You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

(ESP) BAITANG -10

I. MGA LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Makikilala ang kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos;
2. Makapagbibigay ng mga pangyayari sa buhay na kung saan nakatutulong ang pagmamahal sa Diyos; at
3. Maisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Ang Pagmamahal ng Dios
B. Kagamitan: Cartolina, felt tip pen, story card chart, Powerpoint Module, Visual Aid
C. Sanggunian: QUARTER 3, Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 1
D.Value Focus: Pagiging mapagmahal

III. PROSESONG PAGKATUTO


Gawain ng guro Gawain ng Bata

A. PAMAMARAAN
1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng upuan
3. Attendance

B. BALIK-ARAL SA NAKARAANG ARALIN


Bago natin talakayin ang ating bagong leksyon ngayon,
atin munang balikan ang ating nakaraang talakayan. Sino
sa inyo ang nakaalala pa ng ating topiko sa nakaraang klase?
Ako po, maam.
Ikaw Jie-Ann, maari ba naming marinig ang iyong ideya?
Ang pinag-aralan po natin sa
nakaraan ay tungkol sa pag-
unawa ng konsepto ng
moralidad ng kilos ay gabay
sa pagpili ng pasya at kilos
Magaling, tama ang iyong sagot.
May mga katanungan pa ba tungkol sa nkaraang nating talakayan?
Wala na po, maam.

C. PAGGANYAK
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng laro kung saan masusubok
ang bilis ng inyong mata at isip. Ang larong ito ay tinatawag na
WORD HUNT. Hahatiin ko kayo sa tatlong (3) pangkat. Bawat
pangkat ay bibigyan ko nang chart na kung saan ay hahanapin niyo
ang 15 salitang sa loob ng tatlong pong segundo(30 seconds) may
kaugnayan sa pananalig at pagmamahal sa Diyos.
Ilan sa mga ito ay pahalang, pababa at pahilis (diagonal). Ang pangkat
na unang matapos ay dadagdagan ko ng puntos ang bilang ng mga
nakuhang salita. 5 puntos ang idadagdag sa unang mkatapos, 3 puntos
sa pangalawa at 1 puntos sa huli.

Naintindihan ba ang panuto?


Opo maam.
Mga Salitang Hahanapin
LANGIT MAMA MARY
PAMAMAHINGA SIMBA
PAGDARASAL PAGPAPATAWAD
PAGMAMAHAL KAPAYAPAAN
KAPWA TIWALA
HESUS BIBLIYA
PASKO MEDITASYON
SAKRIPISYO PAGAAYUNO
PAGNINILAY

(Simula ng Gawain)
(Pagtatama ng Gawain)

Base sa mga salitang inyong nahanap, mahalaga ba sa iyo ang mga ito?
Opo maam,

Ang mga ito ba ay nakatulong sa iyo sa pagharap sa mga suliranin sa buhay?


Opo maam,
Kapag mayroon kang problema, Rufino ano ang iyong ginagawa para
tulungan ka ng Diyos?
Nanalangin po ako
maam.
Ang mga salitang inyong nahanap, ano sa tingin ninyo ang pinagbibigyang
diin ng mga salitang ito?
Tumutukoy ito maam, sa
pagmamahal sa Diyos.
Ngayong araw na ito, tatalakayin natin ang mga bagay na ito:

(Pagbasa ng Layunin)

Ang ilan sa mga salitang inyong nahanap ay ang mga dapat gawin ng
tao upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos.

(Diskusyon ng guro ukol sa mga dapat gawin ng


tao upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos)

IV. PAGPAPALALIM

A. GAWAIN (Activity)
Upang lalong mapalalim ang inyong pag-intindi sa mga iyon ay
magkakaroon tayo ng isang gawain. Ang inyong pangkat ay mayroon
kayong babasahing kwento at tiyakin na maintindihan ninyo ito sapagkat
may sasagutan kayong tanong pagkatapos at ibabahagi niyo ito sa klase.

B. Analysis
Base sa kwentong inyong binasa, sagutan ang mga tanong na sumusunod:
a. Sa paanong paraan ipinakita ng lalaki ang kanyang pananampalataya sa Diyos?
b.Paano siya natulungan ng kanyang pananampalataya?
c. Anong mga pangyayari sa iyong buhay kung saan nakatulong ang pagmamahal ng Diyos?
Ang inyong gawain ay bibigyan ng puntos base sa rubrik na ito:

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


PAMANTAYAN Puntos Kabuuang puntos
Sapat at akma ang nilalaman ng
mgakasagutan 15
Maayos ang organisasyon ng mga ideya
at lalinisan sa pagbabahagi 10
Wasto ang pagbayabay at gramatika 5
Kabuuang puntos 30

Sino sa inyo ang may mga katanungan ukol sa ating gawain?


Wala na po maam.
Kung wala na ay maaari na kayong magsimula.

(Simula ng Gawain)
(Pag-uulat sa Klase)
C. PAGBUBUOD (Abstraction)

Ano nga uli ang anim( 6 ) na bagay na dapat gawin ng tao upang lalong
mapalalim ang kanyang ugnayan sa Diyos?
Ako po maam.
Pakinggan natin ang ideya ni Charish.
Panalangin, Pagninilay,
pagsamba, Pag-aaral ng
salita ng Diyos ,
pagmamahal sa kapwa at
pagbasa ng mga aklat
tungkol sa espiritwalidad.
Magaling, Charish.
Mula sa iba’t ibang paraan, napapalalim ng tao ang kaniyang
ugnayan sa Diyos. Kaya’t dito ay makikita ng tao na hindi maaaring
ihiwalay ang espiritwalidad sa pananampalataya. Ang espiritwalidad
ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalataya
naman ang siyang nagpapataas ng espiritwalidad ng tao. Dito ay
nagkakaroon nang malalim na ugnayan ang Diyos at ang tao.
Tumatanda ka na, marami ka pang mararanasan sa buhay, mahalagang sa
edad mong iyan ay simulan mo ng paunlarin ang iyong pananampalataya
sapagkat ito ang iyong magiging kalasag sa pag-unlad.

D. Aplikasyon (Application)

Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na talahanayan)


na nagpapakita ng pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos para sa susunod na dalawang linggo.
a. Itala rito kung nagpapakita ng mabuting ugnayan sa Diyos.
b. Maglakip ng patunay sa iyong ginawa.
c. Ipakita at ipabasa ito sa iyong mga magulang. Bigyan sila ng pagkakataon na makapagbigay ng payo
o komento sa iyong ginawa.
d.Anyayahan sila na ito ay lagdaan.
MY PERSONAL DAILY LOG
Komento at Lagda ng
Mga Araw Ugnayan sa Diyos Patunay
Magulang
Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman 10 puntos
Organisasyon 5 puntos
Presentasyon 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

V.PAGSASAGAWA/PAGTATAYA
Panuto: Subukin mong sukatin ang iyong kaalaman sa paksang tinalakay. Isulat ang TAMA kung wasto
ang pahayag at MALI kung hindi.
_______1. Walang dapat asahan ang tao kung hindi ang kanyang sarili upang umunlad sa buhay.
_______2. Ang guhit ng tadhana ang dapat maging pamantayan ng tao sa pagharap sa buhay.
_______3. Pananalig sa Diyos ang kalasag ng tao sa mga hamon ng pang-araw-araw ng pamumuhay.
_______4. Katangi-tanging pagpapahalaga ng mga Pilipino ang pananalig sa Diyos.
_______5. Kapag may pananampalataya sa Diyos, hindi na kailangan ng taong kumilos at magtrabaho pa.
_______6. Nakikipag-usap ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.
_______7. Ang pagbabasa ng Banal na Aklat o Koran ng relihiyong kinabibilangan ay nagsisilbing gabay
sa buhay.
_______8. Puno ng pag-asa ang mga taong may mahinang pananampalataya.
_______ 9. Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakan.
_______10. Walang pinipiling kalagayan sa buhay ang pagkakaroon ng matatag ng buhay ispiritwal.

VI. TAKDANG ARALIN


Sa isang malinis na papel, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Anong suliranin o pagsubok ang iyong dinaanan? Paano mo ito nalampasan?
b. Ano-anong pagpapahalaga ang nakatulong sa iyo?
c.Sundin ang pormat sa ibaba sa iyong pagsagot.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


PAMANTAYAN Puntos Kabuuang puntos
Sapat at akma ang nilalaman ng mgakasagutan 30
Maayos ang organisasyon ng mga ideya at lalinisan 20
sa pagkakasulat
Wasto ang pagbayabay at gramatika 10
Kabuuang pintos 60

GENELYN C. LOPEZ
SUBJECT TEACHER

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


(ESP) BAITANG -9

I. MGA LAYUNIN: Nakaktapos ang mag aaral ng isang gawain o produkto na may kalidad sa paggawa.

1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto at ang wastong
paggamit ng oras.

2. Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama na
ang pamamahala sa oras na ginugol dito

3. Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang
maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa, at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kaniyang kaloob

4. Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa
oras

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Modyul 10, Kagalingan Sa Paggawa
Ikatlong Markahan,Linggo 3
B. Kagamitan: Cartolina, felt tip, pen, story card chart, Powerpoint Module, Visual Aid
C. Sanggunian: Quarter 3, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul 3
D.Value Focus: Pagiging malikhain
III. PROSESONG PAGKATUTO
Gawain ng guro Gawain ng Bata

A. PAMAMARAAN
1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng upuan
3. Attendance

B. BALIK-ARAL SA NAKARAANG ARALIN

Bago natin talakayin ang ating bagong leksyon,


balikan muna natin ang ating nakaraang talakayan. Sino
sa inyo ang nakaalala pa ng ating topiko sa nakaraang klase?
Ako po, maam.
Ikaw Jie-Ann, maari ba naming marinig ang iyong ideya?
Ang pinag-aralan po natin sa
nakaraan ay tungkol sa
katarungang panlipunan. Na
kung saan pag aralan ang pag-
unawa sa mga konsepto
tungkol sa lipunan at paggawa
bilang paglilingkod tungo sa
tamang pagpili ng kurso o
hanapbuhay na magiging
makabuluhan at kapaki-
pakinabang sa kaniya at sa
lipunan.
Magaling, tama ang iyong sagot.
May mga katanungan pa ba tungkol sa nkaraang nating talakayan?
Wala na po, maam.

C. PAGGANYAK
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng laro kung saan masusubok
ang bilis ng inyong mata at isip. Ang larong ito ay tinatawag na
LARAWAN KO ,HULAAN MO. May ipakita akong larawan at Buuin
ang litra sa larawan at hulaan.Hahatiin ko kayo sa tatlong (3) pangkat.
Ang unag pangkat na mkasasgot ay bibigyan ko ng puntos.
(3)puntos ang ibibigay sa nakauna
(2)puntos sa pangalawa
(1)puntos sa huli
Naintindihan ba ang panuto?
Opo maam.
V__D___OPH___N____ V___ ____EOC__M____RA

V___DE___K____

Mga Salitang Nahulaan


1.Videophone
2.Videocamera
3.Videoke
(Simula ng Gawain)
(Pagtatama ng Gawain)

Base sa mga salitang inyong nahulaan, mahalaga ba sa iyo ang mga ito?
Opo maam,

Si ROBERTO L. DEL ROSARIO ay isang kilalang Pilipinong imbentor


ng Sing-Along System na kilala bilang Minus-One na kalaunan ay kilala
bilang Karaoke. Naipaglaban niya sa Kongreso ng Pilipinas ang pagpasa ng
panukala para sa insentibo sa mga imbensiyon ng mga Pilipino na
kalaunan ay naging batas RA 7459.

May ipakita akong bidyu tungkol sa mga taong may kagalingan sa paggawa.

( Bidyu suri)

Ito ba ay nagpapakita ng kahusayan o kagalingan sa paggawa ng produkto? Opo Maam


Jie An

Anu kaya ang indikasyon na may kalidad ang isang Gawain o produkto?
Joseph
Ang Indikasyon ay maging
Dorabli o matibay para ito
Ay may quality o kalidad
Ang isang produkto,at ito ay
Nakapsa sa standard,ito ay
Ligtas at kapakipakinabang
Higit sa lahat masiyahan
Ang customer sa paggamit
Nito.

Ngayong araw na ito, tatalakayin natin ang mga bagay na ito:

(Pagbasa ng Layunin)
(Diskusyon ng guro ukol sa mg katangioan at upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa)
May ipakita akong bidyu tungkol sa proyktong bayan para sa mga kabataan
(Bidyu Suri)

Nagpapakita Ba Ang Bidyu Ng Kagalingan Sa Paggawa?


Richmond Opo maam

Nakakatulong ba sa pag unlad Ng Ekonomiya sa ating


bansa ang kagalingan sa paggawa ng produkto O gawain?
Charish Opo maam dahil ito ay
Pwedi natin gamitin ang ating
Kaalaman na magiging malik-
Hain,masipag ta ibahagi ang
Ang ating nagawang mga
Produkto lalong lalo na ,ito
Makapakinangan bilang
Kabuhayan.

Tama,magaling.

IV. PAGPAPALALIM

E. GAWAIN (Activity)
Upang lalong mapalalim ang inyong pag-intindi sa mga iyon ay
magkakaroon tayo ng isang gawain.Sa inyong pangkat ,gumawa
kayo ng anekdota.Sumulat ng dalawa o o tatlong pangungusap
tungkol sa sa inyong hindi malilimutang karanasan ng iyong
nararnasan sa paggawa na produkto pagkatapos at ibabahagi ninyo ito sa klase.

F.Analysis
Base sa inyong karanasan, sagutan ang mga tanong na sumusunod:

a. Sa paanong paraan ipinakita mo ang iyong kagalingan sa paggawa?

b.Anong hakbang o paraan upang magkaroon ng kalidad o kagalingan


sa paggawa ng isang produkto kasama na ang pamamahala sa oras?

Ang inyong gawain ay bibigyan ng puntos base sa rubrik na ito:

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA


Nilalaman 10 puntos
Organisasyon 5 puntos
Presentasyon 5 puntos
Kabuuan 20 puntos
Sino sa inyo ang may mga katanungan ukol sa ating gawain?
Wala na po maam.
Kung wala na ay maaari na kayong magsimula.

(Simula ng Gawain)
(Pag-uulat sa Klase)

F. PAGBUBUOD (Abstraction)

Ano ang ibig sabihin ng kagalingan sa paggawa?


Ako maam,
Rufino
Ang kagalingan ay naayon sa
Kalooban ng Diyos at iniaalay
Bilang paraan ng pagpuri at
Pagpapasalamat sa kanya.
Ang paggawa ng mabuti at
may kahusayan ang may balik
na pagpapala mula sa Diyos
Tama
Bakit mahalaga ang kagalingan sa paggawa?
Ako po maam
Pakiggan natin ang edeya ni Leah
Ito ay mahalaga dahil ito ay
Nagsisilbing gabay upang
Gumawa ng kakaibang
Produkto o serbisyo na may
Kalidad.At kailangan natin
Na ang paglikha natin sa
Isang produkto ay may bunga
Ng kasipagan,tiyaga,pagiging
Masigasig,pagkamalikhain,at
Pagkakaroon ng disiplina sa
Magaling, sarili

Aplikasyon (Application)

1. Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa mga talento, kakayahan, at biyayang ipinagkaloob Niya sa iyo na
makatutulong upang magtagumpay ka sa buhay para sa iyong sarili, pamilya at sa bansa.

2. Isulat ito sa isang short bond paper na may desinyo ang margin at ipasa sa iyong guro pagkatapos ng aralin

.
3. Pagkatapos maibalik ng guro sa iyo ang liham na ito, idikit ito sa lugar ng bahay kung saan lagi mo itong makikita at
mababasa bilang panalangin mo bago ka matulog sa gabi.

Narito ang mga kraytirya Sa Pagsulat


1. Nakabubuo ng liham ng pasasalamat sa Diyos
2. Angkop at malinaw ang mensahe at mga salitang ginamit sa liham ng pasasalamat sa Diyos
3. Natutukoy ang mga tiyak na mga talento, kakayahan, at biyayang ipinagkaloob ng Diyos
4. Malinis at maayos ang pagkasulat at ang pagkagawa ng desinyo sa margin

V.PAGSASAGAWA/PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Bilugan ang litra pinakaangkop na sagot.

1. Ang sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang tao upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa maliban
sa:
A. Pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos
B. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
C. Pagtataglay ng positibong kakayahan
D. Pagkakaroon ng pambihirang lakas
2. Sino ang isang bulag ang matagumpay sa pagsasakatuparan ng kaniyang mithiin sa
buhay?
A. Roselle Ambubuyog B. Leonardo da Vinci C. Roselle Nava D. Aristotle
3. Pangarap mong umangat ang iyong estado sa buhay. Ano ang dapat mong gawin upang
maabot ito?
A. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
B. Magkaroon ng kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit, at magaling makipag-usap
D. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa pagamit ng oras
4. Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa na may kasamang wastong
pamamahala sa paggamit ng oras?
A. Dahil sa pagsasagawa maisasabuhay ang layunin ng tao
B. Dahil sa pagsasagawa mapatunayan ang natatanging halaga ng tao
C. Dahil sa paglikha ng produkto nangangailangan ng maraming oras upang masanay at magkaroon ng kahusayan
D. Dahil dito naisakatuparan ng tao ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos gamit ang oras na ipinagkatiwala sa
kaniya
5. Maganda ang pagkagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack ng
juice. Mabili ang mga ito lalo na ang may iba’t ibang kulay at disenyo. Ano ang ipinakikita
ng sitwasiyong ito?
A. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
B. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
C. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
D. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-samang tuparin ang mithiin ng lipuna
ANSWER
1.D
2.A
3.D
4.D
5.B

VI. TAKDANG ARALIN


PANUTO:
1. Mag-isip ng orihinal at angkop na proyekto ng Inyong Pangkat na maaari ninyong pagkakitaan
2. Siguraduhing magpamamalas ito ng inyong kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras
3. Ang nasabing proyekto ay hindi dapat magastos. Hangga’t maaari, ang mga kagamitan ay nagmumula sa mga
patapong bagay ngunit maaari pang i-recycle.
4. Mahalagang maidodokumento ang pagsakatuparan ng proyekto.
5. Sundin ang pormat sa ibaba.

I. Proyekto:

II. Layunin ng Proyekto:


III. Takdang Oras na
Ilalaan sa Paggawa
IV. Mga Kasanayang
Kailangan sa Pagbuo
ng proyekto:
V. Mga Kailangang
Hakbang sa Paggawa
nang may Kagalingan :

VI. Mga Pagpapahalagang


Natutuhan:
VII. Maikling Pagninilay:

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


PAMANTAYAN Puntos Kabuuang puntos
Pagkamalokhain/creativity 15
Kalidad/quality 10
Pagka orihinal/originality 5
Kabuuang puntos 30

GENELYN C. LOPEZ
SUBJECT TEACHER

You might also like