You are on page 1of 12

IMPLASYON 

Aralin sa Panlipunan
Module 3
Ano ba ang implasyon?
• Ayon sa Wikipedia, ito ay ang pagtaas sa
pangkalahatang antas ng presyo ng mga
kalakal(goods) at mga serbisyo sa isang
ekonomiya sa loob ng periodo ng panahon.
• Ipinaliwanag naman nina Parkin at Blade (2010)
sa kanilang aklat na Economics na ang
implasyon ay nag pataas na paggalaw ng
presyo. Kanila ring binanggit na ang paggalaw
ng presyo ay maari ring pababa na tinatawag
namang deplasyon.
"Naranasan ng Pilipinas ang ganitong sitwasyon sa
panahon ng pananakop ng nga Hapon. Tinawag na
mickey mouse ang pera sa mga panahon iyon dahil
halos nawalan na ito ng halaga kaya parang laruan na
lamang. May mga kwento pa nga na upang makabili
ng isang kilo ng bigas, kailangan mong magdala ng
isang bayong ng pera."

• Ang tawag sa kondisyon na ito kung saan labis-


labis, Patuloy at mabilis ang pagtaas ng presyo
ng bilihin ay hyperinflation.
• Ayon sa The Economics Glossary, ang mga piling
produkto na nakapaloob sa Basket of Goods ang
ginagamit na batayan upang sukatin ang
pangkalahatang pagtaas ng presyo o implasyon.

Ano ba ang Basket of Goods? Bakit tanging piling


produkto lamang ang nilalaman ng Basket of Goods?
Ang Basket of Goods
• Dito pumapasok ang kahalagahan ng konsepto
ng Basket of Goods. Dahil hindi kayang isama
lahat ng produkto at serbisyo ng kinukonsumo
sa loob ng isang bansa, nagtalaga ang
pamahalaan ng mga piling produkto na
kakatawan sa mga pangunahing
pangangailangan ng mamamayan. Ang ta wag
sa mga produktong nakasama ay Basket of
Goods na ang halaga ay gagamitin sa pagsukat
ng Consumer Price Index na kailangan naman
upang masukat ang antas ng implasyon
(inflammation rate).
Ang Consumer Price Index
• Ang pagbabago sa bawat presyo ng mga
produkto at serbisyong nakapaloob sa Basket
of Goods sa mga nagdaang panahon ay hindi
pare-pareho kaya upang masukat ng wasto ang
antas ng implasyon ay gumagamit ng mga
panukat para dito.
Weight Price ng Pangkat ng mga
Produktong Kinukonsumo ng isang
Pamilyang Pilipino (sa Piso)
Ginagamit ang TWP ng taong 2002 at TWP ng
batayang taong 2001ay maari na nating makompyut
ang CPI ng taong 2002 sa pamamagitan ng pormula
sa ibaba:
Antas ng Implasyon
• Upang magkaroon ng kabuluhan ang pagkaunawa sa
konsepto ng implasyon, mahalaga rin na makuha ang
porsyento ng pagtaas ng predyo. Ang porsyento o
numero na nakuha mula sa ginawang kompyutasyon
ang magbibugay linaw kung gaano kalaki ang pagtaas
ng presyo ng mga bilihin. Sa pagkompyut ng antas ng
implasyon ay gagamitin nation ang pormula:
Purchasing Power of Peso
• Kaakibat ng implasyon ay ang pagbaba ng
kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili o
ang purchasing power nito. Muli ay gagamitin
natin ang nakompyut nating CPI upang
nanaman ang pagbabago sa Purchasing Power
of Peso. Tunghayan ang pormula sa ibaba:
KLASIPIKASYON NG
IMPLASYON
• Demand - pull
Nagaganap ang Demand-pull Inflation kapag
nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ang
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at
panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng
aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki
ng produksyon. Dahil dito, nagkakaroon ng
shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng mga
bilihin ay tumataas. Aggregate Demand >
Aggregate Supply = Demand Pull Inflation
• Cost - push
Ang pagtaas ng mga gastusing
pamproduksyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng
presyo ng mga bilihin.

• Structural
Kung ang sanhi ng implasyon ay ang mga
patakaran sa pananalapi na ipinaiiral ng
pamahalaan.

You might also like