You are on page 1of 4

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES


DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 SECOND SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

KABANATA IV
Panitikan Hinggil sa Lipunan / Pamahalaan

Aralin 1: MILIMINAS
Miliminas: Taong 0069 ni Nilo Par Pamonag salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa "Miliminas: Tuig 0069"

Tungkol sa Tagasalin:
→ Si Ruby V. Gamboa-Alcantara ay isang guro, manunulat at kritiko mula sa Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman, Quezon City. Siya ang awtor ng aklat na Ritwal at Diksiyonaryong
Hiligaynon-Filipino. Siya ay naging aktibong kasapi ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas.

MILIMINAS:TAONG 0069

Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitanaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon
ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng pulo ay binubuo ng higit sa 7, 200 mga pulo. Ito ang tawag sa mga
mamamayan ng nasabing kapuluan at katulad din natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay katulad din
sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kaiba rin sa atin.

Mik ang tawag sa kanilang pera. Ang tawag nila sa isang taong mayroong isang milyong mik o higit pa ay
mikinaryo. Sa pagbibihis ay malaki ang pagkakaiba natin sa kanila. Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga
babae ay ang katumbas sa atin ngayon na bathing suit at kamiseta at korto para sa lalaki.

Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinatutupad na hulihin ang
sinumang magdaramit ng mahaba pa sa sa mini-skirt at micro-skirt.

Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero
dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang "Public Disservice Commission" na
equality before the kilo.

Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang
kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding.

Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag na Nawasdak. Ang ahensyang ito ay may tatlong uri ng tubo.
Ang una ay nilalabasan ng Malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng Maruming tubing; at ang ikatlo, walang tubig
kundi Hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng Quatwasdak; Ang gripo na may malinis na tubig ay mahal
ang bayad at para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung
mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad.

Mayroon ding nagmomonopolyo ng kuryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang uri ng serbisyo
nito sa publiko. Ito ang Light Service, Brownout Service at Blackout Service. Ang Light service ay nagbibigay ng ilaw
sa araw at gabi. Ang Brownout service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo
ang ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong
ipakabit ay iyong Blackout service.

Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay
sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang
umuukupa ng mga kwartu-kwarto na kung sa atin ngayon ay mga bazaar. Sabihin pa, ang mga may-ari ng mga bazaar
ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk.

Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa
kanilang mga resolution, genuine na mga batas, at iba pa.

Upang mapagkatiwalaan ang mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli
ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na
pera, genuine na batas, at iba pa.

Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na Super Blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili
ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng busil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga
ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili ng patago at tigkakaunti lamang dahil laging

DHVSU Vision Mission


Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality
creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES
DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 SECOND SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda.
Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian.

Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at
pinapatawan ng salang illegal possession of genuine firearm.

Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang
mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o
milk na tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag
makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng isang "Outstanding Buwaya of the
Year".

Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na "Circus of Miliminas". Ang isang
batas ay para sa mayaman at ang isa ay para sa mahirap.

Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang kanilang maaaring gastusing
representasyon.

Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang santo- ang mik (ang
pera mismo), ang buwaya, at si Santasa, isang taong may sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas.
Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa
yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng anumang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa.

Ang mga malaking transakyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong
shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng mesa ng mga opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, ang mga
mesa ay mataas para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito.

Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues de aupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang
katotohanan. At isa pang nakapagtataka, ang ginugwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang
pamamalakad ng hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino sa mga
mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bista at bumaba na ang hatol,
ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa maraming mga nakakalayang masasamang tao. Sabihin pa,
malalaki ang bilangguan dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay tinatawag na
VIP (Very Important Prisoner).

Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa lang ng kampanya, magkaharap
na sa entablado ang magkakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon ang mudslinging ay pasaring
lamang sa mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat magsinungaling,
magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi matutupad, dahil kung hindi nya ito gagawin ay
pawawalan ng bisa ang kanyang kandidatura ng komisyon ng kalokohan, ang ahensyang namamahala sa eleksyon. Sa
araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila pinag-iisipan. Ang inisip nila ay
ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at ang may pinakamaraming pera. Ang
kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota.

Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya
at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan
mabubuhay sila nang maligaya kasama si Santasa, ang kanilang paboritong santo.

Ang Eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madaling maubos ang mga
mamamayan dito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang
bantog na baliw (ito ang tawag nila sa kanilang henyo) na nakabuo ng isang tabletang kung iinumin ng mag-asawa ay
magkakaanak ang babae ng isang instant baby, na ipinagbubuntis sa loob lamang ng dalwampu't apat na oras.

Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa Miliminas. Patuloy pa rin ang pag-iral ng mga bayang
kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa panahon ngayon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari.
Ipinagmamalaki pa ng matataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan.
Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang magigiting na tumanggap ng mga papuri na
maririnig mo sa bibig ng nakaraang administrasyon. At sino ang kanilang pinagtutungkulan? Ang pinagtutungkulan nila
ng papuri ay mga ismagler, mga namomorsyento, mga kickback artist, mga mayamang nag aapi sa mga mahirap, mga
nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at

DHVSU Vision Mission


Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality
creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES
DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 SECOND SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

mga pislak(piskal) na hindi tumitingin sa kisalp ng espada ng katarungan at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin
sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin
ang kaban ng bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa
pangangamkam ng yaman.

Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon na masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya
dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang
hepe ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho.

May ilang kabataang malawak ang pagiisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang
kaibahan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humingi ng isang klase ng pag-uugnayan
ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit ng lumaon
ay marami na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos
ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na tinatawag nilang dungis ng lipunan.

Ang simpatya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan at ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at nang
lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila, ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng may katungkulan.
Sumiklab ang isang rebolusyong lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas.

Bilang parusa sa kanilang dyos na si Santasa, dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na
paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging
dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.

Aralin 2
UPUAN
ni: GLOC 9

Tungkol sa Awtor/Umawit:

→ Si Gloc 9 (Aristotle Pollisco) ay isang Pilipino na kwalipikado sa Awit Award. Ang kanyang mabilis na
pagsalita ay ang daan upang siya ay maging isa sa mga tagumpay na rapper sa Pilipinas. Siya ay nanalo ng
gantimpala sa pagiging Pinakamagaling na Rapper sa Philippine Hip-Hop Music Awards sa tatlong
magkakasunod na taon (2005–2007) at siya rin ay nakilala sa MYX at MTV.

UPUAN
Kayo po na nakaupo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng


Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga Patay na laging bulong nang bulong
Wala namang kasal pero marami ang nakabarong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi Pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

DHVSU Vision Mission


Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality
creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES
DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 SECOND SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

Kayo po na nakaupo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Mawalang galang na po
Sa taong nakaupo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata


Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

DHVSU Vision Mission


Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality
creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.

You might also like