You are on page 1of 4

EPP Reviewer

Lesson1:
Tahanan-isang lugar na kung saan matututo tayo ng maraming kalaaman
Mga panukat na Gamit:
-Meter stick
-Medida
-Sewing Gauge
-Ruler
Meter Stick-ito ay mainam sa paglalagay ng tanda sa mga laylayan o tabi
Medida-ito ay ginagamit na panukat sa katawan ng isang tao
Ruler at Sewing Gauge- ito ay ginagamit sa pagsukat ng maiiksing haba
Mga Kagamitang Panggupit:
-Gunting
-Shears
-Pinking Shears
-Seam Ripper
Gunting-ginagamit sa paggupit ng sinulid at pagbabawas ng tela ayon sa haba at iksi nito
Shears-mas malaki kaysa sa Gunting. Ito ay ginagamit sa makakapal na tela
Pinking Shears- ginagamit upang gupitin nang paliko-liko ang dulong tela ng tatahiin
Seam Ripper-napakahalaga lalo na sa pagtastas ng tahi upang maiwasan ang pagkasira
ng tela
Mga kagamitan sa Pananahi:
-Makina
-Karayom
-Timbol
-Tusukan ng karayom
-Aspile
Makina-maaaring manwal o may motor na ginagamit sa pananahi. Napabibilis nito ang
pananahi at nagiging Pulido ang tinahi
Karayom- ginagamit sa pananahi gamit ang kanan o kaliwang kamay
Timbol- mahalaga upang mapangalagaan ang daliri sa pananahi gamit ang karayom
Tusukan ng Karayom- ginagamit upang ang mga karayom at aspile ay nasa ayos at hindi
pakalat-kalat
Aspile-tumutulong upang mailagay sa tamang puwesto ang tela habang ito ay tinatahi
Mga halimbawa ng mga lineng pambahay na maaaring tahiin:
-Apron
-Headband
-Potholder
-Pamunas ng kamay
Lesson2:
Pag-iimbak ng pagkain- isang paraan ng pagpapanatili ng kasariwaan ng pagkian at
upang maiwasan ang pagkasira at pagkapanis nito
Mahalaga ang pag-iimbak ng pagkain dahil:
-mabawasan ang suliranin tungkol sa kulang o labis na suplay ng pagkain
-mabawasan ang suliranin sa malnutrisyon
-maiwasan ang pag-aaksaya ng pera, panahon, at pagod sa paghahanda ng makakain
-maiwasan ang pag-aangkat ng mga produkto na galing sa ibang bansa lalo na ang mga
de-lata
-makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
-maging hanapbuhay at magkaroon ng dagdag na kita para sa pamilya
Mga pagkain na maaaring iimbak:
-Karne
-Isda
-Gulay
-Prutas
Mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain:
A.) Refrigeration o Freezing- pinakamabisang paraan ng pag-iimbak ng pagkain upang
maiwasan ang pagkasira o pagkapanis
B.) Pagsasalata- paglalagay ng pagkain sa lata o iba pang lalagyan tulad ng garapon, bote,
o iba pang lalagyan
C.) Pag-aasin-mabisang sangkap sa solusyon na magpapabagal sa kilos o galaw ng mga
organism na sumisira sa pagkain
D.) Pagbibilad- pinakauna, pinakamabisa at pinakamatipid na paraan ng pag-iimbak ng
pagkain
E.) Pagpapausok- inaasinan muna o tinitimplahan at saka ilalapit sa mainit na baga ng
uling o kahoy upang mababad at maluto
F.) Paggamit ng mga Pampreserba- sangkap na hindi lubos na pumapatay sa mga
bakterya sa pagkain ngunit pumipigil sa pagtubo o pagdami ng mga ito
G.) Freeze-drying- ginagamit ito sa mga naka-pack na pagkain
H.) Paggamit ng Hermetic Sealing- ginagamit sa mga pagkain tulad ng itlog, gulay, at de-
latang pagkain
Lesson3:
Pagpapakete ng inimbak na pagkain- isang haon sa inyong pagiging malikhain
Mga tips sa pagpapakete ng inimbak na pagkain:
-Alamin kung sino ang maaaring bumili
-Matututong magmasid sa mga tindahan at palengke
-Magkaroon ng sariling pagkakilanlan o identity
-Laging maging maingat sa pagpapakete
Lesson4:
Pilipinas-mayaman sa mga katutubong materyales
Iba’t ibang uri ng kawayan:
A.) Bagto- kawayang may bahaging tinatawag na internodes (Maaaring gawing flute, silya,
papel, panghabi)
B.) Dendrocalamus Gigantochloa- ginagamit sa paggawa ng bahay at lubid
C.) Gigantochloa- ang mga mangingisda ay pwedeng makinabang dito
D.) Bambusa Spinosa o Kawayang Tinik- may taas na 25-34 metro (Maaring gawing
Kama, basket, sombrero, at pamaymay)
Lesson5:
Metallurgist- mga taong gumagawa ng metal
Materyales na metal:
-Aluminyo
-Bakal
-Tanso (Copper)
-Tingga (Lead)
-Zinc
Mga pangpakinis at pangpakintab:
-Kikil
-Pambakal na liha
-Scratch Awl
-Lapis
-Center Punch
Lesson6:
Mga kagamitan pang elektrisidad:
-Kawad
-Pambarenang Elektikal (Handrill)
-Elektrikal na Tape
-Switch
-Plais (Pliers)
-Screwdriver
-Hacksaw
Sirkrito- tumutukoy sa walang patid na pagdaloy ng koryente sa kawad
Mga bahagi ng sikrito:
-Path
-EMF
-Control
-Current Consuming Device

You might also like