You are on page 1of 3

LOVING CHRIST SMART SCHOOL

Batac St. Sta. Rita, Aurora, Isabela


School ID 415566
Modyul sa FILIPINO V
Ikalawang LINGGO

PANGALAN:______________________________________________________________________________________

PAKSA: Uri ng Pangungusap

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon sa gamit. Ang mga ito ay:
1. AngPaturolna pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay. Ito'y nagsasalaysay ng isang katotohanan
o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok(.)

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ay ang Ama ng Katipunan.
Maraming kabataan ang biktima ng malnutrisyon.
Hindi ako pumasok sa paaralan kahapon.

2. Ang pangungusap na Patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa. Ito'y gumagamit ng


tandang pananong (?).

Halimbawa:
May pasok ba bukas?
Nauunawaan ba ninyo ang nais kong sabihin?
Bakit namatay ang mga alaga kong hayop?

3. Ang pangungusap na Pautos / Pakiusap ay nagpapahayag ng pag-uutos o humihingi ng pabor. Ito'y


gumagamit ng tuldok tulad ng pasalaysay.

Halimbawa:
Magdala kayo ng lapis at papel bukas.
Matulog ka nang maaga.
Pakibukasan naman ang bintana.(Pakiusap)
Maaari mob a akong bilhan ng prutas sa palengke?(Pakiusap)

4. Ang pangungusap na Padamdam ay nagpapakilala ng isang matinding damdamin ng pagkabigla, pagkainis,


o pagkagalit at iba pa. Ito ay gumagamit ng tandang padamdam (!)

Halibawa:
Naku! May ahas sa puno.
Wow! Ang ganda naman ng damit mo.
Tulong! Kinuha ng bata ang bag ko.

GAWAIN 1: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod isulat ang sagot sa patlang.

__________1. Si Nena ay naglalakad papuntang paaralan.


__________2. Nagbibenta ng mga gulay si Aling Marie.
__________3. Naglalakad ba papunta ng paaralan si Nena?
__________4. Si Aling Marie ba ang nagbibenta ng gulay sa talipapa?
__________5. Pakisabi kay Nena na sasabay ako sa kanya maglakad pauwi.
__________6. Aling Marie, pakidagdagan naman po ang kalamansi ng kahit limang piraso lamang.
__________7. Nena, mauna ka nang umuwi dahil may gagawin pa ako.
__________8. Magbayad ka na ng utang mo Aling Marie.
__________9. Naaksidente si Nena sa daan!
__________10.Aray! Kinagat ako ng langgam galing sa mga gulay ni Aling Marie.

GAWAIN 2: Sumulat ng tig-tatlong pangungusap na paturol at patanong. Gumamit ng wastong bantas.

(PATUROL)
1.
2.
3.

(PATANONG)
1.
2.
3.

GAWAIN 3: Gawing nakikiusap ang sumusunod na pangungusap na pautos. Gawin naming pautos ang
mga pangungusap na nakikiusap.

1. Ilaga mo ang saging na saba.


___________________________________________________________________________________
2. Walisan mo muna ang sahig bago mo lampasuhin.
___________________________________________________________________________________
3. Pakihinaan naman ang radyo, baka magising si tatay.
___________________________________________________________________________________
4. Tawagin mo si Lola Yoly sa kabilang bahay.
___________________________________________________________________________________
5. Punuin mo ang balde para may panligo tayo mamaya.
___________________________________________________________________________________
6. Pakibantayan si Junior at baka makalabas siya ng bahay.
___________________________________________________________________________________
7. Maaari bang magpabili ng pandesal sa kabilang kanto?
___________________________________________________________________________________
8. Pakihiwa nang maliliit na kwadrado ang patatas.
___________________________________________________________________________________
9. Balutan mo ng plastic ang mga bagong aklat.
___________________________________________________________________________________

10. Pakisamahan si Kyle sa silid ng punong guro.


___________________________________________________________________________________

GAWAIN 4: Sumulat ng angkop na pangungusap na padamdam batay sa sumusunod na mga sitwasyon.

1. Natabig at nabasag ang paboritong tasa ni lolo.

2. Mabilis ang takbo ng dyip nang biglang nagpreno ang drayber.


3. Sunod-sunod ang kulog at kidlat.

4. Malaki na ang sunog.

5. May dumaang malaking daga sa iyong harapan.

You might also like