You are on page 1of 2

PAMPAMAYANANG KOLEHIYO NG SAN JOSE

Sitio Datag, San Jose, Malilipot, Albay

LIHAM NG PAHINTULOT

Ika-15 ng Abril, 2024

MA. ISABEL P. GABITO


Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon

Mahal naming Gng. Gabito,

Isang mapagpalang araw po sa iyo!

Kami po ay mag-aaral ng unang taon sa Batsilyer ng Edukasyong Pansekondarya Medyor


sa Filipino ng Pampamayanang Kolehiyo ng San Jose. Sa kasalukuyan kami po ay may
isinasagawang panukalang proyekto na pinamagatang, “Maisasalaysay Mo Kaya (MMK sa
Madamdaming Pagbasa)” na may temang Madamdaming Pagbasa: Tulay sa Pagpapahayag ng
Damdamin at Emosyon. Ito po ay isang patimpalak na inaasahang lalahukan ng mga mag-aaral
na hawak at tinuturuan ni Gng. Maricel Baldo. Layunin ng proyektong ito na maipamalas ang
potensiyal at kakayahan ng bawat isa sa pagbibigay ng interpretasyon, emosyon at damdamin
sa piyesa o kuwentong babasahin. Isa rin sa mahalagang layunin nito ay lalong mapaunlad ang
kurikulum sa pamamagitan ng pagtangkilik at pagkakaroon ng interes ng bawat mag-aaral sa
kasanayang ito..

Kaugnay nito, nais po naming humingi ng pahintulot na maisagawa ang aming panukalang
proyekto at maisakatuparan ang aming mga layunin. Ito po ay kabilang sa aming gawain sa
asignaturang MC FIL 103.

Lubos po kaming umaasa sa inyong mahalagang pahintulot at pag-aapruba. Maraming


salamat po!
Lubos na Gumagalang,

ROLLY BALASTA JOHN CARLO LOGRONIO VINCENT MACASALABANG


Proponent ng Proyekto Proponent ng Proyekto Proponent ng Proyekto

FRANCINE MAE BRAGA JONILEN BUEBO JESSICA NICOLE CRISOL


Proponent ng Proyekto Proponent ng Proyekto Proponent ng Proyekto

JANELLE ZAMORA
Proponent ng Proyekto

Nabatid ni:

GNG. MARICEL BALDO


Guro sa MC FIL 103

Inaprobahan ni:

MA. ISABEL P. GABITO


Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon

You might also like