You are on page 1of 3

Balones, Wella Andrea A. 1 st Yr.

BSBA-MM

“PERTUSSIS OUTBREAK”

Laganap sa bansa ngayon ang sakit na “whooping cough” o ang tinatawag na


“pertussis”. Iniulat ng Department of Health (DOH) na umabot ng 568 ang kaso ng
pertussis sa bansa na may 40 na mga namatay mula Enero 1 hanggang Marso 16,
2024. Mayroon namang 28 a bagong kaso na naitala mula Marso 10 hanggang 16.
Ayon dito, sa unang 10 linggo ng 2019, 52 ang idineklarang kaso ng pertussis at 27
naman noong 2020. Sa kasagsagan ng pandemya, mayroon lamang 7 na mga kaso na
naitala noong 2021 para sa parehong panahon, at saka 2 naman sa taong 2022.

Noong 2023, matapos maalis ang restriksyon dahil sa pandemya, mayroong 23 na mga
kaso ng pertussis na nitala para sa parehong panahon. Ang mga aberya sa karaniwang
pagbabakuna sa pangunahing pangangalaga noong panahon ng pandemya ay
itinuturing na pangunahing dahilan kung bakit sa unang 10 linggo ng 2024, mayroon
agad 453 naitalang kaso ng pertussis. Ngunit, ano nga ba ang sakit na “whooping
cough” o ang tinatawag na pertussis. Ang sakit na “pertussis” o ubong-dalahit ay isang
lubos na nakakahawang impeksyon dulot ng mikrobyo na maaaring kumalat sa
pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan o pagtabi sa mga tao na mayroong
ganitong uri ng ubo. Ang bacteria na nagbibigay sanhi dahil sa sakit na pertussis ay ang
“bordetella pertussis”. Ang bacteria na ito ay nadiskubre noong 1906 at nakabuo nan g
bakuna noong 1940s.

Matagal na ang bacteria na ito. Kadalasang nahahawaan ang mga batang 1-buwan
hanggang 5-taong gulang. Mas nanganganib ang mga batang walang bakuna laban sa
pertussis. Ang mga nahawang tao ay maaaring makaranas ng mga sintomas tulad ng
sipon, pagbabahing, sinat at banayad na ubo at unti-unting lalala ng mga sintomas ssa
loob ng 1-2 linggo. Ang sakit na ito ay aabot ng 10-linggo at maaaring magdulot ng
pulmonya at pagkamatay kung hindi magagamot.
Sa pag-iwas at paggamot sa sakit na pertussis, ugaliin ang paghuhugas ng mga kamay.
Umiwas sa mga matataong lugar. Magtakip ng ilong at bibig tuwing bumabahing at
umuubo. Kung mayroong anak, pabakunahan ang mga batang 5-taong gulang pababa
ng Pentavalent vaccine. Mag self-isolate kung nakararanas ng sintomas at lumapit at
magpa-konsulta sa mga pinakamalpit na ospital or pimary health center sa inyong lugar
upang mabigyan ng tamang gamutan.

Maaaring matukoy ng iyong doktor kung ikaw ay may whooping cough sa pamamagitan
ng pakikipag-usap, pakikinig sa iyong ubo, at pagsasagawa ng pisikal na
eksaminasyon. Kasama rin sa mga pagsusuri ang pagkuha ng sample ng uhog mula sa
likod ng iyong ilong o lalamunan, mga pagsusuri sa dugo, at posibleng chest X-ray.
Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pahinga, pag-inom ng maraming likido, at
pagkain ng maliliit na pagkain upang maiwasan ang pagsusuka pagkatapos umubo.
Iwasan din ang paglalagi sa lugar na may usok ng sigarilyo.

Upang maiwasan ang pagkalat ng whooping cough, takpan ang iyong bibig kapag
umuubo o magsuot ng face mask kapag kasama ang ibang tao. Madalas na maghugas
ng kamay at iwasang lumapit sa mga sanggol at maliliit na bata hanggang sa ikaw ay
nakainom na ng antibiotics ng 5 araw. Siguraduhin din na ang ibang tao sa iyong
tahanan ay nakatanggap na ng bakuna laban sa pertussis. Ang bakuna ay lubos na
inirerekomenda para sa mga bata, mga buntis sa bawat pagbubuntis, mga matatanda,
at lalo na sa mga taong madalas na kasama ng mga sanggol upang mabawasan ang
tsansa ng pagkalat ng impeksyon. Ang bakuna ay lubos na inirerekomenda para sa
mga bata, mga buntis sa bawat pagbubuntis, mga matatanda, at lalo na sa mga taong
madalas na kasama ng mga sanggol upang mabawasan ang tsansa ng pagkalat ng
impeksyon. Tandaan, ang kaalaman at pag-iingat ang ating pinakamabisang sandata
laban sa mga nakakahawang sakit. Manatiling ligtas, malusog, at handa.
Mga Sanggunian

Montemayor , T. (2024, March 27) DOH reports 568 pertussis cases, 40 deaths from January 1 –
March 16. Philippine News Agency. Mula sa: https://www.pna.gov.ph/articles/1221651

DOH (2024, March 21) Pertussis, measles cases increasing worldwide; get vaccinated: DOH.
Philippine Information Agency (PIA). Mula sa: https://tinyurl.com/bdd6aua5

Kilimanguru (2024) Ano ba ang whooping cough? Dr. Kilimanguru. Mula sa:
https://www.facebook.com/watch/?
mibextid=oFDknk&rdid=Z8NcEiMKwOmW1jBe&v=436527298838199

DOH (2024) Pertussis o whooping cough. GOVPH. Department of Health Cordillera Center For
Health Development. Mula sa: https://caro.doh.gov.ph/pertussis-o-whooping-cough/

DOH (2023, June 30) Alamin kung ano nga ba ang Pertussis. DOH. Department of Health
Center For Health Development Socksargen Region. Mula sa:
https://tinyurl.com/ye9zdm4n

Telecure Corp. (2024, March 22) Pertussis: Mga Sintomas, Gamot, at Pag-iwas. Telecure. Mula
sa: https://www.telecure.com.ph/post/pertussis-mga-sintomas-gamot-at-pag-iwas

You might also like