Professional Documents
Culture Documents
Epp 4 Q2 PT
Epp 4 Q2 PT
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BATIARAO ELEMENTARY SCHOOL
BATIARAO, ANDA, PANGASINAN
Pangalan: Iskor:
PANUTO: Basahin ang kwento at ayusing ang mga gawain. Pagsunurin ang mga hakbang sa pamamalantsa.
Lagyan ng bilang mula 1-5.
Isang araw, inutusan si Lara ng kanyang Nanay Nora na ayusin ang mga kasuotan.
Gusot-gusot ang mga damit na bagong laba. Nasabi niya sa sarili na kailangan niyang
plantsahin ang mga damit bago ito itago at suotin. Kaagad kinuha ni Lara ang plantsahan.
Tulungan si Lara sa kanyang pamamalantsa.
1. Unang plantsahin sa kabaligtaran ang mga bahagi ng damit na pinagdugtong ng tahi tulad ng balikat,
tagiliran, bulsa, mga lupi at laylayan.
2. Ihanda ang plantsahan, plantsa at mga piraso ng damit na paplantsahin. Tiyaking malinis ang ilalim ng
plantsa bago gamitin. Painitin ang plantsa. Paraanan ng plantsa nang ilang ulit ang plantsahan upang
malaman kung tama ang init nito.
3. Baliktarin muli ang damit kung bulsa o polo ang pinaplantsa. Unang padaanan ang
manggas. Plantsahin ang damit pang-itass ayon sa ganitong pagkasunud-sunod: balikat,
likod, at harapan ng damit.
4. Tiklupin nang maayos ang mga bagong plantsang damit o kaya isabit sa hanger.
5. Plantsahin ang palda at pantalon mula sa laylayan patungong baywang. Dampian ang
mga ito ng basing pasador bago plantsahin upang maalis ang gusot.
PANUTO: Pagsunud-sunurin ang tamang hakbang sa paglalaba. Lagyan ng bilang mula 1-5.
6. Basaing isa-isa ang bawat pirasong lalabhan. Kusutin ng bahagya upang unti-untin maalis ang dumi sa
damit.
7. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng sabon, palanggana, batya, balde at tubig. Kunin ang mga maruruming
damit. Ihiwalay ang mga damit na puti sa may kulay.
8. Ikula ang mga puti. Ilatag ang mga ito sa lugar na naaarawan. Manaka-nakang basain ng tubig na may
sabon ang damit na nakakula upang di amtuyo. Samsamin ang mga ikinula pagkatapos mainitan. Sabunin
at kusutin ang mga ito hanggang sa maalis na lahat ang dumi.
9. Lagyan ng sabon ang palangganang may tubig, pabulain. Isa-isang kusutin ang mga damit. Simulant sa mga
presong puti at parte ng damit na madaling kinakapitan ng dumi tulad ng kuwelyo, leeg, manggas at laylayan.
10.Banlawan nang makailang ulit ang mag damit hanggang sa maalis na lahat ng bula ng sabon sa tubig. Pigaing
mabuti ang binanlawang damit at isampay upang matuyo. Lagyan ng sipit ang mga sampay upang hindi ilaglag
ng hangin.
PANUTO: Pangkatin ang mga salita na nasa kahon kung ito ay nabubulok, di-nabubulok at nareresiklo(recyclable).
(36-40)
Noted by:
ROSARIO C. CASAÑA
School Principal I