You are on page 1of 6

;ESP 6

SUMMATIVE TEST NO. 1


4th QUARTER

I. A. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tama ang patlang kung ang pahayag ay tungkol sa isang
mabuting paraan mapaunlad ang kabanalan at mali kung hindi.

_____ 1. Madalas magboluntaryo si Rona sa pamumuno ng dasal bago magsimula ang klase.

_____ 2. Palaging positibong mag-isip si Roy tungkol sa mga sitwasyon o pangyayari sa buhay niya.

_____ 3. Naniniwala si Rosa na matatamo ang tagumpay sa buhay sa pamamagitan ng pagsisikap at pagdarasal.

_____ 4. Aktibong nakikilahok si Maria sa iba’t ibang panrelihiyong pagdiriwang ng kaniyang pamilya.

_____ 5. Naghahanap ng panahon si Ben upang makaugnay ang mga batang mahihirap na nakatira malapit sa
kanilang lugar.

B. Sumulat ng limang sitwasyon na nagpapakita ng pananalig sa Diyos

1.________________________________________________________________________

2.________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________

4. _______________________________________________________________________

5. _______________________________________________________________________

II. A. Maglagay ng tsek ( / ) kung ang pangungusap at nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos at ekis (X) naman
kung hindi.

______1. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpunta sa pook dalanginan.

______2. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap.

______3. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit.

______4. Hindi pagpansin sa mga taong humihingi ng tulong

______5. Pagkilos nang maayos sa loob at labas ng bahay

______6. Pagtulong sa isang taong ayaw tulungan ang sarili

______7. Paghadlang sa kasambahay na magkaroon ng oras ng pamamasyal at pagpunta sa pook dalanginan


______8. Pagsasalita nang mahinahon.

B. Magtala ng dalawang paraan ng pagpapalalim ng pananampalataya sa Diyos.

1.________________________________________________________________________

2.________________________________________________________________________

File created by DepEd Click.


ESP 6
SUMMATIVE TEST NO. 2
4th QUARTER

I. Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong kwaderno.

_____1. Mayroong gaganaping prusisyon sa inyong lugar para sa Flores De Mayo at ikaw
ang napiling Reyna Elena. Ano ang iyong gagawin?
a. Tatangihan ko ang alok sapagkat may iba pang bagay na mas mahalaga rito.
b. Maluwag sa loob kong tatanggapin ang alok.
c. Tatanggapin ko ang alok kapag mayroon perang ibibigay.

_____2. Nakita mong iba ang pamamaraan ng pagdarasal ng kaklase mong muslim. Ano ang iyong
gagawin?
a. Rerespetohin ko ang kanyang paraan sa pagdarasal.
b. Pagtatawanan ko siya dahil naiiba ang kanyang paraan sa pagdarasal.
c. Hindi ko siya papansinin.

_____3.Napagkasunduan ng iyong pangkat na gagawin niyo ang inyong proyekto ngayong


sabado. Nakiusap ang isa sa iyong myembro na siya ay liliban muna dahil ito ay araw ng kanilang
simba, Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko siya papayagan dahil nakasalalay dito ang aming marka.
b. Sasabin ko siya na maghanap ng ibang pangkat.
c. Papayagan ko siya ngunit mayroon akong ibang ipapagawa sa kanya para
magkaroon siya ng ambag.

_____4.Araw ng pagsisimba at inaya ka ng iyong kaibigan na maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
a. Agad na sasama sa kanya dahil masaya maligo sa ilog.
b. Sasama ka nalang sa kadahilanang pinilit ka.
c. Hindi ka sasama dahil nasa puso mo ang pagsisimba.

_____5. Naiwan ng kaklase mo ang kanyang baon sa kanilang bahay. Ano ang iyong
gagawin?
a. Hindi ko siya bibigyan ng pagkain dahil iba ang kanyang relihiyon.
b. Bibigyan ko siya ng pagkain kung babayaran nya ako.
c. Hahatian ko siya ng baon ko dahil kaibigan ko siya.

II. Magbahagi ng karanasan tungkol sa paninindigan sa kabutihan laban sa hindi karapat-dapat.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________

File created by DepEd Click.


III. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang bilang na nagpapahayag ng may
pananalig sa Diyos.

_____11. Pagtulong sa mga kakababayan na walang hinihinging kapalit.

_____12. Pagsasawalang kibo sa kaklase mong hindi mo gusto.

_____13. Pagdadasal bago at pagkatapos kumain.

_____14. Kawalang galang sa mga nakakatanda sa iyo.

_____15. Kawalang malasakit sa pilay na nadapa sa kalsada.

_____16. Pagkilos ng bukal sa loob sa gawaing pinapagawa ng mga magulang.

______17. Pagdarasal sa simbahan sa oras ng pagdasal.

_____18. Hindi pagpansin sa mga kaklaseng may ibang pananalampalataya.

_____19. Magkakaroon ng mahinahon na pananalita sa mga kasambahay habang nag-uutos.

_____20. Huwag pagtuunan ng pansin ang mga mabuting aral na iyong narinig.

ESP 6
SUMMATIVE TEST NO. 3
File created by DepEd Click.
4th QUARTER

I. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos? Lagyan ng tsek (/) kung nagpapakita ng
pananampalataya sa Diyos at ekis (X) kung wala.

______1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay.


______2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.
______3. Hindi pagpansin sa mga taong humihingi ng tulong.
______4. Pagkakaroon ng oras para magdasal.
______5. Hindi naniniwala sa Panginoon na ating tagapagligtas.
______6. Pagsasalita ng masasama.
______7. Sisigawan ang mga nakakatanda.
______8. Humingi ng paumanhin sa taong nagawan ng kasalanan.
______9. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit.
______10. Masiglang pagbati sa mga miyembro ng pamilya.

II. Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng T kung tama at M kung mali.

____11.Nakikilahok ako sa mga gawain sa simbahan.


____12. Hindi ako nakipag-usap sa taong nakasakit sa akin.
____13. Nagdarasal kami palagi ng pamilya ko.
____14. Nagbabasa ako ng bibliya.
____15. Nag-iisip ako ng paraan kung paano mapaunlad ang pananampalataya.
____16.Hindi ko iginagalang ang relihiyon ng iba.
____17.Nagtatanong sa nakatatanda tungkol sa pananalig.
____18.Inaalam ko ang gingawang ritwal ng iba.
____19. Inirerespeto ang paniniwala ng iba.
____20. Nagbibigay ako ng masamang komento sa paraan ng paniniwala ng iba.

ESP 6
SUMMATIVE TEST NO. 4
4th QUARTER

File created by DepEd Click.


I. Buuin ang mga pahayag na batas na napag-aralan. Piliin sa mga salita na nasa loob ng kahon ang naaangkop na sagot sa bawat bilang.

1. Ang mga hinahangad ay sinasagawa at kinikilos upang pagkaroon ng ___________.

2. Ang iyong pangarap ang magdadala sa'yo ng ________ at kagalakan sa buhay.

3. _________ ka upang makamit ang iyong pangarap at matulungan ang pamilya.

4. Habang may buhay may _________.

5. Magtiwala sa ________ na lahat ng hamon at pagsubok na pagdaraanan ay kakayanin.

6. Huwag sumuko, _________ at lakasan ang loob.

7. Humingi ng lakas at gabay sa ________

8. Ang mga pangarap ang nagpapasigla at nagpapasaya sa isang tao kahit na dumadaan sa mga __________ sa buhay.

9. Mag-aaral at tutuparin ang pangarap para sa _______________.

10. _______________ mo rin ang mga pagsubok sa buhay magtiwala ka lang at makakayanan ang lahat.

II. Iguhit ang bituin kung ang pangungusap ay TAMA at bilog kung hindi.

_____11. Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay ng pag-asa sa tao.


_____12. Kapag hindi ka tumulong sa kapwa mo, tiyak uunlad ang buhay mo.
_____13. Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Maykapal kahit hindi siya nakikita sa
personal.
_____14. Ang mantra ay salita na ginagamit sa meditasyon at pinaniniwalaan na
nagtataglay ng kapangyarihag moral.
_____15. Sa lahat ng oras at anumang pagkakataon, dapat tumulong sa kapwa.
_____16. Ang pag-iwas sa paggawa ng kasalanan sa kapwa ay pagpapakita ng
pagmamahal sa Maykapal.
_____17. Napauunlad ang ispiritwalidad ng isang tao kapag isinasabuhay niya ang
pananalig sa Maykapal.
_____18. Ang pagtulong sa kapwa ay sapat na kahit hindi ka na magsimba/ sumamba.
_____19. Mahalaga na palagi tayong may positibong pananaw at pagmamahal sa
kapwa.
_____20. Kapag dumaranas ng problema, ang pagdarasal ay nakapagbibigay ng pag-
asa.

File created by DepEd Click.


File created by DepEd Click.

You might also like