You are on page 1of 4

EPP 5

INDUSTRIAL ARTS

Pangalan:______________________________Baitang at Pangkat:_____________________

Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paggawa

Kinakailangan sa paggawa ng mga produkto ang mga kasangkapan upang


maging matagumpay sa paglikha ng mga ito.

May mga kasangkapang kailangan ang angkop na kasanayan sa bawat uri ng


mga gawain. Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung
wasto at maayos ang paggamit ng mga kasangkapan at kagamitan.

Narito ang iba’t ibang uri ng mga kasangkapang ginagamit sa paggawa ng mga
bagay na yari sa kamay.
Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Proyekto
1. Tiyaking nakasuot ng angkop na kasuotan sa paggawa.
2. Ilagay ang mga kasangkapan sa matibay na lalagyan.
3. Tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang mga kagamitan at alam ang tamang
paggamit nito.
4. Pumili ng isang maaliwalas, ligtas, at malinis na lugar kung saan isasagawa ang
proyekto.
5. Sundin ang panuto ng paggawa ng proyekto.
6. Humingi ng payo sa nakatatanda kung naalangan sa proseso ng paggawa.
7. Iwasan ang pakikipag-usap at ituon ang atensiyon sa ginagawang proyekto.
8. Iwasan ang paglalagay ng matutulis at matatalas na kagamitan sa bulsa upang
maiwasan ang aksidente.
9. Balutin ang matulis at matalas na bahagi ng mga kasangkapan.
10. Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalas na kagamitan.
11. Tiyaking kumain at nakapagpahinga nang maayos bago gawin ang proyekto.
12. Panatilihing malinis ang lugar na pinaggawaan ng proyekto.

I. Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot .

Katam martilyo oil stone


Rip saw ruler zigzag rule

_____1. Ito ay maaaring yari sa kahoy, metal, at plastik na ginagamit sa pagsukat ng


mga bagay. Karaniwang sukat nito ay nasa sentimetro at pulgada.
_____2. Ang gamit na ito ay pamukpok ng metal at pambaon sa paet at pako .
_____3. Isang uri ng lagari na ginagamit nang paayon sa hilatsa ng kahoy.
_____4. Ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw ng tabla o kahoy, gamit ng kamay o di
kaya’y kuryente.
_____5. Ito ay gamit sa paghasa ng karamihang tuwid na kasangkapang pamutol.
II. Ang mga sumusunod ay mga panuntunan sa paggawa ng proyekto. Lagyan ng tsek
(/) ang bawat patlang ng bilang kung ang isinasaad na pangungusap ay tama at ekis
(x) naman kung mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Pumili ng isang maaliwalas, ligtas, at malinis na lugar kung saan isasagawa
ang proyekto.

_____2. Maaring gumawa ng isang proyekto kahit anumang kasuotan ang isusuot.

_____3. Makipag-usap sa kaibigan habang gumagawa upang malibang sa paggawa.

_____4. Ilagay ang mga kasangkapan sa matibay na lalagyan.

_____5. Tiyaking kumain at nakpagpahinga nang maayos bago gawin ang proyekto.

You might also like