You are on page 1of 2

I. Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Ang Pera sa Pitaka

“Ate! May napulot ako sa may hintayan ng jeep.” Tuwang- tuwa si Lita. “Anong napulot mo?” tanong ni Letlet.
“Nakapulot ako ng pitakang may lamang pera.” “Pera? Magkano ang pera, Lita?” tanong ni Letlet.
“Limangdaang piso, Ate. May limangdaang piso na ako. Ang suwerte ko, hindi ba?” tuwang-tuwang sabi ni Lita.
“Hindi, Lita. Hindi iyo ang perang iyan. Isasauli natin ang pitaka sa may ari,” sabi naman ni Letlet. “Ate, napulot
ko ito sa waiting shed. Akin na ito, hindi ba?” Nagtataka si Lita. “Pero kawawa naman ang may-ari ng pitaka.
Hala, tingnan mo ang loob ng pitaka. Baka may pangalan sa loob,” utos pa ni Letlet. Tiningnan ng dalawa nang
mabuti ang loob ng pitaka. Isang tarheta ang nakita ni Lita. “Carmelito Santos. Labing-isa, daang Sta.Ana,
Sampalok.” Ito ang nabasa ni Letlet. “Kilala ko ang may-ari ng pitaka, Ate. Nakikita ko siya tuwing umaga. Alam
ko rin ang kanyang bahay. Sige, isauli natin ang pitaka,” yaya ni Lita.

1. Ano ang napulot ni Lita?


a. bag b. pitaka c. susi d. panyo
2. Magkano ang laman ng pitaka?
a. bente c. isandaan c. limangdaang piso d. isanglibo
3. Ano ang nakita nila sa tarheta?
a. telepono b. tarheta c. mukha ng may-ari d. pangalan at tirahan ng may-ari
4. Ano ang pinakitang ugali ng magkapatid sa katapusan ng kuwento?
a. masipag b. matapat c. ganid d. pagmamahal
5. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Ang Pera sa Pitaka”?
a. upang gayahin ng iba b. upang huwag tularan c. upang maging babala

II. Basahing mabuti ang mga depinisyon ng bawat salita. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa linya.
Pagpipiliang sagot:
A. batya- isang gamit na pinagbababaran o pinaglalabhan ng mga damit.
B. ingkong- matandang lalaki
C. magsing-irog- dalawang taong nagmamahalan o nag-iibigan
D. pampang- lupa sa paligid ng isang anyong tubig tulad ng ilog.
E. panatag- isang kalagayang walang gulo o tahimik

__________6. Dati’y maraming puno ang nakatanim sa tabi ng ilog Pasig.


__________7. Isang lolo ang nagkukwento ng mga pangyayari sa ilog.
__________8. Maraming magkasintahan ang namamasyal noon sa tabing -ilog.
__________9. Madalas din dito ang mga ina dala ang mga palanggana ng mga labada.
_________ 10. Sana’y manumbalik ang payapang kalagayan ng kawawang ilog.

III. Gawin ang sumusunod na panuto.


11. Isulat ang salitang FILIPINO. Bilugan ang lahat ng patinig.
12. Isulat ang bilang 1 hanggang 5 Bilugan ang bilang na nasa gitna.
13. Gumuhit ng puso at isulat ang iyong pangalan sa loob.
14. Sa loob ng bilog, isulat mo ang iyong edad
15. Isulat sa malaking titik ang pangalan ng iyong guro sa Filipino.

IV. Isulat ang T kung tama ang pangungusap na nagsasabi tungkol sa mga element ng kwentoat M naman kung
mali ang isinasaad nito
16. Ang bawat kwento ay may sangkap na tauhan, tagpuan at pangyayari o banghay.
17. Bahay, paaralan at palengke ay halimbawa ng tagpuan.
18. Tagpuan ang tawag sa nagsasalita, kumikilos at gumaganap sa isang kwento.
19. Si Ana ay isang halimbawa ng tauhan.
20. Ang tauhan ang nagbibigay buhay sa maikling kwento. Sila ay maaring mabuti o masama.

V. Sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan ,ano-ano ang mga dapat gawin? Isulat ang tamang
pagkakasunod-sunod gamit ang mga salitang nasa kahon.

Una
Pangalawa
Sumunod
Pagkatapos
Sa huli
Mga hakbang bago pumasok sa paaralan:
_________________magbihis ng damit
_________________maggsepilyo
_________________kumain ng almusal
_________________pumasok sa paaralan
_________________maligo

You might also like