You are on page 1of 5

Fourth Quarter Test

Filipino 3
S.Y. 2022-2023

NAME: _________________________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Ang ka ___ ___ ng grocery store ay maraming laman.


a. ts b. rt c. pr

2. Magaling kumuha ng li___ ___ ato ang aking kapatid.


a. ts b. kw c. tr

3. Makulay ang ____ ____ aysikel nina Aling Rosa.


a. tr b. pl c. kw

Basahin ang talata. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

“Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao na mayroong


iisang biyolohikal na pinanggalingan.” Ayon sa Ekonomiks at Kasaysayan ang
pamilya ay tumutukoy sa pinakamaliit at pinakapangunahing yunit na bumubuo sa
isang komunidad o lipunan. Ito ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at
kung minsan ay pati ng mga apo at iba pang kamag anak. Dahil ang pamilya ang
nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng isang lipunan, mahalaga na mapanatiling
maayos ang isang pamilya. Sila ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng
bawat miyembro nito, at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan.

4. Tungkol saan ang paksa ng talata?


a. Kaibigan
b. Lipunan
c. Pamilya

5. Kung lalagyan ng pamagat ang talata paano dapat ito nakasulat?


a. Ang Pamilya
b. ang pamilya
c. Ang pamilya
Ang Batang Madiskarte
Si Lito ay batang laki sa hirap. Siya ay isang batang maasahan at masipag
pagdating sa kanyang pag-aaral. Isang araw pumunta siya sa isang tindahan ng
kagamitan pampaaralan. Nakita niya ang mga kagamitan na kailangan niya para sa
kanyang proyekto. Malungkot si Lito dahil alam niya na hindi sapat ang perang dala
niya upang mabili ang mga kailangan niya. Malungkot na umuwi si Lito. Tinanong
siya ng kanyang ina kung bakit malungkot ito. Ngumiti si Lito na parang walang
lungkot na nararamdaman. At dahil sa ayaw niyang mabigyan pa ng problema ang
kanyang mga magulang tungkol sa kanyang proyekto, umisip siya ng paraan kung
paano madadagdagan ang kanyang salapi. Inipon ni Lito ang mga bote, plastic at bakal
na nakikita niya sa paligid ng kanilang tahanan at ipinagbili. Masayang nabili ni Lito
ang mga kagamitang kailangan niya para sa kanyang proyekto.

6. Bakit pumunta sa tindahan ng mga kagamitang pampaaralan si Lito?


a. Bibili siya ng kagamitang pampaaralan
b. Mamasyal siya
c. Magbebenta siya ng mga bote at plastik

7. Nabili ba ni Lito ang kagamitan para sa kanyang proyekto? Bakit?


a. Opo, dahil may pera siya
b. Hindi po, dahil hindi sapat ang pera niya
c. Hindi po, dahil wala doon ang kailangan niya

8. Ano ang naramdaman ni Lito?


a. Nalungkot
b. natuwa
c. nabigla

9. Ano ang ginawa ni Lito para madagdagan ang pambili niya Sa kanyang proyekto?
a. Humingi siya ng pera sa nanay.
b. Inipon niya ang mga bote at plastic na nkikita sa paligid at
ipinagbili niya ito.
c. Binasag niya ang kanyang alkansya.

Panuto: Piliin ang salitang kilos na angkop gamitin sa mga gawain sa tahanan upang
mabuo ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng iyong napiling sagot.

10. Masayang __________ ng mga halaman sina Jayson at Jaylene.


a. nagdidilig
b. nagmamaneho
c. nagsasaing

11. Maingat na ______________ ng mga damit si Jaymark.


a. naglalaba
b. nagsisibak
c. naglalaro

12. Palagi ka bang ____________ sa mga gawaing-bahay?


a. umaawit
b. kumakain
c. tumutulong

Panuto: Piliin ang letra ng salitang hiram sa pangungusap:

13. Mahilig kumain ng kendi si Arman kaya sumakit ang kanyang ngipin.
a. kendi
b. kumain
c. ngipin

14. Magaling tumugtog ng xylophone si Maricar.


a. Maricar
b. tumugtong
c. xylophone

15. Camera ang regalo ng tatay ni Mila sa kanyang kaarawan.


a. camera
b. regalo
c. tatay

Piliin ang letra ng angkop na kahulugan ng tambalang salita sa bawat bilang. Bilugan
ang tamang sagot.

16. Ang hitsura ng lalaking nakita ko sa ospital ay buto’t balat.


a. mataba
b. gutom na gutom
c. payat na payat

17. Pagiging mananahi ang hanapbuhay ng aking ama.


a. bahay
b. palaro
c. trabaho
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Piliin ang tamang mungkahing solusyon sa
tekstong nabasa.

18. May dalang pasalubong na tsokolate ang tatay ni Mario. Ang daming kinaing
tsokolate ni Mario kaya nakaramdam siya ng pananakit ng ngipin.
a. Kumain lang ng kumain ng tsokolate.
b. Magsipilyo pagkatapos kumain ng tsokolate
c. Maligo pagkatapos kumain ng tsokolate.

19. Bumaha sa barangay nina Ella dahil bumara ang mga basura sa kanal.
a. Hayaan na lamang na sila ang mag – isip sa kanilang suliranin.
b. Linisin ang kanal, tanggalin ang mga basura at magbigay ng mga paalala
ukol sa pagtatapon ng basura.
c. Pabayaan na lamang dahil mauubos din ang baha.

Panuto: Lagyan ng tsek ang tamang sagot.

____20. Sa pagtukoy ng mahahalagang detalye ng isang kuwento o balita,


kailangan matukoy mo ang mga salita na sasagot sa tanong na
sino,ano,saan,kalian,bakit,at paano.
____21. Ang mahalagang detalye ay nakatutulong upang masagot ang mga
tanong sa pinakinggan o binasang teksto.
____22. Kailangang pakinggan nang mabuti ang kuwento o balita.
____23. Ang paksa ay ang pangunahing tinatalakay sa kuwento o sanaysay.
____24. Mahalagang malaman ang tao o bagay at pangyayaring pinag-
uusapan sa kuwento o sanaysay.
____25. Malalaman ang paksa ng kuwento o sanaysay sa unang bahagi
lamang.
Panuto: Piliin sa ibaba ang salitang diptonggo na angkop sa bawat pangungusap:

26. Nasira ng malakas na bagyo ang lumang tulay na gawa sa ______________.


27. Pag-aalaga ng _________ ang kinagigiliwan ni Ben.

28. ________ asul na bistida ang paboritong isuot ni Paula.

29. Malamig ang ________ ng hangin tuwing buwan ng Disyembre.

30. Pagtatanim ng ________ ang ikinabubuhay ng pamilya ni Mang Peding.

You might also like