You are on page 1of 2

STO.

DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL

Baloc Sto. Domingo Nueva Ecija
MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Ikalawang Markahan, Ika – 4 Linggo

Pangalan: __________________________________________Petsa:___________________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________ Lagda ng Magulang: ____________________

Konsensiya ay Pairalin Tamang Desisyon ay Gawin

I. Kasanayang Pampagkatuto
1. Nahihinuha ng tao ang mabuti at masama sa konkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsensiya. Ito ang
Likas na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. (EsP7PS-IId-6.3)
2. Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang magkaroon ng angkop na
pagpapasiya at kilos araw-araw. (EsP7PS-IId-6.4)

II. MGA GAWAIN

Gawain 1: Let’s Face It!
Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa patlang kapag ang tinutukoy sa bawat bilang ay wastong paggamit ng tamang
konsensiya at malungkot na mukha kapag ang tinutukoy ay maling paggamit ng konsensiya.

__________1. Paggalang sa kapwa

__________2. Pagsisinungaling
__________3. Pagtulong
__________4. Pangongopya sa kaklase habang nagsasagot ng pagsusulit
__________5. Pag-aaral nang Mabuti

Gawain 2: May Pamimilian

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Alamin kung ano ang nararapat mong gawin. Isulat ang letra ng wastong sagot
sa patlang bago ang bilang.

_____1. Napunit ng bunso mong kapatid ang mga sagutang papel na may sagot na ipapasa mo sa iyong guro. Wala ka
ng panahon upang ulitin ito. Ano ang gagawin mo?
a. Iiyak na lang ako sa guro habang kasama ko ang aking bunsong kapatid na magpaliwanag sa kanya.
b. Hindi na ako magpapasa ng sagutang papel.
c. Sasabihin sa guro ang sitwasyong nangyari at gagawa na lang ulit.
d. Susuntukin ko ang aking bunsong kapatid.

_____2. Nais mong ipahayag ang iyong saloobin tungkol sa naging tanong ng inyong guro ngunit may nagsasalita pa.
Ano ang gagawin mo?
a. Tatayo ako at sasabayan ang nagsasalita.
b. Pauupuin ko ang nagsasalita at ako naman ang magsasalita.
c. Hihintayin ko na matapos ang nagsasalita at itataas ko ang aking kamay upang mapansin at matawag ng guro.
d. Lalabas ako kung hindi tatawagin ng guro.

_____3. Namumulot ng basura sa palengke ang isang kaklase mo kaya hindi siya nakapasok sa klase. Wala silang
pambili ng gamot ng kanyang ama. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasamahan ko siyang mamulot ng basura
b. Sasabihin ko sa kaniya na bawal mamulot ng basura
c. Pagtatawanan ko siya habang namumulot ng basura
d. Ipagbibigay alam ko sa aming guro ang kanyang kalagayan

_____4. Lumaki si Maria sa isang pamilyang tanyag ang pangalan. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita
niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil
dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa
pamimili ng tama o mali. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensiya ang inilalapat ni Maria?
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensiya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa
tamang alituntunin.
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.

_____5. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa tao sa pag-iwas niya sa paggamit ng tamang konsensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makagagawa ang tao ng mga maling desisyon
d. Makakamit ng tao ang kabanalan

Gawain 3: Kaya Mo Yan!

Panuto: Batay sa mga natutuhan mo at napulot na aral sa nasabing aralin. Sumulat ng orihinal na piyesa ng Spoken
Poetry na may malayang taludturan, dalawang saknong na may apat na taludtod.

Pamagat: ____________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

You might also like