You are on page 1of 3

BOHOL NORTHERN STAR COLLEGE

(formerly: BOHOL NORTHEASTERN COLLEGES)


Ubay, Bohol
Tel. #: (038) 518-0279/331-1037 Fax No. (038) 518-0279
Email Address: bncubay@yahoo.com / boholnorthernstarcollege@yahoo.com

Vision : A pioneering Educational Institution in the northeastern part of Bohol


offering quality education empowered by the virtues of noble hearts,
educated minds, and helpful hands, to be globally competent.

Mission : To provide highly trained facilitators responsive to the needs of the


community.

COLLEGE OF BUSINESS AND ACCOUNTANCY

ACTIVITY # 3
AngRetorika Tungo sa Masining na Pagpapahayag
1st Semester S.Y.2020-2021

Pangalan ng Estudyante : MARY MAE S. CORRE BSA-2


Paksa ng Kodigo : FILIPINO 3
Asignatura : Mabisa/Masining na Pagpapahayag
Guro : NIÑO J. OLAIVAR, LPT
Petsa ng Pagsumite : September 17, 2020

Pagbasa MASINING
Pasalita at
ng mga Pasulat na GRAMATIKA
piling Diskurso ESTILO RETORIKA NA
Akda PAGPAPAHAYAG
Katangian at Kahalagahan ng Masining na Pahayag

Isang Kooperatibong Sining


Hindi ito maaaring gawin ng nag-iisa. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat
sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng kaganapan. Napagbubuklod ang
tagapagsalita at tgapakinig o ang manunulat at mambabasa.

Isang Pantaong Sining


Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Dahil ang wika ay 
isang eksklusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay nagiging isang
eksklusibo ring sining ng tao para sa tao.

Isang Temporal na Sining


Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwaheng ngayon ,hindi ng
bukas o kahapon.

Isang ‘di Limitadong Sining


Marami itong kayang gawin. Maaring paganahin ang ating imahinasyon at
gawing possible ang mga bagay na imposible sa ating isipan.
Nakaiimpluwensya ang retorika sa tatlong aspeto ng isang tao. Ang
kanyang kabuuang pagkatao na sinasaklaw ng retorika.

Isang May Kabiguang Sining


Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika. May mga tuntuning
masalimuot at sadyang nakakalito.

Isang Nasusupling na Sining


Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman.

Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay


nagbibigay daan sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng
pakikipag-usap, pakikipag-argumento at paghahanap ng impormasyon at
kaalaman. Sa pakikipag-usap, mahalagang sangkap ang retorika upang
maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang mga damdamin ng nag-
uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda ng
pagbibigay diin sa mga puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang
magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang
panig na hindi magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa
lahat, ang retorika ay mainam na instrumento sa pagkakalap ng
impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang
matuto at malinang ang pag-iisip.
Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado
sa isang putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag
ang isang tao ay bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang
kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga
salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din basahin ang isang sanaysay
kapag ito'y ginamitan ng retorika.
Karanasang Hindi Malilimutan

Isang araw nag-usap kami ng kapatid at kaklase ko na umakyat kami


ng TAPP sa Alicia para naman maranasan namin ang mga naririnig
naming magandang komento patungkol dito. Kaya kinabukasan
nagpasya kaming tatlo na pumunta. Nagising kami ng bukang
liwayway at sumakay ng motorsiklo papunta doon. Hindi ko
malilimutan kung paano kaming muntik nang mawala sa aming
paroroonan. Hindi namin inaasahan na malayo ito at Hindi liko-liko at
bako bako ang daanan. Ngunit pagdating namin ay wari'y nawala ang
aking kapaguran lalong lalo na nung umabot na kami sa tuktok.
Nakita ko kung paano umusbong ang araw na tanging liwanag lamang
nito ang aking nakikita. Tila’y ito ay nagsusumamo sa aming harapan.
Isa sa mga karanasan na hindi ko malilimutan ang umakyat ng
bundok at masilayan ang pagsikat ng araw kasama ang mahalagang
tao sa aking buhay.

You might also like