You are on page 1of 4

Pag-aari ng Pamahalaan

4
HINDI IPINAGBIBILI
33333

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 3 - Modyul 6

Week 6: Panuntunang Pangkalusugan at


Pangkabuhayan
( Industrial Arts)
Aralin Panuntunang Pangkaligtasan
1 at Pangkalusugan sa Paggawa
Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa.
Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman tungkol dito upang makaiwas sa anumang sakunang maganap sa
oras ng paggawa.

Pag-aralan Natin

Ang bawat gamit ay may angkop na kagamitan. Naakasalalay ang ating kaligtasan sa ating kaalaman
sa hitsura at gamit ng mga ito. Narito ang ilan sa mga panuntunan para maka-iwas sa sakuna.

1. Maglaan ng lugar, kahon o cabinet para sa mga kasangkapan at


kagamitan sa paggawa.
2. Gamitin ng buong ingat ang mga dekoryenteng kasangkapan
at kagamitang matatalas at matutulis gaya ng kutsilyo.
3. Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang mga kasangkapang gagamitin.
4. Iwasan ang paggamit ng kagamitang kinakalawang, mapurol, maluwag ang
turnilyo o may bahaging sira.
5. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekoryente bago
gamitin ang mga ito.
6. Maglagay ng pantakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga
kasangkakapan tulad ng welding machine, mga kemikal at
ibang makapinsala sa katawan.
7. Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron at helmet at
magpalit kaagad ng kasuotan matapos gumawa.
8. Maghugas ng mabuti ng kamay bago at pagkatapos gumawa.

Tuklasin
Panuto: Kilalanin ang bawat kagamitan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
papel:

1. martilyo a. gamit sa panggupit ng papel o tela

2. lagare b.gamit na panukat

3. gunting c.pampupukpok ng pako

4. ruler d. pamputol ng tabla

5. pako e. pamputol ng alambre

6. barena f. ginagamit na panukat sa gilid ng mesa

7. plier g. ginagamit sa pagkabit ng kahoy

8. cutter h. pambutas sa kahoy

9. lapis j. pamputol ng mga stero foam


10. eskwala k. ginagamit na pang linya

Pagyamanin
Panuto: Isulat ang L sa patlang kung ito ay ligtas HL kung Hindi ligtas.

1. Hawakang mabuti ang kasangkapan habang ginagamit.


2. Iwanan ang gamit na nakakalat sa pinagawaan.
3. Subukin ang katalasan ng mga kasangkapan sa kahoy o
papel.
4. Mag ingat habang ginagamit ang kasangkapan.
5. Iayos ang mga kagamitan ayon sa uri nito.
6. Gumamit ng angkop na damit sa paggawa.
7. Gumamit ng kagamitan na nasa maayos na kondisyon.
8. Gamitin ng buong ingat ang mga dekoryenteng kasangkapan
9. Iwasang tatakbo kapag nakahawak ng matalas at matulis na
bagay.
10. Linisin ang lugar na pinagtrabahuan.

Tayahin

Panuto: Sabihin kung ang mga sumusunod na pahayag ay ligtas at responsableng


paggamit ng mga kagamitan sa paggawa.Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pahayag ay dapat gawin at ekis ( x)
naman kung hindi.

________1. Gumamit ng angkop na kagamitan sa paggawa.

________2. Patayin ang mga dekoryenteng kasangkapan matapos


gamitin.

________3. Makipaglaro at makipag-usap habang gumagawa.

________4. Ibigay ang buong atensyon sa paggawa.

________5. Hugasan ng mabuti ang kamay bago at pagkatapos


gumawa.

________6. Ilagay sa bulsa ang mga kagamitan at kasangkapan


na matutulis.

________7. Ingatan ang paggamit ng matatalas na kagamitan at


kasangkapan.

________8. Maghintay ng pagkakataon sa paggamit ng kasangkapan


Kapag ito ay kulang.

9. Ilagay ang mga kagamitan sa ilalim ng mesa o kahit


saan.

_______10. Malagay ng pantakip sa mata kung kinakailangan sa


pagawa.

You might also like