You are on page 1of 11

Letre Mission Station

Ministry of Lectors and Commentators


P. Aquino Ave., Paradise Village, Letre, Tonsuya,
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Malabon City

VISION ………………………………………………………... 1
MISSION ………………………………………………………. 1

LECTOR VALUES ……………………………………………………….. 1


DASAL BAGO MAGLINGKOD ……………………………… 3

HANDBOOK DASAL PAGKATAPOS MAGLINGKOD …………………… 3


MGA PAUNANG KINAKAILANGAN SA PAGPASOK ……. 4
JULY 2021 ANG PAGSASANAY …………………………………………. 4
a. Unang Bahagi ng Pagsasanay ………………….. 4
b. Pangalawang Bahagi ng Pagsasanay ………….. 4
c. Huling Bahagi ng Pagsasanay …………………… 5
MGA PANUNTUNAN …………………………………………. 5
AKSYONG PANDISIPLINA ………………………………….. 7
MGA AKTIBONG MIYEMBRO ………………………………. 7
MGA AALIS NA MIYEMBRO ………………………………... 8
MGA BABALIK NA MIYEMBRO …………………………….. 8

ANG TALAMBUHAY NI SANTA TERESA NG LISIEUX ….. 9


TALAAN NG MGA MAHAHALAGANG KAGAMITAN NA
MAKIKITA SA LOOB NG SIMBAHAN ……………………... 11
MGA MAHAHALAGANG TERMINO ……………………….. 15
Inaprubahan ni:
TEMPLATE NG MGA LIHAM ……………………………….. 16

Rev. Fr. Victor Sandoval, MSP


Letre Mission Station Chaplain
VISION 4. Ang isang Lector ay responsable at may galang na
pinakikinabangan ang lahat ng kagamitan na pagmamay-ari ng
Pangarap naming mga Lector na sama-samang lumago sa
simbahan.
paglilingkod at pananampalataya, magkaroon ng karunungan at
mabuting pag-uugali. Pagbubutihin namin ang aming sarili upang
maging instrumento kami ng kaganapan ng kalooban ng Diyos para 5. Ang isang Lector ay may mabuting hangarin na maglingkod sa
sa lahat. komunidad at maglaan ng oras at talento para sa samahan.

6. Ang isang Lector ay nagtataglay ng pagmamahal para sa


MISSION Bibliya. At may pagnanais na lumago sa pang-unawa at
ipahayag ang Banal na Kasulatan sa iba sa pamamagitan ng
Bilang mga Lector, ipinapahayag namin ang Salita ng Diyos sa pag-aaral, pananalangin at pagninilay.
lahat ng pagkakataon hindi lamang sa loob ng Banal na Misa kung
hindi pati na rin sa mga taong aming nakakasalamuha. Sa 7. Ang isang Lector ay may kakayahang ituon ang sarili sa
pamamagitan ng patnubay ng Espiritu Santo, kami ay magiging pagdarasal, pagpapahalaga sa Ebanghelyo at paglago sa
instrumento upang maunawaan nila ang mensahe ng Diyos personal sa kabanalan.

8. Ang isang Lector ay masigasig at may positibong pag-uugali.


VALUES
9. Ang isang Lector ay may Espiritu ng pagiging mapag-bigay.
1. Ang isang Lector ay kinikilala ang kapwa-miyembro sa kanyang
sariling ngalan at iniiwasan niya ang paggamit ng anumang 10. Ang isang Lector ay bukas sa anumang kinakailangang
hindi naa-angkop na palayaw (na magsasanhi ng hindi kaaya- pagsasanay.
ayang pag-uugali para sa kasama).

2. Ang isang Lector ay nalalaman kung kailan ang tamang oras ng


pakikinig at pagsasalita. Nirerespeto niya ang mga
pagkakataon kung kailan nagsasalita ang kanyang kausap,
lalong lalo na kung ito ay mas nakatatanda sa kaniya.

3. Ang isang Lector ay nababatid at iginagalang ang kanyang


hangganan sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.
Anumang relasyon na hihigit sa pakikipag-kaibigan ay lubhang
dinidismaya.

1 2
DASAL BAGO MAGLINGKOD MGA PAUNANG KINAKAILANGAN SA PAGPASOK
(Idinarasal sampung minuto bago ang misa habang nakaharap sa (INITIAL REQUIREMENTS)
tabernakulo o altar)
1. Edad na sampu (10) pataas.
Diyos Ama, pinupuri namin ang iyong pangalan at iniaalay 2. Kopya ng Baptismal Certificate
namin ngayon ang oras na ito upang makapaglingkod sa Iyo bilang 3. Kopya ng Marriage Contract (kung mayroon)
isang Lector. Maraming salamat po sa kakayahang minarapat Ninyong
4. Puting T-Shirt (walang tatak)
ibinigay sa amin. Batid namin ang aming mga pagkakasala at hinihiling
5. Puting ½ index card na may kasamang 1x1 na ID picture
po namin sa Inyo ang kalinisan ng aming mga puso nang sa gayon ay
mas maigi kaming makaharap sa Iyo. Patnubayan Niyo po ang bawat
isa sa amin upang maunawaan naming lagi ang mensahe ng Inyong
Salitang aming ipinahahayag. Nawa’y sa Banal na Eukaristiya na ito ANG PAGSASANAY (TRAINING)
ay mabigyang-karangalan namin ang Iyong makapangyarihang gawa
sa aming buhay. Bigyan Niyo po kami ng bukas na kaisipan upang ▪ Unang Bahagi ng Pagsasanay
maging instrumento kami ng walang hanggang pag-ibig Mo na nag- Matapos makumpleto ng isang Lector ang mga
uumapaw para sa bawat isa. sumusunod na proseso, mapagkakalooban na siya ng isang
palda na gagamitin niya sa kaniyang paglilingkod sa misa
Hinihiling namin ito sa pamamagutan ni Hesukristong aming (bukod sa mga araw ng Sabado at Linggo) bilang tagabasa
Panginoon. Amen. ng Panalangin ng Bayan sa ilalim ng gabay ng isang officer
Sta. Therese ng Lisieux, ipanalangin mo kami. ng samahan. Siya ay maaari na ring makasama sa mga
miyembrong makabibilang sa nalalapit na investiture:
DASAL PAGKATAPOS MAGLINGKOD 1. Tatlong (3) beses na pagdalo sa misa kasama
(Idinarasal pagkatapos ng misa at pag-kanta ng koro habang ang isang officer upang manalangin, makinig at
nakaharap sa tabernakulo o altar) mag-obserba sa lahat ng gawain ng isang
Ama naming makapangyarihan, maraming salamat po sa Lector;
pagkakataon na ito na kami ay nakapag-lingkod sa Banal na Misa 2. Apat (4) na beses ng pagdalo sa paghuhubog
bilang isang Lector. Tulungan Mo kaming maunawaan ang Iyong (formation) ng samahan; at
kalooban sa pamamagitan ng pakikinig at pagninilay sa Iyong Salita 3. Pitong (7) sesyon ng pagsasanay sa pagbasa sa
upang makatugon kami sa Inyong tawag. Bigyan Mo kami ng lakas ng ilalim ng gabay ng isang officer.
loob na maisabuhay ang aming ipinahahayag at makita rito ang Iyong
habag at awa. Pag-alabin Mo ang aming mga puso upang magpatuloy
kami sa aming paglilingkod sa kabila ng mga pagsubok na aming ▪ Pangalawang Bahagi ng Pagsasanay
pinagdadaanan. Ang isang Lector na makakukumpleto sa mga
sumusunod na proseso ay maaari nang makapaglingkod sa
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon. Amen. misa (bukod sa mga araw ng Sabado at Linggo) bilang
tagabasa ng Una o Ikalawang Pagbasa sa ilalim pa rin ng
Sta. Therese ng Lisieux, ipanalangin mo kami. gabay ng isang officer ng samahan;

3 4
a. pagsusuot ng wastong pananamit sa loob at labas ng
1. Apat (4) na beses na paglilingkod sa misa bilang bahay-dalanginan;
tagabasa ng Panalangin ng Bayan; b. paggamit lamang ng katamtamang lakas ng boses sa
2. Apat (4) na beses ng pagdalo sa paghuhubog loob ng bahay-dalanginan, lubhang nililimitahan ang
(formation) ng samahan; at pag-sigaw at paglalaro sa oras ng pananalangin; at
3. Sampung (10) sesyon ng pagsasanay sa c. hindi paggamit ng cellphone o anumang bagay na
pagbasa sa ilalim ng gabay ng isang officer.
maaaring gumambala sa pokus ng sarili at ng mga
Ayon naman sa kanyang magiging pagganap sa kasama sa partikular na aktibidad.
mga nakaraang pagsasanay at sa pagsang-ayon ng mga
officers ng samahan, ang isang Lector ay maaari nang 2. Ang isang Lector ay maayos na isinusuot ang kanyang
mapagkalooban ng blouse na gagamitin niya sa kanyang kumpletong uniporme sa tuwing siya ay maglilingkod sa misa.
patuloy na paglilingkod matapos ang karagdagdang Ito ay binubuo ng mga sumusunod:
dalawang (2) beses na pagdalo sa paghuhubog (formation) a. nakatali/naka-ipit na buhok;
ng samahan. b. blouse/ puting T-shirt;
c. Holy Spirit cross (kung mayroon);
▪ Huling Bahagi ng Pagsasanay d. palda; at
Sa pagtatapos ng pagsasanay na ito, ang isang e. itim na sapatos.
Lector ay makapaglilingkod na sa mga misa sa mga araw
ng Sabado at Linggo bilang tagabasa o commentator nang 3. Ang isang Lector ay nagpapakita ng paggalang sa oras ng
walang gabay mula sa kaninumang officer: kanyang kapwa sa pamamagitan ng mga sumusunod:
a. pagdating tatlumpung (30) minuto bago ang misa, lalong
1. Apat (4) na beses na paglilingkod sa misa bilang
tagabasa; lalo na sa mga araw kung kailan siya maglilingkod; at
2. Apat (4) na beses ng pagdalo sa paghuhubog b. pagdating sa paghuhubog bago magsimula ang
(formation) ng samahan; at panimulang panalangin.
3. Dalawang (2) sesyon ng pagsasanay sa ilalim ng
gabay ng isang officer. 4. Ang isang Lector ay nagpapaalam siyam (9) na oras bago ang
itinakdang misa sa mga pagkakataong hindi siya
makapaglilingkod dito. Siya rin ay responsable sa paghahanap
MGA PANUNTUNAN (RULES) ng kanyang kapalit na Lector.

1. Ang isang Lector ay nagbibigay-respeto sa kabanalan ng 5. Ang isang Lector ay nagpapakita ng kanyang pagiging
bahay-dalanginan, sa oras ng pananalangin, misa, at responsable sa maayos na pagpapaalam sa kanyang
paghuhubog sa pamamagitan ng mga sumusunod na magulang o tagapag-alaga at hindi paggamit ng simbahan
pamamaraan:

5 6
bilang rason kung wala namang importanteng aktibidad na
pupuntahan dito. Gayunman, sa mga pagkakataong mapapagpasyahan ng
isang miyembro na pansamantalang maging inaktibo sa loob ng
maikling panahon, maaari pa rin niya itong gawin sa ilalim ng mga
AKSYONG PANDISIPLINA sumusunod na kondisyon:
(WARNINGS / DISCIPLINARY ACTION) 1. Magpapasa siya ng Liham ng Planadong Kawalan ng
Aktibidad; at
Ang bawat naglilingkod na Lector ay nararapat lamang na 2. Aprubado ng mga officers ang kaniyang
sundin ang mga isinaad na panuntunan ng samahan. Isang warning pansamantalang pagliban.
ang ipapataw sa kaniya sa bawat isang pagkakataong lalabag siya
sa mga panuntunang ito. Habang ang mga miyembro ay maaaring MGA AALIS NA MIYEMBRO (DEPARTING MEMBERS)
ipa-alam sa mga officers ang kanyang nakita o narinig, tanging ang
mga officers pa rin ang may kakayahang magpasya ayon dito. Kung ang isang miyembro ng samahan ay kusang
magpapasyang umalis o mag-bitaw sa lahat ng kaniyang
Sa oras na mapatawan ng panlimang warning, ang
responsibilidad bilang isang Lector, ang mga sumusunod ay ang
nasabing Lector ay hindi muna mabibigyan ng pagkakataon na
mga dapat niyang gawin o i-sumite:
makapaglingkod sa misa sa susunod na buwan bilang aksyong
1. Liham ng Pamamaalam; at
pandisipilina. Ngunit sa mga panahong ito, inaasahan pa rin siyang 2. Pagsasauli ng kaniyang palda at blouse.
dumalo sa mga paghuhubog ng samahan upang maipagpatuloy
ang kanyang paglago bilang isang lingkod.
MGA BABALIK NA MIYEMBRO (RETURNING MEMBERS)

MGA AKTIBONG MIYEMBRO (ACTIVE MEMBERS) Kung nanaisin ng isang dating miyembro na bumalik sa
samahan matapos ng kaniyang pag-alis, ang mga sumusunod ang
Ang isang aktibo at naglilingkod na miyembro ng samahan mga dapat niyang gawin o i-sumite:
ay may hindi bababa sa animnapung porsiyentong (60%) bilang ng 1. Liham ng Pagbabalik;
pagdalo o attendance sa loob ng tatlong (3) buwan. 2. Muling pagpapasa ng mga paunang kinakailangan sa
pagpasok;
Ibig sabihin, ang bawat isang Lector ay dapat na
3. Pagdalo sa tatlong (3) sesyon ng muling pagsasanay;
magampanan ang mga sumusunod sa loob ng bawat tatlong
4. Pag-aaral ng sampung (10) buong aralin mula sa Bible
buwan:
Study (para sa mga babalik matapos ang anim na
1. Walong (8) beses na paglilingkod sa misa bilang
buwan mula ng pag-alis); at
tagabasa o commentator; at
2. Walong (8) beses na aktwal na pagdalo sa paghuhubog 5. Pagsusulit patungkol sa mga aralin sa Bible Study na
(formation) ng samahan. binubuo ng 20-30 na aytem (para sa mga sumailalim sa
Bible Study).

7 8
Habang nasa monasteryo, sinikap gawin ni Santa Teresita ang kalooban
ANG TALAMBUHAY NI SANTA TERESA ng Diyos sa mga maliliit na bagay na dapat gampanan ng isang mongha. Ipinakita
NG LISIEUX rin niya ang tahimik pero malimit na kabutihan at kagandahang-loob sa kanyang
mga kasama kahit nahihirapan siyang makisama sa kanila o nasasaktan nila ang
Isa sa pinakalaganap at pinakasikat na larawan ng isang kanyang kalooban. Dito niya nakita na ang susi ng kabanalan ay hindi
santa ay ang larawan ng isang monghang Carmelite na si Santa Teresita ng matatagpuan sa malalaking gawain kundi sa mga mumunting bagay na ginagawa
Batang si Hesus (St. Therese of the Child Jesus o St. Therese of Lisieux sa Ingles) nang may buong pagmamahal. Ito ang nagbigay sa kanya ng tunay na
na diretsong nakatingin sa kamera at nakangiti nang ubod tamis. Ang kanyang kapayapaan. Nakilala niya ang Diyos bilang pag-ibig at kaibigan, at hindi hukom
mga mata at ang kanyang ngiti ay tanda ng napakalalim na buhay-espiritwal na na dapat katakutan.
umakay sa maraming tao upang makilala ang tunay na mukha ng Diyos.
Tinawag niya ang kanyang bagong tuklas na karanasang ito bilang
Isinilang si Santa Teresita sa Alencon sa France noong 1873 sa mga doktrina ng “munting landas” (little way) ng pagiging bata o musmos ng kaluluwa
magulang na sina San Luis Martin, ang amang nag-aruga sa kanya, at Santa sa harap ng Diyos. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, at sa tulong kanyang
Zelie-Marie Guerin ang kanyang ina na maagang aklat na Story of a Soul (Kasaysayan ng Isang Kaluluwa), magiging tanyag ang
pumanaw (Nagulat ba kayo na santo at santa din ang mga magulang ng ating espiritwalidad na ito at magiging gabay ng napakaraming Kristiyano sa buong
bida? Sa kasaysayan, sila ang unang mag-asawa na sabay idineklara bilang mga mundo.
santo.) Kahit na maraming naging anak ang mga ito, hindi lahat ay nabuhay.
Naglingkod si Santa Teresita sa iba’t-ibang tungkulin sa loob ng
Limang babae lamang ang nakaligtas sa kamatayan sa pagkabata – isang santa
monasteryo. Dito lumago ang kanyang pananampalataya at nagbago ang
(Santa Teresita), isang nasa proseso ng beatification (Sr Francisca Teresa o
kanyang pananaw sa buhay. Nagpakita siya ng pagmamahal para sa mga pari at
Leonie), at maaaring sumunod na rin ang iba sa landas ng pagkilala sa kabanalan.
mga misyonero na pinag-alayan niya ng panalangin at sakripisyo. Nangarap
Ang apat na kapatid ni Santa Teresita ay naging mga mongha din, tatlo siyang maipadala sa monasteryo sa Vietnam (Saigon Carmel) pero hindi ito
sa Carmelite monastery kasama niya at isa sa Visitation convent kasama ng isa natupad.
nilang tiyahin. Kapag humantong sa pagka-santa ang iba pang mga kapatid ni
Dahil sa tuberculosis, namatay si Santa Teresita noong Setyembre 30,
Santa Teresita, matutulad sila pamilya ni San Bernardo (kung saan lahat ng
1897. Kahit hindi siya umalis ng monasteryo sa loob ng 9 na taon ng kanyang
miyembro ay nadeklara na bilang santo at blessed).
buhay doon, nakilala ang kanyang aklat at ang aral na dala nito. Maraming
Nang bata pa si Santa Teresita ay nagkasakit siya nang humanga sa kanya at natulungan ssa kanilang pananampalataya. May mga
malubha. Isang himala ang kanyang paggaling dahil sa tulong ng imahen ng Mahal himalang sinasabing naganap dahil sa kanyang tulong. Maraming nakaramdan ng
na Birheng Maria na nakita niyang ngumiti sa kanya. Tinatawag ngayon ang tulong at presensya ni Santa Teresita bilang isang kaibigan at kapatid sa
imaheng ito na “Virgin of the Smile.” Naging madasalin si Teresita at paglalakbay tungo sa Diyos.
pinaglabanan niya ang maraming kahinaan ng kanyang karakter.
Noong 1925 opisyal na ipinahayag siya bilang santa ng
Nang pumasok sa monasteryo ng Carmel ang kanyang simbahan. Siya ngayon ay patron ng France kasama ni Santa Juana d’Arc. Siya
dalawang kapatid, naging masidhi ang kanyang pagnanasa na ialay ang sarili sa din ay patron ng mga misyonero kasama ni San Francisco Javier. Tinanggap niya
Panginoon. Kailangan siyang maghintay at matuto ng pasensya dahil hindi agad ang titulo bilang Pantas ng simbahan noong 1997 dahil sa lakas ng kanyang aral
ipinagkaloob ang kanyang ninanais dahil sa sobrang bata pa niya. sa buhay espiritwal.

Sa wakas tinanggap siya sa monasteryo sa edad na 15 taong gulang.


Doon na niya gugugulin ang buong buhay niya hanggang sa kanyang kamatayan Sanggunian: http://ourparishpriest.blogspot.com/2018/02/parangal-kay-santa-teresita-ng-
sa edad na 24 taong gulang lamang. Ang naging bagong pangalan niya ay Sister sanggol.html
Teresita ng Sanggol na si Hesus at ng Banal na Mukha (Sr. Therese of the Child
Jesus and of the Holy Face).

9 10
TALAAN NG MGA MAHAHALAGANG KAGAMITAN NA Ciborium
MAKIKITA SA LOOB NG SIMBAHAN
Ito ay tila isang cup ngunit may takip kung
Altar table saan inilalagay ang mga host o ostya para sa
komunyon. Madalas din itong inilalagay sa
Ito ay isang mesa sa dambana ng simbahan Tabernakulo ng simbahan dahil dala dala nito ang
kung saan inilalagay ang mga elementong Sacred Host o Banal na Ostya.
kailangan sa pagdiriwang ng Eukaristiya.
Collectio Rituum
Ito ay isang libro at koleksiyon ng mga rito
Ambo na angkop at ginagamit ng Simbahan, kabilang na
ang mga mahahalagang sakramento gaya ng
Ito ay isang mesang tayuan kung saan binyag, kumpil, at ibp.
binabasa ang mga Pagbasa, Ebanghelyo at
homiliya. Tinatawag din itong lectern at makikita
malapit sa altar.
Holy Water
Ginagamit ng pari sa pagbabasbas ng tao.
Bibliya Ginagamit din itong pagbasbas sa mga relics o
mga religious figures na ukol sa Simbahang
Ito ay isang libro na naglalaman ng mga Katolika. Ito rin ay ginagamit sa pagbabasbas ng
tinipong sagradong sulatin na pinaniniwalaan may sakit o maging ng mga yumao.
nating mga Kristiyano na nanggaling sa Diyos.
Mayroong 46 na librong makikita sa Lumang Tipan
habang 27 naman sa Bagong Tipan.
Leksiyonaryo

Ito ay isang libro na naglalaman ng mga


Chalice bahagi ng Bibliya na itinalaga upang basahin sa
mga partikular na araw sa isang buong taon.
Ito ay isang cup na pinaglalagyan ng alak
upang maging dugo ni Kristo..

11 12
Misalette

Ito ay mas maikling bersyon ng missal na


nagtataglay ng mga panalangin, Pagbasa,
Libro ng Panalangin ng Bayan Ebanghelyo, at iba pa bilang gabay sa Banal na
Misa sa loob lamang ng isang partikular na araw.
Ito ay isang libro kung saan makikita ang
Maaari itong gamitin ng mga naglilingkod at
Panalangin ng Bayan na ginagamit sa pangaraw-
araw na misa at mga natatanging pagdiriwang. nagsisimba habang ipinagdiriwang ang
Eukaristiya.

Monstrance
Ito ang malaking vessel kung saan
inilalagay ang Blessed Sacrament. Madalas itong
Misa sa Paglilibing at Paggunita sa Yumaong ginagamit sa Benediction at Banal na Oras o Holy
Kristiyano Hour.
Ito ay isang libro na nagsisilbing gabay ng
pari sa pagdaraos ng misa bilang bahagi ng
paglilibing at paggunita sa isang namatay na
Ordo
Kristiyano.
Ito ay isang kalendaryo na inilalathala ng
Simbahan taun-taon. Kinakailangan ito para sa
pangaraw-araw na selebrasyon ng Banal na Misa
bilang gabay sa mga pagbasa at mga
ipinagdiriwang.
Missal

Ito ay isang libro na nagtataglay ng mga


Tabernakulo
dasal, mga importanteng awitin, tugon, at mga
tagubilin bilang gabay sa Banal na Misa sa loob
Ito ay isang natatanging lagayan na
ng isang taon. Ginagamit ito ng pari sa
nakalaan para sa Banal na Ostya na hindi nagamit
pagdiriwang ng Eukaristiya.
sa misa. Makikita ito sa likod ng altar.

13 14
MGA MAHAHALAGANG TERMINO TEMPLATE NG MGA LIHAM

altar lugar kung saan inihahandog ang mga alay bilang


pagpaparangal sa Diyos

Eukaristiya pasasalamat; Banal na Misa; pagtitipon-tipon ng


mga tao bilang pagtugon sa tawag ng Diyos at
pagpupuri sa Kaniya

kontribusyon lingguhang pagbibigay ng piso sa samahan upang


matustusan ang mga pangangailangan nito

officer taong nahalal o hinirang upang pamunuan ang


samahan; responsable sa pagpapanatili nang
maayos na pagpapatupad ng mga alituntunin ng
samahan; nagpapasya ng mga mahahalagang
hakbang na gagawin ng samahan

paghuhubog formation; lingguhang pagsasama-sama ng mga


miyembro at officers upang magnilay ng sarili at
pag-aralan ang liturhiya at pananampalataya
patungo sa pagiging isang mabuting lingkod at
indibidwal; pagpupulong upang mag-sanay at pag-
usapan ang mga alituntunin at paparating na
aktibidad ng samahan; nagaganap tuwing Sabado
sa ganap na 1:30PM.

sacristy lugar o kwarto sa simbahan kung saan inilalagay


ang mga panrelihiyong kagamitan na ginagamit sa
mga pagdiriwang

team leader taong responsable sa pagtingin sa pagganap ng


mga kasama niya sa paglilingkod kabilang na ang
kumpletong uniporme, oras ng pagdating at
tamang pagsunod sa mga panuntunan ng
samahan

15 16
17 18
Ang Aking Nobena ng mga Rosas na Panalangin
Rose Novena to Saint Therese

O Munting Teresita ng Batang si Jesus, pumitas ka sana para sa


akin ng isang rosas mula sa mga hardin ng langit at ipadala sa
akin bilang isang mensahe ng pag-ibig.
O Munting Bulaklak ni Jesus, hilingin mo nawa sa Diyos sa araw
na ito na ipagkaloob ang mga kahilingang buong pagtitiwala kong
inilalagay sa iyong mga kamay.
(Banggitin ang mga partikular na kahilingan.)
Sta. Teresita, tulungan mo akong maging katulad mo sa
paniniwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin, upang
matularan ko ang iyong "Munting Paraan" araw-araw.
Amen.

You might also like