You are on page 1of 1

Lagumang Pagsusulit 3 sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Ikatlong Markahan

Pangalan:__________________________________________ Petsa:_______
Baitang at Seksyon:_____________________________ Iskor:___________

I . Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng mga paraan upang makamtan at
mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan at Mali kung hindi.

__________1. Sori kuya kung nasira ko ang bola mo.

__________2. Ate, tulungan na po kitang maglinis ng bahay.

__________3. Nanay! Ako na po ang mag-aalaga kay bunso habang kayo po ay naglalaba.

__________4. Inaway mo ang kapatid mo dahil binilhan siya ng iyong tatay ng bagong tsinelas.

__________5. Inagaw ni Lito ang laruan ng bunso nyang kapatid.

II . Panuto: Lagyan ng (/) ang gawaing nagpapakita ng pagpaparaya at (x) kung hindi.

_______1. Walang baon ang katabi mong kaklase kaya hinatian mo siya ng baon.

_______2. Bago ang damit mo nagustuhan ito ng bunso mong kapatid kaya ibinigay mo na lang.

_______3. May dalang tsokolate ang nanay . Kinuha lahat ito ni Lisa, Hindi niya binigyan ang kanyang mga
kapatid.

_______4. Walang lapis ang kaklase mo, hindi mo siya pinahiram, kahit dalawa ang lapis mo.

_______5.Pinauna mo sa pagpila sa kantina ang kaklase mong napilay ang paa.

You might also like