang kamatayan.
‫صيَ ِام يَ حوٍم َد َخ َل ح‬
.‫ صحيح الامع‬.َ‫الَنَّة‬ ِ ِ‫ من ختِم لَه ب‬:‫ول هللاِ ﷺ‬
ُ َ ُ ‫َح‬ ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sinuman
ang mamatay habang nag-aayuno ay makakapasok sa Paraiso.”
[Sahihul Jami’. Matibay na hadith ayon kay Albani.]

6. Nagtuturo sa atin ng pagtitiis, pagtitimpi, at


pagpapasensiya.
‫ متفق‬.‫ إِِين حامُرؤ صائم‬:‫ فَلحيَ ُق حل‬،ُ‫ فَإِ حن َسابَّهُ أَ َحد أَحو قَاتَلَه‬:‫ول هللاِ ﷺ‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
.‫عليه‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “At kung
may umaalipusta sa kanya o nakikipag-away ay sabihin niyang,
‘Ako ay nag-aayuno (magtimpi at huwag niyang patulan).’” [Al-
Bukhari at Muslim]
.‫ صحيح الامع‬.‫ص حَِب‬
َّ ‫ص حوُم َش حه ِر ال‬
َ :‫ض ا‬
ً ‫ال ﷺ أَيح‬
َ َ‫َوق‬
Sinabi pa ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “(Ito ay)
pag-aayuno na buwan ng pagtitiis.” [Sahihul Jami’]

7. Espesyal na gantimpala.
ِ ‫ ُك ُّل عم ِل اب ِن آدم لَه إَِّال‬:‫ قال هللا ﷻ‬:‫ول هللاِ ﷺ‬
‫ فَإِنَّهُ ِل َوأَ َن‬.‫الصيَا ُم‬ ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
ُ ََ ‫ََ ح‬ ُ
.‫ متفق عليه‬.‫أَ حج ِزي بِ ِه‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sinabi ni
Allah, ‘Lahat ng gawain ng anak ni Adam ay sa kanya (may
nakatakdang gantimpala) maliban sa pag-aayuno, sapagkat Ako
mismo ang maggagantimpala nito.” [Muttafaqun álayhi]

21
8. Tagapamagitan (Shafaáh) sa Araw ng Paghuhukom.
‫ َرب‬:‫الصيَ ُام‬ِ ‫ ي ُقو ُل‬،‫ان لِلحعب ِد‬ ِ ‫الصيام والح ُقرآ ُن ي حش َفع‬ ِ :‫ول هللاِ ﷺ‬ ُ ‫ال َر ُس‬َ َ‫ق‬
‫َ ُ َ ح َ َ َح َ ح‬
‫ َرب َمنَ حعتُ ُه‬:‫ َويَ ُق حو ُل الح ُقحرآ ُن‬،‫اب ِِبلنَّ َها ِر؛ فَ َش ِف حع ِن فِحي ِه‬ َّ ‫إِِين َمنَ حعتُهُ الطَّ َع َام َو‬
َ ‫الشَر‬
.‫ رواه أمحد والطَباين‬.‫ان‬ ِ ‫ فَي َش ِفع‬،‫النَّوم ِِبللَّي ِل؛ فَ َش ِفع ِن فِي ِه‬
َ ُ ‫ح ح‬ ‫حَ ح‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Ang pag-
aayuno at ang Quran ay mamamagitan sa alipin. Sasabihin ng
ayuno, ‘O Panginoon, katotohanang pinigilan ko siyang kumain at
uminom sa araw, kaya’t pahintulutan Ninyo akong mamagitan sa
kanya.’ At sasabihin ng Quran, ‘O Panginoon, katotohanang
pinigilan ko siyang matulog sa gabi, kaya’t pahintulutan Ninyo
akong mamagitan sa kanya.’ At ang kanilang pamamagitan ay
tatanggapin ni Allah.” [Ahmad at At-Tabrani]

9. Eksklusibong pintuan sa Paraiso.


‫الصائِ ُم حو َن يَ حوَم‬
َّ ُ‫ يَ حد ُخ ُل ِمحنه‬،‫الرَّي ُن‬ ُ ‫ إِ َّن ِيف ا حلَنَّ ِة َِب ًِب يُ َق‬:‫ول هللاِ ﷺ‬
َّ ُ‫ال لَه‬ ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
.‫ متفق عليه‬.‫ الَ يَ حد ُخ ُل ِمحنهُ أَ َحد َغ حْيُُه حم‬،‫الح ِقيَ َام ِة‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-,
“Katotohanang sa Paraiso ay may pintuang tinatawag na Ar-
Rayyan, papasok dito ang mga magagaling mag-ayuno sa Araw ng
Paghuhukom at walang papapasukin doon maliban lamang sa
kanila.” [Muttafaqun álayhi]

10. Nabubura ang mga kasalanan.


.‫َّم ِم حن َذنحبِ ِه‬
‫د‬ ‫ق‬
َ ‫ت‬
َ ‫ا‬ ‫م‬ ‫ه‬َ‫ل‬ ‫ر‬‫ف‬ِ ُ‫ من صام رمضا َن إِحيَا ًن واحتِساِب غ‬:‫ول هللاِ ﷺ‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
َ َُ َ ًَ ‫َ ح‬ َ ََ َ َ ‫َ ح‬
.‫صحيح الرتغيب والرتهيب‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sinuman
ang mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan nang buong
pananampalataya at upang makamit ang gantimpala (mula kay
Allah) ay ipapatawad sa kanya ang kanyang mga naunang
kasalanan.” [Sahihut Targhib wat Tathib]

11. Itinutulak palayo ang mga masasamang fitnah.


ِ ‫الرج ِل ِيف أَهلِ ِه ومالِِه ونَ حف ِس ِه وولَ ِدهِ وجا ِرهِ ي‬
‫كفُرَها‬ َّ ‫ة‬
ُ ‫تن‬ِ‫ ف‬:‫ول هللاِ ﷺ‬ ُ ‫ال َر ُس‬َ َ‫ق‬
ُ َ َ ََ َ ََ ‫ح‬ ُ
.‫ الرتمذي‬.‫ف َوالن حَّه ُي َع ِن الح ُمحن َك ِر‬ِ ‫الص َدقَةُ و حاألَمر ِِبلحمعرو‬
َّ ‫و‬ ‫ة‬
ُ ‫ال‬
َ ‫الص‬
َّ ‫و‬ ‫ام‬ ‫ي‬ ِ
‫الص‬
‫ح‬
‫َ ُ َ ُح‬ ‫ح‬ َ ََُ

22
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Ang fitnah
ng lalake sa kanyang pamilya, kayamanan, sarili, anak, at
kapitbahay ay inilalayo ng pag-aayuno, pagdarasal, kawanggawa,
pag-uutos ng mabut, at pagbabawal ng masama.” [At-Tirmidhi]

12. Pananggalang mula sa mga parusa at sa Impiyerno.


.‫ رواه البيهقي‬.‫الص حوُم ُجنَّة يَ حستَ ِج ُّن ِبَا الح َعحب ُد ِم َن النَّا ِر‬
َّ :‫ول هللاِ ﷺ‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Ang pag-
aayuno ay pananggalang ng alipin mula sa Impiyerno.” [Al-
Bayhaqi]. Nabanggit din sa isang matibay na hadith na ang
sinumang mag-ayuno habang siya ay nasa landas ni Allah ay
ilalayo siya ni Allah sa Impiyerno ng pitumpung taon.
13. Magkakamit ng kakaibang mga silid sa Paraiso.
ِ َ‫ إِ َّن ِيف ا حلنَّ ِة غُرفًا ي رى ظ‬:‫ول هللاِ ﷺ‬
‫اهُرَها ِم حن َِب ِطنِ َها َوَِب ِطنُ َها ِم حن‬ ُ ‫ال َر ُس‬ َ َ‫ق‬
َُ َ َ
‫صلَّى‬ ‫و‬ ‫ام‬ ‫ي‬ ِ ‫اَل لِمن أَطحعم الطَّعام وأََال َن الح َك َالم و َتبع‬
‫الص‬ َ ‫ع‬ ‫ت‬
َ ‫هللا‬ ‫ا‬ ‫ه‬ ‫د‬
َّ ‫ع‬ َ
‫أ‬ ‫ا‬ ‫ه‬‫ر‬ِ ِ َ‫ظ‬
‫اه‬
َ َ َ َ ََ َ َ َ َ َ ََ ‫ُ َ َ ح‬ َ َ َ
.‫ رواه الرتمذي‬.‫اس نِيَام‬ َِّ ِ
ُ َّ‫ِبللي ِل َوالن‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-,
“Katotohanang sa Paraiso ay may mga silid na nakikita sa labas
nito ang nasa loob at sa loob nito ang nasa labas, na inihanda ni
Allah sa sinumang nagpapakain (sa mga nangangailangan),
mahinahon sa pagsasalita, madalas na nag-aayuno, at nagdarasal
sa gabi habang ang mga tao ay natutulog.” [At-Tirmdhi]
14. Ang pag-aayuno ay walang katulad.
َّ ‫اّلِلِ ُم حرِين ِِب حَم ٍر يَحن َفعُ ِن‬
.‫اّلِلُ بِ ِه‬ َّ ‫ول‬َ ‫ َي َر ُس‬:‫ت‬ َ َ‫اهلِي ق‬
ُ ‫ قُ حل‬:‫ال‬
ِ ‫عن أَِيب أُمامة الحب‬
َ ََ ‫َح‬
.‫ صحيح الامع‬.ُ‫لص حوِم فَإِنَّهُ َال ِمثح َل لَه‬ َّ ‫ك ِِب‬
َ ‫ َعلَحي‬:‫ال‬
َ َ‫ق‬
Iniulat ni Abu Umamah -radiyallahu ánhu-, “Sinabi ko, O Sugo
ni Allah, utusan mo po ako ng gawaing sa pamamagitan nito ay
gagantimpalaan ako ni Allah.’ Ang tugon niya -sallallahu álayhi wa
sallam- ay, ‘Ikaw ay mag-ayuno sapagkat ito ay walang katulad.’”
[Sahihul Jami’]
15. Proteksyon laban sa pangangalunya at pakikiapid.
‫اع ِمحن ُك ُم الحبَاءَةَ فَلحيَ تَ َزَّو حج فَإِنَُّه‬َ‫ط‬ ‫ت‬ ‫اس‬ ِ
‫ن‬ ‫م‬ , ِ
‫اب‬ ‫ب‬ ‫الش‬
َّ ‫ر‬ ‫ش‬ ‫ع‬ ‫م‬ ‫ي‬ :‫ﷺ‬ ِ‫ول هللا‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
َ
َ ‫َ َح َ َ َ ح‬ َ
.‫لصيَ ِام فَإِنَّهُ لَهُ َو َجاء‬ ِ ‫ض لِلحبص ِر وأَحصن لِلح َفرِج فَإِ حن َل يستَ ِطع فَعلَي ِه ِِب‬
‫حَح ح َح‬ َ ُ َ ‫أَ َغ ُّ َ َ َ ح‬
.‫صحيح الامع‬
23
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “O mga
binata, sinuman sa inyo ang may kakayahang mag-asawa ay mag-
asawa na. Sapagkat ito ay proteksiyon ng mata (laban sa tukso) at
pag-iingat sa inyong puri. Kung hindi pa kaya ay kailangang mag-
ayuno dahil ito ang makapagpipigil nito (pagnanasang sekswal).
[Sahihul Jami’]

16. Pinuri ni Allah at may napakalaking gantimpala.


    ﴿ :‫قال هللا ﷻ‬
     

    

     

‫﴾ سورة األحزاب‬        
35 ‫آية‬
Sinabi ni Allah, “Katotohanang ang mga lalakeng sumuko kay
Allah at ang mga babaeng sumuko kay Allah… ang mga lalakeng
nag-aayuno at ang mga babaeng nag-aayuno… sila ay
pinaghandaan ni Allah ng kapatawaran at napakalaking
gantimpala.” [Suratul Ahzab Ayah 35]

17. Magkakaroon tayo ng takot at magiging malapit kay


Allah. Alam nating anumang gawaing mabuti ay magpapalapit sa
atin kay Allah at isa na roon ang pag-aayuno. At isa sa mga
palatandaan na tama ang ating ginagawang pag-aayuno ay kung
ang naging bunga nito sa atin ay nagkaroon tayo ng takot kay Allah
sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga ipinagbawal Niya.
        ﴿ :‫قال هللا ﷻ‬
183 ‫﴾ سورة البقرة آية‬     
Sinabi ni Allah, “O kayong mga mananampalataya, inobliga sa
inyo ang pag-aayuno katulad ng pagkakaobliga sa kanilang mga
nauna sa inyo upang kay ay magkaroon ng takot (kay Allah).”
[Suratul Baqarah Ayah 183]

24
Ang Kahulugan ng Pag-aayuno at Kanino Ito Obligado

Ano ang kahulugan ng pag-aayuno? Ang pag-aayuno, na sa


wikang Arabe ay tinatawag na sawm ‫ صوم‬o siyam ‫صيام‬, ay isang
paraan ng pagsamba sa Dakilang Allah sa pamamagitan ng pag-
iwas sa mga nakakasira nito, halimbawa nito ay pag-iwas sa
pagkain at pag-inom, mula sa pagsikat ng Fajr hanggang sa
paglubog ng araw.
Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan ay kabilang sa
limang haligi ng Islam. Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa
sallam-,
ِ ‫ و‬...‫س‬ ٍ‫بُِن ح‬
.‫ متفق عليه‬...‫ضا َن‬ َ َ ٍ ‫اإل حس َال ُم َعلَى َخَح‬
َ ‫ص حوم َرَم‬ َ
“Itinayo ang Islam sa limang haligi… at ang pag-aayuno sa
Ramadhan…” [Muttafaqun álayhi]
Ang pag-aayuno ay may dalawang haligi. (1) Ang intensyon
(niyah) sa gabi. Ang pagsasa-puso ng pag-aayuno nang may
katapatan kay Allah. Ang suhur (pagkain bago ang Fajr) ay
maaaring batayan ng intensiyon. (2) Ang pag-iwas sa mga
nakakasira nito mula sa pagsikat ng Fajr hanggang sa paglubog ng
araw.
Sino ang obligadong mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan? Ito
ay obligado sa lahat ng Muslim na nasa wastong edad, nasa
tamang pag-iisip, kanyang kakayanin, hindi manlalakbay, at
walang ibang sagabal. Samakatuwid ang hindi Muslim o kafir ay
hindi obligadong mag-ayuno sa Ramadhan.
Masasabi namang nasa wastong edad o tinatawag na baligh
‫ بالغ‬ang isa sa mga sumusunod: (a) Umabot sa 15 taon sa
kalendaryong Hijrah o humigit kumulang 13 ½ sa kalendayong
Gregorian, (b) tinubuan ng buhok sa maselang bahagi ng katawan,
(c) nakaranas ng wet dream, (d) kung ang babae ay dinatnan na
ng regla, o (e) nabuntis.
Ang taong kanyang kakayanin o qadir ‫ قادر‬ay yaong hindi
makapipinsala sa kanya ang pag-aayuno. Hindi siya labis na
mahina dahil sa katandaan o kaya’y wala siyang sakit na maaaring
lumala o makapipinsala sa kanya kung siya ay mag-aayuno.
Ang taong hindi manlalakbay o muqim ‫ مقيم‬ay yaong nasa
kanyang bayan at hindi nagbibiyahe o hindi lumabas ng kanyang
bayan o siyudad na tinitirhan patungo sa ibang bayan o siyudad.
Ang maituturing na sagabal ay yaong babaeng kasalukuyang
dinurugo sanhi ng regla (haydh) o panganganak (nifas).

25
Mga Klase ng Tao sa Pag-aayuno

1. Ang pag-aayuno ay obligado sa lahat ng Muslim na baligh,


áqil, qadir, muqim at walang sagabal (babaeng walang haydh o
nifas).

2. Hindi obligado ang pag-aayuno sa kafir at hindi niya


mababayaran ang mga ito kung sakaling siya ay mag-Muslim.

3. Ang hindi pa umabot sa wastong edad ay hindi obligado sa


kanila ang pag-aayuno sa Ramadhan, subalit kailangan na sanayin
sila at dito ay nakakakuha pa rin sila ng gantimpala.

4. Ang baliw o wala sa tamang pag-iisip ay hindi obligado sa


kanya ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. Pumapasok sa
kalagayang ito ang mga matatanda na minsan ay nawawala sa
katinuan at minsan ay bumabalik sa katinuan. Gayundin yaong na-
comatose at muling gumaling. Kung bumalik sa katinuan, ay hindi
niya mababayaran ang mga nakalipas sa panahong siya ay wala sa
tamang pag-iisip.
Hindi pasok dito yaong nawala sa katinuan sanhi ng alak,
bawal na gamot o anumang sinadyang masamang gawain. Sila ay
magkakasala, mananagutan at magbabayad.

5. Ang taong di niya kakayanin dahil sa katandaan o kaya ay


dahil sa sakit na wala ng pag-asang gumaling ay kailangang
magpakain ng miskin (taong mahirap) araw-araw sa buwan ng
Ramadhan. Ang tawag sa pagpapakain na ito ay fidyah.

6. Ang taong may sakit na may pag-asa pang gumaling ay


mababayaran niya ang mga hindi niya napag-ayunuhan sa mga
araw pagkatapos ng Ramadhan na siya ay magaling na.

7. Ang babaeng may regla o nifas (babaeng kapapanganak at


may dugong lumalabas sa kanya na karaniwang tumatagal ng 40
araw) ay hindi dapat mag-ayuno at mababayaran niya ito.

8. Ang buntis at babaeng nagpapasuso sa sanggol kung


mahihirapan sa pag-aayuno, o di kaya ay sa takot na makasama sa
kanyang kalusugan o kaya ay sa sanggol, ay maaaring hindi mag-
ayuno subalit mababayaran niya ito.
26
9. Ang manlalakbay ay maaaring hindi mag-ayuno subalit
kailangan niya itong mabayaran. Kung kanyang kakayanin ay
maaari rin naman na siya ay mag-ayuno at iyon ang mas mainam
upang wala na siyang aalalahanin pang babayaran pagkatapos ng
Ramadhan. Subalit kung siya ay mahihirapan dahil sa haba ng
biyahe o anupamang dahilan ay mas mainam na huwag siyang
mag-ayuno at bayaran na lamang niya ito pagkatapos ng
Ramadhan.

10. Ang taong nasira ang kanyang ayuno na hindi niya


sinasadya katulad ng pagsagip sa nalulunod at siya'y nakainom ay
nasira ang kanyang ayuno at ito ay kanya ring mababayaran.

11. Ang taong nakakain o nakainom dahil nakalimutan niyang


siya pala ay nag-ayuno ay hindi nasira ang kanyang ayuno subalit
kailangan niyang itigil agad ang kanyang pagkain o pag-inom at
magpatuloy sa pag-aayuno. Ayon sa hadith, siya ay pinakain at
pinainom ni Allah bilang biyaya sa kanya.

Kung nagpatuloy siya sa pagkain o pag-inom pagkatapos


niyang maalala na siya pala ay nag-aayuno ay nasira ang kanyang
ayuno at siya’y nagkasala ng malaking pagkakasala. Ang sadyang
pag-iwan o pagsira sa pag-aayuno sa Ramadhan ay kabilang sa
malalaking kasalanan.

27
Mga Nakakasira sa Pag-aayuno

1. Ang pagkain, pag-inom o anumang katumbas nito.


Kabilang na rin dito ang paninigarilyo. Ang nebulizer o inhaler na
bumabalik sa pagiging likido ay nakakasira rin ng pag-aayuno.
Subalit kung ito ay siguradong purong hangin ay hindi nakakasira
sa pag-aayuno.

2. Ang paggamit ng injection sakaling ito'y nakapagpapalakas


at maaaring kapalit ng pagkain. Ang mga halimbawa nito ay
dextrose, anesthesia, o yaong pampatanggal ng gutom sa mga
nagda-diet. Subalit kung ito'y hindi nakapagpapalakas katulad ng
mga gamot na bakuna o pagdo-donate ng dugo ay hindi
nakakasira.

3. Ang pagpapadagdag ng dugo. Ito ay inihahanay ng ating


mga ulama sa pagkain at pag-inom.

4. Ang pagtatalik sa oras ng pag-aayuno kahit walang


lumabas na semilya. Pati ang pagdidikit ng magkabilang maselang
bahagi ng katawan nang walang sapin ay maituturing na
pagtatalik. Ang parusa sa sinumang makagawa nito sa oras ng pag-
aayuno ay kailangang magpalaya ng alipin, kung hindi nila kaya ay
mag-ayuno ng dalawang buwan na tuluy-tuloy, at kung di pa rin
nila kaya ay magpakain ng (60) animnapung mahihirap.

5. Pagpapalabas ng semilya.
Narito ang pangkalahatang dalil ng mga nabanggit sa itaas:
ِ ِ َ َ‫ ق‬:‫ول هللاِ ﷺ‬
ُ‫ تَ َرَك َش حه َوتَهُ َوطَ َع َامه‬،‫ الصيَ ُام ِل َوأَ َن أَ حج ِزي بِه‬:‫ال هللاُ ﷻ‬ ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
.‫ رواه البخاري و مسلم‬.‫ِم حن أَ حجلِي‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sinabi ni
Allah, ‘Ang pag-aayuno ay Akin at Ako mismo ang
maggangantimpala nito. Iniwan niya ang kanyang pagnanasa at
pagkain para lamang sa Akin.’” [Al-Bukhari at Muslim]

6. Ang sadyang pagsusuka.


‫ضاء َوَم حن اِ حستَ َقاءَ َع حم ًدا‬
َ َ‫س َعلَحي ِه ق‬
َ ‫ي‬
‫ح‬ ‫ل‬
َ ‫ف‬
َ ‫ء‬
ُ ‫ي‬
‫ح‬ ‫ق‬
َ ‫ل‬
‫ح‬ ‫ا‬ ‫ه‬
ُ ‫ع‬
َ ‫ر‬
َ ‫ذ‬
َ ‫من‬ :‫ﷺ‬ ِ‫ول هللا‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
.‫ أخرجه أبو داود والرتمذي وابن ماجه‬.‫ض‬ ِ ‫فَ حليَ حق‬

28
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sinuman
ang magsuka nang di niya sadya ay magpatuloy sa pag-aayuno. At
sinuman ang sadyain niyang sumuka ay bayaran niya ang kanyang
nasirang pag-aayuno.” [Abu Dawud, Tirmidhi at Ibnu Majah]
Mahalagang malaman na ang mga naunang nabanggit sa
itaas ay hindi makakasira kung ito ay hindi sinasadya o sanhi ng
pagkalimot na siya pala ay nag-aayuno.

7. Pagdating ng regla o nifas (paglabas ng dugo pagkatapos


manganak ng babae). Awtomatikong masisira ang pag-aayuno ng
babae at haram sa kanyang ipagpatuloy ito. Kanya lamang
mababayaran ang dami ng araw na kanyang nakaligtaan
pagkatapos ng Ramadhan.
.‫ متفق عليه‬.‫ص حم‬َ‫ت‬ ‫ل‬
َ‫و‬ ِ
‫ل‬ ‫ص‬ُ‫ت‬ ‫ل‬
َ ‫ة‬
ُ َ
‫أ‬‫ر‬‫م‬‫ح‬‫ل‬ ‫ا‬ ِ ‫اض‬
‫ت‬ ‫ح‬ ‫ا‬ ‫ذ‬
َ ِ
‫إ‬ :‫ﷺ‬ ِ‫ول هللا‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
ُ ‫َح ح َ َ ح‬ َ َ
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Kapag
dinatnan ang babae ng regla ay hindi siya maaaring mag-salah at
mag-ayuno.” [Muttafaqun álayhi]
Ang mga hindi nabanggit sa itaas ay hindi nakakasira ng pag-
aayuno katulad ng hijamah (blood cupping) ayon sa mas akmang
opinyon ng mga ulama dahil na rin sa matibay na hadith na
nagsasabing ang Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam- ay
nagpatuloy sa kanyang pag-aayuno kahit na siya ay nagpa-
hijamah. Gayundin ang paggamit ng siwak o pagsisipilyo o
pagmumumog at pagsinghot ng tubig sa wudhu ay hindi
nakakasira ng pag-aayuno. Huwag lamang itong labisan.
Ang paggawa naman ng mga kasalanan ay katulad ng
panlilibak ay hindi nakakasira ng pag-aayuno subalit nakababawas
ng gantimpala nito at hindi imposibleng mas malaki ang
makuhang parusa ng tao dahil sa kanyang mga kasalanan sa araw
na iyon kaysa sa gantimpalang nakuha niya sa pag-aayuno.
Ang mga haka-haka na walang katibayan mula sa Quran o
Hadith katulad ng pag-iyak, paglunok sa laway, pagligo sa hapon,
pagpasok ng tubig sa tainga o mata, pagputol ng buhok o kuko ay
hindi nakakasira sa pag-aayuno.
Hindi rin nakakasira ng pag-aayuno ang pagtikim sa niluluto
para sa iftar basta’t simpleng tikim lamang sa dulo ng dila at agad-
agad din itong idudura para hindi pumasok sa lalamunan. Subalit
higit na mainam na bago ito gawin ay maghanap muna ng bata o
yaong hindi nag-aayuno na siyang titikim ng iyong niluluto.

29
Mga Karunungang Hatid ng Pag-aayuno

1. Ang pag-aayuno ay pagkain ng kaluluwa. Magtatagumpay


ang kaluluwa dahil dito. Ang tao ay binubuo ng katawan at
kaluluwa. Kung may mga pangangailangan ang katawan ay
gayundin ang kaluluwa.

2. Nakakabuti ang pag-aayuno sa katawan. Inaalis nito ang


mga maruruming bagay na nakapasok sa bituka sa loob ng isang
taon at pinagpapahinga ang sikmura sa labis na pagkain.

3. Pagsasanay para sa sarili ng pagtitiis at pagtitimpi.

4. Naaalala ng Muslim ang lawak ng biyaya sa kanya ni Allah.


Sa panahong siya ay gutom at uhaw ay mas mararamdaman niya
ang pagpapasalamat sa panahong siya ay hindi na gutom at uhaw.

5. Paalala sa mga mayayaman. Ipinapaalala at ipinaparanas


sa mga mayayaman ang mahirap na kalagayan ng mga dukha
upang sila ay maging maawain at mapagbigay sa mga ito.

6. Nagtuturo ng ikhlas. Natututunan ang tunay at ganap na


katapatan sa pagsamba kay Allah.

7. Napapatatag nito ang samahan ng pamilya at mga


kaibigan. Dahil na rin sa sabay-sabay na pagkain sa iftar at suhur
sa loob ng isang buwan.

8. Walang dudang ang pag-aayuno ay nakapagpapatibay ng


pananampalataya. Ito ay dahil hindi lamang pag-aayuno ang
napapaloob sa buwan ng Ramadhan. Nariyan din ang pagbabasa
ng Quran, pagsasadaqah, pagpapa-iftar sa kapwa, pagtatarawih,
pag-ii’tikaf at iba pang mga mabubuting gawa na
nakapagpapataas ng ating pananampalataya kay Allah.

9. Dito nasusubok ang ating pagiging tunay na Muslim.


Sigurado akong sa bahaging ito ay hindi na nangangailangan pa ng
paliwanag sapagkat malinaw pa sa sikat ng araw ang bagay na ito.

30
Mga Dapat Malaman ng Bawat Muslim sa Ramadhan

1. Ang taong junub (yaong nakipagtalik o lumabas ang


semilya) ay maaaring mag-intensiyon at kumain ng suhur (pagkain
sa madaling araw). Subalit kailangan niyang maligo pagkatapos
nito para sa Salatul Fajr.
2. Obligado sa babae na kaaalis lamang ng kanyang haydh o
nifas na mag-ayuno at kailangan niyang maligo pagkatapos nito
para sa Salatul Fajr.
3. Obligado pa ring mag-ayuno kahit hindi nakakain sa suhur.
4. Maaaring magpapresko ang taong nag-aayuno katulad ng
pagligo anumang oras ng araw ng pag-aayuno. Maaaring gumamit
ng siwak sa oras ng pag-aayuno, bagkus ito ay gawaing sunnah at
kaaya-aya. Maaaring magmumog ang nag-aayuno o hugasan ang
kanyang labi basta't hindi ito makapasok sa kanyang lalamunan.
5. Maaaring magsipilyo ang nag-aayuno na may kasamang
toothpaste subalit ipinapayo ng mga ulama na mas mainam na
huwag itong gawin bilang pag-iingat.
6. Maaaring gumamit ang nag-aayuno ng krema, ointment,
eye drops, pagpapagamot na panlabas, at pag-amoy ng mabango.
7. Magpa-iftar ng nag-aayuno. Sa bawat taong iyong napapa-
iftar ay may gantimpalang katumbas ng kanyang pag-ayuno.
8. Paramihin ang dua habang nag-aayuno dahil katanggap-
tanggap ang mga kahilingan.
9. Sunnah ang dagliang pagkain sa pagpasok ng iftar at
pagpapahuli naman sa oras ng suhur.
10. Maging maingat sa pagkain. Ito ay kailangang halal.
11. Sa iftar ay sunnah na unahing kainin ang korma (dates),
at kung walang korma ay tubig.
12. Iwasan ang labis na pagkain sa iftar upang hindi antukin
at tamarin sa tarawih. Ang sobrang pagkabusog ay karaniwang
nagbubunga ng katamaran, pagkapagod, at pagkaantok.
13. Ang tarawih, qiyamul layl, at tahajjud ay halos
magkakasing-kahulugan.
14. Iwasan ang pakikipagtalo. Kapag may nais sa iyong
makipagtalo ay ipaalala sa kanya na kayo ay nag-aayuno.
15. Iwasan ang masama, sa salita man o sa gawa katulad ng
pagsisinungaling. Nabanggit sa hadith na hindi kailangan ni Allah
at hindi niya gagantimpalaan ang pag-aayuno ng taong hindi rin
niya iniwan ang pagsasalita ng masama at paggawa ng masama.

31
Ang Kahihinatnan ng Nagpabaya sa Ramadhan

1. Nabanggit sa isang hadith ng Rasulullah -sallallahu álayhi


wa sallam- na ang taong sinadya niyang sirain ang kanyang
obligadong pag-aayuno sa pamamagitan ng pagkain o iba pang
dahilan ay may parusa sa kabilang buhay na sila ay isasabit sa
pamamagitan ng kanilang pilayan (bandang itaas ng likod ng
tuhod) na ang kanilang mga bibig ay may punit at sila pinapainom
ng dugo.
Kung napakatindi ng parusa ng pagsira sa obligadong ayuno
ay paano na lamang yaong hindi talaga nag-aayuno?
‫ بَحينا أَ َن َنئِم إِ حذ‬:‫ت َر ُس حو َل هللاِ ﷺ يَ ُق حو ُل‬ ‫ع‬ ‫س‬َِ :‫ال‬ َ ‫ق‬
َ ‫ي‬ ِ‫اهل‬
ِ ‫عن أَِيب أُمامةَ الحب‬
ُ ‫ح‬ َ ََ ‫َح‬
:‫ فَ َق َاال‬،‫ض ُد) فَأَتَيَا ِيب َجبَ ًال َوعًِرا‬ ُ ‫الع‬َ َُ ُ ‫ح‬‫و‬ ‫ه‬ ‫ع‬ ‫ب‬ ‫(الض‬
َّ ‫ي‬َّ ‫ع‬
َ‫ح‬ ‫ب‬‫ض‬َ ِ
‫ب‬ ‫ا‬ ‫ذ‬
َ ‫خ‬
َ َ
‫أ‬ ‫ف‬
َ ِ ‫أَ َتِين رج َال‬
‫ن‬ َُ
‫ت‬ ‫ن‬
‫ح‬ ‫ك‬
ُ ‫ا‬ ‫ذ‬
َ ِ
‫إ‬ ‫ّت‬
َّ ‫ح‬ ‫ت‬ ‫د‬
‫ح‬ ‫ع‬ ‫ص‬ ‫ف‬
َ . ‫ك‬َ َ‫ل‬ ‫ه‬ُ‫ل‬‫ه‬ِ ‫س‬ ‫ن‬
ُ ‫س‬ َّ
‫ن‬ ِ
‫إ‬ : ‫اال‬ َ ‫ق‬
َ ‫ف‬
َ . ‫ه‬ ‫ق‬
ُ ‫ي‬‫ط‬ِ ُ‫ إِِين َال أ‬:‫اِصع حد فَ ُقلحت‬
ُ َ ُ ََ ُ َ َ ُ ‫ح‬ ُ َ‫ح‬
‫ َه َذا عُ َو ُاء‬:‫ات؟ قَالُحوا‬ ِِ ٍ ِ ٍ َ‫ِيف سو ِاء ا حلب ِل إَ َذا ِب‬
ُ ‫ص َو‬ ‫ َما َهذه حاألَ ح‬:‫ت‬ ُ ‫ قُلح‬،‫ص َوات َشديح َدة‬ ‫َ ح‬ ََ َ َ
،‫ ُم َش َّق َقةً أَ حش َداقُ ُه حم‬،‫ْي بِ َعَراقِحيبِ ِه حم‬ ِ ٍ
َ ‫ ُُثَّ انحطَلَ َقا ِيب فَإِ َذا أَ َن بِ َق حوم ُم َعلَّق ح‬.‫أَ حه ِل النَّا ِر‬
‫ َه ُؤَال ِء الَّ ِذيح َن يُ حف ِطُرحو َن قَ حب َل َُِتلَّ ِة‬:‫ال‬ َ َ‫ َم حن َه ُؤَال ِء؟ ق‬:‫ت‬ ِ
ُ ‫ قُلح‬،‫تَسحي ُل أَ حش َداقُ ُه حم َد ًما‬
1509 ‫ صححه األلباين يف صحيح موارد الظمآن برقم‬.‫ص حوِم ِه حم‬ َ
2. Iniulat ni Abu Hurayrah -radiyallahu ánhu- na ang
Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam- ay umakyat sa minbar at
nagsabi ng, “Ameen, Ameen, Ameen.” At may nagtanong sa
kanya, “O Sugo ni Allah, bakit mo iyon ginagawa (o sinasabi)? Ang
tugon niya ay, “Sinabi sa akin ni Anghel Jibril, “Pagkasira sa taong
inabutan ng Ramadhan subalit di niya nakamit ang kapatawaran.”
Sabi ko, “Ameeen.”
،‫ ِآمْي‬،‫ ِآمْي‬،‫ ِآم حْي‬:‫ال‬ َ ‫ول هللاِ ﷺ َرقِ َي الح ِمحن َََب فَ َق‬ َ ‫َع حن أَِيب ُهَريح َرةَ أَ َّن َر ُس‬
‫هللا‬ ‫م‬ ‫غ‬
َ ‫ر‬َ‫أ‬ : ‫ل‬‫ي‬ِ
‫َب‬ ِ ‫ال ِل‬
‫ج‬ َ ‫ق‬
َ : ‫ال‬
َ ‫ق‬
َ َ‫ف‬ ‫ا؟‬ ‫ذ‬
َ ‫ه‬ ‫ع‬ ‫ن‬ ‫ص‬ ‫ت‬
َ ‫ت‬ ‫ن‬
‫ح‬ ‫ك‬
ُ ‫ا‬ ‫م‬ ، ِ‫ول هللا‬
َ ‫س‬ ‫ر‬ ‫ي‬ : ‫ه‬َ‫ل‬ ‫يل‬ ِ َ‫ف‬
‫ق‬
ُ َ ‫ُ ح‬ ‫ح‬ ‫ح‬ َ ُ َ ‫ح‬ َ َ َُ َ َ ُ
‫ف‬ ِ َ َ‫ ُُثَّ ق‬،‫ ِآمْي‬:‫ فَ ُقلحت‬،‫ضا ُن فَلَم ي حغ َفر لَه‬ ِ ٍ
ُ ‫ َرغ َم أَنح‬:‫ال‬ ُ ُ ‫ف َعحبد َد َخ َل َعلَحيه َرَم َ ح ُ ح‬ َ ‫أَنح‬
‫ف‬ ِ َ َ‫ ُُثَّ ق‬،‫ ِآمْي‬:‫ فَ ُقلحت‬،َ‫عب ٍد أَ حدرَك والِ َدي ِه أَو أَح ُد ُها وَل ي حد ِخلحه ا حلنَّة‬
ُ ‫ َرغ َم أَنح‬:‫ال‬ ُ َ ُ ُ ‫َح َ َ ح ح َ َ َ ح‬
.3510 ‫ صحيح الامع‬.‫ ِآمْي‬:‫ت‬ َ ‫ص ِل َعلَحي‬ ِ ‫عب ٍد ذُكِر‬
ُ ‫ فَ ُقلح‬،‫ك‬ َ ُ‫ت عحن َدهُ فَلَ حم ي‬َ ‫َح ح‬
3. Sa isang hadith na halos katulad din nito ay tinukoy na sa
Impiyerno at ilalayo ni Allah ang kahahantungan ng taong hindi
32
niya nakamit ang kapatawaran sa buwan ng Ramadhan. Ito’y sa
kadahilanang hindi siya nag-ayuno ng tama at maayos.
.‫ ِآمْي‬،‫ ِآمْي‬،‫ ِآمْي‬:‫ال‬ َ ‫ص َع َد الح ِمحن َََب فَ َق‬ ِ َ ‫عن أَِيب هري رةَ أَ َّن رس‬
َ ‫ول هللا ﷺ‬ َُ َ ‫َ ح ُ َح‬
َ َ‫ ِآمْي ثَال‬:‫ت‬ ِ ‫ك ِحْي صع حد‬ ِ َ ‫ ي رس‬:‫ قِيل‬،‫فَلَ َّما نَزَل‬
‫ث‬ َ َ َ َ ‫ إِنَّ َ ح‬،‫ول هللا‬
َ ‫ قُ حل‬،‫ت الحمحن َََب‬ َُ َ َ‫َ ح‬
ُ‫ضا َن فَلَ حم يُ حغ َفحر لَه‬ َ ‫ َم َن أَ حد َرَك َش حهَر َرَم‬:‫ال‬ َ ‫ فَ َق‬،‫ إِ َّن ِج حَِبيح َل أَ َتِين‬:‫ال‬
َ ‫ فَ َق‬،‫ات‬ٍ ‫مَّر‬
َ
‫ َوَم حن أَ حد َرَك أَبَ َويح ِه أَحو‬.‫ْي‬ ِ ‫ فَ ُق حل‬.‫ ِآمْي‬:‫ قُل‬،‫فَمات فَ َدخل النَّار فَأَب ع َده هللا‬
َ ‫ آم ح‬:‫ت‬ ُ ‫َ َ َ َ َ حَ ُ ُ ح‬
‫ َوَم حن‬،‫ ِآم حْي‬:‫ت‬ ِ
ُ ‫ قُ حل‬،‫ آمْي‬:‫ قُ حل‬،ُ‫ات فَ َد َخ َل النَّ َار أَبح َع َدهُ هللا‬ َ ‫أَ َح َد ُهَا فَلَ حم يََِبَُّهَا فَ َم‬
:‫ت‬ ِ َ ‫ص ِل َعلَحي‬ ِ ‫ذُكِر‬
ُ ‫ قُ حل‬.‫ آمْي‬:‫ قُ حل‬،ُ‫ات فَ َد َخ َل النَّ َار أَبح َع َدهُ هللا‬ َ ‫ك فَ َم‬ َ ُ‫ت عحن َدهُ فَلَ حم ي‬ َ‫ح‬
‫ صحيح الرتغيب‬.‫ْي‬ ِ
َ ‫آم ح‬
4. Sinuman ang hindi mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan ay
hindi niya makakamit ang napakaraming mga gantimpalang
binanggit sa Quran at Hadith lalo na yaong espesyal na sorpresa
na igagantimpala ni Allah.

5. Hindi rin niya makakamit ang taqwa (pagkatakot kay Allah).


Samakatuwid ay lalo siyang mapapalapit sa paggawa ng mga
kasalanan.

6. Ang pag-iwan sa obligadong pag-aayuno ay nabibilang sa


malalaking kasalanan lalo’t kung ito ay ang pag-aayuno sa buwan
ng Ramadhan sapagkat ito ay kabilang sa limang haligi ng Islam.
Katunayan ay mayroon sa ilang mga pantas na itinuturing na ito
ay mas malala pa sa pangangalunya at pag-inom ng alak. At
mayroon din na itinuturing na ito ay paglabas sa Islam.

7. Subalit ang sigurado ay sinuman ang hindi mag-ayuno


dahil sa paniniwalang hindi obligado ang pag-aayuno sa buwan ng
Ramadhan ay mabibilang sa mga hindi mananampalataya at siya’y
nakalabas sa Islam.

8. Ang nag-iwan ng isang araw na ayuno o di kaya ay sadya


niyang sinira ang kanyang ayuno na wala siyang sapat na dahilan
(maliban sa pakikipagtatalik o pagsusuka) ay hindi niya ito
maaaring bayaran sa ibang araw at kailangan niyang humingi ng
kapatawaran para rito at magbalik-loob kay Allah. Mayroon sa

33
mga ulama ang nagsasabi na kahit bayaran pa niya ito ng buong
buhay niya ay hindi niya kakayaning bayaran kay Allah.

9. Ang nagtalik sa oras ng pag-aayuno sa Ramadhan ay


kailangang mag-kaffarah sa pamamagitan ng pagpapalaya ng
alipin. Kung hindi nila ito kaya ay mag-ayuno sila ng animnapung
araw na sunud-sunod. At kung hindi nila kaya ay magpapakain sila
ng animnapung mahihirap. At sa bawat araw na sinira nila ang
kanyang pag-aayuno sa Ramadhan sa paraang pakikipagtalik ay
kailangan nilang maisagawa ang kaffarah na nabanggit.

10. Ang nag-aayuno naman subalit hindi niya iniwan ang


pagsasalita at paggawa ng masama ay wala siyang nakuha sa
kanyang ayuno maliban sa pagkagutom at pagkauhaw. Gayundin
ay hindi tatanggapin ni Allah ang kanyang pag-aayuno at siya ay
mapaparusahan sa mga kasalanan na ginawa niya maliban na
lamang kung pagsisihan niya ang mga ito, humingi ng
kapatawaran kay Allah, magbalik-loob sa Kanya at mangakong
hindi na uulit pa.
‫ب قَائٍِم‬
َّ ‫ َوُر‬،‫ش‬َ‫ط‬‫الع‬
‫و‬ ‫ع‬ ‫و‬‫ال‬
‫ح‬ ِ ‫يام‬
‫ه‬ ِ ‫ب صائٍِم حظُّه ِمن ِص‬ َّ ‫ر‬ :‫ﷺ‬ ِ‫ول هللا‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
ُ
ُ َ َ ‫ُح‬ ‫ُ َ َ ُ ح‬
َّ ‫َحظُّهُ ِم حن قِيَ ِام ِه‬
.‫ صحيح الرتغيب‬.‫الس َهُر‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Di
malayong ang nag-ayuno ay gutom at uhaw lamang ang kanyang
napala. At maaari ring yaong nagdasal sa gabi ay napuyat lang at
walang nakuhang gantimpala.” [Sahihut Targhib]
َّ ‫س َِّّلِلِ َح‬
‫اجة ِيف أَ حن‬ ‫ي‬
َ ‫ح‬ ‫ل‬
َ ‫ف‬
َ ، ِ ِ‫الزوِر والعمل ب‬
‫ه‬ َ ََ ُّ ‫ل‬َ ‫و‬ ‫ق‬
َ ‫ع‬
‫ح‬
‫َ حَ ح‬‫د‬
َ ‫ي‬ ‫ل‬
َ ‫ن‬ ‫م‬ :‫ﷺ‬ ِ‫ول هللا‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
.‫ رواه البخاري‬.ُ‫وشَرابَه‬َ ُ‫ع طَ َع َامه‬َ ‫يَ َد‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sinuman
ang hindi niya iwanan ang pagsasalita at paggawa ng masama, ay
hindi kailangan ni Allah mula sa kanya ang pag-iwan niya sa
kanyang pagkain at inumin.” [Al-Bukhari]

34
Mga Bid’ah at Maling Nagagawa sa Ramadhan

Ang bid’ah ay ang mga gawain na idinagdag sa Islam na


walang dalil (katibayan) mula sa Quran o Sunnah (Hadith). Ayon
sa hadith ng Rasulullah sallallahu álayhi wa sallam, “Ang lahat ng
bid’ah ay pagkaligaw at ang lahat ng pagkaligaw ay sa Impiyerno.”
Kung may magtatanong sa iyo kung ano ang dalil mo bakit ito ay
naging bid’ah, ang pinakasimpleng sagot ay kaya nga ito naging
bid’ah ay dahil wala sa itong dalil.
Sa Islam, ang orihinal na hatol ng lahat ng pagsamba ay lahat
haram maliban na lamang kung mayroon itong dalil. Kaya naman
lahat ng bid’ah ay haram. Ang lahat ng ibadah o pagsamba na
ginagawa natin ay kailangang mayroon itong dalil. Hindi maaari sa
isang Muslim na gawin niyang 5 rak’ah ang Salatul Asr dahil
lamang sa pagnanais niyang mas lalong dumami ang kanyang
gantimpala. O gawin niyang sa Isha mag-iftar kapag nag-aayuno
imbes na sa Maghrib sa pagpupursige niyang magsakrapisyo para
kay Allah. Ang anumang gawaing pagsamba ay kailangang
naaayon sa pamamaaraang naiparating sa atin ng ating mahal na
Propeta Muhammad -sallallahu álayhi wa sallam-.
Ganito natin dapat ipagtanggol ang Rasulullah -sallallahu
álayhi wa sallam-. Ang sinumang mag-angkin na tama ang bid’ah
ay nagbibintang na hindi tumupad ang Rasulullah -sallallahu álayhi
wa sallam- sa kanyang tungkulin bilang sugo at pinaparatangan
nilang siya ay nagkulang at nagpabaya. Subhanallah.
Ganito natin dapat ingatan ang Islam. Bantayan natin ito
mula sa sinumang nais na ito ay dagdagan, bawasan, o palitan.
Ang Islam ay kinumpleto na sa atin ni Allah, walang labis walang
kulang. Ang anumang pagdaragdag, pagbabawas, o pagpapalit sa
Islam ay isang pag-alipusta kay Allah at pagpapasinungaling sa
Kanyang Quran at sa Kanyang Sugo -sallallahu álayhi wa sallam-.
Ito ang dahilan kung bakit isinama natin ang paksang ito sa
aklat na ito. Ang buwan ng Ramadhan ang siyang pinakamainam
na buwan sa buong taon. Hindi natin gugustuhin kailanman na
masayang ang ating mga mabubuting gawa lalo na sa buwan na
ito. Kung hindi tayo mag-iingat mula sa bid’ah at mga maling
katuruan ay nasasayang lang ang ating sakripisyo at inaakala
nating may makukuha tayong gantimpala, iyon pala ay parusa, wal
iyadhu billah!
Kaya’t narito ang ilan sa mga bid’ah at mga kamalian na
nagagawa ng mga Muslim sa Ramadhan na dapat nating iwasan.
35
1. Mga bid’ah.
a. Hindi sunnah ang pagligo kapag papasok ang Ramadhan.
Ang pagligo ay sunnah kapag Eidul Fitr at Eidul Adha.
b. Hindi rin sunnah yaong pagpapasalawat. Ito yaong
pagbubuhos ng tubig sa ulo na sinasamahan ng dua na parang
katulad ng pagbabawtismo na ginagawa ng mga Katoliko.
c. Hindi sunnah ang pagbigkas sa “Nawaytu…” kapag nais
mag-ayuno. Sapat nang isapuso ang intensyon na mag-aayuno
para kay Allah.
d. Yaong pagdhidhikr tuwing matatapos ang 2 o 4 na rak’ah
ng rak’ah sa Tarawih. Ang ibang imam ay nagbabasa ng Suratul
Ikhlas, Al-Falaq, at An-Nas. Ang iba naman ay nagtatasbih na
sumasabay naman ang mga ma’mum. Ang lahat ng ito ay bid’ah.
e. Yaong pagbigkas ng imam sa bawat umpisa ng sunnah sa
Tarawih na “As-salatu jami’ah rahimakumullah.” Tapos tumutugon
naman ang mga ma’mum ng “As-salatu la ilaha illallah.”
f. Pagwiwitr ng dalawang beses sa isang gabi. Ang witr ay
isang beses lamang at ito ang dapat na pinakahuling salah sa gabi.
g. Pag-iiftar sa Isha imbes na sa Maghrib. Ito ay gawain ng
mga Shiah. Hindi rin mainam yaong pagpapaliban. Ang sunnah ay
kakain agad pagpasok ng Maghrib.
h. Yaong paglalagay sa kalendaryo ng Ramadhan ng imsak
samantalang may ilang muto pang natitira bago ang Fajr. Malinaw
na nabanggit sa Quran at Hadith na maaari pang kumain at
uminom hangga’t hindi pa dumarating ang Fajr.

2. Mga maling hindi namamalayan.


a. Ang ibang mga masjid ay nag-iiqamah agad pagkatapos ng
adhan sa Maghrib. Dapat ay maglaan ng mga ilang minuto na
sapat para sa iftar.
b. Ang pag-organisa ng ligang basketball at mga peryahan
kapag Ramadhan ay hindi mainam. Ang peryahan na hinuhulugan
ng pera at ang mga paliga na binabayaran ng registration fee kung
saan doon din kinukuha ang premyo ay nabibilang sa pagsusugal
at ito ay haram.
c. Masyadong maagang pagkain sa suhur. Ang mainam na
oras ng pagkain sa suhur ay mga 15 minuto o 10 minuto bago ang
Fajr.
d. Ang pagpapabango ng ilang mga babaeng pumupunta sa
masjid para magtarawih. Ang iba pa ay tumatambay sa kung saan
dumadaan ang mga kalalakihan.
36
Mga Hadith na Mawdu’ at Da’if Patungkol sa Ramadhan

Ang isang pekeng hadith ay mas malala pa sa pekeng balita.


Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam- na ang sinumang
magsinungaling laban sa kanya o mag-imbento tungkol sa kanya
ay Impiyerno ang patutunguhan. Kahit gaano pa kaganda ang
kahulugan ng isang pekeng hadith ay hindi natin tatanggapin kung
ito ay mawdu’ (inimbento) o da’if (mahina). Ang inimbento ay
malinaw ang kahulugan subalit paano ba nagiging mahina ang
isang hadith? Ito ay kung ang isa sa mga taong nagsalaysay nito ay
sinungaling o mahina ang memorya o manloloko. O kaya ay may
putol sa kadena ng mga tagapagsalaysalay. Halimbawa’y kung
paanong ang isang Tabi’ut Tabi’iin ay nagsabi na narinig niya ang
isang Sahabah na nagsabi ng ganitong hadith mula sa Rasulullah -
sallallahu álayhi wa sallam- samantalang hindi naman sila
nagpang-abot o nagkita. Ang Sahabah at Tabi’ut Tabi’in ay
magkahiwaly na henerasyon kung saan sa pagitan nila na siyang
nagdudugtong sa kanila ay ang mga Tabi’un. Narito ang ilan sa
mga kumakalat na hindi hadith ng ating mahal na Sugo ‫ﷺ‬.

1. Yaong dua na “Allahumma ballighna Ramadhan wa


bariklana fi Rajab."
2. Yaong nagsasabi na maliligtas ka sa Impiyerno kapag
ipinaalam mo sa mga tao ang pagdating ng Ramadhan.
3. Yaong, “Sumu tasihhu. (Mag-ayuno at kayo’y lulusog.)”
4. Yaong nagsasabing sa Ramadhan ay may gantimpalang
katulad ng fardh ang sunnah na gawain, at yaong fardh ay
nadodoble ng 70 beses.
5. Yaong nagsasabi na ang Ramadhan ay nahahati sa tatlong
tig-sasampung araw: Rahmah, Maghfirah, at Itqun minan Nar.
6. Yaong nagsasabi na sa bawat gabi ng tarawih ay may
natatanging gantimpala.
7. Yaong dua sa iftar na “Allahumma laka sumtu wa bika
aamantu wa ‘ala rizqika aftartu.”
8. Yaong nagsasabing bawat iftar ay nagpapalaya si Allah ng
alipin sa Impiyerno.
9. Yaong nagsasabi na kung alam lang ng alipin ang
napapaloob sa Ramadhan ay nanaisin niyang ang buong taon ay
lahat na lang Ramadhan.
10. Yaong nagsasabi na kapag Laylatul Qadr daw ay walang
anumang maririnig na pagtahol ng aso o pag-iyak ng sanggol.
37
Iba't Ibang Uri ng Pag-aayuno

Ang sawm o pag-aayuno bilang pangkalahatan ay nahahati


sa dalawang hatol: (1) wajib (obligado) at (2) sunnah (kanais-nais)
o yaong tinatawag ding tatawwu’ (boluntaryo).

1. Ang mga wajib na pag-aayuno ay apat na uri:

a. Ang pag-aayuno sa Ramadhan, na siyang pinakapamagat


ng aklat na ito.

b. Ang pagbabayad sa mga nakaligtaang ayuno sa Ramadhan


na tinatawag na Qada’.

c. Ang pag-aayuno sanhi ng nadhar (panata). Ito yaong kapag


may nais kang hilingin kay Allah at sinambit mo bilang pangako kay
Allah na iyong gagawin kapag natupad ang iyong kahilingan.
Halimbawa ay sambitin mo na, “Ako ay nangangako kay Allah na
kapag pumasa ako sa board exam ay mag-aayuno ako ng tatlong
araw.” O, “Panata ko kay Allah na kapag nagka-anak kaming mag-
asawa ay mag-aayuno ako ng pitong araw na sunud-sunod.”

d. Ang pag-aayuno sanhi ng kaffarah (multa). Halimbawa


nito’y ang kaffaratul yamin o hindi pagtupad sa isinumpang
pangako. Ang multa nito ay kung wala kang kakayahan para sa
pagpapakain o pagpapadamit ng limitadong bilang ng mga
mahihirap o magpalaya ng alipin ay mag-aayuno ka ng tatlong
araw. Ang iba pang halimbawa nito ay yaong may pagkukulang o
pagkakamali sa hajj at kailangan niyang mag-ayuno bilang
pantapal. Mayroon din yaong kaffaratul jima’ at kaffaratuz zihar.
May iba pang mga halimbawa nito subalit hindi na natin
babanggitin dito. Mainam na magtanong na lamang sa inyong
mga ustadh.

2. Ang mga sunnah naman na pag-aayuno ay narito:

a. Ang tatlong araw ng Al-Ayyamul Bid na ang literal na


kahulugan ay ang mga Araw ng Mapuputi. Ito ay sapagkat sa mga
gabi nito ay kabilugan ng buwan. Tumatapat ito sa ika-13, 14, at
15 ng bawat buwan ng kalendaryong Hijrah. Natural hindi rito

38
kasama ang buwan ng Ramadhan dahil obligadong mag-ayuno sa
Ramadhan.

b. Tuwing Lunes at Huwebes. Sa mga araw na ito ay iniaakyat


ang ating mga gawa at naiibigan ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa
sallam- na siya ay nag-aayuno habang iniaakyat ang ating mga
gawa.

c. Ang anim na araw sa buwan ng Shawwal. Nabanggit sa


hadith na sinuman ang mag-ayuno sa buong buwan ng Ramadhan
at masundan niya ng anim na araw sa Shawwal ay katulad niya ang
nag-ayuno ng isang buong taon.

d. Ang pag-aayuno sa unang siyam na araw ng Dhul Hijjah.


Ayon sa hadith, ang unang sampung araw ng Dhul Hijjah ang
pinakamainam na mga araw na paggawa ng kabutihan sa buong
taon. Subalit hindi maaaring mag-ayuno sa ikasampu nito dahil ito
ang Eidul Adha.

e. Ang pag-aayuno sa Yawmu Arafah. Ito ang ikasiyam ng


Dhul Hijjah, ang araw na kinumpleto ni Allah ang relihiyong Islam
at ang mga Hujjaj ay nasa Arafah na siyang pinakahaligi ng Hajj, na
kabilang sa sampung araw na nabanggit sa itaas. Ang gantimpala
ng pag-aayuno sa Yawmu Arafah ay kapatawaran ng mga
kasalanan sa nakalipas na isang taon at sa darating na isang taon.

f. Ang pag-aayuno sa Yawmu Ashura’. Ito ay tumatama sa


ikasampung araw ng buwan ng Muharram. Ito ang araw na
iniligtas ni Allah ang nasyon ni Nabi Musa -álayhis salam-, ang Banu
Israil, mula sa mapaminsalang Fir’awn. Ang pag-aayuno sa araw
na ito ay kapatawaran sa mga kasalanan sa nakaraang taon.
Subalit ang mas mainam na pag-aayuno rito ay dalawang araw, sa
ikasiyam at ikasampung araw o di kaya’y sa ikasampu at ikalabing-
isang araw nito.
g. Ang buong buwan ng Muharram. Ito ang buwan ni Allah.
Sa loob nito ay ang Ashura na nabanggit sa itaas.

h. Ang maraming araw sa buwan ng Sha’ban. Nabanggit sa


maraming hadith na ang Rasulullah sallallahu álayhi wa sallam ay
ito ang buwan na pinakamaraming araw na pinag-aayunuhan niya
maliban pa sa Ramadhan. Halos kumpletuhin niya ang mga araw
39
sa buwan na ito. Ang bawat araw na pag-aayuno rito ay may
katumbas na dalawang araw na pag-aayuno.

i. Ang pagsasalitan ng pag-aayuno at hindi pag-aayuno. Ito


ang pinakamainam na boluntaryong pag-aayuno kay Allah na
siyang gawain ni Propeta Dawud -álayhis salam-. Mag-aayuno
ngayong araw tapos bukas ay hindi, sa susunod na raw ay mag-
aayuno at hindi na naman sa susunod nito, at ganoon sa mga
susunod pang mga araw, salitan.

j. Ang pinakamenos, ay mag-ayuno ng tatlong araw buwan-


buwan. Ito ay ipinayo ng Rasulullah -sallallahu alayhi wa sallam-
kay Abu Hurayrah -radiyallahu ánhu- na huwag na huwag niyang
iiwan. Itama ang mga ito sa Lunes o Huwebes o sa Al-Ayyamul Bid.

40
Ang Best, Better, Good, Bad, at Worse sa Ramadhan

Bantayan natin ang ating mga sarili at ingatang masayang ang


pagkakataon. Nasa ibaba ang ilan sa mga gawain kung saan ay
maitatanong mo sa iyong sarili kung nasa aling baitang ka, kung
liyamado ka ba o dehado?

1. Sa pagbabasa ng Quran.
Good: Nagbasa ng Quran.
Better: Nagbasa at nagsaulo ng Quran.
Best: Nagbasa, nagsaulo, at pinag-aralan ang Quran.
Bad: Hindi nagbasa ng Quran.
Worse: Sinusuway ang Quran.

2. Sa pagbibigay ng sadaqah.
Good: Nagsadaqah o nagpa-iftar kahit sa mga hindi
nangangailangan nito.
Better: Nagsadaqah sa talagang nangangailangan nito.
Best: Nagsadaqah sa mga nangangailangan nitong mga
kamag-anak at mga kapitbahay.
Bad: Naging maramot at nagsayang ng pera.
Worse: Nangurakot.

3. Sa pagdarasal.
Good: Nagsasalah ng limang beses araw-araw.
Better: Nagsasalah ng limang beses kasama ng mga
sunnah na ratibah.
Best: Nagsasalah ng limang beses araw-araw kasama ng
mga ratibah, nafilah at tahajjud.
Bad: Hindi nagsalah o paputol-putol dahil sa katamaran.
Worse: Ayaw maniwala na wajib ang salah.

4. Sa paghahanap ng karunungan.
Good: Dumalo sa mga Islamic lectures, halaqah atbp.
Better: Isinusulat ang mga naririnig at natututunan
upang balik-aralan ito.
Best: Ipinaparating sa iba ang natututunan at binabalik-
aralan ito.
Bad: Hindi nagsaliksik ng kaalaman sa Islam.
Worse: Gumagawa ng bid'ah.

41
5. Sa pagdadawah o pagtuturo.
Good: Nagdawah at nagturo ng tama at maayos.
Better: Inengganyo ang mga tinuruan na magturo din.
Best: Huwaran at isinasagawa ang kanyang itinuturo.
Bad: Mali ang Ipinaparating na mga kaalaman.
Worse: Naging hadlang pa sa pagpaparating ng Islam.

6. Sa pakikipagkapwa.
Good: Mabait at matulungin sa iba.
Better: Mas mabait sa pamilya at tumutulong sa mga
suliranin at gawaing bahay.
Best: Hindi lang matulungin kundi mapagpatawad at
maunawain din.
Bad: Masama ang ugali.
Worse: Pinag-aaway ang mga tao.

7. Sa pagsali sa mga patimpalak sa Ramadhan.


Good: Sumali upang mahasa at mas matuto.
Better: Ang premyong napanalunan ay itinulong sa sarili
at sa kapwa.
Best: Manalo matalo ay nagtimpi at nagpasalamat kay
Allah.
Bad: Nangopya at nandaya.
Worse: Hindi matanggap ang pagkatalo.

Ikaw, na mismong nagbabasa ang magbigay ng marka para


sa iyong sarili. Kung sa tingin mo ay pasado ka ay iyo itong
ipagpatuloy at lalo pang pag-igihan. Kung sa tingin mo ay bagsak
ka ay hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa para magbago at
maging matuwid na alipin. Simulan mo na. Ngayon na!
Hingin natin kay Allah na tayo ay mapabilang sa
pinakamabubuti at pinakamababait Niyang mga alipin. Ameen.

42
Third Party ang Siyang Sisira sa Ramadhan Partners

1. Ang pag-aayuno at ang pagbabasa ng Quran.


‫ َرب إِِين‬:‫الصيَ ُام‬ ِ ‫ ي ُقو ُل‬،‫ان لِلحعب ِد‬ ِ ‫الصيام والح ُقرآ ُن ي حش َفع‬ ِ :‫ول هللاِ ﷺ‬ ُ ‫ال َر ُس‬ َ َ‫ق‬
‫َ ُ َ ح َ َ َح َ ح‬
‫ َرب َمنَ حعتُهُ النَّ حوَم‬:‫ َويَ ُق حو ُل الح ُقحرآ ُن‬،‫اب ِِبلنَّ َها ِر؛ فَ َش ِف حع ِن فِحي ِه‬ َّ ‫َمنَ حعتُهُ الطَّ َع َام َو‬
َ ‫الشَر‬
.‫ رواه أمحد والطَباين‬.‫ان‬ ِ ‫ فَي َش ِفع‬،‫ِِبللَّي ِل؛ فَ َش ِفع ِن فِي ِه‬
َ ُ ‫ح ح‬ ‫ح‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Ang pag-
aayuno at ang Quran ay mamamagitan sa alipin. Sasabihin ng
ayuno, ‘O Panginoon, katotohanang pinigilan ko siyang kumain at
uminom sa araw, kaya’t pahintulutan Ninyo akong mamagitan sa
kanya.’ At sasabihin ng Quran, ‘O Panginoon, katotohanang
pinigilan ko siyang matulog sa gabi, kaya’t pahintulutan Ninyo
akong mamagitan sa kanya.’ At ang kanilang pamamagitan ay
tatanggapin ni Allah.” [Ahmad at At-Tabrani]
Ang dalawang ito ay hindi maaaring paghiwalayin sa
Ramadhan. Hindi maikakailang may mga Muslim na imbes na
pagbabasa ng Quran ang isabay sa kanilang pag-aayuno ay
pagtulog maghapon ang kanilang ginawa na siyang sumisira sa
pagkakataong makuha ang habag ni Allah.
Ang mga Salafus Salih at mga sumunod sa kanilang mga
mabubuting Muslim ay hindi lang sampung beses nilang
natatapos basahin ang buong Quran kapag Ramadhan. Si Imam
Ash-Safi’i -rahimahullah- ay naiulat na 60 beses niyang
nakukumpletong basahin ang buong Quran. Samakatuwid ay
dalawang beses araw-araw sa buwan ng Ramadhan. Masha Allah!

2. Kasabay sa pag-iwan ng pagkain at inumin ay ang pag-iwan


din sa masasamang gawain at pananalita.
َّ ‫س َِّّلِلِ َح‬
‫اجة ِيف أَ حن‬ ‫ي‬
َ ‫ح‬ ‫ل‬
َ ‫ف‬
َ ، ِ ِ‫الزوِر والعمل ب‬
‫ه‬ َ ََ ُّ ‫ل‬َ ‫و‬ ‫ق‬
َ ‫ع‬
‫ح‬
‫َ حَ ح‬‫د‬
َ ‫ي‬ ‫ل‬
َ ‫ن‬ ‫م‬ :‫ﷺ‬ ِ‫ول هللا‬
ُ ‫ال َر ُس‬
َ َ‫ق‬
.‫ رواه البخاري‬.ُ‫وشَرابَه‬َ ُ‫ع طَ َع َامه‬َ ‫يَ َد‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, “Sinuman
ang hindi niya iwanan ang pagsasalita at paggawa ng masama, ay
hindi kailangan ni Allah mula sa kanya ang pag-iwan niya sa
kanyang pagkain at inumin.” [Al-Bukhari]
Kaya’t kapag ang isinabay mo sa pag-iwan mo ng iyong
pagkain at inumin ay pagsasalita at paggawa ng masama ay wala
kang mapapala bagkus pagkagutom at pagkauhaw lamang at
kaparusahan.
43
Kung pansamantalang ipinagbawal sa atin ni Allah ang
pagkain at pag-inom sa araw ng Ramadhan, samantalang hindi
naman talaga bawal ang mga ito bagkus ipinag-utos pa, ay mas
lalong bawal ang dati na talagang bawal.
Kung kaya nating iwanan ang mga bagay na kailangan natin
katulad ng pagkain at inumin ay dapat na mas lalong kayang-kaya
nating iwanan yaong alam nating di naman natin kailangan at
makakasira sa atin, ang paggawa ng kasalanan.

3. Qiyamul Layl at Laylatul Qadr.


َ ‫اخُر ِم حن َرَم‬
‫ضا َن‬ ِ ‫ َكا َن النَّيب ﷺ إِ َذا دخل الحع حشر احألَو‬:‫عن عائِ َشةَ قَالَت‬
َ ُ َ َََ ُّ ‫ح‬ َ ‫َح‬
.‫ صحيح ابن حبان‬.‫ظ أَ حهلَهُ َوأَ ححيَا اللَّحي َل َو َش َّد الح ِمحئ َزَر‬
َ ‫أَيح َق‬
Isinalaysay ni Aishah -radiyallahu ánha-, “Ang ugali ng
Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam- kapag pumasok na ang
huling sampung gabi ng Ramadhan ay ginigising niya (sa hating-
gabi) ang kanyang pamilya (upang magqiyamul layl), kanyang
ginugugol ang buong gabi sa pagdarasal, at hinihigpitan niya ang
kanyang sinturon.” [Ibn Hibban]
Ang kontrabida sa pagsasama ng dalawang ito ay ang labis na
pagkain sa iftar at hapunan na nagdudulot ng katamaran at
pagkaantok kaya’t nawawalan tayo ng gana sa tarawih o tahajjud.
Kapag nangyari ito ay napakalaking pagkalugi na dumaan ang
Laylatul Qadr na hindi tayo nagsumikap kaya’t hindi natin
makakamit ang gantimpalang higit pa sa isang libong buwan na
pagsamba.

4. Dua at Halal na Pagkain.


Ano na lang ang mangyayari sa taong hindi niya
pinapahalagahan kung saan nanggagaling ang kanyang kinakain at
ipinapakain sa kanyang pamilya? Wala siyang pakialam kahit sa
haram galing ang kanyang kinita. Wala siyang pag-aalalang
nararamdaman kung halal ba ang kanyang pinag-susuhur at
pinag-iiftar.
Natural, ang isa sa magiging bunga nito ay hindi magiging
katanggap-tanggap kay Allah ang kanyang panalangin. Isa lamang
ito sa mga masasamang bunga ng pagsasawalang bahala sa
pagkaing kinakain kung ito ba ay halal o haram.
Kaya’t maging maingat tayo sa ipinapasok natin sa ating
katawan upang tanggapin ni Allah ang ating mga kahilingan.

44
5. Ikhlas at Gantimpala mula kay Allah.
.‫َّم ِم حن َذنحبِ ِه‬
‫د‬ ‫ق‬
َ ‫ت‬
َ ‫ا‬ ‫م‬ ‫ه‬َ‫ل‬ ‫ر‬‫ف‬ِ ُ‫من صام رمضا َن إِحيَا ًن واحتِساِب غ‬
َ َُ َ ًَ ‫َ ح‬ َ ََ َ َ ‫َ ح‬
“Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhan nang taos-puso
(ikhlas) at sa hangaring makamit ang gantimpala (mula kay Allah)
ay ipapatawad sa kanya ang mga nakaraan niyang kasalanan.”
Sa isa pang hadith:
.‫َّم ِم حن َذنحبِ ِه‬
‫د‬ ‫ق‬
َ ‫ت‬
َ ‫ا‬ ‫م‬ ‫ه‬َ‫ل‬ ‫ر‬‫ف‬ِ ُ‫من قَام رمضا َن إِحيَا ًن واحتِساِب غ‬
َ َُ َ ًَ ‫َ ح‬ َ ََ َ ‫َ ح‬
“Sinuman ang magtahajjud sa Ramadhan nang taos-puso
(ikhlas) at sa hangaring makamit ang gantimpala (mula kay Allah)
ay ipapatawad sa kanya ang mga nakaraan niyang kasalanan.”
Ito ang isa sa pinakamalaking itinuturo sa atin ng pag-aayuno
at pagdarasal ng qiyamul layl (tarawih/tahajjud). Ang malayo sa
anumang pagpapakitang-tao, pagmamalaki, at pagpapasikat. Dito
natin masasanay ang ating mga sarili na maging tapat kay Allah sa
mga pagsambang ating ginagawa.
Ang taong nag-aayuno ay sarili lamang niya, maliban pa kay
Allah natural, ang makapagsasabi na siya talaga ay tunay na nag-
aayuno. Hindi ito kailanman kayang matukoy ng ibang tao. Kaya
nga nabanggit sa hadith na mismong si Allah ang magbibigay ng
gantimpala. Kaya’t ganito kaespesyal ang pag-aayuno.
Kaya’t iwasan natin ang sisira sa dalawang ito. At iyon ay ang
pagpapakitang-tao. Huwag i-post sa social media ang tahajjud
done, sadaqah done, done reading Quran. Ang magiging bunga
din ng mga iyan ay reward gone!
Hasbunallahu wa ni’mal wakil.

45
27 Katotohanan Tungkol sa Laylatul Qadr

1. Ang literal na kahulugan ng Laylatul Qadr ay Gabi ng


Kapasyahan o Gabi ng Kapangyarihan.
2. Ito ang pinakamainam na gabi sa buong taon.
3. May natatanging surah sa Quran na tungkol dito, ang
Suratul Qadr.
4. Sa gabing ito ibinaba ni Allah ang Quran mula sa Kanyang
Arsh patungo sa Baytul Ízzah na nasa unang baitang ng langit. Ito
ay nakasaad sa Suratul Qadr Ayah 1.
5. Ang gabing ito ay higit pa sa isang libong buwan (83 taon
at apat na buwan). Ito ay nakasaad sa Suratul Qadr Ayah 3.
Sinumang magsalah rito o magsadaqah o magbasa ng Quran o
gumawa ng anumang kabutihan ay may gantimpala na higit pa sa
pagsasagawa nito ng isang libong buwan.
6. Sa gabing ito ay bumababa ang mga anghel sa pangunguna
ni Anghel Jibril -álayhimus salam- ayon sa utos ni Allah. Ito ay
nakasaad sa Suratul Qadr Ayah 4.
7. Ang gabing ito ay punung-puno ng mga pagpapala’t mga
kabutihan at mga gantimpala.
8. Sa gabing ito ay lalaganap at mananatili ang kapayapaan
hanggang sa sumapit ang Fajr (madaling-araw). Ito ay nakasaad sa
Suratul Qadr Ayah 5.
9. Ang Laylatul Qadr ay nagsisimula mula Maghrib (paglubog
ng araw) hanggang sa sumapit ang Fajr (madaling-araw).
10. Ito ay tinawag din ni Allah na Laylatun Mubarakah o
Pinagpalang Gabi ayon sa Suratud Dukhan Ayah 3.
11. Sa gabing ito seselyuhan ang mga magaganap sa susunod
na isang taon kabilang na roon ang mga mabubuti at masasama,
buhay at kamatayan, at mga biyaya. Ito ang pagpapaliwanag ng
nakasaad sa Suratud Dukhan Ayah 4.
12. Ito ay kautusan mula kay Allah. Ito ay nakasaad sa Suratud
Dukhan Ayah 5.
13. Ito ay habag at awa mula sa ating Panginoong Allah na
siyang nakasaad sa Suratud Dukhan Ayah 6.
14. Sinuman ang magsagawa rito ng mga pagsambang
katulad ng pagdarasal at pagsasagawa ng tarawih ay ipapatawad
sa kanya ni Allah ang mga nakaraan niyang kasalanan.
15. Ang pinakamainam na dua sa gabing ito ay:
‫ف َع ِن‬
ُ ‫اع‬ ُّ ‫ك َع ُف ٌّو ُُِت‬
‫ب الح َع حف َو فَ ح‬ َ َّ‫اَللَّ ُه َّم إِن‬
46
ALLAHUMMA INNAKA ÁFUWUN TUHIBBUL ÁFWA FA’FU
ÁNNI.
Ito ay ayon sa hadith nang tanungin ni Aishah radiyallahu
anha ang Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam ukol dito.
16. Ayon sa hadith ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam,
ang Laylatul Qadr ay matatagpuan sa mga gansal (butal) ng huling
sampung gabi ng Ramadhan.
17. Upang hindi ito makawala ay pinakamainam na
magparami ng pagsamba sa huling sampung gabi ng Ramadhan.
18. Pinakamainam din kung nasa i’tikaf sa huling sampung
gabi ng Ramadhan upang mas lalong masigurado ang kabutihan
nito at mahalaga ring malaman na kailangang walang ginagawang
masamang gawain sa gabing ito.
19. Kabilang sa mga palatandaan nito maliban pa sa
paglaganap ng kapayapaan sa buong gabi ay nabanggit din sa
hadith ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam na ang klima ay
hindi gaanong mainit at hindi rin naman gaanong malamig,
walang makikitang bulalakaw sa langit, at sa umaga nito ay
natatakpan ang mga silahis ng sikat ng araw.
Hindi totoo na walang asong tatahol sa gabing ito o walang
mga pusang manggugulo, o walang sanggol na iiyak sa gabing ito.
Hindi po iyan kabilang sa mga palatandaan ng Laylatul Qadr.
20. Isa pa sa mga posibilidad na palatandaan nito ay
maaaring umambon o umulan sa gabing ito. Ito ay nabanggit din
sa isang hadith subalit maaari rin namang hindi umulan o
umambon. Ito ay naiulat na isang beses ay nangyari sa panahon
ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam na basa ang lupa ng
gabing dumating ang Laylatul Qadr.
21. Ang Laylatu Qadr ay maaari ring mapanaginipan ang
pagsapit nito na ipaalam sa iyo ni Allah sa pamamagitan ng
panaginip na ito ay sumapit upang ikaw ay makabangon at
makagawa ng maraming mga ibadah at kabutihan sa gabing ito at
upang hindi makawala.
22. Ang mga panalangin sa gabing ito ay katanggap-tanggap
kaya’t hilingin mo kay Allah ang anumang makabubuti sa iyo dito
sa mundo at sa kabilang buhay. Huwag mo ring kalimutang
ipanalangin ang iyong mga mahal sa buhay, ang buong
kaMusliman, at pati ang nagsulat ng akdang ito.
23. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi natukoy ang
eksaktong petsa ng Laylatul Qadr ay dahil sa mayroong dalawang

47
Sahabah na nagtatalo. Ito ay nagsasabi din sa atin na ang pag-
aaway o pagtatalo ay nag-aalis ng barakah.
Subalit maaari ring ito ang mainam para sa atin upang mas
makapagpursige tayo sa buong huling sampung gabi ng
Ramadhan.
24. Ang dami ng opinyon sa kung ano talaga ang eksaktong
petsa nito ay umabot sa mahigit apatnapung iba’t ibang opinyon
ng mga ulama. May ibang naniniwala na ito ay nagpapalit taun-
taon. Mayroon namang naniniwala na ito ay sa ika-21, mayroon
sa ika-22, mayroon sa ika-23, at sa mga susunod pang mga gabi
nito. Mayroon namang naniniwala na ito ay sa bisperas ng Eidul
Fitr.
25. Ang pinakakilalang petsa nito na kinikilala ng karamihan
sa mga ulama ay sa ika-27 ng gabi ng Ramadhan. Ito ay dahil sa ito
ang paniniwala ng grupo ng mga Sahabah -radiyallahu ánhum- at
si Ubayy ibn Ka’b -radiyallahu ánhu- ay sumumpa na ang Laylatul
Qadr ay sa ika-27 ng gabi ng Ramadhan.
26. Ang Laylatul Qadr ay isang gabi lamang sa buong taon
kaya’t huwag itong hayaang makawala at masayang.
27. May koneksyon ang dalawang salitang qadr at qadar
subalit magkaiba ang kahulugan nito. Ang kahulugan ng qadr ay
lakas o kakayahan o kapangyarihan, at ang qadar naman ay
tadhana o kapalaran. Ang tinutukoy sa ikaanim na haligi ng
pananampalataya ay qadar at hindi qadr, al-imanu bil qadar. At
ang tinutukoy natin sa akdang ito ay Qadr (Laylatul Qadr).
Hingin natin kay Allah na makamit natin ang mga
gantimpala't mga pagpapalang inilaan niya sa mga magsusumikap
sa Laylatul Qadr at bigyan niya tayo ng gabay at lakas na
maisakatuparan ito. Ameen.

48
Ang I'tikaf at Huling Sampung Gabi ng Ramadhan

Ang i’tikaf ay ang pananatili sa loob ng masjid upang


magsagawa ng mga pagsamba mula sa pagsasagawa ng mga
salah, tahajjud, mga sunnah, pagbabasa ng Quran, mga dhikr, pag-
aaral sa Islam at iba pang mga pinahintulutang mga gawaing
pagsamba.
Sadyang napakainam kung nasa i’tikaf sa huling sampung
gabi ng Ramadhan upang mas lalong masigurado ang kabutihan
nito at makamit ang mga gantimpalang inihanda ni Allah sa mga
magsusumikap dito. At upang malayo sa fitnah o anumang
masasamang gawain sa loob ng mga natitirang araw at gabi ng
Ramadhan.
Si Propeta Muhammad -sallallahu álayhi wa sallam- ay
kadalasang nag-ii’tikaf sa huling sampung gabi ng Ramadhan. Ito
rin ay isinabuhay ng mga Sahabah -radiyallahu ánhum- maging ng
mga Ummul Mu’minin -radiyallahu ánhunna- (mga asawa ng
Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-).
Ang pinakalayunin ng pagsasagawa nito ay upang mapalapit
kay Allah at hindi makaligtas ang biyayang hatid ng Laylatul Qadr
na matatagpuan sa huling sampung gabi ng Ramadhan.
Habang nasa i’tikaf ay sikaping pawang pagsamba lamang
ang gagawin sa loob ng masjid at kanyang iiksian ang pagtulog.
Iwasan ding makipagkuwentuhan sa mga kapwa nasa i’tikaf upang
hindi masayang ang oras. Sa usaping pagkain naman ay
napakainam kung mayroong sa kanya ay magseserbisyo. Kaya
naman, iminumungkahi na sa malapit na masjid sa iyong tinitirhan
mag-i’tikaf upang ikaw ay mahatiran ng pagkain ng iyong mga
kapamilya o kasama sa bahay.
Habang nasa i’tikaf ay hindi maaaring lumabas maliban na
lamang kung talagang kailangang-kailangan at hindi maiiwasan
katulad ng kung kailangang pumunta sa palikuran at kailangang
mag-wudhu ulit.
Habang nasa i’tikaf ay hindi na dapat pang lumabas para
bumisita sa may sakit, makiramay sa namatayan, mamalengke
para sa pamilya, sumiping sa asawa, at iba pa. Kaya’t napakainam
na bago mag-i’tikaf ay isaayos ang lahat ng mga kakailanganin at
ipaliwanag sa pamilya ang kanyang pananatili sa loob ng masjid sa
loob ng 10 araw at gabi. Iyon ang sunnah.

49
Ang Zakatul Fitr

Ang Zakatul Fitr ay isang uri ng sadaqah o kawang-gawa na


ibinibigay sa mga mahihirap at nangangailangan tuwing
matatapos ang Ramadhan. Obligado na maibigay ang Zakatul Fitr
bago ang salah sa Eidul Fitr. Maaari na itong ibigay dalawang araw
bago sumapit ang Eidul Fitr, subalit ang pinakamainam na oras ng
pagbibigay nito ay sa mismong umaga ng Eid bago magsalah.
Ito ay obligado sa lahat ng Muslim, lalake man o babae, bata
man o matanda, mayaman man o mahirap. At ibinibigay sa mga
Muslim na mahihirap o nangangailangan. Higit na mainam kung
kamag-anak na kapitbahay ang pagbibigyan subalit maaari rin
namang ibigay ito sa ibang lugar lalo’t walang matagpuang
nangangailangan nito sa inyong lugar.
Pakatatandaan na ang Zakatul Fitr ay hindi maaaring ibigay
sa taong obligado kang tustusan o pakainin katulad ng iyong anak,
asawa, magulang o mga katulad nila at hindi maaaring ibigay sa
hindi nangangailangan nito o hindi mahirap. Gayundin ay hindi ka
maaaring tumanggap mula sa taong obligado ka niyang tustusan
at kung ikaw ay hindi naman mahirap na nangangailangan nito.
Tandaan din na pati yaong sanggol sa iyong pamilya ay
obligadong magbigay ng Zakatul Fitr. Yaon namang nasa
sinapupunan at hindi pa ipinapanganak ay hindi obligado subalit
kanais-nais na magbigay ng Zakatul Fitr para sa kanila.
Ang ibibigay na Zakatul Fitr ay may timbang na isang sa' ng
datiles o bigas. Ang isang sa' ay may katumbas na humigit-
kumulang sa dalawa't kalahating kilong bigas.
Ang ilan sa ating mga pantas sa Islam ay kanilang
ipinapahintulot ang pagbibigay ng katumbas nitong pera imbes na
bigas o datiles. Magtanong sa ustadh ukol dito kung magkanong
halaga ng pera ang dapat ibigay na Zakatul Fitr. Subalit higit na
mainam na bigas ang ibigay upang malayo sa pagdududa at
makaiwas sa pagkakamali. Mas higit na marami sa mga pantas ang
tumututol sa pagbibigay ng pera bilang Zakatul Fitr.
Maaari rin naman na mag-utos ng isang tao kung saan siya
ang mag-iipon ng pera para siya ang bumili ng bigas na
ipamimigay sa mga mahihirap bilang Zakatul Fitr. Ito ay
karaniwang ginagawa kung ang pagbibigyan ay nasa malayong
lugar o ibang bansa. Alam naman natin na may mga lugar na
walang mapagbibigyan ang isang Muslim o grupo ng mga Muslim

50
kaya’t ipinapadala nila ang pera sa Pilipinas at yaong pinadalhan
nila ang siyang bibili ng bigas para ipamahagi.
Kung hindi maibigay ang Zakatul Fitr sa dapat nitong
pagbigyan ay hindi ito tatanggapin ni Allah mula sa kanya at ito'y
walang gantimpala. Mainam na ito ay maibigay sa mga labis na
nangangailangan lalo na't ito'y kabilang sa mga kamag-anak.
Ang taong hindi makapagbigay ng Zakatul Fitr ay sadyang
nagkasala, at kailangan pa rin niya itong maibigay dahil ito ay
itinuturing na utang niya kung hindi niya ito maibigay.
Kung sa mga panahong ibibigay na ang Zakatul Fitr ay
walang-wala ka ay maaari kang maghanap ng mauutangan para
makapagbigay ng Zakatul Fitr. Maaari rin namang magbenta ng
ilang ari-arian o magsanla ng walang interes. O di kaya ay kung
mayroon kang kamag-anak o kaibigan na makakatulong sa iyo
para mabigyan ka ng pang-Zakatul Fitr ay mainam din.
Sa huli, iyong pakatatandaan na pagkaraan ng iyong
pagsusumikap at wala na talagang paraan ay pakatatandaan na
hindi paparusahan ni Allah ang Kanyang alipin sa hindi nito kayang
isagawa.
Ang Muslim naman na mahirap ay maaaring tumanggap ng
higit sa isang Zakatul Fitr. Subalit napakainam kung mayroon
siyang ibang alam na nangangailangan nito na hindi nakakuha ay
doon ibaling at imungkahi sa magbibigay sa kanya na doon na lang
ibigay dahil siya ay nakakuha na. Wala namang nakasaad na
nagbabawal sa limitasyon ng dami ng Zakatul Fitr na maaari mong
makuha subalit sa Islam ay ipinagbabawal ang pagiging swapang
at makasarili.

Narito ang ilan sa mga karunungang hatid ng pagbibigay ng


Zakatul Fitr ay:
1. Ito'y pagpapasalamat kay Allah dahil pinagaan Niya sa atin
ang pag-aayuno at sa ibinigay Niyang kaginhawaan sa Eidul Fitr.
2. Paglilinis sa sarili mula sa mga sakit nito. Ang Zakatul Fitr
ang siyang zakat ng sarili tuwing Ramadhan. Ito rin ay paglilinis sa
mga masasamang bagay na nagawa sa buwan ng Ramadhan at
nagtatapal sa mga pagkukulang natin sa Ramadhan.
3. Ito ay pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap upang hindi
sila mamroblema sa pagdiriwang ng Eidul Fitr at upang sila ay
maging masaya rin, magalak, at mapabilang sila sa kaginhawaang
hatid nito. Kaya’t dapat na maibigay ito sa taong karapat-dapat
bago pa dumating ang Eid.
51
Mga Alituntunin sa Eidul Fitr

Isa sa mga biyaya sa atin ni Allah subhanahu wa ta’ala sa


Islam ay ang pagkakaroon natin ng dalawang pagdiriwang: ang
Eidul Fitr sa Shawwal 1 na pagkatapos ng Ramadhan at ang Eidul
Adha sa ika-10 ng Dhul Hijjah. Hatid nito’y pagsasaya ng mga alipin
ni Allah maliban pa sa mga pagsamba at pagsunod sa Kanyang
mga kautusan. Pagsasaya dahil sa mga pagpapala't mga
gantimpala na nakapaloob dito, at pagsasaya sa pamamagitan ng
pagbabatian, pagbisita sa mga kamag-anak at mga kaibigan, salu-
salong kainan, sama-samang pagdarasal, pagsusuot ng
magagandang damit, pamamasyal, pagbibigayan, pahinga at
natural, walang pasok sa mga paaralan at sa trabaho.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sunnah ng ating
mahal na Propeta Muhammad -sallallahu álayhi wa sallam- sa
malaking araw na ito ng Eidul Fitr. At tayo bilang mga Muslim ay
marapat lamang na tularan natin siya at isagawa ang mga ito
bilang pagpapahalaga sa mga tanda at kautusan ng ating Dakilang
Tagapaglikha. Narito.

1. Maligo. Bata, matanda, babae man o lalake ay sunnah na


maligo sa araw na ito. Ibilang na rin dito ang paggamit ng siwak at
pagpapabango para sa mga lalake. Pakatatandaan na haram sa
babae ang magpabango na maaamoy ng kanyang hindi mahram.

2. Magsuot ng pinakamagandang damit. Ang damit na


isusuot ay damit pang-Islam na alang-alang lamang kay Allah at
hindi pagpapakitang-tao at hindi rin pabonggahan ng damit.
Mahalagang malaman ng mga kababaihan na ang kanilang mga
paa ay kabilang sa awrah kaya’t wajib itong matakpan sa salah at
hindi maaaring nakikita ng lalakeng hindi nila mahram.

3. Sunnah na kumain bago ang Salatu Eidil Fitr. Sunnah na


kumain ng matamis katulad ng datiles na ang dami ay may butal
(isa, tatlo, lima, pito…) bago pumunta sa lugar ng Salatul Eid.

4. Basahin ang takbir: Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu


Akbar, La Ilaha Illallahu Wallahu Akbar, Allahu Akbar, Wa Lillahil
hamd.
Mainam na basahin ito habang pumupunta sa pagdarasalan
ng Eid ng naririnig para sa mga lalake, subalit mahina naman para
52
sa mga babae. Gayundin sa mga daan, pagtitipon, sa bahay, sa
mga palengke at pagkatapos ng bawat salah na fardh.

5. Mag-salah ng Salatul Eid ng jama'ah. Pati ang mga babae


ay mainam na dumalo rito. Ang mga may haydh at nifas ay
padadaluhin din subalit hindi magdarasal. Sunnah rin ang
pakikinig ng khutbah pagkatapos ng Salatul Eid.
Ayon sa isang hadith ng Rasulullah sallallahu 'alayhi wa
sallam ay matatanggap ng mga alipin ni Allah ang kapatawaran
bago pa man sila magkahiwa-hiwalay sa pagtitipong ito. Masha
Allah!

6. Ang lugar na pagdarasalan ay sa isang malawak na lugar at


hindi sa masjid. Isa ito sa mga kapansin-pansin na hindi
nasusunod ng ilang komunidad ng mga Muslim sa Pilipinas.
Karaniwan ay sa masjid nila ito isinasagawa subalit ang sunnah ng
Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam- at ng kanyang mga
Sahabah -radiyallahu ánhum- ay sa isang malawak na lugar nila
isinasagawa ang Salatul Eid upang mas maraming tao ang maipon
at magkita-kita rin ang mga matagal nang hindi nagkikita-kita at
magkaisa ang mga jamaáh sa magkakaibang mga masjid. Ito ay
nagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakaroon ng malakas na
kapatiran.

7. Kung malapit rin lamang ang musalla (lugar na


pagdarasalan) ay mainam na maglakad na lamang papunta rito
dahil ito ang sunnah. Subalit wala rin namang masama kung
sumakay sa sasakyan.

8. Sunnah na iba ang daan na dadaanan pabalik ng bahay


pagkatapos ng salah. Ibig-sabihin ay hindi siya dadaan doon sa
dinaanan niya noong papunta siya sa musalla dahil ito ang
ginagawa ng Rasulullah sallallahu 'alayhi wa sallam.

9. Pagbati sa iba. Maaaring batiin natin ang ating mga kapatid


na Muslim sa araw na ito katulad ng "Taqabballlahu minna wa
minkum" na ang ibig-sabihin ay "Nawa’y tanggapin sa atin at sa
inyo ni Allah ang ating mga gawain".

10. Magbigay ng Zakatul Fitr bago pa man ang Salah sa Eidul


Fitr.
53
Mga Maling Nagagawa sa Eidul Fitr

Narito naman ang ilan sa mga kamalian na naisasagawa ng


ilan o karamihan sa Eidul Fitr. Marapat lamang na iwanan natin
ang mga ito.

1. Ang pag-takbir nang sabay-sabay ng iisang boses, o di kaya


ay pagsunod sa isang namumuno sa pagtatakbir.
Ang sunnah rito ay kanya-kanya ang pagtatakbir ng bawat isa.
Sa lalake ay naririnig at sa babae naman ay mahina lamang.

2. Pagpapatugtog ng mga awiting haram at pagpapaputok.


Hindi maaari ang paggamit ng musical instruments sa
pagdiriwang nito, pagsasayaw ng babae sa publiko na nakikita ng
mga lalake, pagkakahalu-halo ng mga lalake’t babae, at iba pang
mga haram na katulad nito. Kabilang din sa hindi dapat gawin sa
araw na ito ay pagpapaputok kung saan ito ay pumapasok sa
bid'ah at panggagaya sa tradisyon ng mga kuffar (mga hindi
Muslim).

3. Muling pagbalik sa paggawa ng kasalanan.


Katulad na lamang ng pagpunta sa mga beach o resorts kung
saan nakakakita rito ng mga nakahubad at nakakalapit sila sa
pagligo sa dagat o swimming pool. Hindi ipinagbabawal ang
pagsasaya sa araw ng Eidul Fitr subalit kailangang iwasan ang mga
ipinagbawal ni Allah. At kabilang sa mga tanda na tinanggap ni
Allah ang ating pag-aayuno ay umiiwas tayo sa mga ipinagbawal
Niya.

4. Pagsasayang.
Tantiyahin lamang natin ang ating gagastusin sa araw na ito
upang sa bandang huli ay hindi rin tayo magsisi. Pakatatandaan na
hindi naiibigan ni Allah ang mga mahihilig magsayang. Higit na
mainam na mamigay sa iba lalo na sa mga kapus-palad upang
maging masaya rin sila sa dakilang araw na ito.

Nawa'y makamtan natin ang mga pagpapapala't gantimpala


na nakapaloob rito at ang kapatawaran mula sa Dakilang Allah.
Ameen.

54
Khutbah Para sa Eidul Fitr

Ang khutbah na ito ay isinulat para sa Eidul Fitr 1440H (2019).

Unang Khutbah. Hamdalah. Amma ba’d.


Mga Kapatid sa Islam, labis-labis ang pasasalamat natin kay
Allah subhanahu wa taála sa araw na ito sapagkat ibinilang Niya
tayo sa mga taong binigyan Niya ng pagkakataong makasama sa
isa sa mga pinakasagradong pagtitipong naiibigan Niya. Purihin
natin si Allah subhanahu wa taála sa pagpapalang napag-
ayunuhan natin ang pinakadakilang buwan sa buong taon, ang
buwan ng Ramadhan. Siya’y ating dakilain at luwalhatiin sa
napakainam at pinagpalang araw na ito na kabilang sa Kanyang
mga tanda.
Ang isang tunay na mananampalataya, na naniniwala kay
Allah at sa Araw ng Paghuhukom, ay nalulugod sa araw na ito ng
Eidul Fitr. Nalulugod dahil sa kapatawarang igagawad sa kanya ni
Allah bilang gantimpala sa kanyang pagsusumikap at mga
pagsamba sa buwan ng Ramadhan. Subalit kasabay noon siya rin
naman ay nalulungkot, sapagkat lumipas ang isang
napakadakilang buwan na kung saan ang mga Sahabah
radiyallahu ánhum ay nangangarap na sana ang buong taon na
lamang ay lahat katulad ng Ramadhan dahil nga ito ay punung-
puno ng maraming kabutihan at mga pagpapala.
Anu’t-ano pa man mga kapatid sa Islam, napakahalagang
malaman natin na isa sa mga palatandaan ng pananampalataya
ng isang alipin sa kanyang Panginoon ay ang pahalagahan niya at
paghandaan ang mga selebrasyong katulad nito na pinili ni Allah
para sa atin. Sabi ni Allah,
﴾        ﴿ :‫ال هللا ﷻ‬
َ َ‫ق‬
32 ‫سورة اْلج آية‬
“Gayun nga, at sinumang kanyang dakilain ang mga tanda ni
Allah, katiyakang iyon ay bahagi ng takot (at pananampalataya)
ng mga puso.” [Suratul Hajj Ayah 32]
At ang Eidul Fitr ay kabilang sa mga tanda ni Allah. Na tayong
mga alipin niya ay tumutugon sa panawagan Niya na sambahin
lamang Siya at wala ng iba. Na ang lahat ng pamayanang Muslim
ay nagkakaisa sa buong mundo sa pagsasagawa ng pagdiriwang
na ito. At ang bawat Muslim na naniniwala kay Allah at sa Huling

55
Araw ay narito, nakapagbihis ng maayos, nakapaglinis sa sarili,
iniwanan ang kanyang pinagkakaabalahan at trabaho, at tumungo
rito sa musalla kasama ng kanyang mga pamilya’t mga kamag-
anak at mga kaibigan upang tupdin ang kautusan ng kanyang
Panginoon sa paghahangad na makamit ang Kanyang
kapatawaran at pagmamahal.
Mga kapatid sa Islam, lumisan man ang Ramadhan subalit
siguradong ito’y muling magbabalik sa susunod na taon. Ang hindi
lamang sigurado ay kung lahat ba tayo ay aabutan pa natin ito?
Noong nakaraang taon ay may ilan sa mga kamaga-anak at mga
kaibigan natin na nakakasama pa natin sa pag-iftar at sa mga
tarawih, ngunit ang ilan sa kanila ngayong taon ay hindi natin
nakasama sa Ramadhan. Noong nakaraang Eid ay nakasalubong
pa natin sila at nabati ng Eid Mubarak at nayakap. Ngunit ngayon
ang ilan sa kanila ay wala na rito at pumanaw na -
rahimahumullah-.
Kaya naman mga kapatid sa Islam, lumisan man ang
Ramadhan ay huwag nating hayaan na pati ang mga aral na dulot
nito ay hahayaan na rin nating lumisan at kalimutan. Tinuruan
tayo ng Ramadhan na magtimpi at maging maawain sa kapwa
kaya’t ipagpatuloy natin ito kahit wala na ang Ramadhan.
Tinuruan tayo ng Ramadhan na magtipid at maging mapagbigay
sa mga nangangailangan at huwag hanggang Ramadhan lamang
ang kabutihang ito. Sa pagdarasal, pagbabasa ng Quran, pag-
aayuno at iba’t ibang mga pagsamba na sinanay sa atin ni Allah sa
Ramadhan ay huwag nating hayaang maglaho na parang bula
dahil lamang lumisan na rin ang Ramadhan. Sinanay tayo ni Allah
at pinaalalahanan kaya’t marapat lamang na isagawa natin ang
mga ito. Ito ang katangian ng tunay na alipin ni Allah na hindi
lamang sa buwan ng Ramadhan sumasamba kundi sa buong taon
sa buong buhay niya.
Mga alipin ni Allah, huwag nating pakakalimutan ang
madalas nating naririnig na salita ni Allah,
          ﴿

183 ‫﴾ سورة البقرة آية‬   


Inobliga sa atin ang pag-aayuno upang tayo ay magkaroon
ng takot sa Kanya. At ang takot kay Allah ay sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga
ipinagbabawal Niya. At kung tunay tayong nag-ayuno ay
56
naiwanan na natin ang anumang ipinagbawal Niya bago pa man
natapos ang Ramadhan. At kung totoo tayong nag-ayuno ay
taimtim tayong nagbalik-loob sa Kanya at nangakong hindi na
muling magbabalik pa sa kasamaan.
Ang isang batang nag-aaral, kung bakit siya nag-aaral ay
upang matuto. Sa ilang taon na isinakripisyo niya, perang ginastos
sa kanya ng mga magulang niya, at pagkatapos ay walang
pumasok sa kokote niya ay masasabi nating hindi siya tunay na
mag-aaral. Na siya ay isang pekeng estudyante. Na imbes na mag-
aral ng mabuti ay nagbulakbol, imbes na gumawa ng project ay
naglakwatsa, imbes na gumawa ng mga takdang aralin ay naglaro
na lang ng computer games, imbes na balik-aralan ang kanyang
mga aralin ay nanood na lamang ng mga teleserye. Samakatuwid
siya ay pekeng mag-aaral.
Ang isang nagtatrabaho ay imbes na magtrabaho ng maayos
ay madalas sinasadyang mahuli sa trabaho at nagtatatamad-
tamaran. Siya ay pekeng kawani. Ang isang pinuno imbes na
maglingkod sa kanyang mga nasasakupan ay pinapabayaan niya
sila at nangungurakot pa. Siya ay pekeng pinuno. Gayundin sa
pag-aayuno, pekeng pag-aayuno kung pagkatapos ng Ramadhan
ay bumalik sa dati niyang masasamang bisyo. At ayaw natin ng
peke. Kung may fake news, ay mayroon ding fake fasting. At
sana’y hindi tayo mapabilang dito. At napakalinaw nito sa ayah na
ating binanggit na kung bakit tayo inutusan ni Allah na mag-ayuno
ay upang magkaroon tayo ng takot sa Kanya, at kung hindi tayo
nagkaroon ng takot sa Kanya ay malinaw na hindi totoo ang ating
pag-aayuno.
Kaya’t kasunod ng paglipas ng Ramadhan, mas lalo tayong
magpakabuti dapat. Hindi naman talaga tunay na nawala ang
diwa nito. Nariyan pa rin sa harapan natin ang Quran, basahin
natin ito kahit hindi Ramadhan. Higit sa lahat, si Allah ay nananatili
at hindi namamatay kaya’t patuloy natin Siyang sambahin hindi
lamang sa buwan ng Ramadhan. Hindi tayo mga Ramadhaniyun
na sa Ramadhan lamang nagsasalah! Tayo ay mga Muslim! Buong
taon buong buhay na nagsasalah. At hindi natin sinasamba ang
Ramadhan. Tayo ay mga Muslim na si Allah lamang ang ating
sinasamba kahit hindi Ramadhan!
Kaya’t mga kapatid sa Islam, ang palatandaan na tinanggap
ni Allah ang ating pag-aayuno ay patuloy tayong nagsasalah,
gumagawa ng mabuti, at umiiwas sa mga masasama kahit hindi
Ramadhan. Katulad ng nakapag-aral at nakapagtapos ng kursong
57
medisina, na kanyang isinasakatuparan ang kanyang natutunan
kaya’t siya’y nanggagamot ng tao. Kung hindi siya manggagamot
pagkaraan ng halos dalawampung taon niyang pag-aaral at
pagsasanay ay sinayang lamang niya ang panahon, oras, lakas, at
pera niya at ng nagpaaral sa kanya at pati pagod, laway, at
pagsusumikap ng nagturo sa kanya. Katotohanan, wala ni isa man
sa atin ang nais niyang mangyari sa kanya ang ganyan! Na
pagkatapos magsanay ay binalewala niya ang kanyang natutunan
at hindi isinagawa.
Sino po ba sa atin, halimbawa, na pagkatapos niyang ma-
promote sa kanyang trabaho at tumaas ang sweldo ay gugustuhin
niyang ma-demote at bumaba ulit ang sweldo? Wala, hindi po ba?
At alam natin na iyon ay kahiya-hiya. Subalit mas kahiya-hiya na
pagkatapos nating ma-promote sa paningin ni Allah ay ibaba natin
muli ang ating mga sarili, hindi po ba? Kaya’t pag-isipan po natin
itong mabuti.
Nawa’y patuloy tayong umangat at magsumikap sa ating
pagsamba kay Allah subhanahu wa taála. At nawa’y patuloy
tayong Kanyang gabayan hanggang sa makamit natin ang
pinakamataas na baitang ng Paraiso, ang Firdausal A’la.
Aqulu qawli hadha wa astagfirullaha li wa lakum wa li sairil
muslimina min kulli dhanbin. Fastaghfiruhu innahu huwal
ghafurur rahim.

Ikalawang Khutbah. Hamdalah. Amma ba’d.


Mga alipin ni Allah, sa buwan na ito ng Shawwal ay mayroong
mga sunnah na pag-aayuno. Sinuman ang mag-ayuno ng anim na
araw pagkatapos niyang mag-ayuno ng kumpleto sa buwan ng
Ramadhan ay para niyang napag-ayunuhan ang buong taon. Ito’y
sa kadahilanang bawat araw ng ating pag-aayuno sa Ramadhan
ay dodoblehen sa sampu. Subalit, kailangan nating malaman na
sa mga may utang sa Ramadhan ay kailangan muna niyang
bayaran ang mga hindi niya napag-ayunuhan bago siya mag-
ayuno ng mga boluntaryo. Napakahalagang malaman natin ito
upang makamit natin ang gantimpala ng isang buong taon na pag-
aayuno.
Huwag din nating kalilimutan na parating din ang buwan ng
Dhul Hijjah, kung saan ito ang buwan ng Hajj. Kung saan ay
obligado sa Muslim na may kakayahan at may sapat na pera ang
mag-hajj kung hindi pa siya nakakapag-hajj. Kung palipasin niya
ito samantalang kaya naman niya, ay napakalaking kasalanan ang
58
kanyang nagawa sapagkat ang Hajj ay kabilang sa mga haligi ng
Islam. Sa buwan din ng Dhul Hijjah napapaloob ang sampung
pinakamainam na araw sa buong taon. Ito ang unang sampung
araw ng Dhul Hijjah. Kung sa Ramadhan ay naroon ang sampung
pinakamainam na gabi sa buong taon, ang huling sampung gabi
ng Ramadhan, sapagkat narito ang Laylatul Qadr na inabangan
nating lahat; sa Dhul Hijjah naman ay naroroon ang sampung
pinakamainam na araw sa buong taon, ang unang sampung araw
nito sapagkat ang Hajj, Yawmu Arafah at ang Eidul Adha. Sa Eidul
Adha ay napakalaking sunnah ang pag-aalay ng kambing sa ating
Panginoong Allah. Kaya’t ngayon pa lang ay paghandaan at pag-
ipunan na natin ito.
Magkano lamang ba ang halaga ng kambing? Maaaring apat
o limang libo. Ikumpara natin ito sa inaabangan mong bagong unit
ng cellphone na lalabas na ang tagal-tagal mo nang pinag-iipunan.
O yaong bagong sasakyan kahit may sasakayan ka naman na. O
mamahaling damit at mga alahas na halos magkandautang-utang
ka pa makuha mo lang kahit hindi mo naman kailangan. O
anupaman diyan na mga luho na iyong pinagsasayangan. O
pagbabakasyon o pamamasyal sa mga malalayong lugar na
magastos at kulang pa ang sampung libo para rito. Subalit hindi
natin magawang mag-alay para sa Kanyang nagbigay sa atin ng
lahat ng anumang mayroon tayo. Kung tutuusin, ang alay na ito
ay hindi naman Siya ang makikinabang kundi tayo. Kung
susumamuin ay Siya rin naman ang may-ari ng ipang-aalay natin
sapagkat ang anumang mayroon ka ay galing lahat sa Kanya at
ipinagkatiwala lamang Niya sa iyo.
Kung nais nating magkaroon ng barakah ang ating mga
buhay, ito’y maging mapagpala, ay paghandaan natin ang mga
ito. Mag-alay tayo kay Allah. Sa mga may maraming pera ay
huwag lang isang kambing. At papalitan sa atin ito ni Allah
sigurado nang higit-higit.
Ito po ay ipinapaalala natin, dahil bilang tagapangaral ng
Islam, ito ay aming tungkulin. Tungkulin at upang sa Huling Araw
ay hindi ninyo kami singilin.
Ipinapaalala namin ito sa inyo mga mahal naming kapatid sa
Islam, sapagkat hindi kami maramot sa kabutihan at ang nais
nati’y lahat tayo ay makapasok sa Paraiso ni Allah. Subalit ang
Paraiso na ito ay sadyang mahal at hindi basta-basta. Sabi nga ni
Allah,

59
92 ‫ ﴾ سورة آل عمران آية‬       ﴿
“Hinding-hindi ninyo makakamit ang Paraiso hangga’t hindi
kayo gumastos mula sa anumang inyong naiibigan.” Suratu Ali
Imran Ayah 92.
Kaya’t ngayon pa lamang ay pag-ipunan natin ang iaalay
natin kay Allah sa parating na Eidul Adha, mahigit dalawang
buwan simula ngayon sa pamamagitan ng pagkatay ng kambing.
At ipagpatuloy natin ang pagtulong natin sa mga mahihirap at
mga nangangailangan.
Sinasabi natin ito maaga pa lamang upang mas makabisado
natin ang ating mga pagdiriwang at mga dakilang araw dahil yaon
ang tanda ng tunay na Muslim. Hindi yaong kung itatanong mo sa
kanya kailan ang Eidul Adha, na nasa ika-10 ng Dhul Hijjah, ay
hindi niya alam ang eksaktong petsa nito. Kung kailan ang Yawmu
Arafah na nasa ika-9 ng Dhul Hijjah o ang Yawmu Ashura na nasa
ika-10 ng Muharram ay hindi niya alam. Pero kung itatanong mo
sa kanya kailan ang Araw ng mga Patay, Araw ng mga Puso, Pasko
at iba pang pagdiriwang ng mga hindi mananampalataya ay alam
na alam niya. La hawla wa la quwata illa billah!
Mga kapatid sa Islam, tayo sa araw na ito, ay magpatawaran,
magpasensiyahan, magmahalan, magtulungan alang-alang
lamang kay Allah. At ang mga iyan ay kabilang sa diwa ng
Ramadhan. Hingin natin kay Allah na ang anumang narinig natin
dito ay ating maunawaan at maisakatuparan. At hingiin natin kay
Allah na pagkaisahin niya ang ating mga puso at gamutin ito mula
sa anumang inggit, pagmamataas, at pagkukunwari at
kaipokrituhan.

Dua.

60
Ang Pagkakaiba ng Eidul Fitr at Eidul Adha

1. Literal na Kahulugan.
EF: Piging ng Pagtatapos ng Pag-aayuno.
EA: Piging ng Pag-aalay.

2. Petsa.
EF: Unang araw ng Shawwal.
EA: Ika-10 ng Dhul Hijjah.

3. Dahilan ng Pagdiriwang.
EF: Pagtatapos ng Ramadhan.
EA: Pagtatapos ng Hajj.

4. Tagal ng Pagdiriwang.
EF: Isang araw lamang (Shawwal 1).
EA: 4 na araw kabilang ang tatlong araw ng Ayyamut Tashriq
(Dhul Hijjah 10-13).

5. Oras ng Pagdarasal.
EF: Sa umaga pagkatapos sumikat ang araw. Mas maaga ang
pagdarasal sa Eidul Adha kumpara dito sa Eidul Fitr upang
makakain muna ang tao bago pumunta sa pagdarasalan.
EA: Sa umaga. Mainam na agahan upang agad na
makapagkatay ang mga nais mag-alay.

6. Mga Sunnah.
EF: - Kumain bago pumunta sa pagdarasalan. Mas mainam
na gansal na bilang ng datiles (tamr) ang kainin.
- Obligadong makapagbigay ng Zakatul Fitr bago ang Salatul
Eid.
EA: - Sunnah na magkatay ng hayop katulad ng kambing
pagkatapos ng Salatul Eid.
- Kung nag-intensyong magkatay ay bawal na magputol ng
kuko o anumang buhok sa katawan mula sa unang araw ng Dhul
Hijjah hanggang sa matapos ang pag-aalay. Ang pag-aalay ay
maaaring hanggang sa ika-13 ng Dhul Hijjah.

61
7. Oras ng Pagtakbir.
EF: Isang araw lamang. Ito ay mula sa paglubog ng araw
pagpasok ng buwan ng Shawwal hanggang sa bago lumubog ang
araw sa unang araw ng Shawwal.
EA: - Limang araw para sa mga hindi nasa Hajj. Ito ay
nagsisimula sa Fajr ng Yawmu Arafah (ika-9 ng Dhul Hijjah)
hanggang sa Asr ng ika-13 ng Dhul Hijjah.
- Apat na araw naman sa mga nasa Hajj. Mula Zuhr sa araw
ng Eid (ika-10 ng Dhul Hijjah) hanggang sa Asr ng ika-13 ng Dhul
Hijjah na siyang huling araw ng Ayyamut Tashriq.

8. Pag-aayuno.
EF: Bawal mag-ayuno rito ang lahat ng Muslim sa buong
mundo.
EA: Bawal mag-ayuno ang mga Muslim sa ika-10 hanggang
ika-13 ng Dhul Hijjah. Maliban sa mga nasa Hajj na may nasuway
na patakaran o pagkukulang at kailangang mag-ayuno bilang
kabayaran dahil wala silang pang-hadi (pagkatay sa Hajj).

62
Mga Kahigitan ng Buwan ng Shawwal

1. Sa buwan ng Shawwal nagsisimula ang pagsasagawa ng


Hajj, ang ikalimang haligi ng Islam.
197 ‫﴾ سورة البقرة آية‬   ﴿ :‫ال هللاُ ﷻ‬
َ َ‫ق‬
"Ang Hajj ay nasa tukoy na mga buwan." [Suratul Baqarah
Ayah 197]
Ang mga buwan ng Hajj ay Shawwal, Dhul Qa'dah at Dhul
Hijjah. Kaya't sa nais magpaaga ay maaari nang magsimulang
mag-hajj sa Shawwal.

2. Sa buwan ng Shawwal ay may boluntaryong pag-aayuno


ng 6 na araw. Ito ay maaaring dikit-dikit na araw at maaari rin
namang hiwa-hiwalay.
Sinumang mag-ayuno sa Shawwal ng 6 na araw pagkatapos
niyang makumpleto ang pag-aayuno sa Ramadhan ay para na rin
niyang napag-ayunuhan ang buong taon.
.‫َّهَر‬
‫ص َام الد ح‬ ‫د‬ ‫ق‬ ‫ف‬ ٍ ‫ت ِمن َش َّو‬
‫ال‬ ٍ ‫ضا َن وأَتح ب عه بِ ِس‬
َ ‫ح‬ َ َ ‫ح‬ ُ َ َ َ َ ‫ص َام َرَم‬
َ ‫ َم حن‬:‫الر ُس حو ُل ﷺ‬
َّ ‫ال‬
َ َ‫ق‬
.‫ صححه األلباين‬.‫سنن النسائي‬
Sinabi ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-, "Sinuman
ang makapag-ayuno (ng kumpleto) sa Ramadhan at pagkatapos
ay sundan niya ito ng 6 na araw sa Shawwal ay nakapag-ayuno ng
isang buong taon." [An-Nasai]
Ito ay dahil sa ang bawat isang araw na ayuno natin ay
idodoble hanggang sampu. At ang dami ng araw sa Ramadhan ay
29 o 30 at samahan ito ng 6 sa Shawwal, pagkatapos ay idoble sa
10 ay may katumbas na 350 o 360. At ang dami ng araw sa isang
buong taon sa kalendaryong Islam ay 355.
Mahalagang malaman na kung may utang tayo sa Ramadhan
ay kailangan munang bayaran ito at kumpletuhin bago mag-ayuno
ng sunnah na 6 na araw sa Shawwal.

3. Ang pagpapakasal at pagtatalik ay kanais-nais din sa


buwan ng Shawwal.
Pinakasalan ng Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam- si
Aishah -radiyallahu ánha- sa buwan ng Shawwal upang puksain
ang maling paniniwala ng mga sinaunang Arabo na malas daw ang
pagpapakasal sa buwan na ito. Sa buwan ding ito ng Shawwal ang
kanilang unang pagtatalik ayon sa matibay na hadith.
63
Ito ay upang ganap na maiparating ng Rasulullah -sallallahu
álayhi wa sallam- na walang malas o masama kung magpakasal at
magtalik o gumawa ng bata sa buwan ng Shawwal. Gayundin sa
iba pang mga buwan.
Naiulat din na naiibigan ni Aishah -radiyallahu ánha- na ang
kanyang mga kapamilya ay sa buwan na ito ikinakasal.
،‫َّيب ﷺ ِيف َش َّو ٍال َوبَ ََن ِيب ِيف َش َّو ٍال‬ ِ ِ‫ح َّدثَحت نَا أُُّم الحم حؤِمن‬
ُّ ِ‫ تَ َزَّو َج ِن الن‬: ُ‫ْي َعائ َشة‬َ‫ُ ح‬ َ
‫ب أَ حن تُ حد ِخ َل نِ َساءَ َها‬
ُّ ‫ت َعائِ َشةُ تَ حستَ ِح‬ ِ ِ ِِ ِ ُّ َ‫فَأ‬
‫ َوَكانَ ح‬،‫ي ن َسائه َكا َن أَ ححظَى عحن َدهُ م ِن‬
.‫ صحيح ابن ماجه‬.‫ِيف َش َّو ٍال‬

4. Sa unang araw ng Shawwal nagaganap ang Eidul Fitr. Ang


Eidul Fitr ang isa sa dalawang taunang piyesta ng mga Muslim sa
buong mundo. Ang ikalawa ay ang Eidul Adha.
Ito ay piyesta dahil sa pagtatapos ng buong buwan ng pag-
aayuno sa Ramadhan. At sa araw ng Eidul Fitr, bago ang Salatul
Eid ay obligadong magbigay ng Zakatul Fitr sa mga mahihirap at sa
mga nangangailangan nito.

5. Nasa pagitan ito ng pinakadakilang buwan sa buong taon,


ang Ramadhan, at ng tatlong magkakasunud-sunod na mga
sagradong buwan, ang Dhul Qa'dah, Dhul Hijjah, at Muharram.

Karagdagang impormasyon:
Ang Shawwal na siyang ika-sampung buwan sa kalendaryong
Islam ay tinawag sa pangalan nitong Shawwal kung saan ito ay
hango sa salitang Shala (‫ )شال‬na ang literal na kahulugan ay nawala
o naiangat. Nang pangalanan ng mga Arabo ang buwan na ito ay
walang mga bunga ang mga puno ng datiles sanhi ng napakainit
at tuyong klima. Dito naihango ang Shawwal, dahil walang mga
bunga ang mga puno ng datiles.
Ang mga sinaunang Arabo ay karaniwan nilang
pinapangalanan ang mga buwan dahil sa mga pangyayari.
Nais ko lang din bigyang linaw na hindi rin masamang
magpatayo ng bahay o magsimulang magnegosyo o maglipat-
bahay at iba pang mga gawain sa buwan na ito ng Shawwal at sa
iba ring mga buwan. Hanggang ngayon ay mayroon pa ring iilan sa
mga Muslim ang naniniwala sa mga ganyang mga haka-haka kung
saan ito ay maaaring pumasok sa shirk. Hasbunallah.

64
Ang Fidyah sa Pag-aayuno

Ang paksang ating tatalakayin dito ay fidyah sa pag-aayuno


lamang at hindi rito kasama ang ibang uri ng fidyah katulad ng
fidyah sa hajj.
Ang fidyah sa pag-aayuno ay yaong pagpapakain ng miskin
(taong mahirap) bilang kabayaran sa hindi napag-ayunuhan sa
Ramadhan dahil sa wala nang pag-asang makapag-ayuno pa.
Sinabi ni Allah,
184 ‫ ﴾ سورة البقرة آية‬      ﴿
Sinabi ni Ibnu Abbas -radiyallahu ánhuma- na (ang hukm sa
ayah na ito para sa pangkalahatang Muslim kahit nasapawan na
ng kasunod nitong ayah ay) nananatili pa rin ang hatol nito sa mga
matatandang wala ng kakayahan pang mag-ayuno at sa mga may
sakit na wala ng pag-asang gumaling.

1. Sino lamang ang maaaring magbigay ng fidyah?


Ang maaari lamang magbigay ng fidyah ay dalawang uri:
a. Yaong hindi na kakayaning mag-ayuno pa kahit kailan dahil
sa katandaan na may mahinang pangangatawan.
Ang matandang kaya pang mag-ayuno o ang may mahinang
katawan na hindi pa matanda ay hindi maaaring magbigay ng
fidyah.
b. Yaong hindi na kakayaning mag-ayuno pa dahil sa sakit na
wala ng pag-asang gumaling.
Kabilang dito ang mga sakit na habambuhay na
nagmimintina ng gamot at hindi maaaring tumigil dahil
makalulubha ng kanyang kalagayan, o di kaya’y yaong hindi
maaaring matuyuan ng tubig at anumang katulad nito na
panghabang-buhay na niyang dadalhin.
Yaon namang may sakit na may pag-asa pang gumaling ay
hindi maaaring magbigay ng fidyah sapagkat may pagkakataon pa
na kakayanin niyang mag-ayuno paggaling niya kaya’t katulad din
nitong ayuno ang ipangbabayad niya sa mga nakaligtaan niyang
mga araw sa Ramadhan dahil sa kanyang sakit.
Gayundin ang buntis o nagpapasuso ay hindi maaaring
magbigay ng fidyah sapagkat ito ay may hatol na katulad din ng
may sakit na may pag-asa pang gumaling at kapag malakas na ay
kakayanin nang mag-ayuno. At ayuno lamang din ang kanyang

65
pangbayad sa mga hindi niya napag-ayunuhan sa Ramadhan
kapag siya ay malakas na o hindi na sumususo ang kanyang anak.
Malinaw na ang rason ng pagkakaroon ng fidyah ay bilang
kapalit ng ayuno sa mga taong wala ng pag-asang makapag-ayuno
pa habang-buhay.

2. Ilang beses dapat magpapakain ng miskin?


Sa bawat araw na hindi napag-ayunuhan sa Ramadhan ay
isang miskin ang dapat pakainin bilang kapalit nito. Samakatuwid,
kung 30 araw ang hindi napag-ayunuhan ng taong wala ng
kakayahan pang mag-ayuno habang-buhay ay kailangan niyang
magbigay ng fidyah ng 30 beses din. Maaari siyang magpakain ng
30 miskin nang isahang handaan lamang. Maaari rin namang
pakainin niya ang isang miskin ng 30 beses. Maaari ring hatiin niya
ito sa 5 magkakaibang miskin ng tig-aanim na beses. Maaari ring
ang isang miskin ay pakakainin niya ng 10 beses at pagkatapos ay
magpapakain siya ng isang grupo ng 20 miskin. Ang tatandaaan
lamang dito ay maisakatuparan niya ng 30 beses ang fidyah kahit
sa anong paraan ng paghahati-hati.

3. Ano ang ibibigay o ipapakain bilang fidyah?


Ang ibibigay na fidyah ay kung ano ang pagkain sa bayang
pagbibigyan niya ng fidyah. Halimbawa sa atin dito sa Pilipinas ay
bigas o kanin.
Nagkakaiba ng opinyon ang mga ulama sa timbang na
ibibigay para sa fidyah. Ang mga Malikiyah (mga tagasunod ni
Imam Malik) at Shafiíyah (mga tagasunod ni Imam Ash-Shafii) ay
nagsasabing sangkapat ng Sa’ (750 gramo) ng pagkain (bigas). Ang
isang Sa’ ay may katumbas sa panahon natin ngayon na humigit-
kumulang 3 kilo.
Ang mga Hanafiyah (mga tagasunod ni Imam Abu Hanifah)
naman ay nagsasabing isang Sa’ (humigit-kumulang 3 kilo) ng
bigas at mga katulad nito maliban na lamang kung mais ang
ibibigay na dapat ay kalahating Sa’ (isa’t kalahating kilo) lamang.
Ang mga Hanabilah (mga tagasunod ni Imam Ahmad ibn
Hanbal) ay nagsasabing kalahating Sa’ (isa’t kalahating kilo) ng
bigas at mga katulad nito maliban na lamang kung mais ang
ibibigay ay sangkapat na Sa’ lamang.
Sina Ibn Baz at Ibn Uthaymin ay nagbigay ng fatwa na
kalahating Sa’ (isa’t kalahating kilo) ng pagkain ng bayan ang

66
siyang ibibigay para sa fidyah. At mas mainam kung ito ay
sasamahan ng ulam o karne.
Ipinahintulot din naman ng karamihan sa mga ulama ang
paghahanda ng pagkain at iimbitahan ang mga miskin. Ito ang
madhab nina Imam Abu Hanifah, Imam Malik, at Imam Ahmad sa
isang ulat na siyang pinili ni Shaykhul Islam Ibnu Taymiyah, Ibn Baz,
Ibn Uthaymin, at Shinqiti. Nagbigay din ng ganitong fatwa ang
Lujnah Daimah ng Saudi Arabia.
Naiulat ni Ad-Daruqutni na si Anas ibn Malik -radiyallahu
ánhu- ay nagluto ng pagkain at inimbitahan niya ang 30 mahihirap
hanggang sa sila ay mabusog. [Sahih ayon kay Albani]
Sinabi ni Bukhari sa kanyang Sahih, “Ang isang matanda na
hindi na kakayanin pang mag-ayuno ay magpapakain katulad ng
ginawa ni Anas ibn Malik -radiyallahu ánhu- nang siya ay matanda
na ay nagpakain siya ng tinapay at karne bilang kanyang fidyah.”
At nabanggit ni Ibn Qudamah sa kanyang aklat na Al-Mughni
na si Imam Ahmad ibn Hanbal ay tinanong tungkol sa babaeng
hindi na kayang mag-ayuno at ang kanyang tugon ay ipunin niya
ang 30 mahihirap at pakainin niya sila ng isang beses hanggang sa
sila ay mabusog. At nang siya ay tanungin kung anong ipapakain
sa kanila ay sumagot siya na tinapay at karne, at kung kakayanin
ay ang pinakamainam na pagkain.
Ipinahintulot ni Imam Abu Hanifah at Shaykh Ibn Taymiyyah
na maaaring pera ang ibigay bilang kapalit ng pagkain para sa
fidyah kung ito ay mas higit na kailangan at siyang higit na
makatutulong.
Subalit mas mainam pa rin na hindi pera ang ibigay. Kung
walang panahon o kakayahan na magluto at maghanda ng pagkain
ay maaari rin namang mag-utos at magbigay ng pera sa taong
mapagkakatiwalaan na siyang maghahanda ng pagkain at
magtatawag ng mga miskin.
Ang aking payo kung ang balak mo ay maghanda na lamang
ng pagkain imbes na bigas ay samahan ang kanin ng ulam, gulay,
prutas, at inumin.

4. Kailan ibibigay ang fidyah?


Hindi maaaring magbigay ng fidyah bago sumapit ang
Ramadhan. Hindi rin maaaring magbigay ng paunang fidyah
habang hindi pa lumilipas ang hindi pa niya napag-aayunuhan sa
Ramadhan. Halimbawa, ay ikasampung araw pa lamang ng
Ramadhan ay sampung fidyah lamang ang maaari mo munang
67
ibigay at hindi mo maaaring higitan ang sampung araw o
kumpletuhin nang ibigay ang 30 fidyah. Samakatuwid ay kailangan
munang lumipas ang araw na hindi niya mapag-aayunuhan bago
maaaring magbigay ng fidyah.
Maaari siyang magbigay ng fidyah agad-agad sa bawat araw
na lumilipas na hindi niya napag-aayunuhan sa Ramadhan. At
maaari niya itong araw-arawin. Maaari rin namang kapag tapos na
ang Ramadhan. Maaari rin namang hatiin o isagawa sa
magkakaibang-araw hangga’t mayroon na siyang sapat na pera
para makapagbigay ng fidyah. Tandaan na ang mainam ay agaran
ang pagsasakatuparan nito kung may kakayahang magbigay ng
fidyah at hindi mainam na ito ay ipagpaliban ng matagal na
panahon.

5. Obligado ba sa mahirap (miskin) ang magbigay ng fidyah?


Ang isang miskin na naobligahang magbigay ng fidyah ay
kailangan munang humanap ng paraan upang makapagbigay ng
fidyah. Maaari rin namang mayroong magsasadaqah sa kanya
upang siya ay makapagbigay ng fidyah lalo na kung may malalapit
siyang mga kamag-anak o kaibigan na may kakayahang
magsadaqah. Maaari rin naman niya itong ipangutang muna kung
sakaling mayroon siyang inaaasahang darating na pera sa
hinaharap. Ang anak na may magulang na mahirap ay obligadong
magsadaqah sa magulang niyang mahirap para makapagbigay ito
ng kanyang pangfidyah. Gayundin sa asawa o magulang na may
anak na mahirap ay dapat niya itong tulungan upang
maisakatuparan niya ang kanyang utang kay Allah subhanahu wa
taála na pagbibigay ng fidyah.
Kung talagang wala ng paraan ay hindi inoobliga ni Allah sa
Kanyang alipin ang hindi nito kaya. Pero kung magkaroon pa rin ng
pagkakataon na makakuha ng sapat na pera ay magbigay dapat ng
fidyah.

6. Ilan pang mahahalagang dapat malaman.


a. Napakahalagang malaman na dahil ang pagbibigay ng
fidyah ay isang uri ng ibadah (pagsamba) ay kailangan ang niyah
sa pagbibigay ng fidyah na ikaw ay magbibigay ng fidyah kapalit ng
hindi napag-ayunuhan sa Ramadhan bilang pagtupad mo sa
kautusan ni Allah at upang makamit ang Kanyang kaluguran.
Walang binibigkas ang dila para sa niyah na ito at sapat na ito ay
sa puso lamang.
68
b. Hindi maaaring ibigay ang fidyah sa hindi mahirap at hindi
Muslim. Ito ay para sa mahirap (miskin man o faqir) na Muslim
lamang. Maraming mga halimbawa sa Islam ang pagtulong at
pagbibigay kawang-gawa kahit sa mga hindi Muslim subalit ang
fidyah ay para lamang sa mga Muslim.
c. Hindi maaaring ibigay ang fidyah sa mga taong obligado sa
iyo na sila ay tustusan katulad ng iyong mga magulang, mga anak,
at mga asawa o sinumang obligado sa iyo na sila ay tustusan. Kung
mayroon kang malalapit na mga kamag-anak na hindi obligado sa
iyo ang pagtustos sa kanila ay sila ang higit na mainam na iyong
pagbigyan ng fidyah, o di kaya ay ang iyong mga kapitbahay.
d. Mahalagang malaman din na mas mainam na ito ay ibigay
sa mahirap na masunurin kay Allah na yaong talagang
nangangailangan at gipit.
e. Ang fidyah ay isa lamang sa tanda na si Allah ay mahabagin
sa Kanyang mga alipin at hindi Niya inoobliga sa Kanyang mga
alipin ang alinmang hindi nila kaya. Ito rin ay tanda na ang
relihiyong pinili sa atin ni Allah, ang Islam, ay kayang ipamuhay
ninuman. Alhamdulillah.

69
Mga Mahahalagang Nangyari sa Kasaysayan sa Ramadhan

Narito ang ilan sa mga magaganda at mahahalagang


nangyari sa kasaysayan ng Islam sa buwan ng Ramadhan.

1. Naiulat sa aklat na Al-Mustadrik (3/143) ni Al-Hakim na si


Propeta Isa -álayhis salam- ay iniakyat sa langit sa buwan ng
Ramadhan.

2. Ang pagkamatay ni Abu Talib na tiyuhin ni Propeta


Muhammad -sallallahu álayhi wa sallam- noong ika-10 taon ng
kanyang pagiging sugo.

3. Sa parehas ding taon ay namatay ang ina ng mga


mananampalataya, si Khadijah -radiyallahu ánha-, ang kauna-
unahang asawa ni Propeta Muhammad -sallallahu álayhi wa
sallam-. Tinawag ang taong iyon na ‘Aamul Huzn (Taon ng
Kalungkutan) dahil sa pagkamatay ng dalawa sa mga malalapit sa
Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-.

4. Sa buwan ng Ramadhan pinakasalan ni Propeta


Muhammad -sallallahu álayhi wa sallam- ang tatlo sa kanyang mga
asawa na sina Sawdah, Zainab bint Khuzaimah, at Ummu Salamah
-radiyallahu ánhunna-. Gayundin ang kasal ni Ali -radiyallahu
ánhu- at ni Fatimah -radiyallahu ánha-. Ang mga ito ay pawang sa
buwan ng Ramadhan naganap subalit sa magkakaibang mga taon.

5. Ang pagsisimula ng pagdating ng wahi (banal na


paghahayag) sa Rasulullah -sallallahu álayhi wa sallam-. Noong
siya ay nasa yungib ng Hira sa taas ng bundok ng Nur kung saan
siya ay madalas na magpunta upang manalangin. Doon ay
dumating sa kanya si Anghel Jibril -álayhis salam- at ipinahayag ang
mga unang ayah na ibinaba sa Quran, ang Iqra’ (Suratul ‘Alaq Ayah
1-5).

6. Ang adhan na ipinag-utos sa unang taon ng Hijrah.

7. Ang labanan sa Badr na siyang unang panalo ng mga


Muslim sa mga digmaan. Naganap noong ika-17 ng Ramadhan, 2
taon pagkatapos ng Hijrah.

70
8. Sa buwan din ng Ramadhan, 2 taon pagkatapos ng Hijrah
ay inobligahan ni Allah ang mga Muslim na magbigay ng Zakatul
Fitr.

9. Noong ikalimang taon ng Hijrah ay ibinaba ni Allah ang


ayah na naglilinis kay Aishah -radiyallahu ánha- mula sa
pambibintang sa kanya ng mga munafiq. Ang kaganapang ito ay
tinawag sa kasaysayan na Hadithul Ifk (Kwentong
Kasinungalingan).

10. Yaong paghahanda sa labanan sa Khandaq na tinawag


ding Ghazwatul Ahzab noong ikalimang taon ng Hijrah.

11. Ang Fat-hu Makkah o pagbawi sa Makkah ng mga Muslim


noong ika-21 ng Ramadhan, ika-8 taon ng Hijrah. Kasunod nito
ang pagsira sa mahigit tatlong daang rebulto sa Ka’bah.

12. Ang pagkuha ng Dawlah Umawiyah sa Andalus noong ika-


92H (711 A.D.) na ngayo’y ang Espanya at Portugal. Namuno ang
mga Muslim dito ng mahigit 800 taon.

13. Ang pagkakapanalo sa labanan sa Hittin noong 583H


(1187 A.D.) sa pamumuno ni Salahuddin Al-Ayyubi na nagdala ng
napakalaking dagok sa krusada ng Europa.

Napakarami pang mahahalagang kaganapan ang nangyari sa


kasaysayan ng Islam sa buwan ng Ramadhan. Hindi na natin
masyadong dinamihan sapagkat masyadong marami at ang
layunin natin sa paksang ito ay yaong mahahalaga talagang dapat
matandaan at hindi mahirap makalimutan.

71
Mga Bagay na Maaaring Hindi Mo Pa Alam Tungkol sa
Ramadhan

1. Ang pagiging obligado ng pag-aayuno sa buwan ng


Ramadhan ay ibinaba noong ikadalawang taon ng Hijrah.

2. Bago iyon, ang obligadong pag-aayuno sa mga Muslim ay


ang Yawmu Ashura’ (ika-sampu ng Muharram). Naging sunnah na
lamang ito nang ipag-utos ang pag-aayuno sa Ramadhan.

3. Ang ayah na opisyal na nag-uutos ng pagiging ganap na


obligado ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan ay ang
185 ‫﴾ سورة البقرة اآلية‬     ﴿
at hindi yaong nasa Suratul Baqarah Ayah 183.

4. Nang ibaba ang Ayah 183 ng Suratul Baqarah na


          ﴿

183 ‫﴾ سورة البقرة آية‬   


ay inobliga ang pag-aayuno subalit hindi pa gaanong ganap
sapagkat maaari pa ring hindi mag-ayuno nang sadya yaong may
kakayahan, kung kanilang nanaisin, basta’t siya ay magbibigay ng
fidyah sa pamamagitan ng pagpapakain ng miskin. At nang ibaba
na ang Ayah 185 ay dito ganap na naging wajib ang pag-aayuno sa
Ramadhan at walang pagpipilian ang mga may kakayahan na
iwanan ito.

5. Ang tinutukoy sa Suratul Qadr Ayah 1 na ibinaba ang


Quran sa gabi ng Qadr ay hindi ang pangyayari na dumating si
Anghel Jibril -álayhis salam- nang siya ay nasa yungib ng Hira. Ang
tinutukoy sa ayah na ito ay yaong pagbaba ng Quran nang isahang
buo mula sa Al-Lawhul Mahfuzh na nasa ikapitong baitang ng
langit pababa sa Baytul ‘Izzah na nasa unang baitang langit.

6. Ang pagbaba ng Quran ay dalawang uri. Ito ay pawang


naganap sa buwan ng Ramadhan.
Ang unang uri ay yaong paisa-isang pagbaba dito sa mundo
na umabot ng 23 taon kung saan ang pinakaunang ayah, Suratul
‘Alaq Ayah 1-5, ay ibinaba sa buwan ng Ramadhan. Ito yaong hindi
72
pa sugo si Propeta Muhammad-sallallahu álayhi wa sallam- na siya
ay nasa yungib ng Hira sa bundok ng Nur sa Makkah at dumating
sa kanya si Anghel Jibril -álayhis salam- upang ipahayag ang unang
kapahayagan na Iqra’ (Suratul ‘Alaq Ayah 1-5).
Ang ikalawang uri ay yaong pagbaba ng Quran nang isahan
at buo mula sa ikapitong baitang ng langit pababa sa Baytul ‘Izzah
na nasa unang baitang langit.

7. Ang salitang Ramadhan ay hango sa salitang ramadh (‫)رمض‬


na ang ibig-sabihin ay matinding-init. Noong pangalanan ang
buwan na ito ay nataon sa panahon ng tag-init.

73
Ramadhan Quiz Bee (100 Q&A)

Ang tamang sagot sa mga tanong ay ang letrang nakasulat sa


paraang malaki (naka-CAPITAL letter). Maaari po ninyo itong
gamitin sa inyong mga patimpalak.

Q1. Ano ang dalawang haligi ng pag-aayuno?


a. Ikhlas at Pagsunod sa Sunnah.
B. Intensyon at pag-iwas sa mga nakakasira nito.
c. Suhur at Iftar.
d. Quran at Sabr.
Q2. Ano ang katumbas ng isang libong buwan kung saan higit
pa rito ang Laylatul Qadr?
a. 100 taon.
b. 84 taon at 2 buwan.
C. 83 taon at 4 buwan.
d. 96 taon at 10 buwan.
Q3. Isa sa mga nakakasira sa pag-aayuno ay ang _________.
A. Pagpapadagdag ng dugo.
b. Pagbabawas ng dugo.
c. Pagsisipilyo.
d. Pagkain na di sinasadya.
Q4. Ang suhuf ay ibinaba kay Ibrahim alayhis salam sa
______ gabi ng Ramadhan.
A. Una.
b. Pangalawa.
c. Panghuli.
d. Pangatlo.
Q5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
kahigitan ng buwan ng Ramadhan?
a. Buwan ng Quran.
b. Buwan ng Sabr.
c. Buwan ng Pagbibigayan.
D. Buwan ng Jihad.
Q6. Saang bahagi ng Quran matatagpuan ang FA MAN
SHAHIDA MINKUMUSH SHAHRA FAL YASUMH (Sinuman ang
makakita ng bagong buwan (ng Ramadhan) ay mag-ayuno).
a. Suratul Baqarah:183
b. Suratul Baqarah:184
C. Suratul Baqarah:185
d. Suratul Baqarah:186
74
Q7. Si Shaykhani ay bibiyahe buong araw at gabi patungong
Basilan galing Manila sa pamamagitan ng sasakyan at barko. Ano
ang mas mainam sa kanya?
a. Mag-ayuno.
b. Mag-fidyah.
C. Hindi muna mag-ayuno at magbayad na lang.
d. Hindi muna mag-ayuno at hindi rin magbabayad.
Q8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
kondisyon sa pagiging obligado ng pag-aayuno sa isang tao?
a. Muslim
b. Nasa tamang edad.
c. May kakayahan.
d. Nasa tamang pag-iisip.
e. Hindi manlalakbay.
F. Marunong nang magsalita.
Q9. Heto ba ang Dua kapag nakita ang hilal (new moon)?
َّ َ ُّ ِ
ُ‫اّلل‬ َ ‫والس‬
َّ ‫باليمن واإليمان‬ َ ُ
ُ ‫علينا‬ َّ
َّ ‫الل‬.
‫رب وربك‬ ‫واإلسالم‬
‫ِ ّي‬ ‫ة‬
ِ ‫الم‬ ِ ِ ‫أهله‬ ‫هم‬
ALLAHUMMA AHILLAHU 'ALAYNA BIL YUMNI WAL IMANI WAS
SALAMATI WAL ISLAMI RABBI WA RABBUKALLAH.
A. Oo.
b. Hindi.
c. Depende.
Q10. Sinabi ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam, "As-
sawmu junnah." Sa Tagalog, "Ang pag-aayuno ay ___________."?
a. Napakainam.
B. Pananggalang.
c. Paraiso.
d. Pagtitiis.
Q11. Anong oras nagsisimula at nagtatapos ang Laylatul
Qadr?
a. Pagkalubog ng araw hanggang pagsikat ng araw.
B. Pagkalubog ng araw hanggang Fajr.
c. Pagsapit ng Isha hanggang pagsikat ng araw.
d. Pagsapit ng Isha hanggang Fajr.
Q12. Ang babaeng may maselang pagbubuntis ay dapat na
mag-fidyah.
a. Tama.
b. Kung sabihin ng doktor.
C. Mali.
d. Kapag ipahintulot ng mufti.

75
Q13. Ang pag-aayuno habang nasa landas ni Allah ay
mailalayo sa Impiyerno ng ___ taon.
A. 70.
b. 80.
c. 90.
d. 100.
Q14. Ano ang hatol ng pag-aayuno sa Yawmu Arafah ng isang
nasa Hajj?
A. Haram.
b. Sunnah.
c. Wajib.
d. Makruh.
Q15. Ano sa wikang Arabe ang pag-aayuno?
a. Sawm.
b. Siyam.
c. Saim.
D. A & B.
Q16. "Ibinaba Namin ito sa Gabi ng Al-Qadr." [Suratul Qadr:1]
Ang tinutukoy sa "ito" ay _________.
a. Pag-aayuno.
b. Propeta.
C. Quran.
d. Hadith.
Q17. Saang direksyon ng langit tinitingnan at inaabangan ang
hilal?
a. Hilaga.
b. Timog.
C. Kanluran.
d. Silangan.
Q18. Ang pagtikim sa pagkaing niluluto dahil kailangang
tikman at agad-agad ding idudura at walang lulunukin dito ay
_____?
a. Nakakasira ng pag-aayuno.
B. Hindi nakakasira ng pag-aayuno.
c. Haram.
d. May malaking kasalanan.
Q19. Ano ang bibigkasin kapag mag-iintensyon sa pag-
aayuno?
A. Walang bibigkasin, sa puso lang.
b. Bismillah.
c. Nawaytu sawma ghadin.
76
d. Allahu akbar.
Q20. Pumapasok ang buwan ng Ramadhan kapag?
a. Nakita ang hilal ng Sha'ban.
B. C & D.
c. Nakumpleto ang Sha'ban ng tatlumpung araw.
d. Nakita ang hilal ng Ramadhan.
Q21. Ito ang buwan na pinakamainam mag-ayuno maliban
sa Ramadhan. Sunnah na mag-ayuno sa buong buwan na ito.
Anong buwan ito?
a. Dhulhijjah.
b. Sha'ban.
C. Muharram.
d. Shawwal.
Q22. Kabilang sa mga gantimpala ng pag-aayuno ay Paraiso
kung magkataong mamatay habang nag-aayuno.
A. Tama.
b. Mali.
c. Ewan.
d. Pati sa kafir.
Q23. Ang unang kaffarah ng sadyang nagtalik sa araw ng pag-
aayuno ay ______.
a. Pagpapakain ng miskin.
B. Pagpapalaya ng alipin.
c. Pag-aayuno ng 60 araw nang sunud-sunod.
d. Pagpapakain ng 60 miskin.
Q24. Alin sa mga sumusunod ang maling gawain sa pag-
aayuno?
a. Pagpapaliban ng ifrar.
b. Masyadong maagang pagkain ng sahur.
c. Pagdura ng pagdura.
D. Lahat ng nabanggit.
Q25. Maaari bang mag-ayuno (magsuhur) ang nasa ilalim ng
hadath akbar o junub?
A. Oo. Maaaring magsuhur agad.
b. Hindi.
c. Maligo muna bago magsuhur.
d. Magwudhu muna magsuhur.
Q26. Ano ang tawag sa paraan ng pagbabayad na
pagpapakain ng isang miskin sa bawat araw na hindi napag-
ayunuhan?
a. Kaffarah.
77
b. Fitrah.
C. Fidyah.
d. Qada.
Q27. Ang pagkakaroon ng sistematikong 10 minutong imsak
o sadyang pagtigil sa pagkain 10 minuto bago ang Fajr na
isinusulat pa sa mga kalendaryong Ramadhan ay maituturing na
________.
a. Sunnah.
b. Wajib.
c. Shart.
D. Bid'ah.
Q28. Alin sa mga boluntaryong pag-aayuno ang
pinakamainam at pinakanaiibigan ni Allah?
a. Anim na araw sa Shawwal.
b. Al-ayyamul Bid.
c. Yawmu Ashura'.
d. Yawmu Arafah.
E. Yawm ba'da Yawm (Alternate days).
Q29. Maaari bang mag-ayuno sa Ayyamut Tashriq
(Dhulhijjah 11, 12, 13) ang nasa Hajj?
a. Oo. Sa lahat ng pagkakataon.
B. Hindi. Maliban kung walang pang-hadi.
c. Hindi. Sa lahat ng pagkakataon.
d. Oo. Subalit sa Hajj Ifrad lamang.
Q30. Kung ang Iceland na may 21 oras ang may
pinakamahabang pag-aayuno, anong bansa naman ang may
pinakamaiksi na may 11 oras at 20 minutong pag-aayuno lamang
noong nakaraang taon (1438H/2017)?
a. Indonesia
b. Egypt
C. Argentina
d. Brazil
Q31. Ano ang pagkakaiba ng suhur at sahur?
A. Suhur: eating before dawn; sahur: food.
b. Suhur: food; sahur: eating before dawn.
c. Walang pagkakaiba.
d. Suhur: solid food; sahur: liquid food.
Q32. Kumpletuhin ang ayah:
‫يا أيها الذين آمنوا كتب عليكم الصيام كما كتب عىل الذين من قبلكم لعلكم‬
._________

78
"Ya ayyuhal ladhina amanu kutiba alaykumus siyam kama kutiba
'alal ladhina min qablikum la 'allakum ________.
a. Tuflihun.
b. Tanjahun.
c. Ta'tabirun.
D. Tattaqun.
Q33. Ano ang sunnah na pang-iftar kung walang mahanap na
ratb (fresh dates) at tamr (dried dates)?
a. Prutas.
B. Tubig.
c. Gatas.
d. Kahit ano.
Q34. Sa Eidul Fitr ay sunnah na kumain muna ng tamr (dates)
bago pumunta sa musalla (dasalan). Ilan ang bilang na kinakain ng
Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam?
a. Kahit ilan.
b. 3 lamang.
C. Witr (may butal): 1 o 3 o 5 o 7...
d. Walang butal: 2 o 4 o 6 o 8...
Q35. Ang mga sumusunod ay mga bid'ah na hindi dapat
ginagawa sa pag-aayuno maliban sa isa na sunnah. Tukuyin ang
hindi bid'ah.
a. Pagbigkas ng "Nawaytu sawma ghadin..." kapag mag-aayuno.
b. Pagligo o pagsalawat sa bisperas ng Ramadhan kung saan
binubuhusan ang ulo ng tubig.
c. Pagbabasa nang sabay-sabay ng maiiksing Surah o tasbih sa
pagitan ng bawat dalawang rak'ah sa tarawih.
D. Dagliang pagkain ng iftar paglubog ng araw.
Q36. Saang bahagi ng Quran matatagpuan ang FA MAN
SHAHIDA MINKUMUSH SHAHRA FAL YASUMH (Sinumang ang
makakita ng buwan ay mag-ayuno).
a. Suratul Baqarah:183
b. Suratul Baqarah:184
C. Suratul Baqarah:185
d. Suratul Baqarah:186
Q37. Ano sa Arabic ang pagbabago ng amoy hininga ng nag-
aayuno?
A. Khaluf.
b. Kharif.
c. Kharuf.
d. Khaif.
79
Q38. Ang pag-aayuno sa Ramadhan ay _________ na haligi
ng Islam.
a. Una.
b. Ikalawa.
c. Ikatlo.
D. Ikaapat.
Q39. Anong taon naging obligado ang pag-aayuno sa
Ramadhan?
a. 1H.
B. 2H.
c. 3H.
d. 4H.
40. Sino lamang ang maaaring mag-fidyah?
a. Ang hindi na kayang mag-ayuno dahil sa katandaan.
b. Ang hindi na kayang mag-ayuno dahil sa sakit na wala ng pag-
asang gumaling.
c. Ang may maselang pagbubuntis.
D. A & B.
Q41. Ang Torah ay ibinaba _____ ng Ramadhan.
A. Pagkatapos ng ika-6 na gabi.
b. Sa ikalimang araw.
c. Sa ikalawang gabi.
d. Wala sa mga nabanggit.
Q42. Alin sa mga sumusunod ang naganap sa buwan ng
Ramadhan?
a. Labanan sa Badr.
b. Pagkabawi sa Makkah.
c. Pagkamatay ni Khadijah radiyallahu 'anha.
D. Lahat ng nabanggit.
Q43. Anong klaseng Sunnah na salah ang isinasagawa sa
buwan ng Ramadhan na hindi isinasagawa sa ibang mga buwan?
a. Laylatul Qadr.
b. Qiyamul Layl.
c. Qunut.
D. Tarawih.
Q44. Ipinag-utos ng Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa
sallam sa mga binata na mag-ayuno na lamang kung hindi kayang
__________.
A. Mag-asawa.
b. Maghanap-buhay.
c. Maging masunurin sa magulang.
80
d. Walang makain.
Q45. Sino ang propetang pinakakaibig-ibig kay Allah ang
kanyang pag-aayuno na salitan ng araw?
a. Muhammad sallallahu alayhi wa sallam.
b. Ibrahim alayhis salam.
C. Dawud alayhis salam.
d. Musa alayhis salam.
Q46. Ang bagong yakap sa Islam nang tanghali sa buwan ng
Ramadhan ay ________.
A. Mag-aayuno na agad.
b. Hindi muna mag-aayuno sa araw na yaon.
c. Maligo muna bago mag-ayuno.
d. Kumain muna agad bago mag-ayuno.
Q47. Ang tamang sunnah na dua po ay pagkatapos o habang
nag-iiftar ay:
ُ َّ ‫إن َش َاء‬
ْ ُ ْ ُ ُ ُ ْ َّ َ ْ َ ُ َ َّ َ َ َ
َ ‫ َو َث َب‬،‫وق‬
‫اّلل‬ ‫ت األجر‬ ‫ذهب الظمأ و ابتل ِت العر‬
DHAHABADH DHAM U WABTALLATIL ÛRUQU WATHABATAL AJRU
IN SHA ALLAH.
Pero bago kumain ay bigkasin ang BISMILLAH. Shukran jazilan.
A. Tama lahat.
b. Mali lahat.
c. Mali ang sa itaas.
d. Mali ang sa ibaba.
Q48. Alin sa mga sumusunod na mga hugis ang hitsura ng
hilal (new moon) na inaabangan nating makita kapag papasok ang
Ramadhan at kapag papasok ang bagong buwan ng kalendaryong
Islam?
a. D.
b. O.
C. nakatalikod na C.
Q49. Sunnah ba mag-adhan ng dalawang beses sa madaling-
araw kapag Ramadhan? Ang una ay panggising, ang pangalawa ay
_____?
A. Oo. Adhan ng Fajr.
b. Oo. Iqamah.
c. Hindi. Panggising pa rin.
d. Makruh ito. Adhan ng Fajr.
Q50. Ang pag-aayuno ay may gantimpalang walang katulad
ayon sa Hadith ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam.
A. Totoo.
b. Hindi.
81
c. Hadith daif.
d. Kung ika'y nasa jihad.
Q51. Sa huling Ramadhan ng Rasulullah sallallahu alayhi wa
sallam ay ilang araw siyang nag-i'tikaf?
a. 0
b. 10
C. 20
d. 30
Q52. Ang Laylatul Qadr ay maaaring mapanaginipan?
A. Oo.
b. Hindi.
c. Oo pero kay Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam
lamang.
d. Sa mga Kafir lamang.
Q53. Tayo ngayon ay nasa ika-11 ng Ramadhan kung saan ito
ay ang bahagi ng _______?
a. Rahmah.
b. Maghfirah.
c. Itqun minan Nar.
D. Wala sa mga nabanggit.
Q54. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakakasira ng pag-
aayuno?
I. Pagkain ng limot.
II. Pagsusuka na hindi sinasadya.
III. Pag-inom mula sa pagmumumog sa wudhu na hindi sinasadya.
IV. Pagpapadagdag ng dugo.
a. Isa lang sa mga pagpipilian ay tama.
b. Dalawa sa mga pagpipilian ay mali.
C. Tatlo sa mga pagpipilian ay tama.
d. Lahat ay tama.
Q55. Bago pa man maging ganap na obligado ang Ramadhan
sa mga Muslim, ang Muslim na ayaw mag-ayuno kahit kaya niya
ay magbabayad na lamang sa pamamagitan ng?
a. Kaffarah.
B. Fidyah.
c. Sawm.
d. Sadaqah.
Q56. Bakit itinigil ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam
ang pagtatarawih sa mga tao at hindi na siya lumabas pa
pagkatapos ng ilang ulit?
A. Sa takot niya na ito ay maging wajib.
82
b. Dahil ito ay sunnah lang.
c. Dahil tinatamad na siya.
d. Dahil nagkagulo.
Q57. Sa kaninong panahon muling naibalik ang Tarawih na
isinasagawa ng Jama'ah?
a. Abubakr Assidiq
B. Umar ibnul Khattab
c. Uthman ibnu Affan
d. Ali ibn Abi Talib
Q58. Ang nebulizer na ginagamit ng may sakit sa hika kung
saan mula sa likido ay nagiging gas at pagkatapos ay nagiging
likido ulit ay nakakasira ng pag-aayuno.
a. Depende.
B. Tama.
c. Mali.
d. Kung sasabihin ng doktor.
Q59. Ilang beses nakapagtarawih ng Jama'ah ang Rasulullah
sallallahu alayhi wa sallam kasama ang mga tao (Sahabah) at
pagkatapos ay itinigil niya ito.
a. 30
b. 23
c. 13
D. 3
Q60. Ano ang hukm ng pagtupad ng pag-aayuno dahil sa
panata (nadhr)?
A. Wajib
b. Sunnah
c. Makruh
d. Haram
Q61. Ano ang tawag sa Arabic sa pagkain (food) na kinakain
sa iftar?
a. Muftirat.
b. Pater.
C. Fatur.
d. Iftar.
Q62. Ang Laylatul Qadr ay ____ isang libong buwan.
a. Katumbas ng
B. Higit sa
c. Mas maliit sa
d. Isang milyon at

83
Q63. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga kahigitan
ng buwan ng Ramadhan?
a. Buwan ng pagkakaibigan.
b. Buwan ng Sabr.
c. Buwan ng Pagbibigayan.
d. Buwan ng Jihad.
a. a and b
b. b ONLY
C. b at c
d. None of the above
Q64. Ano ang uri ng dates (datiles) na sinabi ng Rasulullah
sallallahu alayhi wa sallam na sinumang makakain nito ng pitong
beses ay hindi malalason.
a. Rutab
B. Ajwa
c. Iraqi
d. Dimashqi
Q65. Sa anong surah sinabi ni Allah na ang Quran ay ibinaba
niya sa Laylah Mubarakah (gabing pinagpala)?
a. Suratul Qadr
b. Suratul Baqarah
C. Suratud Dukhan
d. Suratut Tawbah
Q66. Ang Ramadhan na siyang buwan ng pag-aayuno ay
pang-ilang buwan sa Islamikong kalendaryo?
A. Ika-siyam.
Q67. Kapag ikaw ay nag-aayuno at mayroong nakikipagtalo
sa iyo o nang-aasar o namimilosopo o nangbu-bully ay huwag
itong patulan at magtimpi at sabihin sa kanya ang mga katagang
‫إب صائم‬/INNI
‫ي‬ SA-IM na ang ibig-sabihin ay "Ako ay nag-aayuno".
Q68. Ang Jannah ay may walong tarangkahan, at ang isa sa
mga tarangkahan nito ay tinatawag na Ar-Rayyan (Babur Rayyan)
kung saan dito espesyal at eksklusibong papapasukin ni Allah
subhanahu wa ta'ala ang mga masisipag at madalas mag-ayuno.
Q69. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakakasira sa pag-
aayuno?
a. Pag-inom.
b. Pagkain.
C. Pagligo sa hapon.
d. Pagsuka nang sinasadya.
e. Pakikipagtalik.
84
Q70. Ang ibig-sabihin ng sahur ay ang pagkain na inihahanda
kapag suhur katulad ng kanin, isda, prutas, tubig.
Ang suhur naman ay ang proseso ng iyong pagkain sa
madaling-araw bago mag-Fajr para mag-ayuno.
Mga halimbawang pangungusap:
1. Nakapag-suhur na kami Alhamdulillah at ang sahur namin ay
tinapay lamang at tubig.
2. Anong ang inyong sahur kanina? Ang sahur namin kanina ay
kanin at bangus.
3. Hindi ako nakapag-suhur kanina dahil Fajr na nang ako ay
magising.
Q71. Alin sa mga sumusunod na buwan na Sunnah mag-
ayuno ng 6 na araw kasunod ng pag-aayuno sa Ramadhan, kung
saan ang gantimpala nito ay para kang nakapag-ayuno ng isang
buong taon?
a. Sha'ban
B. Shawwal
c. Safar
d. Muharram
Q72. Ito ang buwan na pinakamainam mag-ayuno maliban
sa Ramadhan. Sunnah na mag-ayuno sa buong buwan na ito.
Anong buwan ito?
A. Muharram
Q73. Ano ang tawag sa paraan ng pagbabayad na
pagpapakain ng isang miskin sa bawat araw na hindi napag-
ayunuhan?
A. Fidyah
Q74. Sino o sa anong sitwasyon maaaring mag-fidyah ang tao
na kapalit nang hindi niya napag-ayunuhan?
A. Yaong matanda na mahinang hindi na kayang mag-ayuno at
yaong may malalang sakit na wala nang pag-asang gumaling na
hindi na rin kayang mag-ayuno pa.
Q75. Ang mga sumusunod ay pawang mga sunnah na pag-
ayunuhan maliban sa isa na haram. Tukuyin ito.
a. Lunes at Huwebes.
b. Ika-13, 14, 15 ng bawat buwang Islamiko maliban sa Ramadhan
(Al-Ayyamul Bid).
c. Unang walong araw ng Dhul Hijjah.
d. Yawmu Arafah (Dhul Hijjah 9).
e. Yawmu Ashura' (Muharram 10 kasama ang 9 at 11).
F. Yawmus Shakk.
85
g. Anim na araw sa Shawwal.
h. Buong buwan ng Muharram.
i. Maraming mga araw sa buwan ng Sha'ban.
j. Alternate days (Yawm ba'da yawm).
Q76. Yawmus Shakk (Araw ng pag-aalinlangan) po ang
tamang sagot sa nakaraang tanong (no.10). Ang tanong ay anong
araw ang Yawmush Shakk, bakit tinawag itong ganito at bakit
haram mag-ayuno sa araw na ito?
A. Dahil sa ito ay araw ng pag-aalinlangan kung huling araw pa ba
ng Sha’ban o kung nakapasok na ang buwan ng Ramadhan.
Q77. Anong ibadah sa buwan ng Ramadhan ang ginagawa ng
Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam tuwing ika-sampung huling
araw nito?
A. I’tikaf
Q78. Ang pagsasagawa ng ibadah sa Laylatul Qadr ay higit pa
sa isang libong buwan. Ang tanong, anong oras nagsisimula at
nagtatapos ang Laylatul Qadr?
A. Mula Maghrib (paglubog ng araw) hanggang Fajr (madaling
araw).
Q79. Ang mga sumusunod ay pinagmulan ng salitang
Ramadhan maliban sa isa. Tukuyin ito.
a. Ramda: matinding init.
b. Irtimad: pagkauhaw at pagkagutom.
c. Ramd: sinusunog ang mga kasalanan.
D. Ramada Hotel.
Q80. Noong nakaraang taon ng 1438H (2017) ay ito ang
bansang may pinakamahabang oras ng pag-aayuno na 21 oras
mula Fajr hanggang Maghrib. Samakatuwid ay 3 oras lamang ang
pagitan ng kanilang Maghrib at Fajr. Anong bansa ito?
A. Iceland.
b. Turkey.
c. Zimbabwe.
d. Philippines.
Q81. Ang mga sumusunod ay mga bid'ah na hindi dapat
ginagawa sa pag-aayuno maliban sa isa na sunnah. Tukuyin ang
hindi bid'ah.
a. Pagbigkas ng "Nawaytu sawma ghadin..." kapag mag-aayuno.
b. Pagligo o pagsalawat sa bisperas ng Ramadhan kung saan
binubuhusan ang ulo ng tubig.
c. Pagbabasa nang sabay-sabay ng maiiksing Surah o tasbih sa
pagitan ng bawat dalawang rak'ah sa tarawih.
86
D. Pag-iftar ng dates (datiles/korma) o tubig.
Q82. Hindi po masamang magpakasal sa buwan ng
Ramadhan. Katunayan, pinakasalan ng Rasulullah sallallahu alayhi
wa sallam sa buwan ng Ramadhan si _____________ radiyallahu
anha na tinagurian ding "Ummul Masakin" o "Ina ng mga
Mahihirap".
A. Zainab bint Khuzaymah.
b. Hafsah bint Umar.
c. Aishah bint Abubakr.
d. Zainab bint Jahsh.
Q83. Ang buwan ng Ramadhan lamang ang nabanggit na
buwan sa Quran. Ang tanong, ilang beses ito nabanggit sa Quran?
A. 1.
b. 2.
c. 3.
d. 4.
Q84. Alin sa mga sumusunod na mga banal na aklat ang hindi
ibinaba sa buwan ng Ramadhan?
a. Quran (Muhammad).
b. Injil (Isa).
c. Tawrah (Musa).
d. Zabur (Dawud).
e. Suhuf (Ibrahim alayhimus salatu was salam).
F. Wala ni isa.
Q85. Ang pagsasagawa ng umrah sa buwan ng Ramadhan ay
may gantimpala na katulad ng?
a. Laylatul Qadr.
B. Hajj na kasama ang Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam.
c. Kapatawaran sa loob ng isang taon.
d. Pag-aayuno ng buong taon.
Q86. Ano ang binubuksan, isinasara, at ikinakadena kapag
buwan ng Ramadhan?
a. Langit, Lupa, Jinn.
b. Langit, Impiyerno, Shaytan.
C. Paraiso, Impiyerno, Shaytan.
d. Paraiso, Impiyerno, Jinn.
Q87. Anong klaseng Sunnah na salah ang isinasagawa sa
buwan ng Ramadhan na hindi isinasagawa sa ibang mga buwan?
a. Laylatul Qadr.
b. Qiyamul Layl.
c. Qunut.
87
D. Tarawih.
Q88. Alin sa mga sumusunod ang bawal sa kanila ang mag-
ayuno?
a. Babaeng may haydh (buwanang bisita).
b. Babaeng may nifas (post natal bleeding).
c. Taong makapipinsala sa kanya ang pag-aayuno sanhi ng sakit o
malayong paglalakbay.
D. Lahat ng nabanggit.
Q89. Ang pag-aayuno ay may dalawang haligi: ang intensyon
(niyyah) at ang ______________?
A. Pag-iwas sa mga nakakasira nito.
b. Pagsunod sa Sunnah.
c. Iftar.
d. Suhur.
Q90. Anong boluntaryong pag-aayuno ang may
gantimpalang kapatawaran ng mga kasalanan sa nakaraang taon
at parating na taon?
A. Siyamu Yawmi Arafah
Q91. Ang buntis ba ay kailangang mag-fidyah sa hindi niya
napag-ayunuhan?
a. Oo.
B. Hindi. At magbabayad lamang ng ayuno.
c. Oo magpi-fidyah at mag-aayuno.
d. Hindi. At hindi na niya kailangang mag-ayuno.
Q92. Ang paggamit ba ng siwak ay nakakasira ng pag-
aayuno?
A. Hindi.
Q93. Ang buwan ng Ramadhan ay hindi lamang buwan ng
pag-aayuno. Ito rin ay buwan ng Quran, buwan ng Sabr (pagtitiis),
buwan ng pagbibigayan, at buwan na pinagpala.
Q94. Banggitin ang eksaktong mga kataga sa ayah (Arabic
dapat) sa Quran kung saan ganap na ipinag-utos ang pagiging
obligado ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan? Banggitin din
kasama nito ang pangalan ng Surah at numero ng ayah.
A. ‫فمن شهد منكم الشهر فليصمه‬.
185 : ‫اآلية‬
‫سورة البقرة‬
Q95. Ang pagtigil sa pagkain sa suhur ay sa oras mismo ng
pagpasok ng Fajr at hindi َ ْ sa Imsak. Bid'ah po ang imsak time.
ْ َْ َ َ ْ َْ ْ َ ُ َ ْ َ ْ ُ ْ َ ْ ُ ُ َ َ َّ َ َ َ ٰ ََّ َ ُ َ ْْ َ ُ ُ َ
‫وكلوا واشبوا حّت يتب ّي لكم الخيط األبيض ِمن الخي ِط األسو ِد ِمن الفج ِر‬

88
"And eat and drink until the white thread of dawn becomes
distinct to you from the black thread [of night]." [Suratul
Baqarah:187] ُ
ُ َ ْ ِ َ ُ َ ْْ ‫ ( َف ُك ُلوا َو‬: ‫اّلل َع َل ْيه َو َس َّل َم‬
َّ َّ َ ّ َّ ْ ‫َق‬
‫ َول ْم َيك ْن‬, ‫اشبوا َح ََّّت ُيؤذن ِا ْبن أ ّم َمك ُتوم‬ ِ ْ ُ ‫ىل‬ ‫ص‬ ‫ّت‬ ‫الن‬ ‫ل‬‫و‬
‫ُ َ ِ ِّ ي‬
ْ َ ُ ْ َ
) ‫يؤذن ِإال بعد طلوع الفجر‬
Sinabi ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam, "At kumain kayo
at uminom hanggang sa magtawag ng adhan si Abdullah ibn
Ummi Maktum radiyallahu anhu, sapagkat hindi siya nag-aadhan
maliban lamang kapag sumapit na ang Fajr."
Q96. Anong araw sa Ramadhan ibinaba ang unang ayah na
ipinahayag sa Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam sa kuweba ng
Hira kung saan siya rin ay naging sugo?
A. Ang tinutukoy po doon sa hadith na ika-24 ay yaon ang
pagkakababa ng Quran nang buo (kumpleto) na isahan lamang
mula sa Arsh at ibinaba sa unang baitang ng langit sa Baytul 'Izzah.
At iyon din ay hindi sa ika-24 kundi ayon sa Hadith ay pagkalipas
ng ika-24 na gabi ng Ramadhan. At ayon sa karamihan sa mga
ulama ay sa ika-27 ng gabi na siya ring Laylatul Qadr.
Ang tanong ko ay ang unang pagkakababa nito kay Propeta
sallallahu alayhi wa sallam kung saan ito ay sa Ramadhan din at
ayon sa kilalang aklat na Arrahiqul Makhtum (The Sealed Nectar)
ay sa ika-21 ibinaba ang unang ayah na Iqra na naganap sa kuweba
ng Hira sa bundok Nur.
Q97. Ano ang tawag sa pag-aayuno na ito na eksklusibo
lamang sa Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam kung saan hindi
maaari sa atin na gawin ito?
Ang pag-aayuno na ito ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam ay
may katangian na hindi siya nag-iiftar at siya'y tuluy-tuloy na nag-
aayuno ng dalawang araw o higit pa.
A. Wisal
Q98. Ano itong uri ng sawm na ipinag-utos ni Allah kay
Mariam na ina ni Isa alayhimas salam, kung saan tatlong dire-
diretsong araw niya itong isinakatuparan?
A. Ito po ay ang hindi pagsasalita at senyas lamang ang gamit niya.
Ito ay pagtupad sa panata niya kay Allah. Basahin sa Surah
Maryam Ayah 26.
Q99. Ano ang tawag sa uri ng sadaqah na ibinibigay kapag
malapit nang matapos ang Ramadhan?
A. Zakatul Fitr.

89
Q100. Sinabi ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam, "As-
sawmu junnah." Sa Tagalog, "Ang pag-aayuno ay
_____________."?
a. Napakainam.
B. Pananggalang.
c. Paraiso.
d. Pagtitiis.

*******

90
Pasasalamat

Ang may-akda ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng


nakapag-ambag upang matapos at malimbag ang aklat na ito. Pati
na rin sa mga tumulong at tutulong na ipamahgi ang kopyang ito
sa ating mga kababayang Muslim. Alam natin kung gaano kalaki
ang gantimpalang makakamit natin sa pagpapalaganap ng tamang
katuruan ng Islam. Barakallahu fikum jami’an.

Lubos na pasasalamat din ang may-akda sa kanyang butihing


may-bahay, si Caironesa bint Ihsan, isang alimah na nagtapos ng
kulliyah sa Riyadh, na kanyang napagtatanungan sa mga paksang
nangangailangan ng ilang paglilinaw at tumutulong sa
paghahanap ng mga aklat. Gayundin sa kanyang pagtitimpi,
paghahain ng pagkain, pagtimpla ng inumin, at patuloy na
pagpapaalala habang isinusulat ito. Jazahallahu khayran.

Pati na rin sa aking mga anak na nagtitiis din at umuunawa,


samantalang mga maliliit pa sila, sa hindi nila pag-istorbo sa akin
at pagpupumilit kapag alam nilang ako ay nagsusulat. Nawa’y
mahigitan nila kaming mga magulang nila. Ameen.

Higit sa lahat, sa ating Panginoong Allah, ang Kataas-taasan


at Pinakadakila, na nagbigay sa atin ng gabay, lakas, biyaya, at
karunungan.

Nawa’y tanggapin Niya sa ang kaunting pagsusumikap na ito


at nawa’y maging kapaki-pakinabang sa ating lahat. Ameen.

91
Paunawa

Ang kopyang ito ay libre at iminumungkahing ipakalat sa


inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilalang Muslim. Maaari rin
itong ilimbag nang maramihan at ipamahagi nang libre.
Hindi po ito maaaring ibenta o baguhin ang anuman sa mga
nilalaman nito.
Kung nais makakuha ng mga libreng aralin at babasahin, may
katanungan, o mungkahi, ay nasa ibaba ang kontak ng may-akda.
Kung nais magbigay ng sadaqah o bumili ng iba pang mga
aklat ng may-akda ay mangyaring kontakin lamang siya. Ito ay
napakalaking tulong at ambag sa pagpapalaganap ng tamang
katuruan ng Islam.
Ang ilan sa mga aklat na natapos ng may-akda ay Arabic Para
sa Kabayan at Tajwid Para sa Kabayan subalit ito po ay kanyang
binibenta. Kung nais bumili ay huwag mag-atubili.
Facebook
Muhammad Macaraya Bani
www.facebook.com/MuhammadMacarayaBani
Email
muhammadbani@gmail.com
Youtube Channel
www.youtube.com/concerningislam
Facebook Page
www.facebook.com/concerningislam
Quran Playlist
http://www.youtube.com/view_play_list?p=FAF82F05EE3804CB

Tajwid
http://www.youtube.com/view_play_list?p=FE7CB42038BCF238

Arabic
http://www.youtube.com/view_play_list?p=3F1DAEB8358D14CD

Adhkar
http://www.youtube.com/view_play_list?p=E9E4A37DFAE142CE

92

You might also like