You are on page 1of 15

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Edukasyon sa Pagpapakata Baitang 7
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Manunulat: Chona L. Caballero


Editor:
Tagasuri: Pacita H. Andoy & Juneva P. Ardopella
Tagaguhit:
Tagalapat: Leonard O. Eleobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,


Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224-3274
E-mail Address : davaocity.division@deped.gov.ph
7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t-ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang hinihingi ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.

Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa


pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa
inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing
ito. Inaasahan naming na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na
pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo
yan!

1
Alamin Natin

1. Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya


ng mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag - unlad ng
ating pagkatao. EsP7PB-IIId-10.3
2. Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang
mapataas ang antas ng kaniyang mga pagpapahalaga.
EsP7PB-IIId-10.4

Subukin Natin
Paunang Pagtataya:

Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Sagutan


sasagutang papel.
1. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa
mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa
mga bagay na maituturing lamang rangya o luho.
a. Pambuhay na halaga c. Pandamdam na mga halaga
b. Ispiritwal na halaga d. Banal na halaga

2. Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawain ng ating


isip ay makakamit sa pamamagitan ng paghubog ng _________________.
a. Intelektwal na birtud c. Moral na birtud
b. Ispiritwal na birtud d. Sosyal na birtud

3. Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max
Scheler, maliban sa:
a. pagpapahalaga sa katarungan
b. pagpapahalagang pangkagandahan
c. pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan
d. pagpapahalaga sa kabutihan

4. Si Renato ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-


aasawa.
Dahil sa ganitong kalagayan labis ang suporta na natatanggap mula
sa kaniyang mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito
naniniwalasiya na hindi na niya kailangan magtrabaho. Wala siyang
ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kaniyang mga kaibigan,
uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni Renato.
a. Pambuhay na halaga c. Pandamdam na halaga
b. Ispiritwal na halaga d. Banal na halaga

2
5. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, pinili niyang ilaan ang
panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan. Ipinagkatiwala
niya ang kaniyang negosyo sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan at
ibinabahagi niya ang yaman sa mga batang tinutulungan. Nakahanda
siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapuwa
na walang hinihintay na ano mang kapalit. Nasa anong antas ang halaga
ni Henry?
a. Pambuhay na halaga c. Pandamdam na halaga
b. Ispiritwal na halaga d. Banal na halaga

6. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay.


Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang kaayusan at mabuting
kalagayan.
a. Pambuhay na halaga c. Pandamdam na halaga
b. Ispiritwal na halaga d. Banal na halaga

7. Walang ibang hinangad si Charmaine kundi ang makamit ang


kakuntentuhan sa buhay. Sa panahon na labis na ang pagkapagod sa
trabaho, naglalaan siya ng panahon upang magbakasyon upang
makapagpahinga. Lagi niyang binabantayan ang pagkain na kinakain
upang masiguro na napananatili niyang malusog ang
kaniyangpangangatawan. Nasa anong antasang halaga ni Charmaine?
a. Pambuhay na halaga c. Pandamdam na halaga
b. Ispiritwal na halaga d. Banal na halaga

8. Inutusan kang mamalengke ng iyong kapatid. Ang pera mo ay sakto


lamang para sa inuutus sa iyo. Bumili ka ng mga kakanin upang makain
mo habang ikaw ay namalengke.
a. Pambuhay na halaga c. Pandamdam na halaga
b. Ispiritwal na halaga d. Banal na halaga

9. Humiling si Tom ng isang bagong laptop. Natuklasan niya na maaaring


matugunan niya ang kailangan sa pasukan sa pamamagitan ng pagbili
ng isang kalidad na hindi masyado mahal.
a. Pambuhay na halaga c. Pandamdam na halaga
b. Ispiritwal na halaga d. Banal na halaga

10. Maging mapagtimpisa kaaway upang hindi na lumala ang alitan.


a. Pambuhay na halaga c. Pandamdam na halaga
b. Ispiritwal na halaga d. Banal na halaga

3
Aralin Natin
Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994)

1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values).


Pinakamababang antas ng halaga
Mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng
tao. Kasama dito ang pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa
pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng:
• pagkain
• tubig
• damit
• tirahan at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga.
• luho ng isang tao, katulad ng mamahaling alahas, magarang
sasakyan o mamahaling mga bag at sapatos na labis na hinahangad
ng ilang mga tao.

2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values).


May kinalaman sa mabuting kalagayan ng tao (well-being) upang
masiguro niya ang kaayusan at mabuting kalagayan.
Halimbawa:
• Mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito
ang makapagpapabuti sa kaniyang pakiramdam.
• Ang kumain ng masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay
malusog at hindi magkakasakit.
• Mahalaga sa atin na may makausap na taong mahalaga sa atin upang
mabawasan ang ating kalungkutan.

3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values).


Tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng
sarili kundi ng mas nakararami.

Halimbawa
• Mapagtimpi sa kaaway upang di na lumala ang gulo at madamay pa
ang iba.
May Tatlong Uri ang Ispiritwal na Pagpapahalaga
ayon sa aklat na Problems of a Sociology of Knowledge
na isinulat ni Max Scheler:

a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)


b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)

4
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full
cognition of truth)

4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)


Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.
Kailanganmakamit ng tao upang maging handa sa pagharap sa Diyos. Ito
ay katuparan ng kaniyang ispiritwal na kalikasan.

Halimbawa:
• Paggawa ng tama at mabuti sa kapuwa
• Pagsasabuhay sa mga mabubuting kilos.
• Pagsunod sa mga utos ng Diyos.

Gawin Natin

Panuto: Ayusin ang mga sumusunod ayon sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga.


Pillin ang salita na nasa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

ehersisyo pagdarasal mapagtimpi pera

Sarili

Hirarkiya
ng Halaga
Banal

Ispiritwal

Pambuhay
Pandamdam

5
Sanayin Natin

Panuto:

A. Pag-isipan o maglista nang sampung bagay na mahalaga sa iyo.

B. Basi sa mga naitala mong mga bagay sa itaas, pumili ng tatlo


hanggang limang bagay na maituturing mong "PINAKAMAHALAGA”
para sa iyo. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Ano ang nagiging batayan mo sa paglista mula sa naitala mong


mahalaga hanggang sa pinakamahalaga? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6
Batayan sa Pagwawasto:
10 puntos nakapaglista ng sampung bagay na mahalaga
7 puntos nakapaglista ng pitong bagay na mahalaga
5 puntos nakapaglista ng limang bagay na mahalaga

Tandaan Natin

Matinding hamon para sa atin bilang tao na nilalang ng Diyos ang


pagkilos o pagsagawa ng mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa bawat
sitwasiyong natatamo. Maisasabuhay natin ito sa paraan ng pagpili ng mas
mataas na antas kaysa sa mababang antas ng pagpapahalaga kahit na
magkakaiba ang bawat tao ng antas sa pagpapahalaga. Nakasisiguro tayo
na tama ang ating napili at makabubuti din ito sa ating gawain.

Suriin Natin

Bago mo gawin ang gawain sa bahaging ito, naalala mo pa ba ang


kilalang kuwento ng langgam at tipaklong? Muli mong balikan ang usapan
ng dalawa at suriin ang antas ng kanilang pagpapahalaga.

Si Langgam at Si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang


ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos lumakad na
siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang
nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni
Tipaklong. Magandang umaga, kaibigang Langgam, bati ni Tipaklong, kay
bigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-
ipon ng pagkain? Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang
panahon, sagot ni Langgam. Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam, wika
ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo

7
ay lumukso, tayo ay kumanta. Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong, sagot ni
Langgam. Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay
maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may makain kapag
sumama ang panahon. Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-
ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At
dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin
kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na
gutom ang kawawang Tipaklong

Payabungin Natin

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Suriin kung anong antas na pagpapahalaga meron ka? Kaninong


tauhan sa kwento ang maihambing mo sa iyong sarili?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
Pagnilayan Natin

Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad na sitwasiyon. Gamiting gabay


ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong pagninilay.

Sa panahon na nararanasan natin ngayon, lalong-lalo na sa


sitwasiyon na ipinagbabawal muna ang face to face classes dahil sa COVID-
19 dito sa ating bansa. May iba't ibang mga modalidad sa pag-aaralang
pinapatupad ng department of educationupang maipagpatuloy ang kanilang
kaalaman. Dahil ditoang iyong guro ay nagbigay ng mga Gawain upang
masanay ang iyong kaalaman sa iyong leksiyon, Subalit dumating ang oras
na dapat mo nang ibalik ang iyong modyul, hindi mo natapos, dahil inuuna
mo pa ang pag tiktok, ML at pag browse sa iba pang internet sites. At iyong
pinagdesisyonan na kopyahin na lang ang susi sa pagwawasto dahil wala ka
ng oras.

Tanong:

1. Bakit mahalaga na pagtuunan mo ngoras ang pagsagot ng mga


gawain sa modyul?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang nasa sitwasiyon, ano ang iyong gagawin upang
magawa mo ang iyong Gawain sa modyul?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9
10
Subukin Natin
1. C
2. A
3. D
4. C
5. D
6. A
7. A
8. C
9. C
10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bonocan, Liezel O. (2015). Birtud at Pagpapahalaga. A strategic


intervention material in Edukasyon sa Pagpapakatao.
Sinipi mula sa
https://lawziel.blogspot.com/2015/10/birtud-at-
pagpapahalaga.htmlnoong Oktobre 17, 2020.

Retrieved from https://sites.google.com/site/veedukasyonsapagpapakatao/,


Oktobre15, 2020

Tong Keun-Min. A Study on the Hierarchy of Values.


Sinipi mula sa:http://www.bu.edu/wcp/Papers/Valu/ValuMin.htm

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

12

You might also like