You are on page 1of 19

QUARTER 3 - WEEK 4

Health Education
*Sexual and
Reproductive Health
*Body Differences and
Growth
Learning Objective:
A. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng
katawan at ang konsepto ng paglaki.

Sub-Theme:
Sexual and Reproductive Health

Topic:
Body Differences and Growth
Introduction and Warm-up
Iparinig sa mga bata ang tulang “Ang Ating
Katawan”
https://youtu.be/ewi7p55Y_a0?
si=rnjmLSPMwHBCFqPJ
Concept Exploration:

A. Magpakita ng mga larawan ng iba-ibang


mga bata sa powerpoint.
B. Ipasuri sa mga bata ang kulay ng mata,
kulay ng buhok, at kulay ng balat ng bawat
bata sa larawan.
C. Magtawag ng limang bata na pupunta sa harapan.
Ipahambing sa mga bata ang laki ng katawan, haba ng
buhok, taas at kulay ng mata ng bawat bata.
D. Ipaliwanag sa mga bata na ang ating katawan
ay magkakaiba. Hindi magkakapareho ang laki,
kulay ng mata, buhok at balat, taas at haba ng
ating buhok.

E. Talakayin sa mga bata kung paano lumalaki at


nagbabago ang kanilang katawan habang sila ay
lumalaki.
ACTIVITY:
Sharing and Reflection:
Laro:
A. Ayusin Mo!
Pangkatin sa 5 pangkat ang mga bata. Bawat pangkat
ay aayusin ang kanilang pagkakasunod-sunod ayon sa sasabihin
ng guro:
1. Ayusin ang pila mula sa pinakamataas papunta sa
pinakamababa.
2. Ayusin ang pila mula sa pinakamalaki ang katawan
papunta sa maliit na katawan.
3. Ayusin ang pila mula sa may pinakamahabang buhok
papunta sa pinakamikling buhok.
B. Hanapin Mo!
Magtatawag ang guro ng isang batang bubunot ng isang
strip na papel na may nakasulat na pangungusap: Ipabasa
ang pangungusap na nakasulat sa papel at ipahanap ito sa
bata.
Hal.
- Hanapin ang kaklaseng may pinakamahabang buhok.
-Hanapin ang kaklaseng may pinakamalaking katawan.
-Hanapin ang kaklaseng may pinakamaputing kulay ng balat.
Activity:

Pangkatin sa 5 pangkat ang mga bata. Bigyan


ang bawat pangkat ng tape measure. Ipasukat
ang taas ng bawat bata sa bawat pangkat.
Talakayin ang pagkakaiba ng taas ng mga
bata.
WRAP-UP/REFLECTION
Itanong:
* Paano natin mapahahalagahan ang ating sariling katawan?
*Tama ba na pagtawanan ang isang bata na may matabang
katawan? Bakit?
TANDAAN:
Ang bawat isa sa atin ay espesyal at natatangi, dapat
nating ipagmalaki at huwag ikahiya ana anumang hitsura
at katawan mayroon tayo. Dapat rin nating alagaan at
ingatan ang ating katawan sapagkat ito ay bigay sa atin ng
ating Poong Maykapal.
ART ACTIVITY:
Bawat bata ay bigyan ng isang papel at ipaguhit ang kanilang sarili.
GROUP III. Ikabit ang ngalan ng katawan sa tamang
bahagi nito.
GROUP IV: Isulat ang pangalan ng bawat bahagi ng
katawan.
Wrap-Up:

Laro: PINOY HENYO


Ang klase ay maglalaro ng larong
pinamagatang “Pinoy Henyo”.
Mga bahagi ng katawan ang huhulaan
ng mga bata sa larong ito.
Tandaan:
Bahagi ng paglaki ng isang bata ay ang
pagbabago ng ilang bahagi ng kanilang
katawan. Nararapat lamang na alam natin
kung paano ito pangangalagaan.

You might also like