You are on page 1of 1

ANNEX C

PAGSASAGAWA NG PAGTALIKDAN
(Undertaking and Waiver)

1. Ako ay bumili ng isang yunit ng bahay na may paglalarawan ayon sa sumusunod:

Modelo ng Bahay: : ____________________


Bilang ng Block at Lote : ____________________
Sukat ng Lote : ____________________
Pangalan ng Proyekto : WESTDALE VILLAS

2. Nangangako ako na pagkatanggap ko ng Notipikasyon o Pagbabatid ng Pagbibigay ng Pamomosisyon (Notice of


Turn Over) mula sa Peakland Prop. Inc. na susuriin ko, tatanggapin, pupusisyunan at ookupahin ang yunit sa loob
ng 30 araw mula sa pagkatanggap ko ng pabatid at ipaaalam ko sa HMI/PPI/LGI ang anumang sira o depekto
kaugnay sa pagtatayo ng nasabing yunit.

3. Kung sakaling hindi ko tatanggapin, maposisyunan at maisagawa ang pagsusuri sa takdang panahon, ang Pagbatid
Hinggil sa Yunit (Constructive Notice of Unit) ay kinakailangang tuparin ng developer ayon sa nakasaad sa aking
nilagdaang Kasunduan ng Bilihan at sa pamamagitan ng nasabing Constructive Acceptance (Pagtatanggap),
isinusuko ko ang aking karapatan na masuri ang nasabing yunit at obligado akong tanggapin ito sa kasalukuyan
nitong kondisyon o “as is where is” sa loob ng panahon ng aking aktuwal na pagtanggap na lagpas na sa 60 araw
mula sa petsa ng pagpapabatid.

4. Nangangako ako na sa oras na ang Kasunduan ng Pagbili ng nasabing yunit ay makansela bunga ng di ko
pagbabayad ng buwanang hulog (monthly amortization) ayon sa nakatakdang panahon ng pagbabayad ng halaga
ng bilihan, kagyat kong lilisanin at kusang isusuko ang yunit na hindi na kailangan pa ng pagpapabatid o kautusan
mula sa Peakland Prop. Inc..

5. Batid ko at aking naunawaan na ang halagang Php 3,500.00 na aking binayaran sa Peakland Prop. Inc. bilang
move-in fee ay gagamitin para sa aplikasyon at pagpapakabit lamang ng permanenteng suplay ng kuryente. Habang
isinasagawa ang proseso sa pagpapakabit ng permanenteng suplay ng kuryente, ang aking bahay o yunit ay
bibigyan muna ng Peakland Prop. Inc. ng pansamantalang suplay ng kuryente at ako ay nangangakong
magbabayad ng buwanan sa halagang nakasaad ayon sa dokumentong pinirmahan ko sa “Mga Gabay Sa Paglipat
(ANNEX A)” hanggang sa dumating ang takdang panahon na maging permanente na ang suplay ng kuryente sa
aking yunit.

6. Nauunawaan ko na ang hindi ko pagbabayad sa Peakland Prop. Inc. ng aktuwal na buwanang konsumo ng suplay
ng kuryente ay dahilan para ihinto ng developer nang pansamantala ang suplay ng kuryente sa aking yunit
hanggang sa mabayaran ko ang kaukulang halaga ng aking nakonsumo.

_____________________________________
Buyer (Signature Over Printed Name)
ID _______________________________
ID NO. _______________________________

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumagda ngayong ika - _____ ng ________________. 202_.

Doc. No. ___________


Page No. ___________
Book No. ___________
Series of 202_

You might also like