You are on page 1of 1

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naapektohan din ang Pilipinas

dahil sa pagsiklab ng digmaan sa buong mundo. Dito ay dumaan sa


ilalim ng mga pwersa ng Hapon at Amerikano.
Noong 1941, inatake ng mga Hapones ang Pilipinas, kung saan
nagsimula ang kanilang pananakop. Dito naganap ang Battle of Bataan
at ang Death March, kung saan libo-libong sundalo at sibilyan ang
pinahirapan ng mga Hapones habang iniikot ang Luzon.
Matapos ang pagsuko ng mga Amerikano sa Bataan, dumanas ng
malupit na okupasyon ang bansa. Sa panahon ng pananakop, maraming
Pilipino ang naghirap sa kawalan ng kalayaan at pang-aabuso ng mga
Hapones. Marami rin ang namatay dahil sa gutom, pagmamalupit, at iba
pang karahasan.
Noong 1944, bumalik si Heneral Douglas MacArthur sa Pilipinas, at
nagtagumpay sila ng mga Pilipinong gerilya sa pagsalakay sa mga
Hapones. Nang sumiklab ang Battle of Leyte Gulf, nagsimula ang
pagpapalaya ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones.
Sa wakas, noong 1945, nakamtan ng Pilipinas ang kanyang kalayaan
mula sa mga Hapones. Subalit, iniwan ang bansa na nasira at dumanas
ng matinding hirap matapos ang digmaan.

You might also like